Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"umiihip" poems
Bakit sadyang mapagbiro ang tadhana? Hinayaan na ikaw ay makilala. Mabihag ang puso ko'y 'di inakala. Nang lumaon, ako sayo'y nahalina. Ikaw ay sinubukan na makausap, At aking sinambit ay "Hi! Hello! What's Up?" Inakala na ika'y sadyang mailap. Pagkat mga salitang iyo'y ang saklap. Dyahe, napaka-labo nga naman diba? Maging ikaw at ako, 'ika ng iba. Subalit 'di nagpadaig sa mga duda, Hanggang loob mo'y tuluyan ng makuha. Ang hangin ay malakas na umiihip, Sa labas habang ako ay nag-iisip. Kung pwede nga lang sana ito i-skip, Ngunit ang dibdib ay lalo lang sisikip.
0
Aug 21, 2015
Aug 21, 2015 at 2:40 PM UTC
*Malabo*
#110316 #Libis Sa ruta kong di malaman Kung pakaliwa ba o pakanan Doon ka naman naglaho, sinta At tanong ng puso'y nasaan ka na? Sa ulap na walang dalang ulan Di mawari kung maghihintay ba Sabihin mo, hanggang kailan? Sa hangin na hindi umiihip Tila sa ikot ng mundo'y naiinip Nasaan ka na? Sa araw na walang ilaw at sinag Tagos sa puso't damdamin ang pagkabanaag Kakagat ang dilim Pero bubuksan mo ang liwanag Ito ang ating takipsilim Bangon, itapon ang kumot na buhat sa dilim Sasabay ako sa agos mo Kung yan naman ang nais mo Sasabay ako sa pag-ibig mo Mamahalin kita hanggang sa dulo ng mundo Sasabay ako sa ihip mo Bawat letra'y siyang mensahe mo Sasabay ako sa pag-ibig mo Mamahalin kita magunaw man ang mundo Hanap-hanap kita Sa eskinitang may mga tagong kwento Sa mga tagpong hindi nagtatagpo Sa mga lirikong walang tono Sa mga pagkakataong di nagkakataon Sa mga luhang tiyak ang emosyon Sa mga ngiting nakabibitin Sa mga kulay na pinipintang may buhay Narito ka pala, narito ka pala.
0
Nov 2, 2016
Nov 2, 2016 at 7:50 AM UTC
Sabay
Nakaupo sa isang tabi Habang ang hangin ay umiihip Lumalalim na ang gabi Ikaw pa rin ang iniisip Dumating ang kinaumagahan Usok ng kape ang pinagmamasdan Luhang hindi mo inaasahan Umaasang may taong pupunas nyan Sa hapon ika'y magsasaya Kasama ang mga kaibigan o kabarkada Ngunit darating ang oras na uwian na Di na namalayan na ika'y nag iisa
0
Jun 7, 2015
Jun 7, 2015 at 10:55 AM UTC
Gabi, Umaga, Hapon
Nandito't nag-iisip, Dinadama ang hanging umiihip, Pinagngingilayan tong mga saloobin, Mga saloobing di sinabi't inangkin. Pagkat ayaw ko nang mabigo, Makaramdam ng mga panibugho, Kahit alam kong di pa 'to ang katapusan, Ayaw ko na sa kalungkutan. Ngunit di ko naman hawak ang lahat, Walang kapangyarihan, di sapat, Kaya makukuntento na lamang, Pagkat ako'y mayroon ring pagkukulang. Kaya heto't nagbabakasakali na lamang, Sa mga pagkakataong minsan minsan lang, Upang masabi ko ito sa iyo, Ang tunay at tanging nais ko. Nais ko na malaman mo, Kasama ang tunay na katapatan ko, Na ika'y mahal ko na, Huwag ka sanang mabibigla. Pagkat ito ang katotohanan, Pagkat ito ang aking nararamdaman, Ngunit alam ko naman ang tama, Kaya naisipang naisin at hindi ipakita.
0
Apr 5, 2017
Apr 5, 2017 at 7:59 AM UTC
Ang Tanging Nais Ko
Napuno ng tsokolate ang kanilang mga pisnging walang pakiramdam, At ang awit sa tabing estero’y maingay pa sa pag-iri ng mga metal na may susi. Unti-unti na rin silang naglabasan Na tila mga gagambang handa nang pagpiyestahan Ang mga bihag sa kahon ng posporo. Narinig ko ang malulutong na mga papel Na sabay-sabay ang pagpaubaya sa hanging umiihip ngunit mahiyain. Ang mga palad na kanina’y nakatikom sa mga tela’y Agarang nagsilikas at humalik sa mga lukot-lukot na papel. Narinig ko rin ang mga latang may mukha Buhat sa kani-kanilang sisidlan na kanina’y may makukunat na goma. Ngayo’y isa-isa silang ipinatumba Na para bang sa mga napapanood kong pelikula ni FPJ. Hindi ko matantya kung ano ba ang ibig sabihin Ng kakaibang sining sa mga mata nilang tila ba santelmo. Maghuhulaan ba kami sa kanilang mga bolang kristal O huhubarin na rin nang paisa-isa Ang mga alagad nito’t maibubunyag ang aking pamato.
0
Jun 13, 2021
Jun 13, 2021 at 2:15 PM UTC
Pamato(l)
.. Na sa tuwing tinitignan ko ang mga bituin ay naalala ko ang kislap sa iyong mga mata na minsa'y nag bigay liwang sa buhay ko. Na sa tuwing umiihip ang hangin at nilalamig ang aking katawan ay nangungulila ako sa mga yakap mo na sa sarap at higpit ay minsa'y bumuo sa pagkatao ko. Sa perpektong hugis ng buwan na nagpapaalala sakin sa perpektong hugis ng mga labi mo na minsa'y naging kanlungan ng sa akin. Mga bagay, na dahil sa brown out ay muli kong naalala.. - BROWNOUT, guotana
0
Jan 31, 2016
Jan 31, 2016 at 12:04 PM UTC
Brownout
Umiihip ang hangin Nalalanta ang mga dahon Nagsisihulugan sa lupa Sa ngayong panahon Handa silang magparaya Upang puno'y magbunga Ng bulaklak at prutas Sa susunod na bukas Ang ihip ng hangin Ang kanyang kakampi Sa paglagas ng dahon Siya'y aahon muli
0
Mar 2, 2021
Mar 2, 2021 at 8:03 AM UTC
Taglagas
Hayan nanaman sila, Naglalayag muli ang mga mamamahayag, Lagalag nanaman ang bandera ng pula, berde't asul Sa gitna ng karagatan ng mga nauupos na katotohanan, Ang hangin ng pagbabago ay muli nanamang umiihip, Tulak-tulak ang bangkang ginawa mula sa diyaryo't mga pangarap, At doon, Sa islang pinanggalingan ng mga mamamahayag, Kung saan ang mga tao'y kasali sa isang paligsahan ng mga bangkay, Nakatayo sa sentro ang isang pulang bahay na nagmamatyag, Sa kanyang pader nakaukit ang mga alituntunin ng larong maingay, Mangyari lang daw na patayin ang nagsasayawang mga apoy na nagbibigay ilaw sa pagbabago, Mangyari lang daw na patigilin ang pagkembot ng mga bewang sa kumpas ng isang ipinagbabawal na musika, Mangyari lang daw na mangarap ngunit tumingala sa usok ng kanyang establisiyemento, Mangyari lang daw na maglabas ng buntong hininga ngunit huwag sanang pagkamalang pamumulitika, Sa nayong malapit sa dalampasigan ng isla, Kung saan ang buhangin ay nananatili pang morena't hindi pula, Matatanaw ang isang maliit na eskenita, Kung saan naglalakad ang mga pudpod na paang naghahanap ng pag-asa, Ang daang malubak ngunit binuo ng pinagtagpi-tagping mga proweba, Ay mag tuturo sa daungan ng bangka ng mga sinabing peryodista, Ngunit pagdating sa nasabing tagong lugar, May mahabang pilang nag-aantay sa naturang bangka, Wari'y lahat ng talampakan ng mga tao'y dumudugo ngunit hindi namumula, Lahat ay may dalang maleta ngunit hindi naglalayas o nawawala, Sila'y nakapila upang antayin ang bangka, Hindi para sumama, Kundi para maging kalasag ng isang malayang pagpapahayag, Para maging tagapagtanggol ng isang katotohanang nararapat makita ng lahat ng mga nabigador, Para mapatahimik, hindi lang ang lagim ng laro, Kundi lahat ng mga bangkay na naiwan niyang nag iingay
0
Mar 14, 2022
Mar 14, 2022 at 11:23 PM UTC
Papel na Bangka (2020)

Continue reading...
31
Nakadungaw ako ngayon sa bintana. Umiihip yung hangin papasok, nag-iingay, tila binubulungan ako ng kalawakan: “Handa ka ba sa paparating na katapusan?” Subalit walang hanggang nakikita ang kalungkutan na ito. Sa umpisa palang, noong sinimulan natin ‘to, talo na agad ako. Hinihintay ka na niyang bumalik. Ako din, mayroong nag-aabang sa aking pag-uwi. Hindi nila alam na nagpapakapasaway tayo. ‘Di nila alam kung gaano tayo kasaya. Naaalala mo pa ba yung gabing bumyahe ako pa-kyusi para lang makita ka? Kahit ngayon, habang ako'y nagsusulat, pinapakinggan ko yung kantang tinugtog mo nung pagdating ko. Nasa pinaka-likod ako noon ng inuman, pero nahanap mo parin ako. Tapos buong gabi, pasilip-silip ka na — akala mo di namin nahahalata, pero yung titig mo’y sumunog ng landas patungo sa akin. Halos binahagi mo ang buong madla. Sa umagang sumunod, unang beses mo akong ihatid pauwi, at unang beses mo rin akong hagkan. Habang ako’y nagsusulat ngayon, napapaisip, hindi ko alam kung kailan tayo magkikita muli — Pero sapat na sa akin ang kaalaman na yinayakap ka niya tuwing tumutulo ang iyong luha. Sapat na sa akin ang makita ang pangalan mo sa telepono kahit na wala ka namang mensahe. Sapat na sa akin na naaalala mo ako, kahit na paminsan-minsan lang. Sapat na sa aking ika'y magligaya kahit na sa dulo ng lahat, ako yung talo. Kaya sa ngayon, maninigarilyo muna ako dito sa bintana, maghihintay nalang sa susunod na minsang maalala mo ulit ako.
0
Oct 8, 2022
Oct 8, 2022 at 10:03 AM UTC
Lihim, isang liham