Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"susugal" poems
na ikaw ang inuna kahit ako ang iyong huli. sinta, maaari bang masimulan nating muli? parang tangang ikaw ang pinili hinayaang makulong sa iyong tali lahat ng aking alinlangan ay isinantabi pinagkatiwala ang buong sarili akala ko'y hindi ako nagkamali ngunit nagsabi ka ng "sandali," "sandali, hindi ako lilisan ngunit sandali, ako pala'y nalilito minsan sandali. makinig ka muna. sandali lang. hindi yata kita napupusuan." hindi mo naman kasalanan na ang sakit ay hindi man lang maibsan hindi mo naman kasalanan na madali akong palitan hindi mo naman kasalanan na hindi ako ang nakatuluyan hinding-hindi mo rin kasalanan na hindi ako kawalan hindi mo kasalanan, mahal na ang boses ko'y garalgal at kapag ako'y hinihingal kapag sinisigaw ang aking pagmamahal at paghihintayin pa kita ng matagal pahihintulutan kang maging pagal ang usad sa akin ay laging mabagal kaya hinding-hindi ka susugal hindi mo kasalanan ang aking mga kasalanan. kaya't ako'y iyo nang iwan sa sarili **** tahanan.
0
Nov 29, 2018
Nov 29, 2018 at 11:59 PM UTC
hindi mo naman kasalanan,
May karapatan ba akong mag-selos? Kung ako'y nasa isang sulok nakagapos, At tignan ka na walang halong bastos, At masaktan pagkatapos, Hanggang kailan ko ba ipaglalaban, Ang digmaang wala akong laban, Kung saan ako lang ang lumalaban, At walang kasamang lumaban. Ika'y aking tunay na mahal, Pagmamahal na illegal, Ako'y sana mag susugal, Ngunit natandaan ko sa ating dalawa ako lang pala ang nagmamahal.
0
Oct 11, 2018
Oct 11, 2018 at 11:01 PM UTC
Selos
Sapagkat ngayon ay matututo tayo sa mga bagay na 'di natin maintindihan, Kakapit tayo sa mga talinhagang kahit ang mga pilosopo ay hirap sa pagpapaliwanagan. Susubok at susugal sa bukas na walang kasiguraduhan, Sabay aasa sa pangako ng isang tunay na hinaharap na makakamtan. Dahil ang damdamin ay nakaalpas na sa paghangad, Ngayo'y may sinusundang tahakin na mas marapat. Saya at ligaya para at ng sa iba sa isipa'y nailapat, Mga naisin at mithiin ay nauunawaang hindi agad-agad. Ngayon ay marapat na mabuhay sa kasalukuyan, Damhin ang ligaya, kalungkutan, at lahat ng sa gitna'y mararamdaman, Sa buhay, sarili natin ang ating tangan, Balang araw, kung anuman, ay ating mahahagkan.
0
Nov 10, 2018
Nov 10, 2018 at 10:48 AM UTC
Darating din ang balang araw
Hindi ito isang tunay na kwento, hindi ito galing sa iba, ngunit sa akin lamang, isa itong imahinasyon na naisip ko, isang sitwasyon na inasam ko, isang mundo na magkasama tayo, ngunit kahit anong gawin ko, sa huli ay napaghiwalay tayo, wala akong maisip na pagtatapos na kung saan masaya tayong nagsasama, kung kahit ang simula nating dalawa ay hindi manlamang nag-umpisa. Ako ay isa sa mga bilyong bilyong binatang umiibig, naghahanap, nag aasam, at nangagarap sa isang maliit na chansang sa akin ay may magmahal. Matagal man itong darating ako'y handang maghintay, basta't sa aking pag antay ika'y darating. Ayoko umasa, ayoko masaktan, ayokong umiyak, humagulgol na parang tanga sa loob ng kwarto ko. pero susugal ako kahit gusto kong sumaya, ngumiti, tumawa, at nais kang makasama. dahil nangako ka sa akin na tayo'y magsasama, maaring hindi ito mangyari dahil hindi tayo tinadhana, pero pipiliin ko ang masaktan bukas basta makakasama kita ngayon, siguro sa mata ninyo tatanga ako, pero kahit sino mang matalino, sa oras na inalay ng pag-ibig ang kamay niya, tayo ay isang mangmang na hindi na natuto sa paulit-ulit na naranasan natin at ng iba. Kung kaya't makikiusap ako, sa diyos na may kapal, sa mundong umaastang kupal, na sa pag alis mo ika'y huwag nang tumalikod, upang sa buhay natin ang sakit ay ating malimot, kung kaya't nakikiusap ako, sa susunod na may dumating, ako'y iyong ibigin at ika'y aking mamahalin, Huwag mo akong iwan at ika'y aking sasamahan. Kung ito ay magagawa mo pangako ko sa'yo, lahat ito ay gagawin ko.
0
Dec 29, 2015
Dec 29, 2015 at 12:28 PM UTC
Ako

Continue reading...
3
Nagbilang ako mula isa hanggang sampu Sana sa pagdilat makalimot na ko… Isa, dalawa, tatlo Tatlong araw mula nang magkakilala tayo Hindi batid kung ano ba ang pakay mo Mga nakakakilig na salitang binibitawan mo Sabi ko, "Hindi ako magpapauto." Apat, lima, anim Naalala ko pa ang araw ng iyong pag-amin Kaba at hiya bumalot sa iyong damdamin Tuwa at saya nangibabaw nang ako'y napa-oo Sabi ko, "Susugal ako kasi alam kong tatayan mo ako." Pito, walo, siyam Sa palipas ng panahon tila ika'y nagbago Biglang lumamig ang iyong pakikitungo Dumating ang oras ng katotohannang kinakatakutan ko Sabi mo, "Pasensya kana, kailangan ko lang ng espasyo." Sampu Sa lahat ng mga pinangako at sinabi mo Isa lang ang tapat at naging totoo Ngunit nagbubulag-bulagan ako Dahil sabi mo, "Nagsisisi ka dahil ako'y nasaktan mo." Gaya ng sabi ko Pagbilang ko nang sampu Sana makalimot na ako Ngunit heto pa rin ako Naniniwala sa mga matamis **** pangako Kahit alam kong nagsisinungaling ang puso mo
0
Sep 1, 2022
Sep 1, 2022 at 10:49 AM UTC
Sampu
Bakit nga ba tayo sumusugal? Sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan. Sa mga bagay na di natin hawak ang kalalabasan. Bakit nga ba tayo sumusugal? Sa mga bagay na gusto nating makamtan, Pero sa bandang huli ay pwede tayong masaktan. Bakit nga ba tayo sumusugal? Kahit alam na nating wala nang pag-asa Ay pinipilit pa rin nating umasa pa. Bakit nga ba tayo sumusugal? Kailangan pa bang idilat tong mga mata, Para lang mamulat sa katotohanan? Bakit nga ba tayo sumusugal? Kahit alam natin na tayoy pwedeng mabigo, At masaktan ang buo nating pagkatao? Kasi mas iniisip natin ang posibilidad Na tayoy maging maligaya, Yung ramdam mo ang tagumpay, Yung abot mo na ang pangarap mo sa buhay. Kung di ka susugal, Kailan pa? Kung di ka susugal, Talo ka na.
0
May 2, 2017
May 2, 2017 at 12:33 PM UTC
Bakit nga ba tayo sumusugal?
akala ko ba pera pera lang yung oras ko lang yung binayaran mo pero bakit parang pati puso ko? gago ka ba? wag naman tayo mag- gaguhan akala ko ba sugal lang? oo nga sugal, sugal ng puso kasi kung hindi daw pag-ibig mas malaking sugal daw o ano susugal ka ba? tataya ka ba? sa gagong pag-ibig na ito?
0
Jun 1, 2018
Jun 1, 2018 at 11:08 AM UTC
sid at aya
Hawakan mo ang kamay ko Sasama ako kahit saan patungo Sa piling mo labis ang kaligayahan Susugal paulit ulit at handang lagyan ng kuwit ang ating kwento Huwag lang tutuldukan Huwag muna Dudugtungan pa natin ng madaming masasayang alaala Magkwentuhan tayo at magtawanan sa sarili nating mundo Balutin mo ako ng iyong mga bisig kung saan mas ramdam ko na ligtas ako Magtitigan tayo may malisya man o wala At sa mga sandaling tayo ay tahimik Ibulong natin ang mga salitang "mahal kita" Hayaan ang mga puso natin ang mag-usap.
0
May 8, 2019
May 8, 2019 at 11:43 PM UTC
Kuwit at Tuldok
Matutulala nalang, At mapapaisip. Handa ba ko para sa pag-ibig na to? Kailangan kong maging matapang para sayo. Ngunit ayokong masaktan ng husto, Pagkat itong puso ko'y iniingat ingatan ko. Pero susugal ako para sayo, Kase nga mahal kita, ano bang magagawa ko.
0
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:26 AM UTC
Ang pag-ibig ay para sa matatapang lamang