Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makipagsapalaran" poems
sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya hindi ko nakakalimutan sabihin ang mga linyang ‘to: “ikaw ang pahinga ko” pahinga ko pagtapos ng mahabang araw makipagsapalaran sa buhay at para makahabol sa liga pahinga ko habang naglalakbay mula timog hanggang hilaga pahinga ko upang mapaalala na ang bawat pagkakataon na makasama siya ay mahalaga pahinga ko dahil napapakalma niya puso’t isipan ko nang walang bahala sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya, na siya ang pahinga ko, ako pala yung unang kakapusin ng hininga, boses ko’y di na madinig sa sobrang hina, mag-isa tuwing gabi at ang tanging katabi ay pangamba, habang nakatitig sa sapot sa kisame na gawa ng gagamba ngayon, napagtanto ko na sa mga panahong kinailangan ko siya para maging kalakasan ko, siya din pala ang magiging dahilan ng kahinaan ko sa araw-araw na pagpapaalala ko sa kanya, na siya ang pahinga ko, hindi ko namalayan na pa kunti-konti na akong hinihingal, bumabagal, na-uutal, umaangal, nawawalan ng tamang asal, nakakalimutan ko na nga din ata mag-dasal. nakakapagod din pala ‘no? magpaalala palagi, kahit na hindi ka maalala, kaya pahinga muna ako, kahit ngayon lang, hihiga muna magpapahinga upang makahinga.
0
Feb 5, 2020
Feb 5, 2020 at 9:22 AM UTC
ikaw ang pahinga ko
Gustuhin ko mang makipagsapalaran Sa mga letrang nakalutang sa himpapawid Ay binabalot ako ng pagtatantya Kung ito na ba ang tamang oras Para kunin ang aking panulat At iguhit ang silakbo ng aking damdamin. Humihinto ang mga oras sa bawat pag-uusig At tinitimbang ko pa rin Ang mga barkong pumapagitna sa akin. Nais kong kumawala at lumisan na lamang Ngunit ang aking pagpapaalam Ay mas magdudulot lamang ng dilim. Gusto kong maniwala na ang solusyon Ay sa pagitan ng mga iginuhit na linya Ngunit ang aking puso'y nagtataglay ng apoy Na maaaring makasunog sa mga barkong ito. Hindi ko mapigilan ang nagniningas sa aking kaloob-looban At ang boses na mas lalo pang lumalakas Kasabay ng pagtambol ng aking hininga. Gusto Nitong tupukin ang lahat At sakupin ang bawat naglalayag Sa kani-kanilang mga direksyon. Pumikit ako at tumalon sa karagatan ng aking imahinasyon – Imahinasyong masasabi kong tunay na engkwentro. Patuloy kong nilalaban ang mga ugat sa aking mga braso Na sa bawat pulso ng aking pagkatao'y Pilit na kumikitil sa aking pagpapasya Na mas sumisid pa sa mas malalim. Napahinto ako sa aking pagpupumiglas Pagkat narinig ko ang tinig na nagsasabing, "Manatili ka lamang," At ako'y kusang sumabay sa ritmo ng Tinig na iyon At unti-unti kong nasilayan na naglaho na Ang mga agiw sa aking mga mata At kusa ko nang nararamdamang Mas kaya ko nang huminga sa mas malalim pa. Ito ang aking hantungan, Ito ang sinasabi kong liwanag. Ito ang aking kapanatagan, At sa Kanya ang aking lilim ng kaliwanagan.
0
Aug 10, 2021
Aug 10, 2021 at 10:58 PM UTC
Lalim at Lilim

Continue reading...
40
mahirap makipagsapalaran sa sitwasyon na alam mo umpisa pa lang ikaw ang talunan mga bagay na dapat dina dahan dahan sabi ko sayo wag mo masyadong galingan pwede naman tumigil muna saglit wag papadala sa sobrang galit huminahon ka at mag isip baka sakaling mawala ang inip
0
Aug 9, 2019
Aug 9, 2019 at 12:52 PM UTC
Kalma Lang
Iginagapos ko ang sarili gamit ang aking mga palad, Ayokong maniwala sa kapalaran, Pagkat hindi na tayo mga batang Nakikipaglaruan pa Sa mga mumunti nating mga pangarap. Sa bawat desisyong ating paninindigan, Doon natin masasabing, kaya talaga natin. Mahirap man makipagsapalaran Sa mga nagtatagisang katauhan Ngunit, isipin mo, Hindi natin sila kalaban. Hindi tayo palamuti sa ating mga istorya, Tayo yung unang babati sa’ting mga sarili ng, “Magandang umaga.” O kung bakit minsan, Nananatili tayong pagod na pagod Na tila ba hinihila tayo ng Araw Na para bang tayo’y mga kalabaw lamang Na magpapagal at hindi aani. Iikot tayo sa mundong hindi tumatakbo, Kundi iikot tayong may dahilan At hindi tayo magiging pabalik-balik. Tayo’y matututo sa bawat lubak, Madisgrasya man tayo’y, hindi pa rin susuko — At tayong manananatili sa pagwagayway Ng ating mga bandera, Na hindi nagpapatangay Sa mga mistulang diktador na mga alaala. Magbibilang tayo ng araw, Ngayong taon Ngayong araw na ito, Tayo’y magsisimula — At hindi tayo magtatapos Nang walang kabuluhan Ang ating mga adhikain. Tayo ay iisa — Isa, dalawa.. Tatlo.. Tayo na — At magsimula.
0
Jan 1, 2021
Jan 1, 2021 at 10:11 PM UTC
Simula
Ingay ng paligid Ang sa akin umaaligid Pagpasok sa silid Tahimik ay mababatid Pinto ay ikakandado Nang walang makaistorbo Katahimikan ay mabubuo Nang walang nagrereklamo Kama ang higaan Unan ang sandalan Himpapawid ang tititigan Nang katahimikan ay makamtan Ngayon handa ng makipagsapalaran Sa isang kalaban Na ikaw lang ang may kinalaman Sa kaniyang pinagdadaanan Siya ay lumalaban Nangangailangan ng kaibigan Nang katahimikan ay makamtan At laban ay mawakasan Sa silid na iyong pinasukan Kayo ay magtutulungan Nang inyo ay mapagtagumpayan Ang isang tahimik na laban Laban na kayo lang ang nakakaalam Lakas ay ipapahiram Upang ating mapagtagumpayan Ang kinakaharap na laban
0
Jul 24, 2020
Jul 24, 2020 at 8:49 AM UTC
Tahimik na Laban
Siyam na buwan ng nakakaraan Simula ng ako'y makipagsapalaran Sumabak sa giyerang utak ang panlaban Kaagapay ang puso bilang puhunan Sa simula tila mahirap at imposible Ngunit kalauna'y unti-unting naging simple Naipamalas pagiging maagap at responsable At nagsilbing magandang imahe Unang karanasa'y hindi biro Pagka't iba't-ibang bata nakakahalubilo Idagdag pa ang asignaturang malayo; malayo sa pinagaralang apat na taong 'di biro Araw-araw pumapasok para magturo Gabi-gabi inaaral ang makapal na libro Upang kinabukasa'y maibahagi ito Sa mga batang uhaw sa pagkatuto Ngunit sadyang tadhana'y mapaglaro Pagkat sinubok aking pagiging **** Sinukat haba ng pasensiya ko Kung ako ba'y magtatagal sa propesyong ito Iba't-ibang ugali aking tiniis Makamtan ko lang ang aking nais Landas ng mga bata'y 'di malihis Patungo sa kanilang mithiing ninanais Kaya naman ngayong tapos na aking tungkulin Hiling ko lamang sila'y may natutunan sa'kin Kahit ako'y hindi na alalahanin Ang mahalaga'y may inani sila mula sa'kin.
0
Aug 19, 2020
Aug 19, 2020 at 7:13 PM UTC
Buhay Maestra