Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"patagong" poems
Paglisan Pinangangambahan kong lubos na malaman kung meron nga bang pangalawang buhay, saan kaya ako tutungo? gagala kaya ang aking diwa o baka makukulong ito sa naaagnas at walang buhay kong katawan habang buhay. ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang alikabok na hinipan sa mesa? , o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa. Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?, kung may dumalo man,ano ang pakay nila?, narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?, o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan? Narito kaya sila upang lumasap ng kape at tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa? o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?, Natatakot akong malaman. Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito, hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal kundi ang pagsisisi na aking dadalhin sa bigong pag-usal at pagpaparamdam kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na sapagkat ang pinakamasakit na paglisan ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at hindi naipaliwanag.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:16 PM UTC
Paglisan
may isang natutulog sa kalye walang sala, walang detalye walang makain, walang tirahan ngunit ikinulong tila'y makasalanan "mahirap maging mahirap" said ng mga matang nagpapaki-usap nang gayo'y makahanap ng pagkain sa pamilya'y maiharap at ang isa'y pinaiimbestigahan dahil umano sa ilegal na pamamaraan ng pagtulong sa kanyang nasasakupan kailan ba ito naging kasalanan? o, Pilipinas, ika'y binabantaan patagong tinatangay ang iyong kayamanan mga anak mo'y pinahihirapan sa kalagitnaan ng krisis, ika'y pinagsasamantalahan o, Pilipinas, naliligaw ang iyong landas ika'y inaapi, inaabuso nang marahas waring pinaglalaruan ang batas ng isang nag-aanyong taong hudas halika't iyong ipaglaban ang bansang ating sinilangan basagin na ang iyong katahimikan at h'wag hayaang manaig ang kasakiman pakinggan, dam'hin, at tignan h'wag ka munang lumiban sapagkat kailangan ang iyong katapangan sa umuusbong na digmaan
0
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 9:10 AM UTC
Untitled
bato-bato sa lawak ng langit hinde tamaan wag magagalit sa aking apat na sulok ng panitik mensahe ko sa quadro ay hitik ang lihim sa likod ng lalim may gintong butil na di patitigil lantaran man ang talinghaga patagong kaway agwat ng kataga sapagkat sa bawat pag-ani ng parirala sa aking balarila muli ngang sisibol itong binhi at para sa kanya...ako ay nag-punla
0
Nov 18, 2015
Nov 18, 2015 at 8:11 PM UTC
" Kanya "
Sa pagkagat ng dilim Ibinulong ko sa iyo ang nililihim Patagong ipinaaalam sayo Dahil gustuhin ko man isigaw kahit malayo Hindi ako pwedeng magpadalos dalos Dahil kagay nga ng sinabi ni Rommel Pamaos Ang pusong ito na akin Mahirap na kung ito lamang ay iyong pisil pislin Lalo na't di mo naman bibilhin At wala kang balak mahalin Kaya hanggang dito na lamang Ang puso kong nagaabang Naibunyag ko na naman na sayo Mula man sa malayo Ang mga sikretong itinatago Ng aking mumunting puso
0
Feb 18, 2017
Feb 18, 2017 at 9:32 AM UTC
Nakatago~
maitim ang gabi patagong hikbi'y nagmumulto sa tabi nagpaparamdam, pasintabi kwentong nakaukit sa dilim binabalik-balikan, palihim umaasa nang mataimtim nawa'y bumalik sa takipsilim hangal mang maituturing alaalang matagal nang nakalibing ay muling bubuhayin, sinungaling eksena, alaala, nakakahumaling natapos na ang ulan maaari na bang tumahan magpahinga't lumaya nang marahan upang mabitawan, panandalian
0
Apr 3, 2020
Apr 3, 2020 at 2:06 PM UTC
Untitled
kumusta, kaibigan? halika't pakinggan ang istoryang dapat **** malaman sana ako'y iyong paniwalaan dahil hindi ito kathang isip lamang hindi ko alam kung kailan 'to nag-umpisa ano, bakit, o paanong nangyari, limot ko na bigla nalang nakaramdam ng lungkot at pagkabalisa patagong pagtangis sa gabi'y aking iniinda habang ako'y nakatulala sa tala tinatanong ang mga bakit kay Bathala may mga boses na nang-aabala hindi makita-kita, sino kaya sila? pagkagising sa umaga'y nariyan na naman sila kasabay ng aking almusal ay ang prisensiya nila ngunit meron akong naisip na ideya sa wakas ay matatahimik na siya sa paglubog ng araw sa kanyang kanlungan kasunod nito ang paglaya ko sa bilangguan ingay na naririnig, nawala na rin nang tuluyan ngunit kasabay nito ang aking paglisan kaibigan, sana'y iyong maunawaan sa pagtatapos ng aking istorya ako'y tunay na naging maligaya ang aking buhay gumaan't guminhawa kasabay nito ang pagtahimik nila sa pagkupas ng aking larawan kasabay ng pagpatak ng ulan aagos ang lagaslas ng dalampasigan at ako'y tutungo sa paraisong kalangitan kaibigan, ako'y hindi lumisan sa mundo dahil ginusto ko kundi para ito sa ikakatahimik ko
0
Jul 23, 2021
Jul 23, 2021 at 4:08 PM UTC
Untitled
Sinungaling ang mga manunulat. Mapanlinlang ang kanilang mga akda— Pinaniniwalang maayos lang ang lahat at walang dapat na ipag-alala, Nagpapanggap na tanggap na nila, Ang mapait na sinapit ng ugnayan niyong dalawa— Nagpapanggap na tanggap na nila, Dahil magaling silang magpaikot ng mga salita, At bihisan ng ibang kahulugan ang kanilang mga tugma; Mapanlinlang ang mga manunulat, Paniniwalain ka nilang tanggap na nila ang lahat, Na ayos lang kahit hindi sila ang piliin basta't masaya ka— Wag kang maniniwala sa kanila! Sinungaling sila! Mapagpanggap ang kanilang mga panulat; Masaya kahit nasa piling ka ng iba? Sino ba namang matutuwa 'pag ang bagay na pinapangarap mo ay hawak ng iba? Hindi gano'n kabilis magpalaya ng mga bagay na hindi pa nagiging sa'yo, Pano mo bibitawan kung hindi pa naman dumarampi sa mga palad mo? Kaya maniwala ka. Sinungaling sila. Hindi nila tanggap na hawak ka ng iba. Hindi sila mabilis magpalaya. At wala silang balak na palayain ang pag-ibig. Kahit nagkakasiya sila sa mga simpleng titig— Mga patagong ngiti at kilig Sa t'wing nariyan ka. Oo! Sinungaling sila. Pagkat sa likod ng mabulaklak na isinusulat nilang mga salita, Nakatago ang pusong humihiling, "Sana ako nalang siya".
0
Dec 4, 2019
Dec 4, 2019 at 10:24 PM UTC
#84
Kung titingnan tayo sa malayo ay tila dalawang estranghero. Magkalapit na nakatayo, ngunit kalooban ay magkalayo. Sa bawat buntong hiningang pinapakawalan, ay ang patagong pagpahid ng luhang pinipilit wag masdan. Sa bawat patak ng ulan sa iyong mykha, ay ilang beses kong pagpigil ng sariling luha. Gustohin ko mang ikaw ay pigilan, wala akong magagawa kundi ikaw ay pakawalan. Kung kagustohan ko lang din naman ang masusunod, Maari ba? Maari  bang sabihin, mga salitang pilit pinipigil bigkasin? Maari bang kahit ngayon lang, ay mawala saglit ang pagkailang? Maari ba? Kahit ngayon lang? Kahit saglit lang? Maari bang ikaw?
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 9:12 PM UTC
"Estranghero"