Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sinasabayan" poems
naaalala ko pa no'n diretso sa tindahan ng turon pagkatapos ng ating klase kwentuhan hanggang matapos ang hapon 'pag madilim na ang kalye sinasabayan ka sa pag-uwi mapalayo man sa'king bahay kahit galit na naman si nanay agad kang tinatawagan paglapat ng likod sa higaan dinadaan pa sa assignments marinig ko lamang ang iyong boses gumigising ng maaga kahit lunes ay ganado't handa makita lang ang iyong mukha. ilang taon pa ay inamin ko na. hindi ko alam kung bakit masakit maging kaibigan lang kahit sa pagkakaibigan naman nag-umpisa ang lahat... pero ayos lang basta ikaw maghahangad pero maghihintay ayos lang basta para sa'yo masasaktan pero 'di sususuko pasasaan ba at baka doon din tayo mapunta pero kung talagang hindi 'di pa rin aalis sa'yong tabi basta ikaw...
0
Oct 27, 2018
Oct 27, 2018 at 5:30 AM UTC
BASTA IKAW (UNANG KABANATA)
Minsan sa buhay natin, kahit alam natin na tag-araw, may iilang ambon o ulan na sa buhay nati'y dadalaw. Sa pagdating at sa pagbuhos ng ulan, May ilan naghahanap na punong masisilungan, ngunit di katagalan - sila'y mababasa't tuluyang mauulanan, pagkat di kaya ng mga sanga't dahon na saluin ang buhos ng ulan. May mga nakahandang armas na payong naman ang iba, ngunit mababasa naman ang kanilang mga binti't paa, na kung minsan sinasabayan ng malakas na hangin, na ang mga payong nila'y kayang liparin o sirain. Ang iba nama'y sa pagbuhos ng ulan - nagagalak, may parang lasenggerong tumitingala, sinasalo, sumashot na parang alak, may mga batang masayang naglalaro habang naliligo, na kung minsan nagtatampisaw sa mga inaipong ulan sa estero. Kung ako ang 'yong tatanungin, ang ulan nakatalaga sa bawat tao, Na kahit anong iwas mo - darating at darating ito sayo. ang mga patak nito'y sadyang maliliit - kapag ito'y patuloy na bumuhos, kung minsan ito'y mabigat at masakit. Kaya ang tanong ko sayo aking kapatid, Saan ka dito sa aking mga nabanggit? Na sa unang pagpatak ng ulan sa iyong bumbunan, Ano ang iyong gagawin at naiisip na paraan?
0
Sep 13, 2013
Sep 13, 2013 at 12:14 AM UTC
Ulan sa Tag-Araw
Umuulan nanaman Wala na ata tong katapusan, Pero baka katulad lang ng pagmamahal mo na akala ko walang hanggan, Yun pala ay matatapos din naman. May mga bagay talaga sa mundong hindi tayo sigurado, Tulad ng weather forecasts sa tv at radyo. May mga bagay na ayaw mo na atang malaman ang totoo. Katulad na lang ng "minahal mo nga ba talaga ako?" Ang dilim na ng langit, Unti-unti ka ng binabalot ng sakit, Mga alaala ay nagiging mapait, Buti na lang sinasabayan ka ng langit. Sobrang lakas na ng ulan, Wala na akong makita sa daan, Kung saan ako pupunta ay hindi ko na alam kung saan, Tila ba'y naghihintay na lang ako ng hangganan.
0
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 11:17 AM UTC
Ulan
• • • Bigo, yan ako labing-limang araw bago ka dumating Pinaasa sa mga susunod na araw na hindi naman pala makakamit Niloko sa hindi malamang kadahilanan kung bakit Panay ang tanong sa isipan kung bakit ako pa ang napili Na nananahimik at wala namang balak manakit Sabi ko tama na't huwag nang umasa pang muli Dahil sa henerasyon at ikot ng mundo ngayon, Ang makatagpo ng taong kayang suklian ang pag-ibig na meron ako Ay parang inaabot ang langit sa liit kong ito Pero mahirap nga naman talagang pigilan [minsan] ang nararamdaman Na kahit ilang araw pa lamang ang nagdaan Umaga, tanghali, hapon, gabi habang naghahapunan Ay laman ka na lagi nang aking isipan Hep hep hep! Sinabi nang saglit! Masyado kang makulit Hindi ka na bata na dapat pang paluin sa puwit! Pero eto, seryoso na ulit. . . Bakit ba kasi umaasa pa nang paulit-ulit? Eh nasa harapan na nga yung sagot na wala ka naman ngang **** Kahit sa totoo lang may konti nang sakit Nakakatawa lang din minsan, ano? Hindi ko lang sigurado kung yung tadhana lang o pati ako Na alam namang mapaglaro Pero sinasabayan yung agos kahit alam na hindi sigurado't [minsan] delikado Risk taker nga ako, hindi ba? Pero may kaduwagan sa aking kalooban at ayaw ko pang bumigay Kasi hindi ko pa kayang mapalayo ka't baka magpaalam na nang tuluyan Kaya dito na muna ako sa isang tabi, Na muli nalang maghihintay sa iyong susunod na mensahe. • • •
0
Oct 4, 2020
Oct 4, 2020 at 5:55 PM UTC
"Nakakangiti pa naman Ako"
022325 Papuri at Pagsamba — ‘Yan ang alay ko Sa’yo aking Ama. Dalisay ang ‘Yong Pagsinta, Balewala ang lahat ng mga nagniningning Sa kalangitan, maging sa buong kalawakan. Ikaw ang Hari at nag-iisa Ka, Wala Kang katulad, Walang kapantay — Ni walang kalaban Pagkat siya’y Iyong tinapakan na, Ginapi ng Iyong kapangyarihan. Ikaw ang nangingibabaw, Sa puso kong walang ibang hangad Kundi ang Iyong presensya, Ang Iyong kagandahang Balang araw ay masasaksihan ko rin. Kusa Mo akong binabago Maging ang bawat tibok ng puso ko. Damdamin ko’y higit na sa mundo, At wala akong ibang nasilayang Mas maliwanag pa Sa’yo. Ang linaw ng Iyong intensyon, Hindi Mo itinago ang Pag-ibig Mo. Na kahit saang lupalop ng mundo, Nahahanap Mo ang puso ko At nakikita Kita — Nang napakaganda. Kakaibang pakiramdam Na hindi ko naranasan sa iba. Sinasamahan Mo ako, Sinasabayan. Pero nauuna ang Iyong mga hakbang, Ang mga yapak **** Kapayapaan ang hain sa aking pagkauhaw. At Hindi Mo ako binibitawan. Ikaw ang Aking Ama, At ako ang Iyong anak dahil kay Kristo Hesus, Ang yakap Mo’y sapat sa bawat araw, Ang mga Salita Mo’y lakas ko sa maghapon. Akala ko nga noon, Sa’yo akong uuwi At Ikaw ang magiging pahinga ko. Pero kahit pala wala pa ako Sa Tahanang sinasabi Mo, Ay nandito Ka na sa akin. Ginawa **** Tahanan ang puso ko, Na dati ang mundo lamang ang laman. Hindi ka lang isang bisita, Nanirahan ka pa sa Akin Na noong una’y hindi ko maintindihan. At sobra-sobra ang binago Mo Sa loob kong inaanay at inaalikabukan. Wala na akong nagawa pa, Bumitaw na ako sa mundo, At sinalo Mo ako. Ikaw na ang bahala sa buhay ko. Sa’yo na ‘‘to at sa’yo na ako.
0
Feb 23, 2025
Feb 23, 2025 at 5:25 AM UTC
Himlay

Continue reading...
58
Ang pag-ibig ay parang himig Na parang hangin na malamig Kaysarap pakinggan sa tenga Na para bang ika’y kinakalinga Kahit di alam ang ibig sabihin nito Ika’y napapaindayog at napapasabay rito At pilit na sinasabayan kahit na wala sa tono Na umaalolong na parang aso kahit sintunado Tulad sa pag-ibig kahit na di ka gusto Pilit mo parin sinisiksik ang sarili mo dito Kahit na sobrang sakit, tinitiis mo parin ito At sunod-sunuranan ka na para bang aso Ganoon talaga ang mundo, di perpekto Mahirap ngunit masarap mabuhay rito Sadyang mahiwaga at puno ng sopresa Kaya wag kang mawalan ng pag-aasa Dahil may tamang kanta para sayo Siguradong masasabayan mo na ito Maiintindihan pa ang mga liriko nito At higit sa lahat di ka magiging sintunado Ganoon din sa pag-ibig may laan para sayo Nandiyan siya anu man ang iyong gusto Siguradong sasama siya sa bawat trip mo At hinding-hindi ka pa iiwan sa ere nito
0
Jun 14, 2018
Jun 14, 2018 at 6:15 AM UTC
“Musika ng Pag-ibig”
Ikaw'y matalik kong kaibigan Bawat kilos mo'y aking nalalaman Kahit na ito'y tungkol sa kanya Asahan **** narito ako't sumusuporta Sa kanya'y napalapit nang husto Aakalaing kayo na ng lahat ng tao Bawat kilos niya'y sinasabayan at nagmamanman Hanggang sa kanya'y may ibang nararamdaman Ngunit habang tumatagal ay lalong pinasisidhi Na ang pag-ibig niya'y iyong minimithi Ngunit pagseselos ngayo'y nangingibabaw Dahil sa kakaiba **** kilos at galaw Kahit na siya'y tila may iba ng mahal Eto ka pa rin, sa kanya'y patuloy na nagmamahal Kahit na ito'y masakit sa iyo Eto ka't nakangiti at tila nagbabalat-kayo
0
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:20 AM UTC
Pag-ibig ng aking kaibigan
Isang gabi, Tila puso niya ay umiindak Kasabay ng mga patak ng ulan, Binabasa nito ang kalupaan, Nagbigay ito ng isang musika Na sinasabayan ng mga bituing kumikislap, Mga ngiti sa labi'y kay tamis Gustong-gusto niya Tila nasa isa siyang panaginip.
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 3:28 AM UTC
INDAK