Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napakalaking" poems
Simulan natin sa katapusan nang taon, Naging dahilan nang araw-araw kong pagbangon, Naalintana ang palagiang paglamon, At uminit ang Pasko nang kahapon. “Napakaganda nang buhok mo”, aking bati, Para sa minimithi kong binibini, Pagmamahal mo’y sa akin’y biglaang sumapi, Noon ko ipinagdarasal na makita kita’ng parati. Humingi nang payo kung kani-kanino, Upang manatiling aktibo’t ‘di mablangko, Bagama’t ang kinauukalan mo’y malayo, ‘Di nagtagal, nagkaroon na din nang “tayo” Araw-araw magkausap simula noong ikalabing-walo nang Enero, Nagpatuloy hanggang Pebrero pati Marso, Kadalasang naiisip kapag nag-iisa sa kwarto, Hanggang sa eskwela, daanan, lansangan, lungsod, barangay’t baryo. Naputol man ang ating koneksyon, Hinding-hindi ka mawawala sa ‘king imahinasyon, Ipinagbawal man upang turuan nang leksyon, Sa araw-araw ang pag-ibig mo’y aking binabaon. Pinaghigpitan man’y iginagalang ko Ang desisyon at pagmamahal nang mga magulang mo, Sa ika-dieciocho ka pa daw pwedeng magka-novio, Nag-atubili, sumagot ako nang “opo”. Lahat daw nang inaantay at pinaghihirapan, Ay mayroong napakalaking kahalagahan, Kahit alinma’y sakit ay aking ginampanan, Upang sumunod lamang sa natatanging kasunduan. Kaya nandito ako ngayon, Na may pagmamahal at may mga pagtitiis na naipon, Nanabik sa pangako nang kahapon, Sa pangakong uuwi ka sa iyong selebrasyon, Ngayong ika-siyam nang Pebrero, Nais kong malaman mo na pag-ibig ko sayo’y ‘di magbabago, Nag-intay, nagtiis, nahirapan, ngunit ‘di napagod, Dahil umaapaw ang pagmamahal mula labas hanggang ubod.
0
Jun 4, 2018
Jun 4, 2018 at 9:36 AM UTC
Dieciocho (Eighteen)

Continue reading...
36
Yan ang unang salita na biglang pumasok sa aking utak Kapag narinig ko ang iyong pangalan na noon akala ko isang bulaklak Akala ko ikaw ang nag-iisang napagandang bulaklak sa hardin na malawak Pero nung nakuha kita di ko akalain na ako pala’y iiyak Mahal, saan ba ako nagkulang? Minahal kita ng sapat pero bakit ako’y iyong sinaktan? Ako ang iyong iniwan Pero bakit ako itong luhaan? Nasasaktan ako tuwing na-alala ko ang magandang pagsasama Kulitan doon, tawa dito, hatid-sundo, at loob ko’y nakuha mo na Hanggang sa binigay ko sa’yo ang aking tiwala Pero di ko inasahang itatapon mo lang ‘to ng bigla-bigla Binigyan mo ako ng madaming motibo Pinakita mo sa’kin na masaya ka kasama sa piling ko Ipinaramdam mo sa’kin na importante ako sa’yo At higit sa lahat sinabi **** ako’y mahal mo Mahal, oo Mahal mo ako Mahal mo ako tuwing walang kasama Mahal mo ako tuwing wala kang kalaindian na iba Mahal mo nalang ako tuwing may kailangan ka Oo, kasi madali lang sa’yo ang sabihin ang salitang “MAHAL KITA” Mahal, isa kang napakalaking PA-A-SA PA – pagmamahal na akala ko nasa’kin na A – akala ko abot ko na ang pangarap ko sinta pero SA – sakit lang pala ang idinulot mo at puso ko’y namamaga kaya paalam na sa’yo Mahal kong PAASA
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 10:34 AM UTC
PA-A-SA
Patawad dahil ako'y naging sakit lamang ng ulo Pinipilit ang mga bagay na gusto ko Naiintindihan ko na kung bakit ako'y pinapagalitan mo Tanda lamang na ako'y mahal na mahal mo Ina'y salamat sa syam na buwang ako'y dala dala mo Salamat dahil ako'y hinayaan **** makita ang mundo Salamat dahil isa kag napakalaking regalo Ina sana'y mapatawad mo ang mga asal ko Naiinis, nagagalit, nanggigigil sa tuwing ako'y inuutusan mo Patawad aking Ina sa mga pagkakasala Nais kong hagkan ka Nais kong sabihin sayong mahal na mahal kita Patawad, pangako kong ito'y dina mauulit pa Ipapadama kona kung gano ka kahalaga Habang nabubuhay ka pa Dahil sa pagdating ng panahon alam kong ika'y lilisan na Kaya ina'y hayaan **** ako'y alagaan kita Dahil sa gantong paraan maipadama kong mahal na mahal kita
0
Oct 30, 2018
Oct 30, 2018 at 11:06 PM UTC
Ina
Lapis at papel aking pinangsibat Pinangsibat sa mga taong ayaw mamulat Mamulat sa mga bagay na sa mali nasadlak Nasadlak ma'y pakay ng tinta kong mahatak Mahatak sa tama't puso'y bumusilak Bumusilak di ang anyong mapanindak Mapanindak kasamaa'y kinakalat Kinakalat sa buhay ng iba'y nangwawasak Nangwawasak ma'y handa ang aking sibat Sibat na letra'y sa pusong bato'y tatarak Tatarak ng marahan makikiusap Makikiusap sanang papel ko'y nayurak Nayurak binalewala't mga letra'y nakalat Nakalat sandatang higit pa sana sa sibat Sibat na tinta'y nagdulot nga ng napakalaking sugat Sugat sa puso ng may akda nitong sulat... Written: June 27, 2014 Mysterious Aries
0
Sep 16, 2015
Sep 16, 2015 at 3:54 AM UTC
Kabiguan Nang Manunulat
Sa pagkagat ng takipsilim isa lang ang natatangi kong hiling, nawa'y sa agad na paghiga ay siyang agad ring mahimbing. 'pagkat ako'y sabik na ng labis na muli kang makapiling— hintayin mo aking sinta, sa tagpuan natin ako'y darating. Sa napakalaking puno tayong dalawa'y nagtagpo Tila nag-uusap ang ating isip at puso kahit hindi kumikibo, hindi ako makapagsalita sa kadahilanang dinadaga ang aking puso.. Sa pagsalubong mo sa akin, niyakap kita at hinalikan sa iyong noo. Mga luha mo'y nagsitulo mula sa'yong napakagandang mga mata, wala akong ibang nagawa kundi titigan ang iyong napakaamong mukha.. Sadya namang hindi natin masukat ang kaligayahang nadarama, Hiniling ko na sana ang oras na iyon ay hindi na matapos pa. Muli sana akong lalapit para muli kang yakapin, ngunit sa aking pagkahimbing kinailangan ko nang gumising. Huwag mag-alala, aking sinta 'pagkat muli akong darating... sa aking susunod na mga panaginip ang oras ay atin nang susulitin.
0
Jun 6, 2020
Jun 6, 2020 at 11:27 PM UTC
Tagpuan
Bakit ganito ang aking nararamdaman? Tila sa puso ko ay may napakalaking puwang Hindi ko maipaliwanag, ni hindi rin kayang matiyak, Bakit ang mga luha ko'y patuloy sa pagpatak? Hindi nakilala, hindi rin nakasama ngunit bakit sa'yo ay labis na nangungulila? Sa bawat paglingon mapa-kanan o kaliwa, Bakit nasa isip kita? Bakit ka nasa alaala? Sa bawat umagang idinidilat ko ang aking mga mata, nararamdaman ko para sa'yo ay sadyang lumalala. Madalas gusto kong isipin na sa tamang katinua'y nawawala, Sino ka nga ba? Bakit hindi na lang tayo pagtagpuin ng tadhana? Bakit kinakailangang maghirap ako ng ganito? Ako ba ay sumisinta? Hindi ko mapagtanto! Kapag mukha mo'y naiisip, iba ang pagtibok ng aking puso. Nakilala na nga ba kita? Ano nga ba talaga tayo?
0
Mar 26, 2020
Mar 26, 2020 at 12:28 AM UTC
Sino Ka Nga Ba?