Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"masusuklian" poems
Kaibig-ibig ka, katangi-tangi, at hinahangaan, Alindog mo at kagandaha'y hindi matatanggihan, Ng sino mang taong handing-handa kang ligawan. Kinahuhumalingan ka ng mga lalaki sa ating pamayanan. Kinaiinggitan ng mga babae sa iyong kaseksihan, Bakit hindi kita magawang magustuhan? Ilang lalaki na ang umakyat ng ligaw sa iyo, Ni isa ay hindi mo sinipot, hindi ka kumibo o nakihalubilo. Ang sabi ng nakararami? 'Ako' ang gusto mo. Nang ako'y iyong lapitan sa aming tahanan, Ang mga ngiti mo'y nag-uumapaw sa kasayahan, Nang masilayan ka, mukha ko'y walang bakas na kaligayahan. Ako'y iyong sinisinta, higit pa sa kaibigan. Ika'y tahasang nagsabing, ako ang iyong napupusuan. Sinabi **** ako'y liligawan at iyon ay iyong paninindigan. Subalit, ayoko kong ikaw ay masaktan. Kaibigan lang ang aking masusuklian, Sa kaaya-aya **** ngiti at kabaitan. Hindi ako karapat-dapat na iyong ligawan, Hindi kita mahal, 'yan ang aking nararamdaman. Hindi na hihigit pa ang iyong pagkakaibigan. Kaya, pakiusap, pawiin mo ang iyong kalungkutan. Ibaling mo sa iba ang iyong isip at damdamin, Ako'y magpapaalam, mahal kong kaibigan.
0
Jan 10, 2016
Jan 10, 2016 at 10:43 AM UTC
Mahal Kong Kaibigan
ni Reagan A. Latumbo Hindi man ako biniyayaan ng karangyaan, O nakakain ng masasarap na pagkain sa hapag-kainan, O nakabili at nakasuot ng magagarang kasuotan, Kuntento naman ako sa lahat noong panahon ng aking kabataan. Mahirap man ang buhay na aking pinagdaanan, Milya man ang nilalakad ko noon marating lang ang paaralan, Ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-abot ng aking pangarap kahit na nasaktan, Tiniis ko ang lahat dahil Siya ay nariyan. Kahit na pandinig ko ay unti-unti na ngayong nawawala sa akin, Nariyan pa rin si Ama at ako ay hindi Niya pinababayaan. Kaya kahit ako man ay may kapansanan, Naibabahagi ko pa rin ang aking talento at kaalaman. Sa mundong aking pinapasukan, Sa trabahong aking iniingatan, Kahit bingi man ay marami pa rin akong natutulungan. Mga baguhang empleyado ay aking tinuturuan. May kapansanan ka man o wala, Ang pagtulong ay hindi dinadaan sa usap-usapan. Ito ay kusang ginagawa at pinaninindigan, Maraming tao ang lubos na masisiyahan kung tulong mo ay hindi ipinagkakait sa kanilang harapan. Bingi ka man o bulag o kulang ka man ng kamay o paa, May sakit ka man sa puso o namanang karamdaman o wala, Kapag tulong ang hinihingi, 'wag kang mag-aatubiling ipagkait ito sa iba, Dahil sa bandang huli, ang iyong kabutihan ay masusuklian Niya.
0
Aug 14, 2017
Aug 14, 2017 at 1:20 PM UTC
Kapansanan Ay Hindi Hadlang
ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, ilang taon na akong naglalakbay. nakita't nadaanan ko na lahat. dito sa masalimuot na lansangan memoryado ko na ang mga pasikot-sikot sa mga eskinita, bawat lubak at hukay sa kalye, ang mga graffiti at nangangalawang na karatula. pero kahit kay tagal na ng lumipas na panahon hanggang ngayon, di ko pa rin masikmura ang mga nakakabinging busina at humaharurot na makina ang nakakasulasok na baho ng usok at nagkalat na basura. sa una ako'y nangangawit pero ngayon nangmanhid na ang mga kamay ko sa higpit ng kapit sa manibela na walang sinuman ang makakaangkin dahil ito ay s'akin lamang, akin. puso ko ang mapa: lukot at punit-punit. dito ako sunudsunuran at alipin. kahit alam kong mali, di ako kikibo, ako'y tahimik. naghahanap, pero siya rin mismo nawawala. tahanan lang naman daw ang gusto niya kung saan lulunasan ng yakap ang pagod at pait, kung saan ang mga simangot ay masusuklian ng ngiti. *pero saan? saan kaya?* ako ang hari ng daan. walang kinikilala na batas. nakikipagkarera sa hangin sige-sige sa pag-arangkada. kung may masagasaan, kahit siya ang duguan, siya pa rin ang may kasalanan. dahil paminsan naiisip ko na baka mas swerte pa siyang nakahandusay sa kalsada kaysa sa akin na pagod, naiinip, naiinis sa likod ng manibela. malapit nang maubusan ng gasolina, ang mga gulong ay pudpud na. 'di ko pa rin mahanap ang tahanan kaya tumungo na lang kaya ako sa kamatayan? "para po" ako'y napalingon. oo nga pala, may pasahero ako. inaangkas lang Kita paminsan umuupo likod madalas nakasabit sa may salamin o nakalapag sa harap kasama ng mga abubot at basura. "ate, para po" hindi. inapakan ko pa ang gasolina. nagbibingibingihan sa mga bulong Mo. oo, alam kong pagod na ako pero kaya ko 'to, hindi ko kailangan ng tulong. "para, diyan lang sa may tabi" hindi. hinigpitan ko pa ang hawak sa manibela. gusto ko lang naman makauwi. oo, alam kong nawawala na ako pero sigurado ako ang ginagawa ko siguro, sigurado siguro. "para" ngayon napagtanto ko na ako'y sawi, ako'y mali. papakawalan na ang pagkapit sa patalim, ang pagtiwala sa sarili. sa wakas ako ay bibitaw. sa Iyo na ang manibela, pati na rin itong upuan na 'to, and trono. Ikaw na, ang gasolina at gulong na nagpapatakbo ang mapang nagtuturo mula ngayon hanggang magpakailanman. Ikaw na ang Kapitan ang tagapagmaneho ng buhay na 'to. wala nang pagkuha, pagdukot, pag-angkin. mula ngayon, iaalay ko na ang lahat. ako ay Iyo. ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, ilang taon na akong naglalakbay at tuloy pa rin ang biyahe. ganun pa rin ang kalagayan ng kalye: malubak, maingay, madumi. pero kapag Ikaw ang nandyan sa upuan, para tayong lumilipad. anumang madaanan biyahe ay napakabanayad. puso ko'y nananabik. saan Mo ako sunod dadalhin? saan kaya makakarating? kahit saan man mapadpad, kahit gaano man kalayo, 'di na ako mawawala. ako ay nakarating na. o tahanang tinatamasa, nahanap na rin Kita. basta't kasama Ka, Hesus ako'y nakauwi na.
0
May 17, 2015
May 17, 2015 at 2:23 AM UTC
ako'y nakauwi na.

Continue reading...
122
Elementarya ako nang pinangarap kong maging manunulat, Kaya't nagsikap ako at natutong magsulat Ikatlong taon ko sa hayskul nang isulat ko ang kuwento nating dalawa Kuwentong pinangarap ko pang maipa-imprenta Kaya't pinaghusayan ko ang paglikha at pagdetalye 'Straight to the point' at walang mga pasakalye Maraming natuwa sa bawat tulang alay ko sayo, Pero sa lahat ng yun? Kritisismo at pangungutya ang isinusukli mo Ngunit hindi ko inintindi iyon at patuloy akong sumulat, Baka sakali.. isang araw,malay ko? mata mo'y mamulat Mamulat sa pag-ibig na ibinibigay ko, Baka isang araw,makita mo rin yung halaga ng mga regalo ko, Baka isang araw, masuklian mo rin yung pagmamahal kong buo Baka kasi wala ka lamang barya, At nahahanap ng panukli kaya ka abala, Kaya naghintay ako ng ilang taon,nagpakatanga.. Pero mukhang di na yata ako masusuklian pa Kaya naisip kong makuntento sa kung anong meron tayong dalawa Pagkakaibigan. Pero di ko maiwasang masaktan Sa tuwing magkukuwento ka o nagtatanong tungkol sa kanya, Hinahayaan ko na lang at least nakakausap kita! Kahit na yung paksa natin madalas,tungkol lang sa musika Ayos lang! Basta nakakausap kita. Kahit nagmumukha na akong tanga Okay pa rin! Basta nakakausap kita. Ngunit nakakapagod din maging tanga Kaya mahal, ako'y magpapaalam na. Sa paglapat nitong panulat sa aking kwaderno Ay isusulat ko na ang huling bahagi ng ating kuwento, Tutuldukan ko na ang mga huling pangungusap At puputulin na ang mga ilusyon ko't pangarap Dahil kung hindi'y lalo lang akong mahihirapan Lalo lang akong masasaktan. Makapal na ang libro,paubos na ang mga pahina Nakakaumay ang kuwento na pinuno ng mga luha Panahon na sinta ko upang mag umpisa akong muli, Hindi ko na hihintayin ang hinihingi kong sukli Pagkat panahon na rin upang sumaya akong muli. Salamat sa lahat ng alaala At pasensya na sa mga abala Mahal ito na ang huli kong regalo - Hindi ko na ibabalot pa Pagkat alam kong wala ka rin namang pagpapahalaga At sa huling pagkakataon,gusto kong malaman mo, Na may isang AKO na minsang nagmahal sayo. Ito na ang huling pahina ng ating libro At sa pagsara ko dito,kasabay ang paglisan ko sa mundong ginagalawan mo.
0
Jan 24, 2018
Jan 24, 2018 at 9:18 AM UTC
Huling Pahina

48
nagsimula sa simpleng kamustahan, nagkakilala't nagkamabutihan, 'di inakalang lalalim, ang pag-iibigang akala'y tunay. dumaan ang ilang araw, umaga, tanghali at gabi, ikaw ang tanging kausap, laging sa isip kahit 'di man matanaw. habang tumatagal ay, palalim ng palalim ang nadarama, puso ko'y patay na patay, sa'yong pagkataong ubod ng ganda. ngunit sa isang iglap, wala pang dalawang kurap, ako'y iyong nilisan, at 'di na binalikan. 'yun pala ikaw ay, may iniirog nang kay tagal, 'di mawari ang nadama, ako'y tila nasaktan. akala ko ay ika'y akin, 'pagkat ako'y paga-ari mo, akala'y parehas ng nadarama, 'yun pala'y nagkamali lamang ako. kailan kaya kita malilimutan, at 'di na iisipin pa, inalay na pagmamahal, akala'y masusuklian na.
0
Mar 25, 2016
Mar 25, 2016 at 10:57 AM UTC
tula
Bakit ang tulin? Hindi ba pwedeng pahintuin? Oras, ba't ang bilis mo? Pagbigyan mo naman ako. Bakit panandalian lang? Bakit parang napakakulang? Ang palaging tanong sa'king sarili, Di ba pwedeng dito'y manatili? Parang isang kisapmata, 'tong ating pagsasama, Akin mang gustuhin, Oras, di kayang pigilin. Nakakapanghinayang, nakakapanlumo, Di magawa ang tanging gusto, Kahit man lang mag-umpisa ng usapan, Ako'y sadyang nahihirapan. Hay nalang, paano na iyon? Mauulit pa ba ang nangyari kahapon? Alam ko sa sarili ang sagot, Ngunit ang katotohana'y sapilitang nililimot. Ang mga panahong ito'y di masusuklian, Dahil ang oras, di kayang tumbasan, Di kayang bilihin ng kayamanan, Mga oras na kasama ka, aking kaibigan. Ma-iiwan sa'ting mga nakaraan, Di alam kung tatatak sa'ting isipan, Ang mga nagdaang panahon tulad nito, Parang kapayapaan paglipas ng bagyo.
0
Apr 12, 2017
Apr 12, 2017 at 12:18 PM UTC
Panahon
Ano nga bang mas mahalaga Ang pagkakaibigan natin o ang ibigin ka Mga bata palang tayo ikaw na talaga Sa isip at puso ko ika'y nag-iisa Gusto mang aminin ngunit hindi kaya pa Wala ring kasiguraduhan pag-ibig ko'y masusuklian ba Ayoko rin namang masira pagkakaibigang nabuo na Na noon pa may iniingatan ko na Kaya't ginawa ko'y ireto ka sa iba Baka sakaling malimutan ka Natutuwa akong makita kang masaya, kahit nasa piling ka na ng iba. Ngunit hindi maiwasang lumuhang magisa Tama nga bang ibinigay kita sa iba O dapat na bang ipaglaban ka Dahil puso ko'y nahihirapan na Nahihirapan ng makita kang masaya sa yakap ng iba Kaya heto na aaminin ko na Ang matagal ko ng dinarama Kaibigan ko pasensya  kana Mahal lang talaga kita.
0
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 12:10 PM UTC
Pasensya na
Hindi mo malalamang Nagustuhan kita Dinaan lamang sa panunukso Akala ko gets mo na Hindi mo malalamang May ibig sabihin Ang mga ibinibigay ko Wala ka namang pakielam sa mga ito Hindi mo malalamang Kinaiinisan kita Dahil hindi mo maramdamang Mayroon na akong feelings sa'yo noon pa Hindi mo malalamang Matagal na tayong break Dahil hindi naman tayo Ako lang ang nag-iilusyon na masusuklian mo ang feelings ko Hindi mo malalamang Naka-move on na ako Masaya na ang pakiramdam Nakalaya na sa nararamdaman Hindi mo malalaman na Para sa'yo ito Dahil kahit kailan Di ko babanggitin ang pangalan mo
0
Apr 13, 2016
Apr 13, 2016 at 6:57 AM UTC
You will never know
Hindi mo man aminin Mas mahalaga sya kesa sa akin. Sa akin na nagpapahalaga ng nakaraan natin. Ayos lang, hindi naman kita mapipilit na maging akin. Bato, sya ang mas timbang sa puso mo. Bato, na nagpapa- adik sayo, isang ngiti nga lang iba na ang pintig ng puso mo. Ako? Buhangin ang halaga sayo. Buhangin lang din ako na naging pira-piraso dahil sa pagmamahal na alay ko. Hindi man ito masusuklian, Isang ngiti mo lang napapawi ang karamdaman. Masakit man sa kalooban, Ngunit kailangan kong tanggapin na ako'y hanggang titig na lang. -HAN
0
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 2:26 AM UTC
Bato at Buhangin
Gusto kitang isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Gus— Gusto kong ibaling ang pagtingin ko sa iba, Pero bakit kahit na pilitin kong okupahin ang malaking parte ng oras para kalimutan ka, Hindi ko mapanindigan? Bakit patuloy ka pa ring bumabalik at nangungulit sa isipan; Kung alam mo namang madalas akong umaaasang baka sakali, May maganda tayong patutunguhan? Paano ko magagawang makalayo sa lungkot, Kung simpleng alaala mo,hindi ko magawang malimot? Dumarating ka sa oras ng katahimikan— Dumadalaw sa mga panahon ng pag-iisa, Dinadamayan ang sakit ng luhaan kong mata; Bumabalik-balik at sumisilip-silip, para iparamdam ang presensiya ng pag-ibig na kailanma'y hindi masusuklian~ Gusto kitang isayaw ng mabagal, Sa saliw ng paborito kong musika, Sa tugtog na gigising sa'kin, magpapa-alala: •Pagmamay-ari ka ng iba, Gusto kitang isayaw ng mabagal— Hanggang sa hindi matapos na tugtugin; Hanggang sa magawa ko ng pilitin, ang tadhana~ Na ibigay ka nalang sa akin, Gusto kita ng isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Gus— Tama na. Husto na. Gustuhin ko man na mapasa'kin ka, Wala akong magagawa. Kaya sige. Tatanawin nalang kita. Hihiling na sana minsan, maisayaw kita— Sa saliw ng paborito kong musika; Sa tugtog na patuloy sa'king magpapa-alala, Kaibigan lang dapat kita At pagmamay-ari ka ng iba. Gusto kitang isayaw ng mabagal. Gusto kitang isayaw. Gusto kita. Hindi magbabago kahit nakatadhana ka sa iba.
0
Dec 4, 2019
Dec 4, 2019 at 10:23 PM UTC
#82
010324 Ikaw — Ikaw ang nag-iisang Pag-asa, Ni hindi Mo ako binigo’t Ni minsa’y hindi ako tinalikuran. Sa bawat pagkakamali’y Ni hindi Mo ako hinusgahan Bagkus tanging yakap Mo ang naging sandigan. Ikaw ang aking Pahinga, Ang aking kalasag at kalakasan. Sa Iyong mga Salita’y nabubuhay ako — Nagiging bago ang lahat, Nagiging payapa ang puso. Sa tuwing isasandal ko ang aking sarili, Sa’yo lamang ako nakakahinga, At nagiging mahimbing ang aking pagtulog. Ikaw ang lunas sa bawat sakit, Walang duming hindi Mo kayang hugasan. Ngayo’y nandito ako Upang manghiram Sa’yo Kahit alam kong hindi ko ito masusuklian. Pahiram — Pahiram ng lakas sa bawat araw, Pahiram ng bagong pananaw Nang ako’y makausad at makaahon. Pahiram — Pahiram ng hininga at sandali, Pagkat hindi ko batid Kung hanggang kailan lamang ang buhay. Alam kong ang lahat ng sa akin ngayo’y Tanging hiniram ko lamang Sa’yo Kaya’t turuan Mo akong hindi angkinin ang mga ito. Sa’yo ang lahat, at balang araw ay kukunin Mo rin ito At ibabalik ko Sa’yo ang aking paghinga. At ang tanging hiling ko’y Mapapurihan pa Kita, Maging malinis ang puso Hanggang sa pagbabalik Mo. Salamat — Salamat, Ama.
0
Jan 5, 2025
Jan 5, 2025 at 4:54 PM UTC
Pahiram