Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Uanne Feb 2019
Araw na naman ng mga puso
Nakahanda na ang hukbo
ng mga damdaming nagsusumilakbo,
tila nag-aapoy na parang mga sulo.

Mga gimik na talaga namang pinaghandaan,
magkasamang pagsasaluhan
para mamaya'y may lambingan
sa ilalim ng mga tala at buwan.

Kay sarap sa pakiramdam
kapag alam **** may nariyan.
Hawak iyong kamay
habang kayo'y naglalakbay.

Mga mata'y nagtutugma
tanging ligaya ang nakikita.
Mga kaluluwang umaakma
sa hulmahan ng bawat isa.

Kahit mahirap tumaya
umaasa pa rin at naniniwala
na isang araw bigla na lang mawawala
pait na dala ng nakaraang kabanata.

Pero laging alalahanin
Na mas may higit na nagmamahal sa atin,
Na kailan man ay di tayo iiwan sa gitna ng labanan,
dahil pag-ibig Niya'y walang hanggan.

Kaya't huwag maiinggit at mag-ngitngit
dahil sa ati'y may umiibig ng sulit na sulit
Tunay na sa paningin Niya'y tayo ay kaakit-akit
At kahit na minsan hindi tayo ipagpapalit.

Bago pa natin hingin at iusal
una na Niya tayong minahal.
Ito ang pagibig na di nauutal
walang takot at di nangangatal.

Patuloy lang sa pagmagmahal,
dahil ang pusong umiibig ng bukal
di kumukupas kailan man
kahit ilang araw at buwan pa ang dumaan.
13 Datapuwa't ngayo'y nanatili ang tatlong ito: ang pananampalataya, ang pagasa, at ang pagibig; nguni't ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig.
-Corinthians 13:13

02.14.19

Happy Valentines Day! (Minsan masakit magmahal pero sige lang..)
031717

Kanina, binibigyan kita
Kaso ayaw mo kunin
"Ang mahal naman," bulong mo
"Manghihingi na lang ako mamaya"
Nagtataka Ako sayo
Kasi mahilig ka sa mamaya
Pero alam ko, dyan sa "mamaya" mo
Kakailangan mo rin ako.

Umalis ka na
At nanatili Akong nakatiwangwang
Ahy oo nga pala,
Dinaanan Ako ng kaibigan mo
"Ang mahal, pero kailangan ko eh" sambit niya
At inakap niya Ako
At nagbigay siya.

Nahuli ka sa klase
Kasi sumama ka sa iba
Nakalimutan mo ba? Exam ngayon diba?

Magkatabi kayo ng kaibigan mo,
At nakita Mo Ako kasama siya
"Uyy, pahingi," bulong mo sabay turo sa  Akin
"O, sa susunod bawal na manghingi ah"
Wika niyang hindi nagdaramot.

Tinitigan mo Ako
Doon mo pinakilala ang yong sarili
Narinig mo ang mga tanong
At sa Akin mo ibinahagi ang lahat
Sana ganito na lang tayo palagi.

"Hindi ko to alam," nabasa Ko sa isip mo
Napuno ka ng kaba kasi baka bumagsak ka
Pero di ka nag-atubileng isuko sa Akin ang lahat.

Bago pa man malaman ng iba'y
Ako na ang unang nakaalam
Ng mga sagot mo sa kanilang
Nagpuno ng tanong sayong isipan.

Kinabukasan ang araw ng muli nating pagkikita
Alam kong kabado ka
Pero naghanda ka pa rin.
Dahan-dahan **** inihatid ang iyong sarili
Sa harapan kung saan naging saksi ang lahat
Hindi mo pa ako magawang tingnan
Pumikit ka at nanalangin
At sayong pagdilat
Sayong pagtitig, ramdam ko ang iyong galak
"Yes!" sigaw mo at doon ang unang yakap.
"Sana magkapapel na rin ako sa buhay mo. Sana wag ka nang humingi pa sa iba." - God
Leonoah  Apr 2020
Natividad
Leonoah Apr 2020
Alas sais y medya na ng umaga nang makauwi si Natividad mula sa bahay ng kanyang amo. Pagkababa n’ya ng maliit na bag na laman ang kanyang cellphone at wallet na merong labin-limang libo at iilang barya ay marahan siyang naglakad tungo sa kwartong tinutulugan ng kanyang tatlong anak. Hinawi niya ang berdeng kurtina at sumilip sa kanyang mga anghel.
Babae ang panganay ni Natividad, o di kaya’y Vida. Labindalawang taong gulang na ito at nasa Grade 7 na. Isa sa mga malas na naabutan ng pahirap na K-12 program. Ang gitna naman ay sampung taong gulang na lalaki at mayroong down syndrome. Special child ang tawag nila sa batang tulad nito, pero “abnormal” o “abno” naman ang ipinalayaw ng mga lasinggero sa kanila. Ang bunso naman niya, si bunsoy, ay kakatapak lamang ng Grade 1. Pitong taong gulang na ito at ito ang katangkaran sa mga babae sa klase nito. Sabi ng kapwa niya magulang ay late na raw ang edad nito para sa baiting, pero kapag mahirap ka, mas maigi na ang huli kaysa wala.
Nang makitang nahihimbing pa ang mga ito ay tahimik s’yang tumalikod at naglakad papuntang kusina. Ipagluluto niya ang mga anak ng sopas at adobong manok. May mga natira pa namang sangkap na iilang gulay, gatas, at macaroni na galing pa sa bahay ni Kapitan noong nangatulong siya sa paghahanda para sa piyesta. Bumili rin siya ng kalahating kilo na pakpak ng manok, kalahating kilo pa ulit ng atay ng manok, at limang kilo ng bigas.
Inuna niya ang pagsasaing. Umabot pa ng tatlong gatang ang natitirang bigas nila sa pulang timba ng biskwit kaya ‘yun na lang ang ginamit niya. Pagkatapos ay agad niya rin itong pinalitan ng bagong biling bigas.
De-uling pa ang kalan ni Vida kaya inabot siya ng limang minuto bago nakapagpaapoy. Siniguro niyang malakas ang apoy para madaling masaing. Kakaunti na lang kasi ang oras na natitira.
Habang hinihintay na maluto ang kanin ay dumiretso na sa paghahanda ng mga sangkap si Vida. Siniguro niyang tahimik ang bawat kilos para maiwasang magising ang mga anak. Mas mapapatagal lamang kasi kung sasabay pa ang mga ito sa kanyang pagluluto.
Habang hinahati at pinaparami ang manok ay patingin-tingin s’ya sa labas. Inaabangan ang inaasahan niyang mga bisita.
Mukang magtatagal pa sila ah. Ano na kayang balita? Dito lamang naikot ang isip ni Vida sa tuwing nakikitang medyo normal pa sa labas.
May mga potpot na nagbebenta na pan de sal at monay, mga nanay na labas-masok ng kani-kanilang mga bahay dahil tulad niya ay naghahanda rin ng pagkain, at mga lalaking kauuwi lamang sa trabaho o siguro kaya’y galing sa inuman.
Tulog pa ata ang karamihan ng mga bata. Mabuti naman, walang maingay. Hindi magigising ang tatlo.
Binalikan niya ang sinaing at tiningnan kung pupwede na bang hanguin.
Okay na ito. Dapat ako magmadali talaga.
Dali-dali niyang isinalang ang kaserolang may laman na pinira-pirasong manok.
Habang hinihintay na maluto ang manok ay paunti-unti rin siyang naglilinis. Tahimik pa rin ang bawat kilos. Lampas kalahating oras na siyang nakakauwi at ano mang oras ay baka magising ang mga anak niya o di kaya’y dumating ang mga hinihintay n’ya.
Winalis niya ang buong bahay. Maliit lang naman iyon kaya mabilis lamang siyang natapos. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad papasok sa maliit nilang tulugan, kinuha ang lumang backpack ng kanyang panganay at sinilid doon ang ilang damit. Tatlong blouse, dalawang mahabang pambaba at isang short. Dinamihan niya ang panloob dahil alanganin na kakaunti lamang ang dala.
Pagkatapos niyang mag-empake ay itinago niya muna backpack sa ilalim ng lababo. Hinango niya na rin ang manok at agad na pinalitan ng palayok na pamana pa sa kanya. Dahil hinanda niya na kanina sa labas ang lahat ng kakailanganin ay dahan dahan niyang sinara ang pinto para hindi marinig mula sa loob ang ingay ng paggigisa.
Bawat kilos niya ay mabilis, halata **** naghahabol ng oras. Kailangang makatapos agad siya para may makain ang tatlo sa paggising nila.
Nang makatapos sa sopas ay agad niya itong ipinasok at ipinatong sa lamesa. Sinigurong nakalapat ang takip para mainit-init pa sakaling tanghaliin ng gising ang mga anak.
Dali-daling hinugasan ang ginamit na kaserola sa paglalaga at agad ulit itong isinalang sa apoy. Atay ng manok ang binili niya para siguradong mas mabilis maluluto. Magandang ipang-ulam ang adobo dahil ma-sarsa, pwede ring ulit-ulitin ang pag-iinit hanggang maubos.
Habang hinihintay na lumambot na ang mga patatas, nakarinig siya ng mga yabag mula sa likuran.
Nandito na sila. Hindi pa tapos ‘tong adobo.
“Vida.” Narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses ng lalaki. Malapit niyang kaibigan si Tobias. Tata Tobi kung tawagin ng mga anak niya. Madalas niya ditong ihabilin ang tatlo kapag kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng amo.
“Tobi. Andito na pala kayo,” nginitian niya pa ang dalawang kasama nitong nasa likuran. Tahimik lang ang mga itong nagmamasid sa kanya.
“Hindi pa tapos ang adobo ko eh. Ilalahok ko pa lang ang atay. Pwedeng upo muna kayo doon sa loob? Saglit na lang naman ‘to.”
Mukhang nag-aalangan pa ang dalawa pero tahimik itong kinausap ni Tobi. Maya-maya ay parang pumayag na rin ito at tahimik na naglakad papasok. Narinig niya pang sinabihan ni Tobi ang mga ito na dahan-dahan lamang dahil natutulog ang mga anak niya. Napangiti na lamang siya rito.
Pagkalahok ng atay at tinakpan niya ang kaserola. Tahimik siyang naglakad papasok habang nararamdaman ang pagmamasid sa kanya. Tumungo siya sa lababo at kinuha ang backpack.
Lumapit siya sa mga panauhin at tahimik na dinaluhan ang mga ito tapos ay sabay-sabay nilang pinanood ang usok galing sa adobong atay.
“M-ma’am.” Rinig niyang tawag sa kanya ng kasama ni Tobias. Corazon ang nakaburdang apelyido sa plantsadong uniporme. Mukhang bata pa ito at baguhan.
“Naku, ser. ‘Wag na po ganoon ang itawag niyo sa akin. Alam niyo naman na kung sino ako.” Maraan niyang sabi dito, nahihiya.
“Vida. Pwede ka namang tumanggi.” Si Tobias talaga.
“Tobi naman. Parang hindi ka pamilyar. Tabingi ang tatsulok, Tobias. Alam mo iyan.” Iniiwasan niyang salubungin ang mga mata ni Tobias. Nararamdaman niya kasi ang paninitig nito. Tumatagos. Damang-dama niya sa bawat himaymay ng katawan niya at baka saglit lamang na pagtingin dito ay umiyak na siya.
Kanina niya pa nilulunok ang umaalsang hagulhol dail ayaw niyang magising ang mga anak.
“Vida…” marahang tawag sa kanya ng isa pang kasama ni Tobi. Mukhang mas matanda ito sa Corazon pero halatang mas matanda pa rin ang kaibigan niya.
“Ano ba talaga ang nangyari?”
“Ser…Abit,” mabagal niyang basa sa apelyido nito.
“Ngayon lang po ako nanindigan para sa sarili ko.” garalgal ang boses niya. Nararamdaman niya na ang umaahon na luha.
“Isang beses ko lang po naramdaman na tao ako, ser. At ngayon po iyon. Nakakapangsisi na sa ganitong paraan ko lang nabawi ang pagkatao ko, pero ang mahalaga po ay ang mga anak ko. Mahalaga po sila sa’kin, ser.” mahina lamang ang pagkakasabi niya, sapat na para magkarinigan silang apat.
“Kung mahalaga sila, bakit mo ginawa ‘yon? Vida, bakit ka pumatay?”
Sasagot n asana siya ng marinig niyang kumaluskos ang banig mula sa kuwarto. Lumabas doon ang panganay niyang pupungas-pungas pa. dagli niya itong pinalapit at pinaupo sa kinauupuan niya. Lumuhod siya sa harap nito para magpantay sila.
“Anak. Good morning. Kamusta ang tulog mo?”
“Good morning din, nay. Sino po sila? ‘Ta Tobi?”
“Kaibigan sila ni ‘Ta Tobias, be. Hinihintay nila ako kasi may pupuntahan kami eh.” marahan niyang paliwanag, tinatantya ang bawat salita dahil bagong gising lamang ang anak.
“Saan, nay? May handaan po uli sina ser?” tukoy nito sa mga dati niyang amo.
“Basta ‘nak. Kunin mo muna yung bag ko doon sa lamesa, dali. Kunin ko yung ulam natin mamaya. Masarap yun, be.”
Agad naman itong sumunod habang kinukuha niya na rin ang bagong luto na adobo. Pagkapatong sa lamesa ng ulam ay nilapitan niya ulit ang anak na tinitingnan-tingnan ang tahimik na mga  kasama ni Tobias.
“Be…” tawag niya rito.
Pagkalingon nito sa kanya ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagsisikip na ang lalamunan niya. Nag-iinit na rin ang mga mata niya at nahihirapan na sa pagbuga ng hangin.
“Be, wala na sina ser. Wala na sila, hindi na nila tayo magugulo.” ngiti niya rito. Namilog naman ang mga mata nito. Halata **** natuwa sa narinig.
“Tahimik na tayo, nay? Hindi na nila kakalampagin ang pinto natin sa gabi?”
“Hindi na siguro, anak. Makakatulog na kayo ng dire-diretso, pangako.” Sinapo niya ang mukha nito tapos ay matunog na hinalikan sa pisngi at noo. ‘Eto na ang matagal niyang pinapangarap na buhay para sa mga anak. Tahimik. Simple. Walang gulo.
“Kaso, ‘nak, kailangan kong sumama sa kanila.” Turo niya kayna Tobias. Nanonood lamang ito sa kanila. Hawak na rin ni Tobi ang backpack niya.
“May ginawa kasi si nanay, be. Para diretso na ang tulog natin at para di na tayo guluhin nina ser. Pramis ko naman sa’yo be, magsasama ulit tayo. Pangako. Bilangin mo ang tulog na hindi tayo magkakasama. Tapos pagbalik ko, hihigitan ko pa ‘yon ng maraming maraming tulog na magkakasama na tayo.”
“Nay…” nagtataka na ang itsura ng anak niya. Namumula na kasi ang mukha niya panigurado. Kakapigil na humagulhol dahil ayaw niyang magising ang dalawa pang anak.
“Anak parang ano lang ito…abroad. Diba may kaklase kang nasa abroad ang nanay? Doon din ako, be.”
Bigla ay nagtubig ang mga mata ng panganay niya. Malalaking butil ng tubig. Hindi niya alam kung naniniwala pa ba ito sa mga sinasabi niya, o kung naiintindihan na nito ang mga nangyayari.
“Itong bag ko, andiyan yung wallet at telepono ko. Diba matagal mo nang gusto magkaroon ng ganon, be? Iyo na ‘yan, basta dapat iingatan mo ha. Yung pera be, kay Tata Tobias mo ihahabilin. Habang nagtatrabaho ako, kay ‘Ta Tobi muna kayo.”
“Nay, hindi ka naman magtatrabaho eh.” Lumabi ang anak niya tapos ay tuluyan nang nalaglag ang luha.
Tinawanan niya naman ito. “Sira, magtatrabaho ako. Basta intayin mo ‘ko be ha? Kayo nina bunsoy ko, ha?” Hindi niya napigilang lambing-lambingin ito na parang batang munti. Kailangan ay sulitin niya ang pagkakataon.
Paulit-ulit niya itong dinampian ng maliliit na halik sa mukha, wala na siyang pakealam kung malasahan niya ang alat ng luha nito. Kailangan ay masulit niya ang natitirang oras.
“Nay, sama po ako. Sama kami ni bunsoy. Tahimik lang kami lagi, pramis, nay. Parang kapag andito si ser, hindi naman kami gugulo doon.” Tuluyan na ngang umalpas ang hikbi niya. Naalala niyang muli ang rason kung ba’t n’ya ito ginagawa. Para sa tahimik na buhay ng mga anak.
“Sus, maniwala sa’yo, be. Basta hintayin mo si nay. ‘Lika ***** tayo doon sa kwarto, magbabye ako kayna bunsoy.” Yakag niya rito. Sumama naman ito sa kanya habang nakayakap sa baywang niya. Humihikbi-hikbi pa rin ito habang naagos ang luha.
Tahimik niyang nilapitan ang dalawa. Kinumutan niyang muli ang mga ito at kinintalan ng masusuyong halik sa mga noo. Bata pa ang mga anak niya. Marami pa silang magagawa. Malayo pa ang mararating nila. Hindi tulad ng mga magulang nila, ‘yun ang sisiguraduhin niya. Hindi ito mapapatulad sa kanila ng mister niya.
“Be, dito ka na lang ha. Alis na si nanay. Alagaan mo sina bunsoy, be, ha. Pati sarili mo. Ang iskul mo anak, kahit hindi ka manguna, ayos lang kay nanay. Hindi naman ako magagalit. Basta gagalingan mo hangga’t kaya mo ha. Mahal kita, be. Kayong tatlo. Mahal na mahal namin kayo.” Mahigpit niya itong niyakap habang paiyak na binubulong ang mga habilin. Wala na ring tigil ang pag-iyak niya kaya agad na siyang tumayo. Baka magising pa ang dalawa.
Nakita niya namang nakaabang sa pinto si Tobi bitbit ang bag niya. Kinuha niya rito ang bag at sinabihang ito na ang bahala sa mga anak. Baog si Tobias at iniwan na ng asawa. Sumama raw sa ibang lalaking mas mayaman pa rito. Kagawad si Tobias sa lugar nila kaya sigurado siyang hindi magugutom ang mga anak niya rito. May tiwala siyang mamahalin ni Tobias na parang sarili nitong mga anak ang tatlo dahil matagal niya na itong nasaksihan.
Pagsakay sa sasakyan kasama ang dalawang pulis na kasama ni Tobias ay saka lamang siya pinosasan ng lalaking may burdang Corazon.
“Kilala namang sindikato yung napatay mo, ma’am. Kulang lamang kami sa ebidensya dahil malakas ang kapit sa taas. Kung sana…sana ay hindi ka nag-iwan ng sulat.”
“Nabuhay ang mga anak kong may duwag na ina, ser. Ayokong lumaki pa sila sa puder ng isang taong walang paninindigan. Pinatay niya na ang asawa ko. Dapat ay sapat na ‘yon na bayad sa utang namin, diba?” kung kanina ay halo humagulhol siya sa harap ng mga anak, ngayon ay walang emosyong mahahamig sa boses niya. Nakatingin lamang siya sa labas at tinititigan ang mga napapatingin sa dumadaang sasakyan ng pulis.
Kung sana ay hindi tinulungan ng mga nakatataas ang amo niya. Kung sana ay nakakalap ng sapat na mga ebidensya ang mga pulis na ngayon ay kasama niya. Kung sana ay may naipambayad sila sa inutang ng asawa niya para pambayad sa panganganak niya.
Kung hindi siguro siya mahirap, baka wala siya rito.
unedited
Meynard Ilagan  Jun 2017
SANA
Meynard Ilagan Jun 2017
Sana, bata na lang tayong lahat…

Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain
Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!”

Sana , bukas ay bakasyon na…

Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo.

Sana, pasko na lang bukas…

Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko.

Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan …

Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo.

Sana ikakasal na ako bukas…

Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo.

Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
-meynard
071812
cherry blossom  Feb 2018
Untitled
cherry blossom Feb 2018
ano ang pinakamaling ipilit sa kalawakan?
ang naisin ang paglaho
ang pagkasabik sa destinasyon
ang madaling paglisan
mga maling kamay na kanlungan
ilang beses na tayo nagbabakasakali
sa 'di mabilang na pagpapasubali
sa mga bahay na akala natin ay tahanan
sa mga taong ilang beses napaghandaan
sa mga baka sakaling hindi tayo iiwan
o ang tiwalang hindi tayo lilisan
mga ilang beses pa dapat umulit ang palabas?

may magbibigay ba ng kasiguraduhan?

dahil isa lang ang sigurado ngayon
ang walang pag-aalinglangang pagod
ang pagsuko
ang sunod-sunod na pagkalunod
ang ilang beses na pag-iyak sa walang katuturan
mga walang katuturan, dapat

pinilit nating manatili
bigyang sagot ang mga tanong sa nasirang haligi
tignan mo ang mga bituin
isa tayo sa kanila
o ang mga bulalakaw,
mga bato na pinagliyab ng damdamin
tignan natin ang ganda
mamaya na natin alamin ang kasinungalingan nila
mamaya na natin pag-isipan
na ang mga liwanag na ito'y nakaraan na
pagmasdan natin ang ganda
mamaya na natin pag-usapan
ang pagkawala matapos ang pagbagsak
'wag na nating itatak
sa mga munting isipan
ang nagbabadyang katapusan
dahil alam na natin ang kahihinatnan
sa maling paglusob sa gyera ng kalawakan
at ang pagsalungat sa mga propesiya na minarkahan

hintayin na lang natin ang katapusan.
ibato na lang natin sa kalawakan ang hinaing sa mundo
02/20/18
Nilawis ng dilim ang mayorya ng mga ilaw sa kalangitan
Ang kapanglawan ng mga ulap na nagdaan ay nakakapangilabot
Kumikinang ang maliliit na butas sa telang itim na tumatalukbong sa himpapawid
At sa bawat minutong nagdadaan may tila bang may naglalaro sa balabal ng karimlan
Tila may kutsilyong pumupunit sa alapaap para makasilip ang liwanag
Ngunit muling isasara ang tastas na nagawa sa segundong ito'y nagsimulang bumuka

May mga bulalakaw na nagpakita.

Tayong limang nakahilata sa kamang kayumanggi na sinapinan ng damo
Agad-agad tumingala sa pag-asang tayo'y makakahiling sa mga nauupos na bato
Ang saglit na gumuhit ang bulalakaw ay nag-umapaw tayo sa tuwa
Halata ang paniniwala sa pamahiing matutupad ang pangarap kapag humiling ka
Sa isa't kalahating segundo na iyon na nagising ang ating mga diwa
Ang mga daliri ay nakaturo sa nagdaang hulagway na hindi na maibabalik

Sabay-sabay tayong pumikit.

At sa pagbukas ng mga bintana patungo sa ating mga kaluluwa
Ang isa sa atin ay nagreklamo; "Hindi ko nakita!"
At sa kanyang pagsamo sa uniberso na magbigay pa ng pagkakataong humiling
Paghalakhak at malarong panunukso ang nakuha niya mula sa atin
Habang ang mapangilabot na simoy ng hangin ay humaplos sa ating mga katawan
At ang katatawanan ay napalitan ng isang tanong walang kasiguraduhan:

"Kailan kaya ulit mangyayari 'to?"

Na tayo ay magkakasama sa isang pagkakataong
Walang inaalalang pagsalansang ng mundong hindi tayo
Na ang tanging balabal na bumabalot sa ating mga puso ay ang yakap natin sa isa't-isa
Na ang kalinawan ng ating mga isip ay nagiging malaya
Magpakita lagpas pa sa pagkislap sa gilid ng balintataw ng mata
Na kung saan, tayong matatalik na magkaibigan,

Tayo ay masaya.

Sa bawat pilit na pag-alpas natin mula sa bisig ng nakaambang
Mapanglaw na kinabukasan, tayo'y palaging magtatagpo dito
—Hindi ko sinasabing sa plazang ito kung saan ang usok ng sigarilyo ay lumulunod sa baga,
Kung saan ang mga punong nakahilera ay nakahubad at dayupay,
Kung saan lingid ang ating kagustuhan gawing tirahan ang tinalikdang plaza na ito—
Kung hindi, dito! Sa pagkakataong busilak ang tawanan at totoo ang ating pagkakaibigan

Sa huling pagkakataon tumingala tayo.

Lubusin natin ang pagkakataong kinakalmot ng mga anghel ang kalangitan
Magpakasasa tayo sa saglit na pinatotohanan natin ang pamahiin
Na kapag humiling ka sa bumabagsak na bituin ito'y magkakatotoo
Na inuulok natin ang isa't-isa ipikit ang mga mata sa bawat ilaw na gumuguhit
Sa himpapawid na madilim na mamaya ay babalik sa maulap na umaga
At sa nagbabadyang pagtatapos ng pag-ulan ng ilaw at muling pagbukas ng ating mga mata

Hanggang sa huling bulalakaw,

Kaibigan,

**humiling ka.
Read more of my works on: brixartanart.tumblr.com
Sabi mo sa akin tumingala ako sa langit
At tingnan ang mga talang kaakit akit
Nang ako'y tumingin sa kalangitan
Ni isang ningning ay wala akong namataan
Nasan ang sinasabi mo?
Bakit ang labo mo?

Sabi sa isang dyaryong aking nadampot
Ang mundo'y puno na ng poot
Simoy ng hangi'y hindi na presko
Pagsasa walang bahala, eto ang epekto

Puro nalang kasi AKO AKO AKO
Wala manlang SILA SILA SILA
Paano na nga ba ang iba?
Parati nalang sila ang taya
Kelan ba sila makakalaya
Tila ang tadhana'y maramot at madaya

Mga walang kamalay malay
parati nalang nadadamay
sa mga bagay bagay na tayo ang may gawa
Tila hindi na nagsawa
Sa ilang ulit nang pagmamaka awa

Sila ang nagbigay,
bumuhay
and nagpalago
sa ating ekonomiyang nagduduwal ng daan daang salapi
at nagbibigay sa atin ng gatas na naiiwan pa sa ating mga labi

Tayo? Kelan kaya tayo makapagbibigay?
Kanilang pangangailangan
parati nalang "mamaya na yan"
Kung kelan huli na ang lahat
Kung kelan tayo na'y salat
Saka lang mapapansin
na malapit na tayong mag dildil ng asin

Hindi ba pwedeng baliktarin?
Baliktarin ang pamamaraan natin
Sila naman ang pagbigyan
Uhaw na sila sa kalayaan
FREEDOM ISLAND! FREE DEYUM ANIMALS! DONT TAKE AWAY THEIR HOMES!
Gwen Pimentel  Aug 2014
Pagod
Gwen Pimentel Aug 2014
Nakakapagod gumising sa umaga.
Maliligo, magbibihis, magpapakain ng aso
Pagkatapos ay papasok sa eskwelahan

Nakakapagod pumasok sa eskwelahan.
Paulit ulit ang ginagawa
Nakatunganga sa pisara buong araw
Pinoproblema na ang takdang aralin na gagawin mamaya.

Nakakapagod gumawa ng takdang aralin.
Lalo na pag nagsabay sabay ang mga ****
Nagkahalohalo na ang mga presentasyon
Hindi alam ang gagawin

Nakakapagod ang buhay ko
Alam ko bata pa lang ako, at ang mga problema ko
ay tila maliit lamang sa mata ng nakatatanda
Pero para sa akin, ito ay mahirap

Halos wala ng oras para sa sarili
Galing sa eskwela, darating sa bahay ng gabi
Maglilinis ng bahay, pagkatapos any gagawa ng takdang aralin
Matutulog, ng pagod na pagod na pagod.

Sa gitna ng kaguluhan Nakita ko si Hesus
Tumigil ako, lumuhod, at nanalangin
Pagkatapos ay tila nawala ang hirap ko
Para bang lahat ng dinadala ko ay inangat mula sa akin
Sabi ko "Hesus, ikaw talaga ang number one sa buhay ko!"
At napagtanto na kailanman, hinding hindi ko kakapaguran Ang Diyos.
English translation to follow. In line with Buwan ng Wika of the Philippines. Mahal ko ang aking wika.
RLF RN Oct 2015
UMAGA (Morning)*

“I won’t talk, I won’t breathe. I won’t move ‘till you finally see that you belong with me..”

Nag-alarm ang cellphone ko,
at oras na ng pag-gising ko.
Oo, tama ka.
Ang paboritong kanta ni Paulo
ang tunog ng alarm ko.

Sa pagdilat ko, nakita ko nanaman
ang Araw na kasisikat pa lamang.
“Paulo” ayan nanaman ang unang salitang
nasabi ko, ang unang bagay at tao
na laman ng isipan ko.
Naisip ko, ako rin kaya ang naiisip niya
bago siya matulog?
Ako rin kaya ang unang nasa isip niya
sa kanyang paggising?

Umaga nanaman, panibagong araw na haharapin.
Bagong pagkakataon, bagong aabangan, at
bagong mga pangyayari.
Ang tanong ay simple lang naman,
Magkikita kaya kami?
Mabibigyan kaya kami ng pagkakataon ngayon?

Ang kahapon ay nakalipas na, sabi nga,
pero magmimistulang kahapon pa rin ba
ang araw ko ngaun?
Naghikab ako, sabay bangon.

Sa pagbangon ko, tumingin akong muli
sa bintana nakita ko na kumpleto
ang kulay na bumubuo sa paligid.
Berde, asul, dilaw, pula, puti, itim, brown,
lahat na ng kulay!
Ang ganda ng mundo ng mga tao,
ang ganda ng umagang sumalubong.
Pero nawala ang ngiti sa mga labi ko, at
kung may nakakita man sa akin
mababakas sa aking mga mata
ang lungkot, pananabik at pangungulila
ng malayo kay Paulo.

Gaano man kaganda ang paligid ko,
hindi pa rin kumpleto ang MUNDO KO
ng wala si Paulo.
Muli, napabuntong hininga ako
kasabay ng pagpigil ko sa aking mga luha
na nag-aadyang sila ay muling papatak.
Ayoko munang umiyak hanggat maaga,
marami pa naman mangyayari.
Mamaya nalang ulit kapag andiyan na ulit si Gabi,
ganoon ulit ang eksena, at ganoon naman lagi.

Binuksan ko ang pintuan ng aking kwarto,
lumabas na ako, at sa pagsara ko ng pinto
nagtanong ako ulit:
“Nasaan si Paulo?”
inggo  Sep 2015
Bula ng Ariel
inggo Sep 2015
Kapatid mo ba si Nathaniel?
Para ka kasing isang Anghel
Pag kasama kita parang wala na ang Hell
Kaya lang naglaho kang bigla parang bula ng Ariel

Ako'y isang pakete ng sigarilyo
Full of HOPEs na magkikita pa ulit tayo
Kakausapin ko si mam Charo Santos mamaya
Maitanong kung maalala mo kaya?

Para akong isang sanggol na basa ang baru baruan
Hindi mapatahan simula ng iyong iniwan
Kasalanan ko ba na ako'y umiiyak
Kasi naman yung sibuyas ko ay walang awa **** biniyak
Mayroon akong gustong ibahagi sainyo
Isinulat ko lamang ito para sa mga interesado
Meron na kasi akong napupusuang isang tao
Pero teka lang, atin-atin lamang to
Di ko alam kung paano sisimulan
Pero alam kong gustong-gusto nyo ng malaman
Kung sino nga ba ang aking naiibigan
Kaya't heto na, inyo ng matutuklasan

Sya'y isang mananayaw
Napaka astig ng kanyang mga galaw
At talagang siya'y mahusay
Habang pinapanood ang kanyang pagganap, ako'y napapa WAW!
Ako'y lalo pang humanga
Nung nalaman kong sya'y manlalaro din pala
Pero hindi ng feelings ah!
Yung larong ang gamit ay shuttlecock at raketa

Marami-rami na din akong alam tungkol sa kanya
Syempre! Lagi akong updated sa kwento ng buhay nya
Ayokong nahuhuli sa balita, hindi naman sa pagiging chismosa
Kase baka mamaya di natin alam may jowa na pala, edi nganga!

Natutuwa lang ako dahil close na kami ngayon
Di ko akalain na magkakaganon
Kasi dati pinapangarap ko lang yon
Masaya na din, pero di na ako naghahangad ng higit pa roon

Marami na pala syang naka fling
Kaya ako naman noon, umaasa at nag fi-feeling
Nagbabaka sakaling mapapansin nya rin
Ang ganda kong walang kadating-dating
Lungkot lang dahil di nya pansin
Na ako sa kanya'y may pagtingin
Hindi ko alam kung kailangan pa bang aminin
O kaya'y akin na lamang ililihim
Pagkat tungkol dyan ay di ko kayang tapatin
Martir na kung martir, tatahimik na lamang at titiisin

Pero maiba tayo
Sa mga oras na to,
Di ko alam kung lalabas pa ba ako ng kwarto
O magkukulong na lang dito
At saka bubuksan ang pinto pag wala ng tao
Malamang nabasa na to ng mga magulang ko
Kaya't ihahanda ko na ang sarili ko
Pagkat mamaya pag nakita nila ako,
Sasalo ako ng gabot, hampas, palo
Hanggang dito na lang,
Damay-damay na to!
Iniaalay para kay Kuyang mananayaw
Ź Nov 2015
Gusto ko malaman, mahal mo pa ba ako?
Kasi baka mamaya, pinagpalit mo na ako.
Gusto ko malaman, ngayon, ako pa ba?
Kasi baka mamaya, wala na palang pwedeng maging "tayo"

Yun lang naman, gusto kong malaman

j.d.p
Stum Casia  Aug 2015
PALAKPAKAN
Stum Casia Aug 2015
May paligsahan ng palakasan ng palakpakan sa Batasan Complex.
May pabuyang naghihintay
sa mapuputulan ng kamay
kakapalakpak kahit palpak at sablay.  
Pabayaang maglaway ang mamamayan sa kaunlarang  ibabandila.
Hayaang mabilaukan ng kathang-isip ang mga pasilyo,
wawalisin na lang ito mamaya
o bukas kapag iba na ang usong balita.  
Kapag kasuotan na ang pinag-uusapan.

Madulas kayong lahat sa nasayang na laway.
Naghahanap ng away ang hindi pupuri.
Ang hindi sasamba.

Ang ayaw sumama sa pagsimba sa katedral ng kasinungalingan
pagugulungin sa labas ng bulwagan.
Walang puwang ang katotohanan kaninong palad man ito nakasulat.  
Kaya’t huwag itong iladlad.
Huwag itong itambad.

Huwag hubaran ang matagal nang nakahubad.

Ibibilad kayong mga bastos.
Iiwas sila sa pakikipagtuos,

dahil mas matigas pa sa mukha nila ang inyong katwirang
huwag sumali sa paligsahan.

Dahil ang masigabong palakpakan ay nakalaan sa sambayanang lumalaban.

— The End —