Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik Feb 2019
Nang isilang ka'y kasama mo na ako
Kita ko ang tuwa sa mga magulang mo
Lahat ng kilos mo tinutularan ko
At kahit nasaan ka ay naroroon ako

Panahon ang nagturo sayo na mamulat
At sa unang pagkikita tiyak ang iyong gulat
Sa ilalim ng buwan sa gabing pagkagat
Naghahabulan tayo sa gitna ng gubat

May isang gabi lahat ng ilaw ay nakapatay
Ikaw'y nakipaglaro sakin ng walang humpay
Mga anyo ng hayop na likha ng iyong kamay
Sa harap ng kandila na sindi ng iyong inay

Sa gitna ng dilim ay di ka nag-iisa
Bagamat madilim hindi mo makikita
Halika sa liwanag at aking ipapakita
Ang aking anyo na dati mo nang nakita

Kahit saan ka magpunta ako ang buntot mo
Hindi mo lang pansin ako'y karugtong mo
Sumayaw ka at tutularan ko
Ngunit huwag sa dilim upang makita mo

Magbalik tanaw sa iyong ala-ala
Tuklasin ang aking talinhaga
Paalam tapos na akong magpakilala
Narito lamang ako lagi, aking paalala

JGA
zee Oct 2019
Tadhana na ata mismo ang gumawa ng paraan
Upang hindi na muling mailahad ang kwento
Ng pagmamahalang  nauwi lang sa hiwalayan
Nais sanang mag balik tanaw; silipin kung paano pumanaw
Ang pag-iibigan nating binawian ng buhay
Tulad ng paglubog ng araw at pagsapit ng bukang liwayway,
Nagbago hindi lamang ang mga kulay ng kalangitan;
Mga pangako sa isa’t isa ay tuluyang napako
Pag-ibig mo’y tuluyan ng naglaho
At ang dating nagsisilbing mukha bagong pag-asa ay ‘di na makakamtan
Dahil nag-iba at napalitan ito ng kahulugan magmula nang ika’y lumisan
Memories
Taon na Ang lumipas ng tayong dalawa ay mag sama.Mga ala-alang sobrang saya.
Road trip Dito,Gala don.Pasyal sa kung saan man Tayo mapadpad.
Tampisaw sa dalampasigan,sabay ng pag tanaw sa papalubog na araw.
Picnic sa gilid ng karagatan,pinagsasaluhan Ang alak habang nanonood ng masayang palabas na dinownload sa cellphone mo.
Sabay magtatawanan at magkukulitan.
Ninanamnam Ang bawat sandaling Tayo ay magkasama sa Isang romantikong Lugar na walang gumagambala,at maririnig sayo Ang mga salitang laging nagpapasaya at nagpapakilig sa buong pagkatao ko.Ang salitang "Thank you at  I love You".
Sarap lang balikan nitong masasaya at nakakilig na ala-ala.
Anong tuwa Ang nadarama sa tuwing makikita Kang Masaya.

Ngunit nagising Ako Isang Umaga  na nagpapaalam ka na.
Nais **** sa piling ko ay lumisan na,sinasabing Hindi ka na masaya at Ang dating pag ibig sakin ay biglang naglaho na.wala na Yung kilig at romantikong pagtatangi na lagi sa akin ay pinapadama.
Wala Naman tayong pinagtatalunan o Hindi nga Tayo nag away man lang.
Kinausap ka sa malumay na paraan dahil ayukong Tayo ay magkasakitan.
hinihingian ka ng paliwanag kasi Wala Naman Akong nagawang kasalanan.
Ano ba Ang naging kasalanan sayo para Gawin mo sakin ito,Meron n din bang iba?(pero Kilala kita alam Kong wala kang iba at Wala pang pumapalit sakin Jan sa puso mo.)

Ngunit bakit Sinasaktan mo Ako sa mga luha at hikbi mo,at ito'y labis na nagpapadurog sa puso ko.
Ilang araw tayong nagtalo at ayaw Kong pumayag sa gusto mo.
Paulit-ulit na binabangit mo Ang salitang Sorry kasi nasaktan na naman kita.

Realization
Ngunit Ang Tanong ko Sayo ay Ako din Ang nakasagot.
Ano nga ba Ang kasalanan at nagawa kong mali sayo?

Nagtatanong at hinahanapan ka ng dahilan ngunit Ako pala itong may kasalanan at pagkukulang.


Mali ko kasi,Hindi na Ako Yung dating pinaparamdam sayo Ang pagmamahal ko.
Mali ko kasi,Ni Hindi na kita hinahalikan o niyayakap sa tuwing aalis ako.
Mali ko kasi,Pati salitang mahal kita Hindi ko na nababangit Sayo.
Mali ko kasi,Nakalimutan ko na rin Ang tawagan o ichat ka sa tuwing nasa malayo Ako.
Mali ko kasi,ni kamustahin ka Hindi ko na nababangit sayo.
"Kumusta Ang araw mo,ok ka lang ba,masaya ka pa ba?miss n kita,mahal na mahal kita".mga salitang naipagkait ko Sayo ng Hindi ko namamalayan.
Mali ko kasi, sa tuwing matutulog Tayo di ko na din nagagawang mag good night at ngumiti man lang sayo.kahit good morning d mo na din naririnig ito mula sa labi ko.
Mali ko kasi,Nakalimutan ko na rin Ang ipag luto ka ng mga paborito **** pagkain.
Mali ko kasi,hindi na rin kita nasu-surprise sa tuwing darating Ang espisyal na araw natin.

Sobrang kampanti at palagay ng loob ko. madalhan ka lang ng pagkain sa tanghalian,meryenda at hapunan ay ayos na Yun.mabilhan ka ng grocery ay sapat na Yun.
Ngunit Hindi ko naisip na Hindi lang pala Yun Ang kailangan mo.
Kasama din pala dapat Ang Aruga at Pagmamahal ko.


Sorry sa mga panahon na sobrang kampanti Ako.
Sorry sa mga Oras na hinayaan Kong Hindi ka kamustahin.
Sorry sa mga Oras,araw at buwan n lumipas na Hindi Ako naging sweet Sayo.
Sorry sa mga panahon na masaya Ako pero malungkot ka.
Sorry sa mga bagay na Hindi ko nagawa para mapasaya ka.
Sorry sa mga pagkakataon na pinalipas ko para mawala Yung pananabik at pagmamahal mo.
Sorry sa lahat lahat ng Hindi ko nagawa ,nasabi at Naiparamdam  Sayo.

Sa minuto,Oras araw at panahon na binigyan mo ulit Ako ng pagkakataon na maipadama Sayo Ang pagmamahal ko,ay sasamantalahin ko para bumawi sa lahat ng pagkukulang ko.
Sisakaping Ibalik ulit Yung dating TAYO.
Break up is not only Cheating or Third Party,It is also Out of Love.
Minsan ok na Tayo sa salitang mahal kita,pero Hindi na natin napapadama at napapakita ito.hindi na Tayo gumagawa ng effort kasi alam natin na mahal Tayo ng mahal natin.
ipadama mo hanga't andyan pa sya sayo.wag sayangin Yung mga Oras at panahon na di mo napaparamdam at nababangit sa taong mahal mo Ang pagmamahal mo.baka magising ka Isang umaga Wala n pala sa sa piling mo.at marerealize Ang pagkukulang mo pag Wala na ito sa tabi mo.
renzo Jul 2020
Ang mirasol ay ang anak
Ng araw at nag-anyong bulaklak.
Kaya't dala mo ang halimuyak,
Ang ganda't liwanag.

Mula pagkabuo hanggang kasalukuyan,
Tagtuyo man o tag-ulan,
Mula pagsuko hanggang paglaban,
Munting mirasol ay binantayan.

Malapit man, hindi mahawakan.
Tanaw man, hindi malapitan.
Dinig man, hindi mapakinggan.
Masid na lang sa katahimikan, para sa'yong kabutihan.

Bagamat may kamandag mga kamay,
Kaya't ayaw kang dapuan,
Ako'y panatag naman basta'y,
Ika'y sa araw nasisinagan.
ang mirasol ay "sunflower" sa filipino
inggo Oct 2017
Humiga tayo sa damuhan
Tanaw nating ang kalangitan
Di makapaniwala na kasama kita
Puso ko’y tumatalon sa sobrang saya

Parang walang ibang tao sa kapaligiran
Ang oras ay tila binagalan
Hiling ko’y dito lamang manatili
Ngunit darating din ang oras ng pag-uwi
Kamille Tan Sep 2012
Hindi ko na
maalala

Kung kailan bang
Nagsimulang
Kinaya nang
Tapatan ang

Titig

Na lubusang
Nangwiwindang
Dahil kitang
Damdamin ang

Iyong tanaw.
Kahit ayaw







Ipakita.
theblndskr May 2017
Gusto ko ng isa
" Yun oh! Yung hawak ni
Manong nag-titinda. .
"
Itatali ko sa aking kamay
Habang lumilipad
Sa distansyang abot ko pa,
" Oo, yung color blue ah! "
Teka ilan nalang ba
Ang naipon kong barya?
" Hmm. . Aba aba, sobra pa kaya! "
Inipon ko 'to ng kay tagal
Mga baon na bigay ni nanay.

Itatali ko sa aking kamay,
Sabay naming babayuhin
Ang kalsada papuntang simbahan. .

" Sino yung umiiyak? "
Ahh, lumipad ang lobo niya.
Yung bata, kawawa naman. .
Kahit bilhan ulit ng Nanay,
Sige pa rin ang ngawa. .

" Ano nga bang meron sa lobo niya? "

" Bakit nga ba sila lumilipad? "

Ito yung lobong
Masarap tignan sa kalangitan
Di pwde itali ng matagal
Sasabit-sabit kung saan-saan
Kalaunan, puputok nalang.
Kaya sige, aking bibitawan na. .

"Sige lipaaaad! "
Diyan ka nababagay
Sa langit, tanaw ng madla
Malayo para aking silayan pa
Kinagagalak kong bitawan ka.

Pero wait diba uso,
Yung may kasamang sulat?
" Sigeee exciting, "
Lagyan natin para masaya :

                                 
     "  S a l a m a t .  "
Levin Antukin May 2020
balik-tanaw. limang taong gulang.
tapos na maghabulan, magtayaan.
pagod na ang lahat at ang natitira na lamang
ay magkwentuha't mag-asaran bago magsiuwian.

"wala mga daddy niyo sa daddy ko", sigaw ng aking kalaro,
"nagpapalipad siya ng mga eroplano".
manghang-mangha kami habang nagkukwento siya
at may hawak pang eroplanong papel.

"pero 'di papatalo si itay", sabi naman ng isa pa,
"sa Saudi siya nagtatrabaho kaya lagi akong may bagong laruan".
bilang ganoon pa kabata, 'di namin mapigilan mainggit.
sino ba namang hindi kung laruan ang binabanggit?

pinagyabang ko siyempre ang aking ama.
"pulis ang tatay ko". sabay humugis ng baril
gamit ang mga kamay.
basang-basa ang mga ito dahil sa pawis.
mga palad na makaraan ang isang dekada't kalahati
ay nalulunod na sa pagiging pasmado o marahil sa kaba
dahil sino ba'ng 'di matatakot sa pulis

ngayon?

nalaman namin na hindi nagpalipad ng eroplano
yaong daddy ng kalaro namin.
flight attendant siya. marangal na trabaho.
nagtrabaho nga sa Saudi ang itay ng kalaro pa naming isa
subalit kalaunang bumalik sa 'Pinas dahil pagod na.

kahit ano pa mang trabaho iyan o kung saan,
nakasisindak isiping nakatira ka sa iisang bubong
kasama ang isang mamamatay-tao.
ang malala ay isa siya noon sa mga pinaka-tinitingila ko.

tunay ngang mabilis ang pag-ikot ng mundo
kung ang nasa poder ay baluktot ang prinsipyo.
biktima tayong lahat na pumapailalim
sa mga nagmamataas na sakim at gahaman.
bakit magtataka sa kasulukuyan
kung mas masahol pa sa kriminal
ang puwersang kapulisan?
Levin Antukin Jun 2020
ilang beses mo itinatakda sa telepono
ang alarmang gigising sa 'yo kinaumagahan?
tipong ididilat mo na lamang ang mga mata,
magdadasal, babangon, iinom ng mainit na kape,
at wala nang iba.

sana ganoon din dito sa amin.

sa munting tahanan namin dito sa mandaluyong,
pinalaki kaming alerto sa wangwang ng mga bumbero.
ito ang alarmang gigising sa 'min
kahit kami'y mga gising na.
mapapipikit ang mga mata sa takot,
sabay takip ng tainga,
dahil sa sunod-sunod na sunog,
tanaw mula sa bintanang karatig ng kama.

paano nga ba matulog nang nakatatak sa isipan
ang sangkatutak na pamilyang walang matutulugan?
tag-ulan pa naman, maaaring bumaha.
at sa tanghali kinabukasan ay bilad sa lansangan.

paano nga ba matulog sa ugong ng mga trak
na kumakalampag sa dingding,
nanunuot ang alingawngaw sa balat?

paano nga ba matulog sa ilalim ng kahel na kalangitan?
takipsilim sa pagsapit ng alas-dyis ng gabi.
kinain ng nagniningas na apoy ang orasan.

pribilehiyo na
ang tanungin ang sarili
kung paano ka gigising bukas

'pagkat paano nga ba sila matutulog?
Randell Quitain Jan 2018
wala na ang ingay,
ngunit hindi ang ilaw,
tanaw pa rin ang banaag;
kahit layo'y nakabubulag.
Hanzou Jul 2019
Sa pagitan ng isang salamin kami'y unang nagkatagpo
Tila walang ibang nakikita habang tanaw siya sa malayo
Kaunting hakbang nalang ay patungo na ako
Ngunit napuno ng kaba at hiya, sapagkat unang beses ito.

Isang binibining marilag at may kaayusan
Na ang kaniyang kaanyuan ay kapita-pitagan
Malumanay niya akong tinungo at nilapitan
Na para bang kami ay mag-uusap ng masinsinan

Lumipas ang bawat sandali na kami ay magkasama
Habang dahan-dahang inilapat ang kamay sa kaniyang palad
Nilibot ang paligid, tanging siya lang ang nakikita
Mahinay ang takbo ng oras, na sa layo ng nilakbay ay parang nagpapahinga

Malapit na matapos ang panandaliang pagsasama
Habang ako'y pilit na tinalunton ang bawat hakbang niya
Dumating ang pagkakataong magpapaalam na
Lunos ang biglang nadama, sapagkat iyon ay una.

Sa larawan na aming kinuhanan nang kami ay magkasama
Ika-pitompu't anim na araw ng tatlong daan at animnapu't lima
Siya ay aking nakausap, nakasama, at nakita
Subalit hindi nasabihan ng isang mahalagang salita

Sa nag-iisang larawan na pilit kong iniingatan
Bumalik kami sa dati na sa telepono'y nag-uusap na lamang
Kung may pagkakataon ay agad siyang pupuntahan
At sa pagkakataong iyon, ay mahigpit siyang hahagkan

Sa isang imahe ng larawan na aking itinatangis
Nag-iisang larawan na lubos kong ninanais
Subalit sa kasalukuyan ako'y patuloy na nagahis
Sapagkat ang imaheng iyon ay imaheng puno ng hinagpis

Hinagpis sa una naming pagkikita
Sa matagal na paghihintay ay muli ng nagkasama
Handa akong maghintay at maglakbay ng ilang milya
Mangyari lamang ulit ang matagal ko ng adhika.
nadine Sep 2019
bawat pag silip ng araw
di pa rin malunasan aking panglaw
pagka’t naglaho na ang pumukaw
ang kaisa-isang nais matanaw
ang aking hiling sa bulalakaw
ang aking irog, tanging ilaw
sadyang hindi ka na abot-tanaw
at sa panaginip nalang dadalaw
ang kaluluwa nang kinalimutang ikaw
Taltoy Jun 2018
Nagbalik tanaw,
Hinalungkat ang nakaraan,
Mga 'storyang, lumitaw,
Binalot ng tawanan.

Ngunit ang mithi ko'y iiba,
Nais kong ika'y mas makilala,
Sapagkat ang alam ko sayo'y ang kaunti pa,
Ako nama'y pagbigyan mo, sige na.

Nagulat, di makapaniwala,
Bakit parang nagtutugma,
Ang ating mga storya,
Ang ating pagkabata.

S'an nga ba ako?
S'an ka naman ng mga panahong ito?
Hindi ba, tayo'y magkalayo?
Ni minsan, tayo ba noo'y nagtagpo?

At tayo'y nagbiruan pa,
Sabi natin ng patawa,
"Aba, baka ito'y tadhana",
Aba, sana nga.

Maalala pa kaya kita?
Ang tanong nating dalawa,
Tanong na may kaba,
Nagtatanong nang nag-aalala.

Aalahanin kita,
Ang sa aking bawat umaga,
Ang buwan sa aking gabi,
Ang mitsa ng aking mga minithi.

Ang sabi kong "una",
Una kong maaalala,
Una kong ipinagdasal,
Ang una kong minahal.
Oh anong hapis ang sinapit ng aming bayan
Mula sa bagyong dito ay dumaan
Kapani-panibago ang tanawin saanman –
Ang bundok sa silangan at sa kanluran
Maging ang natatangi naming simbahan
At iba pang malalayong kabahayan
Ngayon ay tanaw na mula sa aming tahanan

Sapagkat mga puno ay kinalbo niya
Marami rin dito kanyang pinatumba
Mga poste ng kuryente ay kasama
Mga palayan ay naging dagat na
Ilog ay halos umapaw sa kalsada
Kahit malalaking bahay ay giniba
Ng sumpa nitong bagyong nagngangalang Yolanda!

-11/09/2013
(Dumarao)
*due to super typhoon Yolanda that hit our town
My Poem No. 232
Ako'y kakatok sa pintuan ng Diyos
Dala-dala ang mga kasalanang inipon

Sa paglalakad
Tangan-tangan ang pagsisisi
At labis na pangamba
Na baka sa bakod pa lamang ng hardin
Ay tanaw ko nang sarado ang
Pintuan ng Maykapal

Ako'y tatangis na parang paslit
Sa mga panahong alam kong gawin ang tama
Pero ipinilit na mali

Ako'y nagsusumamong pakinggan
Ang mga panalangin para sa kamag-anak
Gabayan sana ang minamahal na nahihimbing

Naghihikahos kong ipinagdarasal
Ang aking kaluluwa
Kasama ng bawat putik at sangsang na nakadikit
Bawat pintas at kahambugan

Ako sana'y pagbuksan muli ng pinto
O Diyos na makapangyarihan
Gamaliel Oct 2019
malayo ang 'yong tanaw
nang ikaw ay pumanaw
dumating ang tagginaw
ng sumunod na araw
Glenda Lee Nov 2017
Para sa taong lihim kong minamahal
“Maging akin ka sana” aking munting dasal
Pag-ibig ko sayo’y lumalalim habang tumatagal
Mahalin mo lang ako pangako hindi ako magiging sagabal

Masyado na bang luma ang ihalintulad ka sa isang bituin?
Kita ko pero di ko kayang abutin
Tanaw ko pero kailanman di magiging akin
Oo, Tanggap ko yun kahit dala nito’y sugat na malalim

Sana nga naging bulag nalang ako
Para di na ko tuluyang nahulog sa’yo
Pero paano ba yan tao lang din naman ako
Nagmamahal rin kahit alam kong hanggang ganito na lang tayo

Hindi ka naman siguro manhid para di mo randam
Para di mo maintindihan at di malaman
Sadyang di mo lang talaga kayang masuklian
Ang pagmamahal na matagal ko nang inaasam-asam

Sabi nga nila tanga raw ako
Umaasa ng pagmamahal sa isang katulad **** wala namang planong mahalin ang isang katulad ko
Eh anong magagawa ko?
Malalim ang pagkakahulog ko sa’yo
At tila ba nalulunod na ako sa pagmamahal na ito
Na kahit di na ako makaahun basta’t alam kong mahal, nandyan ka lang sa tabi ko

Pero alam kong hanggang pangarap nalang ito
Alam kong kahit kailanman di magiging totoo
Kasi may iba kang mahal at hindi yun ako
Kasi kahit magunaw man ang mundo
Mahal, alam kong di magiging tayo
elle sera aimée Apr 2019
sobrang layo na ng ating mga ala-ala

minsan, hindi ko na tanaw

minsan, napalitan na ng sakit

gusto ko na lang bumitaw

alam ko naman

ipagpapalit mo rin ako

makakahanap ka ng bago

pag-ibig mo ay hihinto

sa pag-ikot ng mundo

mga ala ala ay lumabo

lumipas na kasama ng panahon

siguro, dapat ko ng ibaon

ilang sandali na lang

luluwag na ang kapit

gigising na ulit

pero ngayon ako’y mulat, mulat sa katotohanang hanggang dito na lang ang lahat

pinagbitaw na ako ng katotohanan

tapos na ang dahan dahang pagtanggap

mamadaliin na, pagkat sobrang tagal na

at kahit sobrang mahal pa rin kita

ako ay bibitaw, patawarin mo sana.
kingjay Dec 2018
Sa kubo na giba-giba ay nagbuntong-hininga
Nakatigil ang tanaw sa museo ng damdamin
Sinasaliwan ang kaganapan
Umuugnay ang mga pangyayari

Mabini dumaan sa bangkete
Dali-dali na binigyan ng upuan
Lahing kayumanggi ay di-palatandaan
Tanyag sa bansag na "Pamilya ng Perlas ng Silangan"

Isalin ang buhay sa ibang anyo ngunit di ang nararamdaman
Diyosa ng kagandahan ang kahawig ng minamahal
Maigsi ang oras ng pag-ibig
Natutuliro nang walang hanggan

Nang una malapitan, pisngi ay naging krimson
Naasiwa tumingin sa mga mata
Kailan nagsimula ang pag-ibig?
Nais sana ito'y sambitlain

Gaya ng mayuming baro't saya,
Ang alindog ay mahirap iwasan
Hinibo ang isip pati kaluluwa
Nang wala na sasagip sa pagkaalipin ng kanyang kamunduhan
Joseph Floreta Oct 2022
Kanina habang kumakain ako sa Jollibe ng spaghetti at yum burger, naka dungaw ako sa bintanang pader,
tinatanaw ko ang labas at mga tao at motoristang dumadaan.
Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan,
Dala ng madilim dilim na ulap sa langit,
Bigla bigla nalang magbubuhos ng pait yung langit.
Hay....habang bumubuhos ang malakas na ulan,
tanaw ko ang malayo na parang nalulusaw na imahe.
Ang lalim ng iniisip ko, siguro ganito talaga kapag umuulan,
Hindi lang naman siguro ako yung ganito.
Gayun pa man di ko napag tantong tulala na pala ako,
Yung tipong hawak hawak ko nalang ang yum burger
Tapos nakalimutan ko narin nguyain ang nasa bunganga ko,
Sampung segundo ang lumipas wala akong imik,
Dalawampung segundo ang lumipas,
Ganun parin ako, tumatanaw sa malayong walang imik,
Tatlong pung segundo ang nakalipas,
Bigla akong napaiyak,
Yung luha ko ay sumasabay sa pag buhos ng ulan.
Wala akong pakialam kung may naka tingin sa akin o wala,
Ang alam ko lang gusto kong umiyak.....
Kaya pwede niyo akong pag-bintangang baliw,
Sapagkat umiiyak ako, akala ko dahil marami akong problema,
Hindi lang pala dahil may problema ako,
Ang alam ko umiiyak rin ako
Sapagkat sa kabila ng lahat ng problema ko,
Andiyan ang Panginoon sa Buhay ko.
At yun ang lubos na ikinagagalak ng puso ko.



PS. Ang malayang tula na ito ay gawang imahinasyon, pero literal na umiiyak ako habang isinusulat ito...  Sa mga may pinagdaraanan ngayon, Kaya natin ito. Kapit lang kay Kristo.
-Yung lumalaban ka kahit ano pang hamon ng buhay sayo, lumalaban ka kasi alam **** kasama mo ang Diyos at di ka Niya pababayaan, Kapit lang, manampalataya ka lang, walang sukuan.
Benrich Apr 2018
Ang liningin na parang talulot ng bulaklak
na hindi na mamumukadkad
sapagkat labis ang pagdilig ng puso
hindi na maihahayag pa
ang tangwa ng damdamin

mananatiling nakatago
sa likod ng bintana
sa kaulapan ay tatanglaw
mga salita na lutang
sa dalampasigan nawa sa iyoy makarating
sa pamamgitan ng pangarap na panaginip
kahit doon na lamang
mabigkas ang laman ng isipan
ligaya ay abot tanaw hangang kalawakan
walang pag-ayon kapalit ni anuman
mamukadkad lamang ang talulot ng kaisipan.
kingjay Jan 2019
Minsan ay kaalitan ang kanyang magulang
Sa sigalot ay nanggilalas
Nang tumila ay nanaig ang kapighatian sa kanyang paligid
Di hamak na bituin na nalumpasay sa langit
Naka-baklaw ang mga paa

Ang inalagaang rosas sa paso ay pawang tintang dugo
kung saan natigmak itong puso
Pag yumabong ay nahihirapan ang mga ugat sa karampot na buhangin
Ang maliit na  sisidlan ay sumawata sa pagtubo

Ilang buwan din nagtiis
abot ng tanaw ngunit sa palagay ay lalong lumalayo ang sinta
Nang isang umaga'y may kumatok sa pintuan
Babaeng nakabelo ay biglang yumapos
Bumalisbis sa pisngi niya ang luha
- nagbigay ng imbitasyon

Sa pagka-akala niya'y mahal din
Humingi ng katiyakan ang kanyang paniniwala
Sapagkat naghintay sa kanya
Nagtanong nang diretsahan,
Kung sino ang babaeng napupusuan
Sa kanya ay umiibig ba

Di naibulgar ang pagsinta
Naibalik ang tanong sa kanya
Sino ang lalaking minahal bago maghiwalay ang mga landas at magpunta sa siyudad
Firefly Mar 2020
Sa pag lubog ng araw,
Nakatutok ang mga mata sa abot-tanaw.
Sa pagsilip ng mga bituin
Sa kalangitang dumidilim
At paghaplos ng malamig na hangin
Sa basang pisngi
At tuyong labi
Unti-unting nakakain ng masalimuot na nakaraan
ang matamis sanang kinabukasan.
Ngunit sa pagpahid
Ng katas ng nawalang pag-asa
Ay bagong kislap
Sa aking mga mata
Muling tatanaw,
Ngunit ngayo'y
Sa pagsikat ng araw.
Haizel Gacias Jun 2020
Ako'y nagtataka
Kung bakit nga ba?
Nagtatanong kung bakit ika'y may kamukha
Pero iyon ay aking binalewala!

Lumipas ang mga araw,
Ako'y nagbabalik tanaw
Hinahanap hanap ka
Pero hindi na kita nakita pa

Simula nung malaman,
Ang puso ay muling nabuksan!
Dahil sa mapait na nakaraan..
Ng ako ay kanyang iwanan.

Simula nung malaman..
Isang gabing napag isipan
Itong pusong nagagalak sayo...
O mahal na "destiny" ko.
Glenda Lee Sep 2017
Masyado nang luma ang ihalintulad ka sa isang bituin

Kita ko pero di kayang abutin

Tanaw ko pero kailanman di magiging akin
Jan C Jun 12
Pagod ang katawan, mabigat ang araw,
pero nariyan ka, kaya’t gumagaan ang galaw.
Hindi kailangan ng magarang tanawin,
balikat ko’t hikab mo’y sapat na aliwin.

Sa gitna ng usok, ingay, at pila,
may tahimik tayong mundo na tila
walang ibang tao kundi ikaw at ako—
dalawang pusong sabay humihinto.

Dahan-dahan kang sumasayaw sa tanaw,
kahit hindi kita kinakausap, alam **** ikaw
ang dahilan kung bakit di ko na alintana
ang layo, ang trapik, ang problema.

Sana'y huwag matapos ang ganitong tagpo,
kung saan ang simpleng pagtingin ay totoo.
Wala tayong yaman o oras na sobra,
pero habang magkasama tayo—sapat na.
https://open.spotify.com/track/1Sb17ULI2TTxIDKiqKV2zv?si=73819d9e94c145b9

— The End —