Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
poetnamasakit Oct 2015
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan
Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki
Mga mata **** nakatitig sakin
Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?”
Ang sabi ko’y “wala”
Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?”
Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.”

Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita
Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa
Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko”
Naisip ko na baka kasi lasing ka na
Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.”

Ako din.. Kaya ko pa.
Kaya ko pa….
Alam mo ang hindi ko kaya?
Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko
Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo
Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko
Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko”

Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo
“Gusto kita.”
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko
Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong
“Tangina! Tangina! Tangina!”
Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to
Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to
Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo
Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?”
Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.”

Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo
Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko
Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo
Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako
Hindi sa paraang ikakasama mo..
Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa
Ayoko  ng umasa..
Pagod na kong umasa..
Napagod nalang akong umasa..

Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko
Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo
At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo
Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin

Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya
Hindi kita kukunin sakanya
Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta

Para matapos lang tong salaysay ko
Magiiwan ako ng mga salita na para sayo
Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw
Gusto ko lang malaman mo 'to
Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko

“Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari
Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko
Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko
Para kong tanga na mabilis masawi
Nakakahiya..
Pero totoo to
“Gusto rin kita”
Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob
Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin

Yung mga titig mo
Yung mga titig mo

Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko
Yung mga haplos **** namimiss ko
Yung mga salitang lumabas sa bibig mo

Yung ikaw

Yung ako

Pero…
Yung akala kong may “tayo”

Bigla ka nalang naglaho..
Bakit?
Anong problema?

Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
Celaine Mar 2016
Sana kaya mo
Sana kaya **** sabihin sa kanya
Katotohanan sa iyong pagsinta
At huwag mo nang subukan pang ikubli
Huwag **** hayaan sa'yo lang manatili

Sana kaya mo
Sana kaya **** sabihin sa kanya
Dahil pagod na akong makinig sa mga kwentong
paulit-ulit mo na lamang binibigkas na
para bang sirang plaka

Sana kaya mo
Sana kaya **** sabihin sa kanya
Dahil kung sa totoo lamang
Hindi ikaw ang talagang nasasaktan
Pakiusap lang, 'wag ka nang mandamay ng iba

Sana kaya mo
Sana kayanin **** huwag magkwento sa iba
O di kaya'y sa akin pa
Dahil alam ko na alam mo na ang dapat gawin
Tapangan mo (kahit ngayon lang, pakiusap)

Sana kaya mo
Sana dumating na ang tamang panahon na 'di
ka na lamang mananahimik
At sa panahong iyon na ika'y balak na magsabi
Sa akin ay huwag ka nang babalik
Akala mo, okay lang?
AnxiousOcean Mar 2018
Ngingiti ka na naman;
Lolokohin mo na naman ang buong mundo,
Paniniwalain ang lahat ng tao,
Uutuin maging ang sarili mo--
Na ayos ka lang,
Na wala kang problema,
Na patuloy kang lumalaban
Sa buhay kung sa’n
Ang sarili ang iyong kalaban.
“Ayos lang” ang iyong sagot sa tanong na “kamusta ka?”
At ngayon ko lamang napagtanto na palabiro ka pala.
Lahat nang ‘yan, iyong itatago sa iisang ngiti.
At sa iyong pagkukubli,
Lahat ay napaniwala.

Tatawa ka na naman;
Muling ipaparinig ang iyong halakhak.
‘Yung tipong mabibingi silang lahat
At masasabing ikaw ay masaya at tapat.
Pero ang bawat ritmo ay kumpas ng kasinungalingan
Na hindi namamalayan dahil sa lakas ng tawanan.
Itutuloy ang tawa hangga’t ang kasiyahan ay maisilang.
Pambihirang panlilinlang.
Daig mo pa ang hunyango pagdating sa pagtatago.
Lahat idaraan mo sa tawa, hindi dahil masaya ka,
Kundi dahil wala kang mukhang maihaharap.
At sa iyong pagpapanggap,
Lahat ay napaniwala.

Mananahimik ka na naman;
Mambibingi gamit ang saradong bibig.
Sasampalin ang buong mundo ng kantang walang ritmo,
Walang liriko, at walang nota.
Dahil hindi tengang handang makinig ang iyong kailangan,
Kundi pangunawa at ang maintindihan.
Mahirap bang gawing salita ang iyong nadarama?
Hirap ka bang magsabi ng kahit ano sa kanila?
Kaya’t mananahimik ka na lang
At paparoon sa isang sulok.
Aawit nang pabulong,
Rinig lamang ang iyong suntok.
At sa iyong pananahimik,
Lahat ay napaniwala.

Mangangamba ka na naman;
Matutulog na lang, sasaktan pa ang sarili mo.
Titingin sa paligid at magiisip nang kung anu-ano.
Kahit ano.
Kahit masakit.
Hanggang sa maaawa ka sa kalagayan mo ngayon
At Iiyakan ang sariling takot bumangon.
Malulungkot, magagalit
At mapapatanong kung bakit.
Bakit ganito? Bakit ganyan?
Bakit ang mata mo ngayo’y luhaan?
Minsan tulog na lamang iyong hiling,
Pero pagod ka pa rin maging sa paggising.
Mangangamba at iisipin ang lahat.
Lahat sila,
Lahat ng iyong napaniwala.

Pero hindi ako.
Ibahin mo ako,
Simula’t sapul, hindi mo ‘ko maloloko.
Hindi mo ‘ko mapapaniwala, hindi mauuto,
Dahil kilala kita,
At alam ko ang pinagdaraanan mo.
Alam kong hirap ka na sa pagsubok ng buhay.
Mistulang ang bawat araw ay pare-pareho na lamang,
Walang bago, puro tabang.
Maaaring tensionado ka, dulot ng paaralan.
O ‘di kaya’y dahil diyan sa mga tinatawag **** “kaibigan.”
Pwede ring dahil sa iyong tahanan.
Dahil sa sakit na dulot ng kung ano man.

Kilala kita.
Alam ko ang nararamdaman mo.
Alam kong gusto mo nang huminto,
Gusto mo nang itigil ang laro,
Pagod ka nang bumangon,
At takot nang umahon.
Tulad ng isang dahon na kahit kalian
Ay ‘di maibabalik sa punong pinanggalingan.
At iyo na lamang inaantay ang iyong paglanta.
Sa isang lugar, inirereklamo ang tagal ng pagkawala.
Dahil ikaw ay sawang-sawa.
Paulit-ulit na lamang.
May galit, may pait pagkatapos ng hagupit.
Babangon, sasaya, at muling babalik sa sakit.
Alam kong luha ang ‘yong nais ipabatid,
At hindi ang iyong mga tawa.
Dahil dama ko ang iyong lungkot sa tuwing ika’y masaya.
Alam kong hirap ka na.
Alam ko, alam ko.

Kilala kita.
Alam ko ang pagkatao mo.
Hirap ka nang kumapit, alam ko.
Dahil mahina ka,
At ‘di mo kailangang magpanggap;
Alam ko ang iyong hanap.
Ngunit nawa'y maintindihan mo,
Tanggap kitang buo at totoo.
Pwede ka nang umiyak,
Pwede mo nang bitiwan ang 'yong sandata,
Pwede mo nang ibaba ang iyong kalasag,
Pwede ka nang maging totoo.
‘Wag nang magpanggap na malakas ka,
Pwede kang maging mahina.
Pwede mo nang burahin ang iyong ngiti.
Pwede kang umiyak,
Hayaan **** dumaloy ang mga luha.
Sige, isumbong mo lahat,
Sabihin mo ang lahat sa akin,
Akala mo ba’y ‘di ko napapansin?
Sumuko man ang araw at nagdulot ng dilim,
‘Di kita susukuan at mananatiling taimtim.
Patuloy na kumakapit,
Inaantay ang 'yong paglapit.
Alam kong mapapatanong ka na naman kung bakit.
Bakit alam ko, at bakit ganito.
Pasensiya kung may pagkukulang man ako,
Ngunit hiling ko lamang na ikaw ay magkwento.
At sabay tayong ngingiti at tatawa,
Saba’y tayong iiyak sa drama.
Yayakapin kita,at patuloy na uunawain,
Dahil 'yun lang din naman ang gusto kong gawin.

Sabi ko nga sa’yo, kilalang-kilala kita.
At ‘di tulad ng iba,
Hindi mo 'ko mapapaniwala.
Dahil siyempre, ako ang 'yong ina.
Faye Feb 2020
Madilim, kagaya ng pusong may lihim
Umiiyak, nasasaktan, natatakot aminin
Kailangan ba talaga maramdaman ito?
Ayoko na at napapagod na ako.

Magmumukmok sa isang tabi
Na parang hindi mapakali
Uupo, tatayo, tatakbo
Hindi alam kung saan patungo.

Isip ay lumulutang, puso'y nag aalab
Hindi na alam kung anu ang bibigkasin
Sumisigaw, sumasaklolo
Hindi na alam kung ano ang gagawin.

Tama na, pakiusap
Ako ay mananahimik na
Kaya ko tahakin ang dilim mag isa
Huwag ka lang magparamdam pa.

Paalam at ako ay lilisan na
Paalam at ika'y iiwan na
Paalam mahal hanggang sa muli
Paalam, kahit mahal na mahal kita.
Jeremiah Ramos May 2016
Meron akong labing-isang daliri
Ilang beses kong binilang noong bata pa ako,
sinigurado kung labing-isa nga ba talaga
at nagtataka,
nagtatanong kung bakit may sobra pang isa.

Meron akong labing-isang daliri
May kanya-kanya silang mga kwento.

Labing-isa,
Hindi ko alam kung biyaya ba 'to o sumpa
Hindi ko alam kung bakit ako naiiba
Hindi ko alam kung paano ko ba 'to itatago sa mga tao

Sabi nila, suwerte daw 'to, magiging mapalad daw ang buhay pag-ibig ko, yayaman daw ako.
Sabi nila, okay lang daw maging iba

Sampu,
Nakilala ko ang pagaalinlangan at inggit,
Umupo sila sa magkabilang balikat ko,
Hindi na sila umalis simula noon,
Hindi ko sila pinaalis.

Halos buong buhay ko, nanatili ako sa katahimikan,
Hindi ako magsasalita hangga't walang kakausap sa akin,
Hindi ko itataas ang kamay ko sa klase kahit alam ko ang sagot.
Maghihintay ako na tawagin ang pangalan ko,
na may pumansin sa akin,
Maghihintay na may pupuno ng katahimikan ko.

Kung sisiyasatin mo ang utak ko,
Mabibingi ka sa dami ng boses na hindi ko napalaya.
Nakakulong, sa kani-kanilang mga selda,
Kanilang susi ay nawala na,
Umaasa na sila'y mahanap at magamit para masabi ang mga dapat nasabi

Siyam,
Tsaka ko lang nalaman ang halaga ng mga salita,
Kung gaano sila katalim,
Kung gaano sila katamis,
Kung gaano sila kapait.
Kung gaano sila nakakapagpabago ng isang tao.

Walo,
Wala pa ring tumatawag ng pangalan ko.
Wala pang pumupuno ng katahimikan.

Pito,
Hindi ko na alam kung may tatawag pa ba,
Kung may makakapuno pa ba,
kung ilang salita pa ang makukulong hangga't sa buong katawan ko'y maging selda ng sigaw, pait, inggit, pagmamahal, rason, at galit.

Anim,
Sinubukan kong unang mag salita,
Magkwento tungkol sa buhay ko, sa nararamdaman ko.
Pero parang walang nakarinig.
Hindi ko alam kung mahina ba boses ko
o hindi lang nila ako napansin,
o kung pinili ba nilang hindi ako pansinin
o kaya wala lang talaga silang ****.

Simula noon, nakinig na lang ako.
Kaya ikaw, oo ikaw na may storya
Ikwento mo yung mga naaalala **** nangyari sa'yo noong bata ka pa
Yung mga bangungot mo,
yung pinakanakakahiyang, pinakamasaya at pinakamalungkot na mga sandali ng buhay mo,
yung una **** naramdaman ang kiliti sa puso mo noong naintindihan mo kung ano ang pag-ibig,
Ituring mo akong talaarawan mo,
Pakawalan mo yung mga salitang tinago mo nang nagalit ka.
Iiyak mo sa akin lahat ng luha na hindi mo nailuha nang iniwan ka.
Itatago ko 'to sa pagsara mo, at papakinggan kita muli sa pagbukas.
Papakinggan kita.
Papakinggan kita.
Sana pakinggan mo din ako

Lima,
Nananahimik at nakikinig pa din ako.

Apat,
Mananahimik na lang ako.

Tatlo,
Sa katahimikan ko,
Nakalimutan ko na kung paano magkwento,
Nakalimutan ko na kung paano umiyak

Nakalimutan ko na din yata kung paano magsalita.

Dalawa,
...

Isa,
Natuto ako sumulat ng tula,
Nakahanap ng makukwentuhan,
Naramdaman ang saya nang makatapos ng isang piyesang may parte ng mga salitang nakulong at nakalaya muli.
Nagkaroon ako ng matatakbuhan sa katahimikan.

Nagbabakasakali na maalala ko ulit kung paano umiyak,
kung paano magkwento muli, na may makikinig na sana sa akin.
Nagbabakasakaling maalala ko ulit kung paano magsalita.

Meron akong labing-isang daliri,
Hindi ko pa rin alam kung biyaya pa rin ba 'to o sumpa.
Crissel Famorcan Apr 2017
Buwan ng puso nung una kitang makilala
Chinat mo ako at nireplayan naman kita
Hanggang sa araw-araw, tuwing umaga
Kausap na kita bago pumasok sa eskuwela
Simula nun di ko na natiis na hindi mag-facebook
Imbis na inaatupag ko dapat yung aking mga textbook
Hanggang sa one day, naramdaman ko na merong kakaiba
Then narealize ko nalang---shet !  gusto na kita
Dun ko nabigyan ng kasagutan
Lahat ng nasa isip kong mga katanungan
Kung bakit kapag nakikita ka
Gusto kong lumundag sa saya
Sa tuwing kausap kita
May kakaiba akong nadarama
At kung bakit nga ba?
Madalas,
oo madalas
na naiisip kita.
Kaya tinago ko lahat sa yo
At palihim  na sumisilay sa labas ng room nyo
Pero ng malaman mo lahat ng to
Parang gumuho ang mundo ko
Oo gumuho ang mundo ko!
Hindi ko alam kung ano ang gagawin
Mananahimik na lang ba o aamin?
Kaya mas pinili ko nalang na sabihin.
Pero shet! yun yung masakit sa damdamin
New year's eve pa nun nung sinabi mo sakin
May gusto kang iba
Ang masaklap dun?
Yung BESTFRIEND ko pa
Yung bagong taon imbis na bagong buhay
Sinalubong ako ng sama ng loob at mga lumbay
Dun ko na realize na ang tanga ko
Para mahulog ako sa isang kagaya mo
Kung gusto mo sya, ano pa bang laban ko?
Sa mga ganyang bagay, kelan ba ko nanalo?
Hanggang ngayon, alam mo ba?
Nag sisisi pa rin ako
Kung bakit hinayaan kong mafall ako sayo
Kaya maalas kapag nagkakasalubong tayo
Umiiwas agad ako.
Umiiwas ako.
Kasi feeling ko
awkward na masyado
Kaya nga siguro madalas **** tinatanong sakin
Kung bakit di kita pinapansin
Sorry pero ayoko nang isipin pa
Ayoko nang umasa pa
Na pagdating ng panahon
may tayong dalawa pa
Pero alam mo ba?
Alam mo bang gusto kobg sabihin na
kamusta ka?
Okay ka lang ba?
Sana maayos ka.
Kumain ka na ba?
Wag kang magpapagutom huh?
Maayos ba tulog mo kagabi?
Hinihiling ko yan araw-araw, gabi-gabi
Pero hanggang dun lang ako.
Hanggang dun lang ako
Kasi nga diba?
Nakuha na ng iba
Yung susi ng puso mo
Kaya hanggang hiling nalang ako.
Hanggang hiling nalang ako
Na sana isang araw,
kumustahin mo rin ako.
Sana isang araw,
alamin mo kung kumain na ba ako
O kung naging maayos ba ang tulog ko.
Sana
kahit minsan
maisip mo rin ako.
Hindi na yung sya nalang lagi yung nasa utak mo!!
Sana isang araw maramdaman mo
Na may isang taong nandito lang lagi para sayo.
Handang maging takbuhan mo,
Hangdang maging karamay sa bawat problema mo.
Sana isang araw,
malaman mo,
Na may isang taong
nagmamahal sa yo,
Kahit na iba yung laman ng puso mo.
Sana malaman mo na nandito lang ako .
Maghihintay sayo.
Handang magsakripisyo kung kailangan mo.
Kahit na kaibigan lang yung turing mo.
Masakit man pero Kailangang tanggapin ko.
Kasi nga diba! ONE SIDED LOVE  lang naman
Ang love story na to.
Crissel Famorcan Mar 2017
Di ko alam kung pano magsisimula
Sa aking sasabihin,huwag sanang mabibigla
Pero ang lahat ng maririnig **** salita
Nagmula sa puso : sa puso kong sira
Alam mo ba nung simula pa lang
Sa puso ko ikaw na ang lamang
Walang ibang hinihiling kundi ikaw
Di ko nais na naaalis ka sa tanaw
Oo , ikaw lang at walang iba
Kase nga diba gusto kita?
Sa puso kong ito, tunay kang nag-iisa
Pero parang ang sakit sa pakiramdam
Sa damdamin kong ito, walang nakakaalam
Hanggang tingin lang lagi sa iyo,
Minamasdan ko lahat ng kilos mo
At kahit na ako'y nasasaktan,
Sinong may ****? Wala naman akong karapatan
Kahit mamamatay na ako sa sobrang sakit,
Kailangang kong tanggapin lahat ng pait
Ganyan naman talaga pag nagmamahal,
Sakripisyo ang kailangan para tumagal
Hindi ko alam kung anong meron sa iyo,
At ikaw ang tinitibok ng puso ko,
Siguro nga tadhana na ang nagtakda
Kaya sana iyo namang mahalata
Pagkat ayokong pati  ikaw ay mawala
Ngunit ano nga bang magagawa?
Kung sa landas ko unti - unti kang nawawala?
Para kang bula na dahan - dahang naglalaho
Parang ibong lumilipad na papunta sa malayo
Habang ako dito ay nakatayo
Minamasdan kang papalayo
Madalas ako sa kanila'y naiinggit
Pagkat sa iyo ,sila'y nakakalapit
Madalas kayong nagkakausap
At lagi mo sya sa akin hinahanap
Oo, alam kong kahit di ko aminin
Na pangalan mo pa rin ang sinisigaw ng damdamin,
Malalaman mo rin yun balang araw
Kaya mananahimik nalang at di ko na isisigaw
Ano pa nga bang silbi na ipagsigawan ko?
Wala ka rin namang **** sa nararamdaman ko
Kaya't salamat nalang sa ala- alang iniwan
Sa lahat ng araw ng masasayang kwentuhan
Paalam na mahal,ayoko nang masaktan
Kahit iyon ay akin nang nakasanayan
Nakakapagod ding maging Tanga kaya't paalam na
Sana maging masaya ka doon sa piling nya !
Just from a friend's story
kingjay Apr 2019
Sa tag-init ay nagdidikdik ng asin
Sa tag-ulan ay kakainin ang bunga ng pananim
Ano ito ang nakatagong sakit
na ipinunla ng mga luha

Dahil sa hindi masabi sabi
ang sinta
kaya ba na muntik na gawin ang pangkukulam kay Dessa
Kasalanan na kaagad may parusa
Lumalalim na ang tampo sa kanya

Pagsuyo na pinag iingat-ingatan
ay punyal na nakatarak sa puso't isipan
Mas mabuti kung nakakalimutan
Ngunit sumpang ala-ala na bumabalik hindi nagtatahan

At kapag lasing na ay nagiging madaldal
Mahangin ang wika, sa kataas - taasan ay umaapaw
Kung mananahimik ay parang nakakulong sa bahagi ng mundo

Sa prusisyon ay hindi maglalakad
Ang luhang dumausdos sa pisngi ay wala ng makababakas pa
kahit patak man ng natutunaw na kandila
070221

Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran
Ay gayundin nya inalis sa atin ang ating mga kasalanan.

Para sa mga taong akala nilang mag isa silang lumalaban
Sa mga taong tumatakbo’t napapatid ng kadiliman
Sa mga taong naghahagilap ng katotohan.

Sino nga ang ba ang tunay na saksi ng ating mga kamalian?
Tayo ba’y tinutulak ng mundo papalayo sa liwanag?
O tayo yung nananatiling tapat sa kabila ng mga kaguluhan?

Marahan ang pag ihip ng hangin kung saan tayo’y patungo sa mga bituin
Ngunit ang araw ay sasapit na ang Liwanag ay bubulag
Sa harapan at walang pasabi na Sya ay darating.

At kahit pa anong gawin natin sa mundong patikim lamang,
Sana alam natin kung saan nga ba tayo nakatingin
Pagkat tumatakbo tayo papalayo, naghihilaan pababa at pataas.

Kailan ba tayo mananahimik at kusang magpaubaya ng lakas?
Nang ang lahat ng ating alinlangan, sana’y makaya nating mawaksian
Pagkat sa nalalabing mga oras, tayo ri’y mahuhusgahan.
carapher Sep 2015
Tangina
ba ang bilis mo akong pasayahin?

Kada araw
na di ko na kayang mabuhay
alam ko kailangan lang kita.
Ano ba.
Kaya't kung pwede lang
wag na wag kang titigil
sa pakikipagusap sakin
kasi
kada araw yan
yung inaabangan ko.

Iba rin kasi
epekto mo sakin eh,
di ko alam kung bakit
pero
mas nakakaadik ka pa sa teleserye at mas masayang panoorin at subaybayan.

Pwede bang maglakad tayo
sa walang  destinasyon?
Magsalita ka lang
at mananahimik ako
dahil gustong-gusto kitang
nagsasalita.

Bakit mo ba ako
napapasaya
ng walang kahit anong ginagawa?

Kung mahal nga kita,
tigil tigilan mo ako,
kasi ayokong
nagmamahal.
tagalog
Meruem Oct 2018
Sa mundo **** puno ng ingay,
Ako ay iyong pinatahimik.
Sa mundo kong alanganin ang lagay,
Ikaw ay hihintaying bumalik.

Mananahimik,
Upang gumaling.
Ang larawan ng pagmamahal ng may-akda..
William Tubera Sep 2017
Kumalabit
dugo'y dumilig
kasama ang nangilid
na patak ng luha
at sa kabila
ay sa usok ng bakal
nakangiti

Mga Gintong
ihinagis sa mga buwaya at babuyan
Ngunit mga baboy at buwaya’y walang pakialam
Wala na ngang pagkaalam
Basta kain lang, lamon lang.

Umuusok sa dami ng nakisakay
Mga pekeng tagapalakpak
nakakabasag na halakhak
Mga nakakakita, nabubulag
sa tila Pyesta ng de-kalabit
Iyak di marinig
sa mga manhid
na nakamasid

Tago, takip, tagpi
itinuring na tama ang mga mali
Teka, karapatan mo’y imamali
panandali?
at ang mga baho ng kamalia’y pilit ikukubli?
Binalot ng tama kunwari

at sana huwag ka nang magtaka
Huwag n’yo kaming gawing tanga!

Sa ngayo'y mananahimik sandali
Hindi ba’t parang gulong lang ‘yan?
kaya matutong maghintay
sandali, madali . . .
Taltoy Feb 2018
Ang namamagitan,
Ang nasa gitna,
Ang naghiwalay ng dalawang mundo,
Ang naghiwalay sa ikaw at ako.

Di ko alam kung ano ang sasabihin,
Di rin alam kung ano ang gagawin,
Sapagkat wala akong tapang na natitira,
Sapagkat wala na akong maisip aking sinta.

Di ko alam kung ano ito,
Di ko alam kung bakit ganito,
Di ko alam kung ano ang uunahin,
Di ko alam kung ano ang iisipin.

Kakausapin ba kita?
O mananahimik na lamang ba?
O Diyos ko, akoy tulungan mo,
Bigyang linaw ang utak ko.
Ezekiel Navea Aug 2019
Sakaling ito na ang huli kong tula
Hahayaan na, mga luha'y tumila
Palalayain, namumugtong mata
Hanggang sa muli natin na pagkikita

Tuwing gabi'y nalulunod ang isipan
Mula sa karagatan ng kamalian
Kung mabubuting binhi ang tinamnan
Hindi na ganito, aking kapalaran

Mga lihim kong hindi pa nasasabi
Pansamantala munang isasantabi
Ang panahon na ang kusang maghahabi
Ako'y hindi na titiklop at tutupi

Kaytagal na ang puso'y mananahimik
Sa pag-usbong nalang ng araw papanhik
Bagamat patutunguhan ay matarik
Maghahanda na sa iyong pagbabalik

Sakali mang ito na ang huling tula
Huwag sanang lumungkot ang mata
Ulan ay hihintayin pa ring tumila
Para sa muli natin na pagkikita

— The End —