Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magdusa" poems
Mayro'ng patingin-tingin Sa mahabang usapin Sa lumipas na araw Sya ay nagbalik tanaw Ayan sya't walang malay Ngiti sa labi'y taglay Nauubos ang oras Kala mo walang bukas Tila ba nalilibang Habang sya'y nag-aabang Sa mensaheng padala Ng kanyang kakilala Kahit sa isang saglit Isang iglap, kapalit Habang sya'y nag-iisip Nahulog na't na-idlip Sa pagbalik ng diwa Tama nga bang ginawa? Tinignan kung may tugon Dinampot, kanyang selpon "Ako ba'y isang hibang? Bakit parang may kulang?" 'Pag di na naka-usap Tila ba naghahanap Isip ay wag lunurin Damdami'y wag pukawin Atensyo'y wag ibaling Sa tulad **** malambing Pigilan **** umasa Kung ayaw **** magdusa Sarili ay gisingin Puso ay wag susundin Babala sa sarili Ika'y wag papahuli Kung ayaw **** magbago Kanyang pakikitungo Maluwag **** tanggapin At lagi **** tiyakin Sarili'y sasabihang: "AKO AY KAIBIGAN LANG." © LMLB
0
Sep 15, 2018
Sep 15, 2018 at 10:15 AM UTC
Paalala
Ewan ko ba kung bakit Sa pag-ibig may politika Kung sinong mas may kapangyarihan sa puso mo Kung sinong kayang bayaran yang mga ngiti mo Kung sinong may kakayahang patahanin yang luha mo O paagusin nang walang patumangga Ano nga bang kapangyarihan ko? Kundi makinig at makisimpatya-simpatyahan Punasan ng mahimulmol na panyo ang mga pisngi mo O ngitian at kulitin ka para di mo naman maisip ang mga problema mo Ano nga bang kakayahan ko kumpara sa kanya Kung binigay ko na lahat ng karapatang ari para sa'yo Ano bang laban ko kung siya ang may hawak ng property rights mo? Hindi ba krimen na ang tawag kung magnanakaw ako ng tingin sa'yo? Pero bakit di ka pa nakukulong sa puso ko kung ilang beses mo na akong pinapatay? Bakit ba wala akong lakas na gumanti sa tuwing sinasaktan ka niya? Dahil ba sa nakapanghihinang pakiusap mo? Sa malakas na pagtutol ng mga mata mo? Maraming dahilan yan kaibigan. Pero dahil politika ang pag-ibig, siya ang binoto mo at hindi ako Siguro dahil siya nga ng napusuan **** kandidato. O sadyang walang dating ang pagpapapansin ko O dahil masyado mo na akong kilala na di mo nais na maging isa ako sa tatakbo Nais **** siya naman ang maglingkod sa'yo Kasi hindi ko alam, ang sabi mo kasi mahal mo siya Alam mo ba ang salitang yan? Sapat upang magpaguho ng mga buhay at kinabukasan Hindi ko, ngunit mo Pinalampas mo ang pagkakataong Paglilingkuran kita na parang isang prinsesa Kung ano ka naman talaga Naiinis ako sa tuwing pinagmumukha ka niyang pulubi at walang silbi Ikaw naman nililito mo siya Binabato ng mga paratang Tama na Mahalin mo rin siya ah Kasi di naman siya maluloklok kung di mo pinili Pinili mo yan Magdusa ka Kahit pa mahal kita Eh kung sa di mo ko nakikita Ni binilugan sa balota Paano ko pa ba ipakikilala ang sarili ko? Kailangan bang masabing kayo upang mabigyan siya ng kapangyarihan sa'yo? Pwede naman kitang paglingkuran kahit di ako pinili mo Pwede naman kitang mahalin kahit kelan ko gusto Kaya kong gawin lahat 'yon --- Kahit walang pondo kundi ang puso ko Kasi independent party ako At ang katotohanang walang tayo Di magiging tayo Na sinampal mo sa aking mukha noon pa mang naging magkaibigan tayo Tanggap ko Wala naman akong hinihinging kapalit Gusto ko lang masaya ka sa napili mo At sana panindigan niya ng pagpapahirap sa damdamin mo Kasi tangina kinuha niya lahat ng binigay **** buwis at pawis Di man lang nagtira upang mabigyan ako Pero sige na Tama na'to Wala nakong maramdaman Isang kasinungalingan Paalam na Sana magtagal pa ang termino Administrasyong binuo ng pag-ibig niyo
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 3:00 AM UTC
Poli--teka?

Continue reading...
66
Paunawa sa babasa: Hiniling ng isa kong kaibigan na relihiyoso na gawan ko daw s'ya ng tula tungkol sa ikalimang wika ni Kristo noong nagdaang Mahal na Araw kaya kahit Atheist ako ay ginawa ko ang Free Verse (Malayang Taludturan) na ito. “Nauuhaw ako” Malalim ang baon ng mga pako sa kanyang mga kamay at paa. Mahigpit din ang pagkakatali ng lubid sa kanyang mga braso. Napapalibutan siya ng mga kaaway, nagsusugal at nag-iinuman ang mga sundalong Romano habang nililibak siya ng mga Pariseo. Tiyak na wala s’yang kawala. Naghahalo ang dugo at pawis magkasabay itong umaagos palabas mula sa kanyang katawan; hindi na rin n’ya maalala kung ilan ng sampal, suntok, sipa at palo ang kanyang natanggap. Sa gitna ng kanyang paghihirap binigkas ni Hesus ang kanyang ikalimang wika: “Nauuhaw ako” Kagabi lang bago s’ya dakpin ng mga tampalasan ay nagmakaawa s’ya sa hardin ng Getsemane at taimtim na hiniling sa kanyang Ama na kung maaari sana ay huwag na n’yang danasin ang paghihirap na ito. Subalit hindi s’ya dininig nito. “Nauuhaw ako” Siya ba ang kailangan na magdusa, obligado ba s’ya na bayaran ang kasalanan ng iba? Bakit s’ya ang inutusan ng kanyang Ama para akuin ang sala ng sangkatauhan? Masyadong mabigat ang pasanin na ito para sa isang hamak na karpintero na gaya n’ya. “Nauuhaw ako” Ito ba ang kapalit ng pagiging masunurin at mabuting anak ang masadlak sa laksang dusa at malagim na paghihirap? Nasasabik na s’yang umupo sa tabi ng kanyang ama; hinahanaphanap n’ya na ang papuring awit ng mga Anghel sa langit. “Nauuhaw ako” Nilikha ba ang sanlibutan at ang mga tao upang sa bandang huli ay maging mapaghimagsik sila at walang galang sa kanilang lumalang? Bakit punong-puno ng kalupitan at karahasan ang mundo? “Nauuhaw ako” Hindi sapat ang tubig o ano mang inumin para mawala ang kanyang uhaw na nagmumula sa puso; ang pag-ibig ng sangkatauhan ang kanyang inaasam.
0
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 3:28 AM UTC
"NAUUHAW AKO"

14
Hindi ka kasalanan, Ikaw ma'y nagkamali Hindi tama ang pagpili ng mali Hindi kasalanan ang madapa Ngunit mali na pag ikaw pa ay tumihaya Hindi ka kasalanan, Hindi ka mali Ang hindi pagtanggap sa sarili, iyan ang mali Hindi mo kailangang magdusa mag-isa Ang Diyos, inalaan sa iyo ay siya Hindi ka kasalanan, huwag kang matakot Huwag magtago saan man at mamaluktot Hindi mo kailangan na mahiya Dahil ang pag amin ay katapangang sadya Huwag ka magtago, dahan-dahan Ibaba ang armas, huwag na ngang lumaban Dalawang kamay ay iyong itaas At sadyang aminin ang nagawang kasalanan Huwag kang mahiya, Siya ay iyong ama Ang tanging pangarap ay mayakap ka Niya Halika, lumapit at sasamahan ka Magtiwala ka, ika'y babaguhin niya.
0
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 3:28 AM UTC
Marapat na Pagbabago
Mali pala ang nasa isip Ito pala'y isang panaginip Buhat mula sa maling akala Na sakin ika'y tinadhana My thoughts were not what they seemed Turns out all this was just a dream Brought upon by false convictions That for us a red string was drawn Ginising mo ako sa katotohanan Na lahat ng bagay ay may hangganan Pero kailanman ay hindi ako nagsisisi Dahil totoo ang ating pagmamahal kahit sandali You opened my eyes to reality That things can't last for eternity I have no regrets what so ever Because we had a short but real happy ever after Hindi ko lubos na pinahahalagahan Ang walang hanggan Dahil ang importante ay Ang pagmamahal na buo at tunay For me, the existence of forever Doesn't really matter What's important is The realness of love amidst the adversities Wala akong galit na ipadarama O ganti na sana ikaw ay magdusa Walang hinanakit na dinadaing Kundi salamat sa pagmamahal habang ika'y nasa aking piling For you, I have no rage to release No vengeance to accomplish No sorrow to let go But for the love while you were mine, I only have gratitude to bestow
0
May 21, 2015
May 21, 2015 at 12:16 PM UTC
Tadhana ~ Kismet
Bakit ka nag iba? Meron nabang iba? Akala ko mga lirico lamang ng kanta Di ko alam na mararanasan ko din pala Masaya naman tayo Ngunit may dumating na iba Simula nang masilayan mo sya Nag iba ang turingan natin sa isa’t isa Nasisira ako malagay ko lamang ang mga ngiti sa labi mo Hindi ko alam na kaya din pala nyang ibigay sayo Alam kong hindi na ako, Ngunit handa akong magpaubaya para sa kaligayahan mo Mahal kita Kahit na hindi na ako ang mahal mo Masaya ako Kahit na hindi nako ang rason ng mga ngiti mo Kailangan ba talaga ang magdusa? Eh paano naman kung nais ko pang umasa? Handa parin akong mahalin ka Kahit patuloy kapang mag mahal ng iba Ikaw yung bumuo sakin sa mga panahong ako'y sirang sira Ngunit ikaw rin yung taong naging rason kung bakit ako ngayo'y lumuluha Mga yakap **** binabalik balikan Sana'y muli ko nang maranasan Mahal kita Higit pa sa pagmamahal ko sa iba Di mo lang nga madama Dahil atensyon mo'y laging nasa kanya Ikaw ang aking hinahanap,oras oras, minu minuto Kahit iba na ang hanap mo bawat segundo Ako’y mananatili parin sayo kahit unti unti ng nasisira ang iyong mga pangako Ako'y mananatiling kalmado kahit ang kwento nating dalawa'y unti unting sumasarado Nag simula lahat sa salitang "kamusta" Hindi ko inaasahang magtatapos sa "paalam na" Ikaw ang bumuo ng aking mundo Ngunit ikaw din pala ang sisira nito Pangako **** walang iwanan Pero ikaw din pala ang unang lilisan Pangakong puno ng kasinungalingan Hinihiling na sana'y hindi mo nalang binitawan Nang hindi na sana ako nasaktan Tayong dalawa ang sumulat ng ating istorya, ngunit sa huli kayong dalawa ang lumigaya Sabi nga ni moira,"ako yung nauna, pero sya ang wakas"
0
Feb 27, 2021
Feb 27, 2021 at 9:42 PM UTC
Mananatiling Ikaw

42
Tanga ka ba At binabalik-balikan mo Ang mga tweets niya Na nagpapakitang masaya na siya sa iba? Masaya ka ba Na inuulit-ulit **** tingnan Ang mga ginuhit mo para sa kanya Na kahit ni minsan hindi ka pumasok sa isipan niya? Bobo ka ba At pinipili **** Magdusa nang mag isa Dahil gusto mo pa rin siya? At higit sa lahat Manhid ka ba Dahil mas pinipili mo ang magmahal ng iba Kaysa sa taong hanggang ngayon ay hinihintay ka?
0
May 13, 2017
May 13, 2017 at 8:06 AM UTC
tanga
Marami man akong kakulangan o pagkakamaling nagawa. Sana huwag mo akong husgahan sa mga pagkakamaling d ko rin sinasadyang maranasan. Ilang araw ko din pinag isipan to ilang araw ko ding binabalik balikan sa isipan ko, at gabi gabi'y sinasagot ko ang sarili ko sa mga tanong na dapat ikaw ang tinatanong ko, pero kalabisan bang hangarin na makita kang masaya? Walang araw na hindi mo hinangad na maging maayos ang kalusogan ko, handa akong magdusa makita ka lang lumigaya. Pero handa ka bang magpatawad pag ika'y nasaktan na? Sana sa bawat tipak ng mga nota sa piano sana maramdaman mo ang pagmahahal na nais kung iparating sayo. Na sa bawat lirikong sinasambit sa kanta'y, kaya mo kayang sabayan hanggang dulo? Pero kailangan ko na din sigurong umalis na muna, kailangan ko na munang ayusin ang buhay ko, kailangan ko na munang kilalanin ang sarili ko, ituwid ang mga pagkakamali ko't itama ang landas na dapat kung tahakin. hihintayin mo ba ko? O pipigilan mo ba akong umalis? Sana sagotin mo Hihintayin ko ang kasagotan mo, kung maari Habang ginagawa ko ang sulat na ito ay may halong kaba at pagdududa na aking dinarama na sa bawat pag agos ng mga luha koy may panghihinayang na baka pagbalik koy wala kana't may mahal ng iba. D rin naman maiiwasan dahil ka mahal-mahal ka nga. Sa konting araw na tayo'y nag uusap/nagkikita labis na ligaya ang iyong pinadama ang dating lungkot pinalitan mo ng saya, ang dating kulang at hindi buo, pinunoan mo't kinulayan pa.hindi ko makakalimotan ang iyong ipinadama, kahit saan mapunta andito kaman o wala. Ikaw parin ang hahanap hapin ko sa tuwina. Palubog man ang araw sa ngayon Umaasang sana bukas nandiyan ka pa ring bubungad sa aking paggising. Mahal na mahal kita ng sobra, pero sa totoo lang nasasaktan nadin ako sa bawat hindi mo pagkibo, na ako lang rin naman ang gumawa. Sa mga araw na wala ka, nasasaktan ako kasi hinahanap hanap ka. Pero sasanayin mo na ba akong tuloyan kang mawala? O tatanggapin ko na lang kung anoman ang magiging desisyon mo?. Pero panghahawakan ko pa rin ang mga pangakong binitawan natin sa isa't isa. Na tayo lang hanggang finish line na. Kapit ka lang huwag kang bibitaw ah? I lOVE YOU Ms. QRST ADZ This isn't goodbye, i have faith we're destined
0
Mar 12, 2021
Mar 12, 2021 at 5:45 AM UTC
Day 38

13
Bakit pa kaya ako na buhay? Bakit pa ako nanatili dito sa mundo? Tingin ng iba sa akin ay walang halaga, Siya namang katotohanan... Ang totoo ay wala naman talaga akong kwenta. Ipinagtataka ko, Bakit binigyan pa ako ng pangalawang buhay? Para saan ito? Minsan naisip ko, na sana dati natuluyan na lang ako. Ano pa bang silbi ko? Ang bigyan ng pasanin ang mga magulang ko? Ang bigyan ng cancer ang lipunang ito? Ang bigyan ko ng karagdagang problema ang mundo? Minsan napapatanong ako, Ano pang silbi ng pangalawang buhay ko Kung hindi naman ako masaya? Bakit hindi nalang ako hinayaang mahimlay na lamang? Paulit-ulit na akong nasaktan at umiyak, Hindi pa ba sapat para pagbayaran ko lahat? Paulit-ulit na pinaramdam sa akin na wala akong kwentang nilalang, Hindi pa ba iyon sapat para magdusa ako ng tuluyan? Paulit-ulit akong napahiya at siniraan, Hindi pa ba iyon sapat para magpahinga na? Kailangan ko pa bang pagdaanan ang ganito kasakit na bagay? Paulit-ulit nalang ba? Wala na bang bago? Hindi na ba magbabago ang kapalaran ko? Ganito na ba talaga? Pagod na ako Pagod na pagod na ako sa totoo lang. Ano bang nagawa ko sa mundo para magdusa ng ganito? Nung mawala ako ng ilang minuto grabe raw ang iyak nila, Nung bumalik ako, abot-langit ang saya nila... Paano ako? Natatanong niyo ba kung masaya rin ako? Minsan nasasabi ko- Wala nang magmamahal sa akin, Wala nang tatanggap sa akin maliban sa pamilya ko. Wala naman talagang makakaintindi sa akin kundi sila... Kaya hindi na ako magtataka kung pati kayo ay mawawala. Nasanay na ako, Ano pa bang bago? Sige, magsilisan na kayo. Gusto niyo ako pa ang maghahatid sa inyo? Ikagagalak ko.
0
Jun 23, 2019
Jun 23, 2019 at 4:00 AM UTC
Untitled

45
Ayoko ko na! Tapusin na natin to! Di ko na kaya! Hanggang dito na lang to. Paulit-ulit ang pagbibilang. Isa... Dalawa... Tatlo... Hindi ko kakayanin to. Hindi ko kaya na ganun-ganun lang. Gusto ko parin maging tayo. Pero tuwing nakikita kita, Mistula ang puso ko'y lumalayo. Mahal parin kita! Sabihin mo hanggang dito na lang tayo! Sabihin mo tapos na tayo! Ayoko na magdusa pa. Kaya, TAMA NA!!!!!!
0
Feb 4, 2021
Feb 4, 2021 at 8:02 PM UTC
Tama na