Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Tumibok ang puso ko
Hindi dahil sa may hinihinga pa
Ngunit bunsod sa kaba.

Tumayo ako't humakbang
Narating ko ang entablado;
Hindi ko lubos maisip
Na ito na ang pangalawang beses
Na tutuntong ako't haharap sa madla.

Isang pribilehiyo
Salamat sa grasya ng Panginoon.

Panimula ko'y winaksi na sa isipan
Bagkus ang bibig ay kusang niluluwalhati Siya
Maging ang pangwakas ay nakatuon lamang sa Kanya.

Ang buhay ko'y minsang naging sakal
Akala ko noon, kaya kong walang sinasandalan
Ngunit ako'y minsang naupo sa silya-elektrika
At tinawag na nasasakdal.

Isarado natin sa siyam na taon
Ako'y nasa rehas pa ng kadiliman
Na tanging sariling latay ang nasasaksihan
Kilala ko Siya na may lalang sa akin
Ang tingin nga lang ay ambulansya Siya:
Na 'pag kailanga'y, panay hikbi't nanlilimos ng grasya
Ngunit 'pag ayos ang lahat,
Iniiwan ang sarili't umiindayog sa dilim.

Sa siyam na taon
Ako'y binahiran ng itim na blusa
Akala ko'y hindi ko na matatakasan ang rehas;
Ang sekswal na kasalanang bumalot sa pagkatao
At naging mitsa nang paghinto ng nararapat na pagpapala.

Ngunit ang lahat pala'y kayang limutin ng Ama
At ang maling relasyo'y kinitil sa tamang panahon
Na ang pag-ibig ay magkaroon ng katuturan
At doon nalaman na 'pag para sa kapwa'y
Sunod lamang sa mas rurok
Ng saktong timpla ng pagmamahal.

Umaagos ang luha ko nang walang nakakakita
Ang puso'y hinihele ng Kanyang mga anghel
At ang Kanyang sakripisyo'y tagos sa kamoogan.

Hindi ko lubos na maintindihan noon ang pag-ibig Niya
Na kayang akayin ang buo kong pagkatao
At buburahin ang kamalian ng nakaraan
At maging ng ngayon at ng bukas.

Hindi ko alam kung saan paparoon
Kaya't pilit kong sinuot ang maling maskara noon
Ang puso'y mali rin ang naging direksyon
Maling galaw at mali ang naging layon.

Ibinaling ko ang lahat sa sariling persona
Nag-aral nang mabuti't hindi nalulong sa anumang droga
Maraming organisasyon ang kinabilangan
Sa pag-aakalang matatakpan ang bawat butas
At masisilayan lamang ang magandang antas ng sarili.

Sa madaling salita, binuo ko ang sarili kong pagkatao
At nalimot at nakaligtaan na may nag-iisa lamang na Manghuhulma
Ngunit salamat at naarok ko ang tamang landas
Na ang minsang batong sinantabi't itinapon
Ang siyang tutuwid sa baku-bako kong daan.

Hindi pala ako magiging masaya
Kung ang sentro ko'y ang aking sarili
At nang ako'y palayain Niya,
Masasabi kong ganap na ang aking pagkatao
Na nakilala ko ang sarili --
Kung sino ako't kung para kanino.

Wala na akong mahihiling pa
Mahirap man sa sansinukob na ito'y
Patuloy pa ring maghihitay sa Kanyang pagbabalik.

Hindi ko kinalilimutan ang mundo
Ang labindalawang disipolo na Kanyang regalo sa akin
Ang kanilang mga buhay na tangan ko hanggang sa huli
At hindi sapat na sumuko lamang
Hindi ko kaya, ngunit kaya Niya.

Ang pag-ibig ko sa pamilya ko'y hindi maaawat
May mga tanong sa isipan ngunit hindi ko ito ginising
Hindi ko abot ang Kanyang kaalaman
Kaya't inilapag at inihain na lamang sa Kanyang paanan.

Muli, hindi ko kayang mag-isa --
Mag-isang nag-aarok ng pansamantalang tagumpay
Ngunit ang paniniwalang may pag-asa pa
Ay patuloy ang pag-usbong gaya ng mga malalagong dahon;
Ang bawat kaluskos ay maririnig ng Ama
At ang pugad na kinatitirikan ko ngayo'y
Haplos ng Kanyang banal na mga kamay.

(6/28/14 @xirlleelang)
Nilimot ng ulirat ang sarili
Nakaligtaan akong dalawin
Ng antok na pinangungulilaan.

Pinihit ko ang imahe
Nitong bughaw at dwendeng bida.

Bagsak ang panga
Ayan, pabaya ako sa pananim
Patawad **Papa Smurf!
120915

Hindi ko magawang itikom ang bibig
Iniibig kita, pero inibig **** ako'y saktan.
Inibig **** ako'y paglaruan,
Na tila baga tayo'y nagtatagu-taguan.

Hindi na tayo bata,
Na kapag ayaw mo na,
Itatapon mo na lang ang lahat.
Na kapag pagod ka na,
Mamamahinga ka na't
Tila ba wala nang pakialamanan.

Sabi mo, di ka katulad ng iba
Na pupuwede akong magtiwala sayo.
Ako'y nagpatuklaw sa isang ahas,
at lason siyang pag-ibig mo.

Tanong ko: minahal mo nga ba?
Tanong ko: sineryoso mo rin ba?

Sa dinami-raming tulang kinatha,
Damdamin ko'y nauubusan na ng salita,
Tila hinigop mo na lahat ng kataga,
Yung kahit sarili ko'y nakaligtaan na.

Bakit nga ba?
Kung sino pang tunay na nagmamahal,
Siya pang naiiwan sa ere,
Na tila baga walang gasolina ang nag-angkas sa kanya
Yung parang walang destinasyon,
Yung ibabagsak na lang.

Ayoko nang sumakay,
**Pagkat nakamamatay.
Para sa mga nasaktan, wag kayong mananakit.
Para sa mga nanakit, wag nyo nang hintayin ang ganti.
Tama na, move on lang nga! Ang sakit umibig!
cherry blossom Sep 2017
at muli kitang nasilayan,
tumingin ng walang pakundangan
walang makitang pagsisisi sa mga sulyap ng nakaraan
pumikit at nagkunwaring hindi ako muling nawalan

at hindi, hindi ako nawalan ng kamay na makakapitan
hindi isang kanlungan na una **** inalok noon sa ulan
naaalala pa noong handang handa kitang awitan
nawiwili ka sa himig ng aking kalungkutan

isang awit na sa akin ang una **** kinuha kasabay ng iyong pag-alis
isang kulay sa espektrong makitid
kasabay ng pagdiin sa mga naghihilom na sugat
at ang pag-apak sa araw na pasikat sa guhit-tagpuan

sa lahat ng iyong tinangay sa paglisan
maraming bubog ang iyong nakaligtaan
mga patalim na ilang taon nang iniiwasan
binigyan ng rason para limutin ang pag-asang kinapitan
Para sa tilamsik na akala ko ay dagat
09/16/17
Nadudual, nahihilo, walang gana kumain, walang gana gumalaw at gumawa ng pagbabago

May motibo pero mabilis ding sumusuko
nilalamig, nanginginig, nakatulala, kumukulo na ang sikmura

Ibang-iba sa panlabas na anyong ipinapakita
katahimikan, kasiyahan, kalituhan, sigaw ng pusong uhaw
makakamit kaya lahat bago pumanaw?

ika-29 ng Oktubre

Nakaligtaan ang lihim na pagkakamali
may oras pa bago maputulan ng tubig
I simply forgot to pay the water bill but in this specific day, I thought I had things in my control then problems and complications went on and on until I felt buried in them.

— The End —