Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"putangina" poems
Paano ko ba sisimulan ang sulat na ito na iginagawa ko na naman para sa’yo? Marami na akong naipon na mga sulat, sulat na punong-puno ng mga walang kwentang kasaysayan at letra na hindi ‘ko maigunita sa iyo Bakit? Ewan ko, hindi ko alam, putangina may pakialam ka ba? Hindi ko alam kung ibibigay ko sa’yo ang mga sulat na hindi ko natuluyang ibigay sa’yo dahil Una, hindi ko alam kung may pakialam ka pa sa mga salita ko Ang aking mga salita na punong-puno ng galit, ng damdamin at pagmamahal Kasi Pangalawa, noon, kahit walang kwenta ang aking mga sinasabi, ito’y tuluyan **** binibigyan ng halaga Noon, kahit ako’y galit sa iyo at ika’y galit sa akin, nauubos ang iyong salita at hininga sa mga bagay na gusto kong marinig para lang tayo’y magkaayos Noon, nakuntento tayo sa isa’t-isa kahit tayo’y naliligaw at nabubulag pa sa mundong ito na punong-puno ng kasinungalingan Noon, ginagawa mo ang lahat para lang tayo ay magkita Noon, pinupuno ko ang iyong mga araw nang ligaya at mga ngiting hanggang tenga Noon, hinahayaan mo lang tayo’y maging masaya Noon, ako’y sa iyo at ika’y akin Noon, ika’y andito at wala doon Noon, ako’y mahal mo at ika’y mahal ko Naghahanap ng mga dahilan kung saan ako nagkulang, o kung saan ako nagkamali Kung ito ba’y dahil sa aking pananamit o sa aking pananalita Kung ito ba’y dahil hindi ako kagaya niya o sadyang nawala na lang talaga ang iyong mga nararamdaman bigla Kaya inuulit ko, saan ako nagkulang? Saan ako nagkamali? Nagkulang ba ako sa higpit nang yakap at haplos? Nagkulang ba ang aking mga boses sa pagsigaw sa mundo na mahal kita? Nagkulang ba ako sa pagsuyo at sa aking pagamin ng mga kasalanan? Nagkulang ba ako sa pagbuhos ng aking mga damdamin? Nagkulang ba ako sa paglaban? Nagkulang ba ako sa bilang ng araw na mawawala ka na? Nagkulang ba ako sa halik? Dahil sinta, kung alam ko lang ng mas maaga pa na ika’y hindi magtatagal, sana’y tinagalan ko ang aking mga halik at inagahan ang aking pagbitaw Pero hindi, Kaya ang nagbunga ngayo’y isang babae na katulad ko na Ngayo’y nasasaktan at nalulunod sa sariling mga luha Natatapilok sa sariling mga paa, dahil sa sariling katangahan Ngayon, isang tanga na natalo at nakanganga Ngayon, umaasa na lang ako sa isang idlap ng iyong mga mata Ngayon, naghihintay na lang ako sa iyong pagpansin o pagtawag sa aking pangalan Ngayon, nagbabakasakaling may halaga pa rin ako sa’yo Ngayon, umaasang iniisip mo pa rin ako Ngayon, nagbabakasakali na masaya ka na. Masaya ka na sa kanya. Masaya ka na sa piling ng iba. Mas masaya ka na kesa aking nagawa. Ngayon, nangangarap na lang na maging masaya Ngayon, sinusubukang kalimutan ka Pangatlo, dahil ngayon, Mahal pa rin kita, at wala ka na.
0
Aug 1, 2016
Aug 1, 2016 at 1:03 PM UTC
Noon at Ngayon

Continue reading...
44
Kailangan ko lang ilabas kasi nakita ko tong picture sa Facebook. Inaamin ko madalas sumasayad sa isip ko to. Sino ba naman ang hindi maiisip to kung marealize mo kung gaano ka kahelpless at powerless na baguhin ang paligid mo. Sino ba naman ang hindi makakaisip na baka may mas magandang lugar para sa ating lahat na kung saan masaya tayo. Yung feeling of guilt kung bakit ako nasa loob ng kotse, naka-aircon tapos may batang kakatok sa bintana mo at siya ay walang makain, tapos pag inabutan mo magsasabi padin ng "Thank you po.", sabay bibili ng sundae sa Mcdonald's. Tangina lang diba, kasi bata lang din sila at gusto nila maenjoy ang buhay. Tapos, magmaneho ka lang sa Quezon ave, may kakatok sa bintana mo humihingi pagkain or limos. Tingin ka sa Quiapo may mga matatandang nanlilimos, tapos, masayang masaya pagka binigyan mo ng pagkain, nakakaputangina. Nung nag Davao kami, yung mga nagbebenta ng perlas dun alam **** isang kahig isang tuka ang buhay nila, isang tingin mo lang alam **** sobrang hirap ng buhay. Nakakagago pala talaga ang pakiramdam ng pribelehiyo no? Kasi andun ka lang para mag lamyerda at gumastos ng madaming pera. Yung feeling na nagiinstagram ako ng walang kakwenta-kwentang bagay tapos may namamatay sa gutom sa ibang lugar, may naaabusong ofw sa middle east, yung mga nasa Mindanao napapagitnaan ng gulo. Yung nakikita **** sales lady sa SM na alam **** todo kayod para kumita ng pera sa Maynila pero tangina hindi nabibigyan ng tamang benepisyo at kontraktwal padin. Ang swerte ko. Ang sarap ng buhay ko. Sa sobrang sarap, napakaunfair na at nakakagago na dahil di ko din masabing ayaw ko ang buhay ko, pero ayaw ko din ang mga nakikita ko. Ang labo no? At bilang isang ordinaryong tao, wala kang magagawa para matulungan sila na maglalast sakanya. Hanggang abot ka lang ng barya kasi di mo pwede isacrifice sarili **** kapakanan para sa iba. Dahil ganun na ang mundo ngayon, sarili ko muna bago iba. Pero masisisi mo ba yung pagiisip na ganun kasi may kanya kanya tayong mga problema na dulot ng pagiging myembro ng society? Duwag tayong lahat. Duwag na tumulong sa abot ng makakaya natin kasi takot tayo na baka tayo naman ang mapunta sa ganung kalagayan kapag binigay natin ang lahat. Tulad ko, pasuicide suicide pa pero duwag akong gawin, hanggang sagi lang sa isip ko, tangina ko eh no? Dahil yung nakakatulong lang talaga yung may tunay na tapang. Katulad ni Mother Teresa ang daming tinulungan at inalagaan, pero ironic dahil nawala ang paniniwala nya sa Diyos dahil sa nakita nya nasobrang hirap na dinadanas ng mga taong inaalagaan nya. Putangina ng Mundo. Bakit ba tayo nandito? Pagtapos nito balik na ko sa normal. Tangina nyo.
0
Mar 21, 2017
Mar 21, 2017 at 10:20 AM UTC
Putangina Ng Mundo

1
Yan ang tawag sa mga lalaking nahihiya,kinakabahan, parang basang pusa,nangingig pag nakikita yung babaeng crush nila hahaha nakakatawa diba? Natatawa ako pero torpe din ako Yung tipong di makapag salita mukhang tanga naiihi kinakabahan pag nasasalubong ko si crush Kaming mga torpe totoo mag mahal Di lang namin alam kung pano namin to sasabihin Di lang namain alam kung paano dumiskarte ng tama Yung sakto Yung walang halong kaba Yung alam naming hindi papalya yung plano Pero sa sobrang torpe ko nauhan ako ng iba Naunahan ako ng iba na makuha ka Naunahan ako ng iba na ligawan ka Naunahan ako ng iba na sabihin sayo yung nararamdaman ko Naiinis ako sa sarili ko Naiinis ako sa sarili ko kasi napaka torpe ko Sasabihin ko lang sayo yung nararamdam ko pero di ko magawa Natatakot akong sabihin sayo kasi baka layuan mo ako Nag iisip ako ng paraan kung paano ko sasabihin sayo Sa sobrang kakaisip ko naunahan na pala ako ng iba Sa sobrang torpe ko naunahan na ako ng iba Sa sobrang torpe ko nawalan na ako ng pag asa Lalo na may mahal ka na at may naka hawak na sa puso mo Putangina ang  T O R P E   ko
0
Dec 5, 2015
Dec 5, 2015 at 11:39 AM UTC
Torpe
Para kang gago Putangina mo Para kang tanga Ang tanga-tanga mo Sinasaktan mo lang Ang sarili mo Siya Tarantado ka Bakit mo binibigyan ng dahilan Ang sarili mo Para maging malungkot Para maging miserable Sa isang pakiramdaman Na di ka sigurado Tangina mo, dinamay mo pa Kung di ka masaya, wag kang mangdamay ng iba ‘Wag kang mainggit Kung masaya sila Dadating ka dyan Wag kang tarantado Tanga mo May nalalaman-laman ka pa Na tapos na Akala mo, tapos na Gago ka kasi Manhid ka Sarili mo lang Ang iniisip mo Magpakasaya ka na lang Sa kung anong meron ka Ngayon At sa darating na bukas Wag kang maghangad Ng kung ano pa man ngayon Hayaang dumaloy Ang buhay Wag ka ng gago Wag ka ng siraulo Wag ka ng tarantado Matatapos din ‘to Parang itong tula Walang kwenta Katulad ng iniyak mo Wala na ring silbi ‘yan
0
Mar 11, 2015
Mar 11, 2015 at 10:43 PM UTC
Ikaw
Sabi nila, mahalin lang ang di mo kaparehas Alam mo ang ibig kong sabihin Pero hindi 'yun ang opinyon ko May karapatan tayong umibig ng kahit sinong nilalang Lahat ay dapat minamahal Kahit 'di romantically-speaking Pero romantically-speaking may kakayahan akong magmahal ng sinuman Kung sino man siya. Alam ko kung sino ang gusto ko Alam ko kung sino ang mahal ko Alam ko hindi ako nalilito Alam ko, malilito kayo Eh ano naman kung babae Eh ano naman kung lalaki Kung gusto mo, eh di gusto mo Kung mahal mo, eh di mahal mo Walang pipigil sa'yo Ay meron pala Putangina meron talaga Ang lungkot kasi meron talaga
0
Nov 10, 2014
Nov 10, 2014 at 1:25 AM UTC
Dalawa
Puro isip, walang gawa Puro lito, walang aksyon Puro na lang ba ganito? Ayoko na ng ganito! Masyadong masikip Masyadong maraming ingay Maraming kuda Maraming putangina Masakit sa ulo Nakakarindi ang mga ingay Nakakasawa sila Pero nakakaadik Magulo pero gusto ko Ayokong wala sila dito Gusto ko maingay sila Siguro nababaliw na nga Sinong matino ang gusto nito? Wala sabi nila Matino ako para sa akin Kayo nga ang hindi matino Ayoko sa inyo Gusto ko lang dito H'wag niyo kong kausapin Hindi ako kasapi niyo Malalim 'to Malalim tayong lahat May lalim tayong lahat H'wag niyong hayaang mawala.
0
Nov 10, 2014
Nov 10, 2014 at 1:18 AM UTC
Ingay
minsan hindi ko nalang alam bat nangyayari ang mga bagay-bagay sa mga taong mababait sa mga taong walang kaalam-alam sadyang di lang ba ko matalino hindi alisto sa totoo o sadyang walang sagot sa aking agam-agam putangina minsan hindi ko nalang alam
0
Oct 3, 2015
Oct 3, 2015 at 9:57 AM UTC
for what it's worth
Isang shot para sa puso ko na dinurog mo Isang hithit para sa mga pangako **** napako Isang pitsel para sa mga salitang di mo napanindigan Isang kaha para sa mga alaala na bumabalik galing sa nakaraan Isang case para sa halik at yakap **** di ko malimutan Isang rim para sa taong ako'y iniwan Nakakamatay na alak ang turing ko sayo Nakakasama ngunit tuloy paring tinutungga ko Para kang yosi na kailanma'y di nauubos Unti-unting sumusunog sa pagkatao ko na tila ba'y nauupos Lason ka man sa akin katawan Pero putangina bakit di kita mabitawan Kumakapit parin ako sa natitirang sana Kahit magmukha akong dakilang martir sa iba Mananatiling tanga na walang namang karapatan Bayani na wala naman talagang konkretong ipinaglalaban Alam ko na kung bakit ka nagkaganyan Kasi pumakla na ang dating matamis na pagmamahalan Kailan kaya ako magigising sa katotohanan Sampalin na lang sana ako ng mundo nang ako ay matauhan Sabi nga nila pag mahal mo ang isang tao dapat handa kang masaktan Pero ayoko na, tama na, wala na kong gana makipaglokohan //iana
0
Jul 30, 2017
Jul 30, 2017 at 8:05 AM UTC
Tama na
apat na letra lang yan pero bakit parang ang daming kahulugan.. napakaraming nais iparating ngunit pilit na ikinubli sa apat na letra kumakawala, pumipiglas ang mga patalim nitong may taglay na lason na maaaring magdikta ng libong sakit at pasensya ka na, hindi ata nakarating ng maayos sa aking pang-unawa ang nais **** sabihin "bakit ka ganyan, mahal?" "ewan" "may problema ba tayo?" "ewan" "mahal mo pa ba ko?" "ewan" pero mas masakit palang marinig na ewan din ang sagot mo sa tanong na bakit. bakit mo ko patuloy na sinasaktan? sige, wag mo nang sagutin. nagsasawa na ko sa mga ewan mo ngunit, putangina, hindi sa iyo. nagsasawa na ko sa sakit na ibinibigay mo, hindi naman ito ang ipinangako mo pero ewan... siguro nga'y mahal na mahal lang kita kaya't sa lahat ng ewan na binanggit mo isa lang ang alam kong sigurado... hindi ko alam kung paanong magsisimula muli, ewan.. bahala na'ng pusong sawi sa pagbuo ng mga piraso nitong dinurog ng lapastangang pag-ibig na alam mo.
0
Apr 30, 2019
Apr 30, 2019 at 10:49 AM UTC
Ewan
Cannabis Ang hirap mag mahal ng lalaking may girlfriend pang isa oo si Mary Jane. Si Mary Jane na lagi niyang tinitira. Si Mary Jane na kahati mo lagi sa oras niya. Akala mo ikaw ang dahilan ng kanyang saya pero si Mary Jane pala. Si Mary Jane na takbuhan niya tuwing may problema siya. Si Mary Jane na sandalan niya sa lahat ng bagay na hindi niya kaya. Si Mary Jane na nag bibigay ng lakas ng loob sa damdamin niyang napaka hina. Si Mary Jane din ang unti-unting sumisira sa buhay niya. Hindi niya alam pero sirang sira na siya. Oo nga pala si Mary Jane ang una niyang nakilala hindi ako na pumapangalawa lang sa puso niya. PUTANGINA NAMAN MARY JANE MAG PARAYA KA NAMANG AHAS KA LAHAT NA LANG SYOTA KA BUKOD SA DAHON KA MAKATI KA PA!!
0
Jun 12, 2017
Jun 12, 2017 at 2:03 PM UTC
Cannabis
Ang katapusan, Ang tuldok sa kwento, Ang kasalukuyan, Ang patuloy na paninibugho. Dahil wala nang mag-iiba, Hanggang dito nalang talaga, Kaya nga inihinto na, Ngunit bakit patuloy na umaasa, putangina. Isang talunan, isang walang alam, Ang parating nanghihinayang, Ang parating walang kwenta, Ang parating nagpapakatanga.
0
Nov 18, 2017
Nov 18, 2017 at 3:09 AM UTC
Patuloy na pag-asa
Kung wala ka talagang ideya Kung saan ako may pilay Alalayan mo man lang ako, putangina.
0
May 22, 2016
May 22, 2016 at 1:46 AM UTC
Untitled