Itinaga ko sa bato,
Sinigaw ko sa harapan ng malalakas na alon
Ang pangako hindi na ako iibig muli.
Isa, dalawa, tatlo.
Tatlo beses ako niloko.
Tatlo beses ako iniwan.
Para isang laro,
Naka-bingo na ako.
Dumaan ang mga araw,
Lumipas ang buwan,
Nagsimula ang bagong taon,
Ngunit ang pangako sa nakaraan
Aking dinala.
Isa, dalawa, tatlo.
Hindi na ako muling iibig pa.
Pinagdamutan ko ang sarili ko
Magmahal ng iba.
Kaya ko magisa.
Mga katagang lagi kong binubulong sa sarili ko.
Papatak man ang mga luha ko,
Pero hindi na muli madudurog ang puso ko.
Isa, dalawa, tatlo.
Nahipan ng hangin ang pangako ko.
Isang araw nagising na lang ako,
Inaantay ko ang mga mensahe mo.
Ikaw ang una naiisip sa umaga,
Kausap sa magdamag,
Panaginip sa gabi.
Sa mga araw na mapait,
Ikaw ang nagpapangiti.
Sa mga araw na magulo ang mundo ko,
Ikaw ang nagliligtas nito.
Isa, dalawa, tatlo.
Ayaw ko mahulog sa iyo.
Takot akong madurog ang puso kong
Pinilit kong binuo.
Ngunit paano,
Kung ikaw lang ang nais sa piling ko.
Kaya ngayon itong nararamdaman ko'y itatago muna sa iyo.
Isa, dalawa, tatlo.
Tatlo hakbang palayo sa iyo.
Dalawa tayo sa istorya na ito.
Isa lang ako na may paghanga sayo.
P.s. Salamat jose