Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"manipis" poems
Nasaan ka? nasaan ka aking kabataan? tila hangin na naglalaho sa bilis ng ikot ng panahon at paglipas ng bawat minuto masasabi ko bang ako ay natuto? Nasaan ka, aking kabataan? lumulubog at lumilitaw malimit ako ay nalilito, malimit ako ay naliligaw habang ako ay unti unting nilalamon ng mga pahina ng kalendaryo Nabuhay sa panahon ng mga kritiko at relihiyoso naglalakad sa gitna ng manipis na espasyo ng kamalayan nagmamasid at nanahimik nagbibilang ng mga sandaling malabong maulit huwag masyadong matulin at baka matinik ng malalim Nasaan ka aking kabataan? mga kinagisnan ay iyo nang iniwan niyapos ng modernong mundo binuksan ang pinto sa pagbabago sa huli, kilala mo pa ba ako? Nasaan ka aking kabataan? ang iyong katahimikan ay nakakabingi sabi nila ang pagsisisi ay laging nasa huli Nasaan na, nasaan na? kabataan ko, gising ka pa ba?
0
Feb 6, 2014
Feb 6, 2014 at 3:24 AM UTC
Nasaan Ka, aking Kabataan?
Minsan ako'y naghahangad at nag nanais ng mga bagay-bagay na bihira ngunit hindi labis sa hating papel na takot sa kiskis ng lapis At dahil sa takot at pangamba ako at ang papel ay naging isa sa takot na masaktan ng tadhana at dahil sa mga salita'y naging dala nagpaka layo-layo kasabay ng agos ng hangin hindi alam na basa at gusot ang tatahakin alikabok at buhangin sabay sa buga ng hangin Ako sana'y patawarin bigyan pa ng kaunting pagpapahalaga sa aking damdamin kahit ano mang mangyari sa akin mabasa man o pagpunit-punitin ako ay papel pa rin. © 2018 Kenneth Bituin All Rights Reserved.
0
Aug 6, 2018
Aug 6, 2018 at 11:01 AM UTC
manipis na bagay
Malalagkit na mga halik Amoy ng alak at yosi, kumakapit sa damit Kaunting barya, puri ang kapalit Eto ang turo ni inay "Kapalan mo ang lipstick anak, hindi magtatagal ikaw di'y masasanay" manipis na tela ang bumalot sa murang katawan ni Teresa "Sariwang-sariwa!" hindi magkamayaw ang mga kalalakihan Sa entablado kinalimutan ang nagdurusang puso binalatan nang dahandahan -Tula XI, Margaret Austin Go
0
Nov 22, 2014
Nov 22, 2014 at 2:27 AM UTC
Tula XI
Sa kanyang himig ako'y nahahalina Magkasintunog ng mga ibong malaya Umiindayog sa puso ko't pagsinta Misteryosong dilag, sino s'ya talaga? Sa tuwing napapanood 'y anong ganda Mata'y matimyas na tala sa umaga Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya Manipis ang labing kakulay 'y makopa Malamyos ang tunog ng bawat salita Halik ng anghel ang dapyo ng hininga Halimuyak ay buhay, di nawawala Kahit panlalaki ang gayak at porma Na kanyang ginampanan sa prima donna Munting lawiswis na lupaypay 't mahina Nang lumaki'y diwata sa encantadia Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama Madalas ay namumugto ang mga mata Kapag nasisilayan s'yang lumuluha Huwag sana pabugso bugso't pabigla Ang tibo niyang pangungusap at banta Sapagkat nababagha't natutulala Damdami'y pinamumugaran ng kaba Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga Isang paraluman na ang kiyas 'y siga Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya Pinakamatapang na lahing Claveria Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya? Sapantaha ko ay magalang na bata Binibini at dalagang Filipina May puring Perlas ng Silangan ng Asya Lingid sa kamalayan nang napahanga Sa kanyang angking galing bilang artista Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa Sa makabagong tinikling, siya'y reyna Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya Harap 'y pangarap na sinasalubong pa Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara, Kumikinang at nagbibigay pag-asa
0
Jan 4, 2020
Jan 4, 2020 at 11:09 PM UTC
Altheyah Ablan
*Halina kayong lahat at makinig! Magdikit-dikit at magkapit-bisig! At sabay pakiramdaman ang tahimik na unos ng isang dakilang puting kandilang upos.* Dito sa ating liblib na barrio Nakatago ang isang kandilang puti Labis na mahaba; ang pasensya na tila kayang hintayin ang walang hanggan. Ngunit labis na manipis; na kaybilis tablan at lapitan ng hinagpis. Dumating ang araw na kinailangang sindihan ang dakilang puting kandila sapagkat nawala at napundi na ang ilaw ng tahanan. Nang idinikit ang posporo sa kanyang mitsa ay hindi sadyang nakapaso ang kandila subalit ang nagsindi ay 'di napigilang magalit, pilit na pinutol ang kandilang puti sa gitna at ito'y nangalahati. Walang nagawa ang kandilang mayumi kundi iiyak ang mainit nitong pagkit ngunit ang tanglaw nito ay kayliwanag buong barrio'y mararamdaman ang kanyang sinag. Ilang araw nangyaring muli ang pagpasong hindi minimithi ang kandilang puti'y patuloy pa ring nangangalahati ngunit ang liwanag sa barrio'y sa kanya pa rin nanggagaling. Dumating ang araw ng kandila na hindi na maaring kalahatiin. Unti-unting sumuko na rin ang mahaba nitong mitsa. Sa huling sandali, ay hindi na nakapagpigil ang mapanghimok na nagsindi. Buong lakas na nag-ipon nang hangin Buong pwersang sumigaw sa kandila. Ang kandila'y 'di na nanlaban at nagtuloy nang manghina. At sa huling bulong ng nagsindi, ang liwanag ng kandilang puti ay napundi. *Halina kayong lahat at makinig Magdikit-dikit at magkapit-bisig sabay pakiramdaman sa walang kibong katahimikan ang umaalulong na hagulgol ng dakilang kandila.*
0
Sep 16, 2016
Sep 16, 2016 at 1:12 PM UTC
Hagulgol ng Kandila
*Halina kayong lahat at makinig! Magdikit-dikit at magkapit-bisig! At sabay pakiramdaman ang tahimik na unos ng isang dakilang puting kandilang upos.* Dito sa ating liblib na barrio Nakatago ang isang kandilang puti Labis na mahaba; ang pasensya na tila kayang hintayin ang walang hanggan. Ngunit labis na manipis; na kaybilis tablan at lapitan ng hinagpis. Dumating ang araw na kinailangang sindihan ang dakilang puting kandila sapagkat nawala at napundi na ang ilaw ng tahanan. Nang idinikit ang posporo sa kanyang mitsa ay hindi sadyang nakapaso ang kandila subalit ang nagsindi ay 'di napigilang magalit, pilit na pinutol ang kandilang puti sa gitna at ito'y nangalahati. Walang nagawa ang kandilang mayumi kundi iiyak ang mainit nitong pagkit ngunit ang tanglaw nito ay kayliwanag buong barrio'y mararamdaman ang kanyang sinag. Ilang araw nangyaring muli ang pagpasong hindi minimithi ang kandilang puti'y patuloy pa ring nangangalahati ngunit ang liwanag sa barrio'y sa kanya pa rin nanggagaling. Dumating ang araw ng kandila na hindi na maaring kalahatiin. Unti-unting sumuko na rin ang mahaba nitong mitsa. Sa huling sandali, ay hindi na nakapagpigil ang mapanghimok na nagsindi. Buong lakas na nag-ipon nang hangin Buong pwersang sumigaw sa kandila. Ang kandila'y 'di na nanlaban at nagtuloy nang manghina. At sa huling bulong ng nagsindi, ang liwanag ng kandilang puti ay napundi. *Halina kayong lahat at makinig Magdikit-dikit at magkapit-bisig sabay pakiramdaman sa walang kibong katahimikan ang umaalulong na hagulgol ng dakilang kandila.*
Continue reading...
49
Puro tiis.. nakakainis! Mukha nyong manipis! Pengeng hapinis. Isinulat ko ng lapis, problemadong labis. aking ninanais, sarap na walang kaparis! utak ay napapanis, sa katulad nilang balawis, kinukulang ka't nagpapawis, ngunit sa iba'y labis labis! gagambang may katis, de lata **** lumolojis! utak ay nabobopis, nah! pambihirang patis!! mabuti nalang as is, nandiyan ka lagi mis, sa tingin **** nakaka-pris, nakakawala ng inis :) pakiramdam ay namimis, kahit man lang isang daplis. labi **** ninanais-nais, parang gusto kitang ikis!
0
Sep 2, 2010
Sep 2, 2010 at 5:55 AM UTC
Half Finesse
nakaw lang ang mga sandali ngunit tayo'y nakangiti kahit hindi ma'y magkatabi sa puso ko ika'y mananatili sa iyong buhok na manipis, sa balat **** kay kinis ang iyong tangkad na hindi labis at ang iyong nakakabighaning ngiti sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa isang gaya mo, walang maihahambing sa aking huwad na buhay, isang ikaw ang dumating kinulayan ang aking buhay, isang kang luningning ngunit ang tadhana nati'y hinatulan emosyon ko'y hindi napigilan ako'y nawala, sa ere ika'y binitawan lubos na nagsisisi, ba't ka nga ba pinakawalan? sa mga panahong lumipas ilang beses mo na akong binigyan ng tsansa ngunit sa sarili' ako'y nagdududa na baka maulit ang aking mga nagawa sa panahong ika'y muling mahagkan buo na'ng puso't isipan ika'y hindi sasaktan't iiwanan ngunit ang kapatawaran mo ba'y aking matatamasan? nawa'y sa aking paghilom, ay nariyan ka pa hihintayin kita't tayo'y magsisimula mapaglarong tadhana ginawa tayong taya nawa'y tayong dalawa ay tuluyang makawala
0
Jan 2, 2022
Jan 2, 2022 at 10:58 AM UTC
Untitled
Sa dilim ng gabi ay nakapako ang mata Sa maputing liwanag ng makina Na tanging nagdudugsong sa manipis na hibla Ng ating kasalukuyan at umpisa Ng ating pangarap at mga alaala Diretso ang tingin at sa bawat lubog ng daliri Ay nabibigyang-buhay ang mga hikbi
0
Apr 29, 2016
Apr 29, 2016 at 7:33 AM UTC
Untitled
Sa pagdalamhati na rin ng kalangitan Tila may pagbadya na manipis na pagulan Sa bawat sanag ipapatak ng mahinahong ambon Sasabay ata ang mga luhang natago sa ipon Wala nang katumbas na salapi at ginto para sa iyong kasiyahan Pilit nalang sa paglimot sa malalambing na sandaling ika' naghagkan Sa mas malayo na ang pagpunta ng iyong mga tingin na datirati ay sa akin lamang Hindi na sapat ang talinhaga at pagsinta Sa panaginip nalang lagi ang pagabang
0
May 8, 2019
May 8, 2019 at 1:14 AM UTC
Kasabay ng Ambon
Sintas Man Ay Kalas Luma Na At Pigtas Sapatos At Medyas Dibaleng May Pintas Kamisetang Butas At Maong Na Kupas Pigtal Na Tsinelas Hindi Pa Parehas Tinotonong Kwerdas karakrus ang kwintas sa sugal ay utas pati pato hulas bahala na bukas tawagin mang takas hihiram ng lakas tatagay ng wagas nalango sa wakas kamay lang may hugas bahid, patak, tagas palay naging bigas kahapon ay bakas sing-linaw ng habas nahinog ang prutas ngunit di pinitas bagsak mula taas sabik na pumatas kahit pa lumabas tinatagong Katas Tinukso Ng Ahas Yinapos Ang Angas Kinapos Sa Alas Nilukso Yung Dahas Natisod, Nadulas Kasi Nga Nangahas Kung Dati Minalas Nadapang May Bangas Babangong Matikas Sa Mali iiwas panata kong tagos dalangin ay lubos payak man ang lapis yakap Di Pa labis sugat na may hapis ginamot ng kapis Tila Tala Lihis Kutitap Sa Bilis Araw May Silahis kidlat ang hagibis mukha na manipis nagpalit ng bihis hahakbang sa libis Layon Ay Malinis Patama Ay Daplis Ngunit May Hinagpis Pinawi Ng Haplos Animan na agos Timplang Nalamukos Animo Ay Musmos Siglang Dinaraos Biyaya Ay Puspos !!!
0
Jan 13, 2022
Jan 13, 2022 at 1:28 PM UTC
"payak na yakap"
Sa iyong mukha ako'y natutulala Ganda mo ay nagniningning na tala Namumulang labi' t  manipis na  pisngi Mala - porselanang balat kayumanggi Mata ay malalim, puno ng hinala Sa 'kin, bakit ramdam ang pang uusisa Namumugto minsan sa yaong sandali Iniwanan nang walang pag-atubili Ng sinta mo na inakalang simula Ng iyong pag-iibigan nang makalaya Sa baryo natin, tigib ng bisyo' t tili Ng mga tao na di magkamayaw lagi Mga kapitbahay natin ay nagmumura Mga tungayaw lagi ang sinasambitla Ngunit ikaw ay palihim nagsisisi Sa  luha **** malinaw na nagkamali Sinisimsim ang habag na dinadala ng hangin sa iyong maamong itsura Dilag ka na pinupuri ng marami Bakit mapusyaw ang ngalirang mga labi At ang una mo na pagkakakilala Sa akin ay hindi ganoong kasama Ngunit matampuhin ka at naninisi Sa aking maliit na pagkakamali Kaibigan ang turing  sa isa't isa Bakit nagagalit pag kausap iba Sa di pagkakaunwaa' y titili Ganun ba talaga pag minsan nasawi?
0
Jun 4, 2020
Jun 4, 2020 at 12:16 AM UTC
Kwento ng Pag-ibig
Kapag natataruk mo na ang tanging ibig Magawi sana sa pintuan muli Sa dampang giba-giba Ngunit tatahakin mo muna ang mga madawag na landas Kung pagod na't nagbubuntong hininga Magpahinga sa puno ng mangga Ang lilim nito'y aking kalinga Sa iyo kahit hindi naging tayong dalawa Mag ingat ka sana sa mga malalaking bato Baka matisod ka sinta ko Lumakad ka nang mabini Di ako mainipin para ika'y magmadali Dahan-dahan na dumaplas sa kawayan na matinik baka sumalubsob Sa balat **** manipis na parang sanggol Sapagkat sinadya na ginawang bakod Kapag natatanaw na ang aking tirahan Tawagin mo sana ang unang pangalan Para agad kong malaman Sa boses **** malamig sinlamig ng tag-ulan Malalaman na ikaw na yan giliw di na bibitawan
0
Sep 3, 2019
Sep 3, 2019 at 6:55 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #76
Susunduin kita, baka maghintay ka nang kaunti Darating ako, baka pawisan pa at naiihi Wala pa akong kotse kaya sa jeep tayo sasakay Pero sa buong byahe natin, ‘di ko bibitawan ang iyong kamay. Kakain tayo kahit saan sa may Maginhawa Tapos magbibiruan habang malakas na tumatawa Sobrang bundat tayong pareho uuwi At may mga tinga man, pareho tayong nakangiti. Ihahatid kita kahit saan ka pa nakatira Kahit inaantok na ako, baka nga tulugan pa kita Pero hindi ko gagawin yun hanggat hindi pa kumakalso Sa manipis ko ngang balikat ang napakaganda **** ulo. Hindi perpekto ang mga panahong kasama mo ako Hindi kumpleto ang ako na kakilala mo Ikaw kasi sana ang pupuno sa aking mga kakulangan Kaso kinompleto ka na niya. At hindi mo na ako kailangan.
0
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 12:57 PM UTC
Kompleto
Kutis na unti unting napupunit sa hamog Sa kapal nitong dilim ako ay bihag ng yamot Makapal kong balat tila ay namanhid na ~ Kasabay nito ng manipis na pag ambon Mahinhin ang paligid gawa ng panahon Ang araw ay magtatago buong maghapon Tanging pagkasala ay paggising ng pagkaaga-aga At pagkaantok ay hindi na makababalik pa Ito marahil ay sanhi ng maaga kong pag tanda
0
Dec 14, 2018
Dec 14, 2018 at 5:55 PM UTC
Maagang Paggising