Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
raquezha Jul 2020
Bakô **** kasalan
na padángat ka niya
Bigla ka nalang nag-abót
Bigla nalang nagbutwá’
Bigla nalang nagkusóg
An saiyang buot.
Pirmi siyang nawawaran
ning hinangos
Hinahapot an sadíri
kun mapadágos o dai
Bakô **** kasalan
na pinili ka niya
Pirang aldaw niyang pinagisipan
Pirang patak kan urán an nabilang
Sigurado na siya sa saiyang namamatian

Garo úlod
Bigla nalang nag-abót
Bigla nalang nagbutwá
Basta nalang nagkamang sa irárom
Kan saiyang kublít
Pirit niya mang halion
Naging parte na kan hawak
Pirit niya mang halion
Sa saiyang kublít
Dai na niya magibo sa sobrang rárom
Bigla nalang nagbutwá
Bigla nalang nag-abót
Garo úlod
Natuod na gayod
Sa katuninongan na hinatod
Kan saimong pag-abot
Kadakol lugar an gustong istarán
Pero saro lang an nasunoan

Aram mo kun sáin
an pinakatunínong
na saiyang nadumanan?

Duman sa lugár kun sáin
pírme niyang nahihiling
an pagpikít asin pagbuklát
kan saimong mga matá.

—𝐔𝐥𝐨𝐝, a Bikol poetry.
Like a worm, love can be a little terrifying sometimes.
1. Úlod is a worm.
2. Instagram: https://www.instagram.com/p/CDHGfyinna9/
Kung hindi ka na babalik
Hindi na ako muling iimik

Kung hindi ka na bumalik
Sana noon dinala mo narin ang sakit

Kung hindi ko man na maibabalik
Sana binawi ko ang iyong halik

Kung hindi ka man pala para sa akin
Sana noon di na kita pinansin

Kung pinahiram ka lang sa akin ng tadhana
Sana naging madamot ako at inangkin kita

Nakakapagod maghintay sa isang bagay na di sigurado
Lalo kung alam **** sa huli ikaw ang talo
September 21, 2017
9:20pm
Taltoy Jun 2017
Iyo mismong inilahad,
Di ko alam anong hangad,
Ako ay sadyang nawindang,
Sa binitiwang paratang.

Di ko mapaniwalaan,
Walang pag-aalinlangan,
Nagpahayag, direstahan,
Tinumbok, talakayan.

Ako'y iyong napangiti,
Sagot **** kawili-wili,
Sagot **** di inasahan,
Nagbigay kaligayahan.

Ikaw nga ba'y sigurado?
Na may aaminin ako,
Ang taas ng 'yong kumpyansa,
Para bang naka-inom ka.

Iniisip parin ngayon,
Kung ako ba'y sasang-ayon,
Meron ba 'kong aaminin?
Meron nga ba? paumanhin.
Kailangan ko ng sagot kung meron pa.
janel aira Sep 2020
maglalayag sa hiwaga ng hiraya
simula sa sulok ng maharlika
hanggang sa dulo ng maginhawa
alapaap na bang maituturing itong kalsada?

humahawak, bumibitaw
magpupumiglas ngunit hindi aayaw
sanga’t daho’y sumasayaw
pusong puno’y sumisigaw

sigurado sa bawat yapak ng paa
ligaya sa kislap ng mga mata
bawat ngiti sa iyong pagtawa
langit ang makasama ka

babalik
tayong muli
sa maginhawa
angellica Feb 2020
mahal kita,
sigurado akong mahal kita..

kahit sa pagkakataong nakakalimutan **** kailangan din kita,
kahit sa mga panahong kaysa sa akin ay may pinili kang iba...

mahal kita,
sukdulan hanggang langit kumbaga,

kaya noong unang beses mo akong binalewala,
hindi ako nagtampo bagkus inintindi kita..

mahal kita,
kung may sobra pa sa sobra..

kaya't sa paglisan mo ngayon ako'y nagtataka,
tunay bang ako ang pinili nung pinili kita..

mahal kita,
mga salitang laging sambit sayo ng aking mga labi,

mahal kita,
mga salitang dahil sa labis na pagmamahal sayo'y nakalimutan kong sabihin sa aking sarili.
i
i

'Di ko din alam, baka ang mga mata mo lang
Singkit, at sing rikit ng bituing nag ngingitian
'Di ko sigurado, baka ang ngiti mo lang
Totoo, at puro pag sinasabing 'ayos lang'.


'Di ko din masabi, baka ang mga kilay mo lang
Na nagkakasalubong pag may ginawa 'kong katangahan.
'Di ko pa din mawari, parang ito'y 'di maari
Anghel sa kalangitan nasa 'king tabi.


Sana'y di matapos, araw ay laging kapos
Oras na kasama ka, sa kaluluwa ko'y haplos
Tawa, ngiti, at ang pagmamahal mo sa kanin
Kasiyahang 'to 'di ko akalain
I (named i /aɪ/, plural ies)
Louise Mar 2021
Relasyon natin na akala ng lahat ay perpekto
Unti unti ng gumuguho
Sinasabi **** mahal mo pa ako
Ngunit parang hindi kana sigurado

“Bahala na”
Katagang ayokong sabihin ngunit sang ayon ang tadhana
“Itigil na”
Wala ng patutunguhan pa

Mga matang dati’y ako lamang ang nakikita
Ngunit atensyon ngayo’y nasa iba
Siguro oras na para sumuko
Wag ng hintayin na may kasama ng bago

Masakit man para saakin
Kailangan ko ng bumitaw sa pag iibigan natin
Masyado ng komplekado
Hindi sang ayon saatin ang mundo

Sana’y sa susunod na magkita ang ating mga mata
Makita ko na ulit ang sayang dati’y sakin mo lamang nadarama
Patawad aking sinta
Ngunit hindi kona dama ang saya
janel aira Mar 2020
Ikaw ang mga tala

Hindi.

Ikaw ang bulalakaw

Hindi.

Hindi ako sigurado

Mahal, walang sigurado

Ikaw ba ang langit?

Ikaw ba ang kalangitan?

Kalawakan?

Ikaw ba ang buong kalawakan?

Kukubli ba sa hagkan **** maligamgam?

Ngingiti ba sa pagsambit ng iyong pangalan?

Mahal, ikaw.

Oo, ikaw.

Ikaw ang lahat.

At ang lahat ay ikaw.
Allan Pangilinan Jan 2023
Gabi na naman - oras na ng pagpikit,
Muling matutulog ng may maraming ‘bakit?’
Patuloy na naghahanap ng kahulugan,
Sa mundong kawalan ay naglalaglagan.

Babangon ulit sa bukas na ‘di tiyak,
Malungkot man ay wala ng maiyak,
‘Di rin alam kung nais pa ba ‘tong mabago,
Lahat naman ng buhay ay ‘di sigurado.

Ngayon ay aalalay na lang sa alon,
Sa dala nitong hampas at daluyong,
Baka bukas makalawa sinong mag-aakala,
Magigising nang nasa payapang dalampasigan na
Written 01152023
Ferllen Dungo Feb 2021
Ikaw ang isa sa pinaka makabuluhan kong sinasambit t'wing nananalangin.
Nawa'y dumating ang araw na makita kang nakangiti ng walang dinadaing na anumang hapdi.
Nawa'y mahanap mo ang lugar at panahon kung saan at kailan matatagpuan ang kaligayahan ng iyong puso.
Gusto kong manatili ka kung nasaan ka man ngayon, at ng hindi mo matanaw ang kalagayan at hindi mo marinig ang mga paghikbi tuwing gabi.
Baunin mo sa iyong paglipad at paglaya ang mga salitang ...


Minahal ka sa paraang alam ko.
kahit hindi na ko sigurado ngayon kung marunong pa ako no'n.
Vincent Liberato Oct 2018
Sa mga araw na hindi tayo sigurado sa ating mga damdamin, sana'y punuin natin ngayon ang bawat araw ng kawalan—punuin ang pag-iisa ng bawat isa. Sana'y sumiping sa iyo ang damdamin ko, sumiping sa isipa't balintataw mo. Sana'y mamalagi sa puso mo ang nag-iisang dibdib ko. Hubugin natin lalo ang kaluluwa ng bawat isa, hindi sa pag-hubog ng kawalan kundi sa pag-hubog ng pag-iibigan.
Hanzou Jul 2019
Ang pag-ibig ay 'di naisusukat ng mga letra
Kung magbabakasakali lamang na ito'y makita
Kahit na may malayo, at posibleng may magbago
Ang pagibig ay nandyan, at nananatiling buo.

Ano nga ba ang pagibig kung hindi ka totoo?
Totoo sa bawat salita, at binitawang mga pangako?
Pangako na inilahad, ngunit laging napapako
Napapakong pagmamahalan, kailanma'y 'di na lalago.

Kapag sinabi mo bang "mahal kita",
Ay talagang sigurado ka na?
Totoo ba talaga lahat, ang iyong nadarama?
Tagos sa puso, matino, at sayo'y may pagkakilala?

Kung minsan ang pagibig, ay seryosong usapin
Hindi sapat ang salita at dapat hayaan ang damdamin
Hindi lamang sa isang tao, kundi sa bawat isa sa atin
Dahil ang pagibig ay turo ng Maykapal, sa kalooban natin.
Axl Rose Oct 2021
Pagbangon ko sa umaga
Nakita ko ang iyong mga matang
Nakapikit pa sapagkat mahaba ang ating naging gabi
Puno ng pagmamahal at mangilan-ngilang pagbusisi
Kung gigising ako araw-araw sa piling mo
Mahal, magiging sapat ang lakas kong
Lumaban sa ano mang unos at pighati
Totoo, sigurado at nagbabakasakaling
Mabigyan ng pinakamatagal na panahong
Makasama ka, ako'y makakaahon
Ang sakit dahil bilang respeto sa lahat ng kuwento at manunulat ng kuwento, alam ko na kailanman hindi ako magiging permanenteng bahagi ng kuwento mo.

Dadaan lang ako.
Hindi lang dahil hindi ka sigurado kundi dahil umpisa pa lang alam ko na naman na ako'y magiging bahagi lang ngunit hindi mananatili sa'yo.
KI Feb 2018
'Di sigurado kung alam mo na
Pero kailangang siguraduhin na wala talaga
Hindi naman ito ganon kahalaga
Pero sana'y umabot at iyong madama

Araw ng mga puso
Araw na para sa mga ayaw paring sumuko
Araw na para sa mga handa paring mabigo
Araw na sana'y meroong mga makatakas sa kanilang mga tadhanang nakapako

Itong aking pagtatapat
Gamit ang isang tulang kalat-kalat
Gamit ang isang tula na gawa ng puyat
Hindi dapat, pero sana'y maging sapat

Pero ako'y naduduwag
Pero ayaw na ring makinig sa "wag"
Pano ka nga ba mapapapayag
Kung sariling puso ay walang balak pumalag

Ilalabas na ang damdaming naikubli
Bahala na,  sana hindi ko ito pagsisisihan
Bahala  na, sana'y iyong maintindihan
Handa na ako sa sagot ng pagtanggi
binasa mo? salamat
wala? hay
kapila nadula net ko
nga sign nga hindi ko
na dapat ni isend
Eindeinne Moon Aug 2023
Mananatili akong sa’yo hanggang dulo
Kung hindi man maging tayo,
Hanggang sa huli
Kahit ang Panginoon, ang mga tala at buwan sa kalangitan ang saksi;

At hindi ko kailanman maikubli
Kung ano ang nararamdaman ko para sa’yo.

Mananatili akong sa’yo, sa mga oras na kailangan mo ako
Sa mga araw na wala kang masasandalan
Ako ang kanlungan mo
Ang iyong maaasahan

Mananatili sa iyong tabi
Kahit sa mga gabing hindi ka mapakali,
Sa’yo lang ako naging sigurado
Sa’yo lang ako naging kuntento,

Mananatiling sa’yo
Sa’yo hanggang dulo;

Pero hindi payapa ang aking mundo kung wala ka
Mahal, ikaw ang aking pahinga, ang aking payapa,
Sa mga panahong ako ay pagod at gustong mapag-isa
Sa iyong piling, ikaw ang aking tahanan

Ikaw ang aking magpakailanman
Ang aking tahanan
Ang aking masasandalan
Ikaw at ako’y nasa kanluran

Ang iyong mga kamay ang aking gustong hawakan
Ang iyong tinig ang aking gustong marinig
Ikaw ang aking kasiyahan sa mga araw na ako ay nalulumbay;
At ikaw lamang ang aking mamahalin habangbuhay.

Hindi kita papalitan
Hindi kita bibitiwan,
Hindi kita susukuan
Mananatili akong sa’yo,

Hindi kita iiwan
Dahil ikaw ang aking ligaya,
Ikaw lamang ang nag-iisa
Mananatili akong sa’yo.

Huwag kang mag-alala
Hindi ako mawawala;
Sasamahan kita kahit saan man tayo mapunta
Basta’t ikaw ang aking kasama.

Ikaw ang natatangi
Ang kailanman na hindi ko kayang itanggi,
Ikaw at ako’y isinulat sa mga bituin sa kalangitan
At dahil sa ating wagas na pagmamahalan;

Hindi kita ikakahiya
Ipagsisigawan sa buong mundo
Kung gaano kita kamahal sinta
At dahil ang puso ko’y sa’yo.
Sabi ng iba panalo ka
pag napili ka
pag ikaw ang inuuna
pag alam **** panalo ka

Ano bang pakiramdam?
hindi ko kase alam.
hindi kase ako yung pinili
Ako yung muntik mapili

Ako yung "siguro"
yung "baka eto na to"
minsan nga ako yung "sigurado ako"
pero hindi ang napili mo.

nakakasanay na lang din
yung tipong may darating
tapos aalis din
tapos muntikan parin.
Azumi Rabulan Jun 2020
Gusto kong malaman mo na naging mahalaga ka bawat segundo
Hindi lamang sa tuwing may problema ako
Kundi pati sa mga oras na kinakailangan kong ngumiti kahit hindi ako sigurado
Baka nga talagang minahal kita ngunit hindi ako naging handang sabihin ito
Hanggang sa dumating ang oras na nakahanap ka nang bago't ang sagot ko'y naging isang lihim at minabuting sikreto.
Isang gabi, ginising mo 'ko nang alas-nuwebe -
Ang sabi mo sa'kin:
"Gising na. Kain ka na. Mahuhuli ka na sa trabaho."
Ginising mo 'ko sa mahigpit **** yakap,
Sa labi **** dumadampi sa bawat parte ng aking mukha.

Lumabas tayo ng kwarto, tumuloy sa lamesa.
Nakahanda na ang pagkain, at bumalik ka sa pagbabasa.
Tinitigan kita -
Dahil alam kong pagod ka rin, sumusubok din katulad ko.
Kaya't nilapitan kita't niyakap, pinasalamatan:
"Thank you. Mahal kita."

At kung sa mga susunod na taon, ganito ang paggising ko:
mahigpit na yakap mula sayo; matatagal na halik; pag-aalaga at pag-intinding hindi  kailangang hingin; at pagmamahal na sigurado.

Sa mga susunod na taon, kung bibigyan ng pagkakataon, patuloy kitang ipagtitimpla ng kape,
Patuloy kitang ipagluluto ng kahit anong putaheng gusto mo;
Patuloy kitang sasamahan sa simbahan kada Linggo;
Patuloy kitang ipagdarasal;
Patuloy kitang susuportahan sa landas na gusto **** tahakin;
Patuloy kong mamahalin at kikilalanin lahat ng mahal mo; at
Patuloy kitang ipapakilala sa mundo.

At sa mga susunod na taon, kung bibigyan ng pagkakataon -
Patuloy kitang pipiliin.
Patuloy kitang mamahalin.
love has always been my kryptonite. pls pray for me. thanks

update: nvm. basta magmamahal pa rin ako. bahala kayong mga nananakit ang papangit nyo!!!!
Kurtlopez Feb 2024
May mga tahimik na laban din ako.
Katulad mo, gusto ko rin ng totoo.
Hangad ko rin ang sigurado—
Hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula.
Hindi ko alam kung alin sa mga bumabagabag sa isipan ko ang dapat kong unahin. Pero isa lang ang sigurado ako ngayon—kailangan ko itong himayin.

Magsisimula ako sa tanong na:
“Si Ate na lang ba talaga palagi?”

Si Ate na lang ba talaga palagi ang mag-a-adjust?
Ang utusan sa pamilyang ito?
Kesyo ganito, kesyo ganyan—mga rason na hindi ko na alam kung valid pa ba o hindi. Pero sige na nga, i-aagree ko na lang. Para matapos na ang usapan. Para hindi na humaba pa ang diskusyon.

Si Ate na lang ba talaga palagi ang magsasakripisyo para sa pamilya?
Si Ate na lang ba ang mag-iisip kung paano magtitipid, kung anong dapat unahin—hindi ang luho, hindi ang sariling kapakanan—kundi kayo?
Kayo na lang muna. Ako, mamaya na lang.

Si Ate rin ba palagi ang kailangang magpakumbaba at magpatawad?
Ang aako ng responsibilidad, ang gagawa ng gawaing bahay?
Alam ko naman—may mga kapatid ako. Pero ako na lang ba palagi ang kikilos?
Ako na lang ba ang laging may kusa?
Ako na lang ba ang mag-iisip kung anong ulam ang lulutuin?
Maglalaba, maghuhugas ng pinggan, maglilinis ng bahay?

Kabisado ko na lahat ’yan. Hindi niyo na ako kailangang pagsabihan. Hindi ko na kailangan ng utos.
Pero paano kayo?
Paano kung wala na tayong mga magulang?
Paano kung ako na lang ang natira?

Si Ate na lang din ba ang laging magtuturo at magdidisiplina?
Noong ka-edad ko pa lang kayo, namulat na ako sa responsibilidad.
Pero ngayon, anong nangyari?
Halos lamunin na kayo ng cellphone. Wala nang kusa. Wala nang malasakit sa paligid.

Baka nakakalimutan ninyo—tao rin si Ate.
Hindi ako robot. Hindi ako ginawa para lang sumunod sa utos.
Marunong din akong mapagod. Marunong din akong masaktan.
May damdamin din ako.

Sana maintindihan ninyo ’yan. Na may sarili rin akong buhay na kailangang atupagin. Hindi ako utusan na sunod-sunuran lang. Hindi ako kailangan bigyan ng sahod para gawin ang iniutos ninyo, walang barya o walang pahinga ang makakapagbigay sa akin ng pahinga na hinahanap ko.

Pagod? kaya kong tiisin, kaya kong matulog nang ilang oras lang, kaya kong pagsabayin ang trabaho ngunit anong nangyari sa akin? nagkasakit ako in return. Walang halaga ang bawat barya na binibigay ninyo sa akin, kapalit ng nawala kong adrenal gland.

Puyat at pagod, ipagsabay mo. Instant noodles at walang masustansyang pagkain ang makakapatay sa akin. Coke at kape na ginawang tubig. Pagbantay sa lola kong maysakit ang naging libangan.

Hindi sa hindi ako marunong magpasalamat o baka isipin ninyo hindi ako grateful at wala akong utang na loob sa ginawa niyo para sa akin. Ang utang na loob na habangbuhay kong pagbabayaran ay hindi katumbas nang pilak at ginto o salapi, kundi habangbuhay na karangalan at respeto ang ibibigay ko sa inyo sa pagsilang sa akin sa mundong ito at dahil binuhay niyo ako at hindi pinabayaan.

Hindi niyo ako narining na nagrereklamo, hindi niyo ako nakikita na nagmamaktol, hindi niyo ako naririnig na nagpapaliwanag at nagrarason dahil alam ko sa sarili ko na sarado ang isipan at taenga ninyo kung sakali man na ako ay magpapahiwatig nang aking saloobin sa inyo.

Alam ko, naiinitindihan ko na napapagod rin kayo, iba rin ang pagod na nararamdaman ko. Hindi kumpletong tulog, hindi unan at kama ang lunas nito, dahil kung minsan kung ako ay tulog na ay sadyang nag-iingay rin ang aking isip. Ang tanging lunas na gusto ko sa pangungulila ko sa pahinga ay kapayapaan, katahimikan at dalampasigan. Iyon lamang.

Hanggang dito nalang,

Nagmamahal,
                               Ate :)
(Isang metamorposis ng damdamin)
FSP+

Sa simula’y isa lang akong munting uod,
Gumagapang sa mga sanga ng opinyon,
Hinuhusgahan sa bawat hakbang,
“Bakit ka ba ganyan? Mali ka na naman.”

Kapag nag-iwan ako ng komento,
Sinusuklian ng tanong—
“Wala ka bang alam?”
Parang lahat ay kritiko, wala ni isang kaibigan.

Kapag ibinuka ko ang pakpak ng damdamin,
“Wrong grammar,” anila,
Na para bang damdamin ay dapat tama ang baybay.
Hindi raw sapat ang puso kung mali ang anyo ng salita.

At nang sinubukan kong manahimik,
Inakusahan akong bato—
Walang puso, walang pakialam.
Samantalang ako’y nagpapahinga lang sa sarili kong lungga.

Unti-unti, ang kalituhan ay naging balot,
Isang kokon na pumulupot sa aking katauhan.
Doon ako natutong umiyak nang walang ingay,
At umasa sa paglipad kahit di pa sigurado kung kaya.

Ngunit heto ako ngayon—isang paruparong alanganin,
May pakpak nga ba talaga o panaginip lang din?
Dahil kahit sa paglipad, may tanong pa rin:
“Masyado kang mataas… o baka naman nagpapansin?”

Ano ba talaga?
Sa bawat yugto ng aking pagbabago,
May tanong na kasabay,
Kaya’t sa gitna ng aking metamorphosis—
Ako’y nalilito pa rin…
Wrong grammar
NoctOwl May 16
Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig
Tulad ng pagkahumaling ng mga mata ko sa iyo
Paano ko ba mabibigyang tuon ang sineng pinapanuod
Kung ang atensiyon ko ay nasa Iyo?

Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig
Kagaya ng mga paa kong walang kapaguran
Aanhin ko ang destinasyon o pupuntahan
Kung sigurado namang masaya dahil Ikaw ay nandiyan?

Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig
Kapareho ng mga kilig at tuwa sa aking damdamin
O kay hirap namang ubusin ang pagkain na nasa hapag
Kung sa mga ngiti mo lang ay busog na ang tiyan

Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig
Dahil natutong makuntento ang pusong ito
Walang sinabi ang inaalok ng mundo
Sa kagandahang taglay mo

— The End —