Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Dalawang taon na ang nakalipas
Ang aking unang nakitang liwanag,
Isang liwanag na ako’y nasilaw
At nahimala sa ‘king natagpuan,

Ang ilaw na ito ay mahalaga,
Mas mahalaga pa sa milyong pera,
At hindi ko ito inaakala
Na ito pala’y aking makikita,

Isang araw ako ay may tiwala,
May tiwala na magiging akin s’ya,
Itong tiwala ay isang tadhana,
Tadhanang ika’y mapapahimala,

Itong ilaw ay aking binitawan,
At pinagpalit sa ibang liwanag,
At ito ay aking napagsisihan,
At bumalik sa ‘king unang liwanag,

Nung ako ay nakabalik sa ilaw
Hindi ko ulit ito mabibitaw,
At ang aking problema ay gumaan
At hindi ko ulit ito iiwan

Ang tula na ito ay maliwanag
At di kailangan ng paliwanag,
Itong tula ay isang kwento lamang
At ito ay nagsisimula palang,

Kapag ako’y na sa gitna ng dilim
Ikaw ay nandoon para saakin,
Para ako ay kumintab sa dilim
Tuwing ang araw ay ‘sang makulimlim,

Ako’y natutuwa sa ‘yong itsura
Tuwing ikaw ay naging masaya,
Pati ako ay nagiging masaya
Ang iyong saya ay nakakahawa,

Kung ika’y nakita kong nakangiti
Ang damdamin ko ay gustong ngumiti,
At maraming taong gustong humingi
Nang iyong tuwa sa iyong pagngiti,

Dahil sa’yo, hindi ko mapigilan
Na tumingin sa iyong kagandahan,
Na hindi ko kayang makalimutan
Ang kagandahan na ‘king minamasdan,

Sa ‘yong ugali ay ‘king nagustuhan
Dahil sa iyong pagka-orihinal,
At sa ‘yong magandang kaugalian
Na di kayang magaya ng sinuman,

Ang iyong mata ay isang bituin
Dahil sila ay magandang titigin,
Na walang plano para lang tumigil
Kahit ito’y nasa gitna ng dilim,

At isang araw na nakita kita
Ikaw ay ang aking naging tadhana,
Kahit pinakaunang pagkita
Ikaw na agad ang aking nadama,

Kahit hindi pa tayo magkaibigan
tangi ‘kaw na ang aking nagustuhan,
Na walang kahirap-hirap maghanap
Sa iyong nakatagong kagandahan,

Sa ilang taon na aking pasensya
At ito ay sulit na hintayin kita,
Dahil ikaw ay walang kasing halaga
Nang kahit anong halaga ng pera,

Ikaw ay isang tunay na liwanag
Dahil ang aking buhay ay kuminang,
Na walang tigil para lang kuminang
Para Makita ang aking daanan,

Ilang taon ko na itong tinago
Para lang ikaw ay hindi lumayo,
Na sa aking pag-iisip sa iyo
Na damdaming ito ay di matuyo,

Di ko ipipilit ang ‘yong pagmahal
Na ako ang iyong karapat dapat,
Na mahalin, para sa iyong buhay
At ako’y may respeto sa ‘yong buhay,

Ang aking nakatagong pakiramdam
At ito ay para sa iyo lamang,
Ako ay swerte nawalang kaagaw
Dahil ako ay mag-iisa lamang,

At ako ay hindi titigil dito
Dahil ito ay para lang sa iyo,
At wala kang kaagaw para dito
Dahil ako ay para lang sa iyo,

Sa puso ko’y hindi kita mabibitaw
Dahil para sa ‘kin ika’y  espesyal,
At ikaw ay hindi mapapahamak
Dahil ako ay naririto lamang,

Ako ay  nakapili ng seryoso
At hindi nagkakamali sa iyo,
At ikaw ang aking sariling mundo,
At hinding-hindi ko ‘to magugulo,

Kung ikaw ay wala, ako’y madilim
Hindi magbabago ang ‘king damdamin,
Sapagkat ito ay hindi titigil
Dahil ikaw ay ang aking bituin,

Kahit malawak ang ating paligid
Tayo ay magkikita pa rin ulit,
Dahil ito ay ang aking damdamin
At ‘tong damdamin ay para sa atin,

Ikaw ang nagbigay sa ‘kin ng pag-asa,
At ito ay nagamit ko ng tama,
Hindi ako palaging umaasa
Dahil ito’y bihira lang tumama,

Tuwing ako ay may nalilimutan
Ikaw agad ang aking natandaan,
Kahit ikaw ay ang aking iniwan
Ikaw ang lumabas sa ‘king isipan,

Ang tula na ito ay magwawakas
Ngunit ang damdamin ko’y walang hanggan,
Tatlong saknong nalang ang katapusan
Dahil ito ang huli kong sagutan,

Para saakin ikaw ang liwanag
Kung ika’y wala, ako’y isang bulag
Tuwing kumintab ang ‘yong kagandahan,
Ang mga bulaklak ay namulaklak,

Ilang taon ko na itong hinintay,
Para lang ang damdamin ko’y malabas,
Itong pagkakataon ang dumaan
Para malaman **** ‘king naramdaman,

Hindi ko inakala ang ‘yong ganda
Na ang ibang tao ay di makita,
Ito na ang katapusan ng tula,
At salamat sa iyong pagbabasa.
First Ever poem
President Snow Oct 2016
Naging ganito ako dahil sayo
Dahil nandyan ka para mahalin ang buo kong pagkatao
Tanging kasiyahan ang naramdaman ko
Ikaw na laging sinisigaw ng puso
Laging nandiyan para iparamdam ang kahalagahan ko

Naging ganito ako dahil sayo
Dahil ang lahat sa akin ay iyong iyo
Sa lahat ay lumaban ako
Pagmamahalan natin ay pinaglaban ko
Pag iibigan ay inalagaan ng husto

Naging ganito ako dahil sayo
Dahil sa mga mata mo
Mga mata na iba na ang titig sa mga mata ko
Mga kamay na lumuluwag ang hawak sa mga kamay ko
Mga labi na hindi na ang binabanggit ang pangalan ko

Naging ganito ako dahil sayo
Dahil sa iyong pagsuko
Ganoon ba kahirap na ipag laban ako?
Ganoon ba kadaling saktan ang puso?
Ganoon ba kahirap na pumasok sa iyong mundo?

Naging ganito ako dahil sayo
Winasak ko ang sarili ko
Tulad ng pagwasak mo sa aking puso
Bakit ba ikaw pa ang minahal ko?
Bwisit na kupido, palapak na pana't palaso

Naging ganito ako dahil sayo
Oo, ikaw na walang ginawa kung hindi saktan ako
Ikaw na madaling sumuko
Ikaw na hindi kayang panindigan ang mga pangako
Ikaw na may pag ibig na mabilis maglaho
Anton Aug 2018
hindi mo alam kung gaano kahirap
ang pinagdaanan nya bago sya magdesisyon.
hindi mo alam kung anong impact
sa kanya ng desisyong ginawa nya.
hindi porket sya ang nang iwan
hindi na sya nasaktan.
may mga bagay na hindi masabi ng direkta
kaya itatago na lang sa salitang "ayoko na"
pero ang totoo may malalim na dahilan
kung bakit ka nya binitiwan.
may malalim na dahilan bakit ka nya iniwan.
hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao
base sa pinakita o pinapakita nya.
Hindi lahat ng nang iwan walang pinaglalaban.
hindi lahat ng nang iwan sarili lang nila ang dahilan.
sa totoo lang mas masakit dun
sa side ng taong nang iwan sayo na
may malalim na dahilan kesa sayong binigla ng di mo inaasahan. alam mo kung bakit?
kasi sya buong buhay nyang dadalhin yung sakit
kasi nag Letgo sya kahit ayaw nya.
oo andun na sa "kung mahal mo ipaglalaban mo"
quit that **** concept. hindi all the time
pag mahal mo ipaglalaban mo.
hindi sapat yung mahal ka nya para manatili sya. maraming bagay ang hindi mo alam pero
mas pinili nya talagang hindi ipaalam.
Kase ayaw nya na ikaw ay mas masaktan pa.
hindi mo alam kung gaano kasakit sa kanya
yung iwan ka ng ganon ganon lang.
pero mas masakit kung mananatili sya sayo
kung ikasasama mo naman. hindi lahat ng nang iiwan
sumuko na. hindi lahat ng nang iwan napagod na.
Hindi lahat ng nang iwan wala ng pakealam.
Hindi lahat ng nang iwan hindi nasaktan.
at hindi lahat ng nang iwan hindi kana mahal
kasi may mga bagay na mas mabuting bitawan
na lang kesa panghawakan parin kahit alam natin na
mag eend-up din ng parehas kayong masasaktan.
Rena Lyn Bala-oy Feb 2019
Duguan ang puso kong sugatan.
Ang puso kong napag-iwanan.
Ang puso kong pinangakuan, pero hindi pinanindigan.

Hindi ko maintindihan.
Akala ko ba walang iwanan?

Pero sinarhan mo ako ng pinto,
Sumama sa iba, tinalukuran mo ako.
Hindi na ba ako mahalaga
Kaya pinili mo sila?

Sila na nasa ibayong dagat,
Na kahit malayo ay sa kanila ka tapat.
Na kahit animo'y nahihirapan ka...
Sa kanila ka pa rin pumupunta.

Inay! Itay!
Paano naman ako?
Ako na naiwan dito.
Mag-isa dahil wala ka.

Mag-isang tinatahak ang aking buhay,
Walang gabay. Walang kaagapay.
Inay! Itay!
Bakit natin kailangang maghiwalay?

Bakit ba natin kailangang maghiwalay?
Pera? Trabaho?
Ang guminhawa ang buhay ko
Kahit... wala kayo?

Inay! Itay!
Ganito na ba kahirap ang Pilipinas?
Na ang mga magulang ko ay luluwas
Magpapaka-alipin sa mga taong labas?

Hahanap ng dolyar sa amo
Dahil hindi sapat ang piso.
Mag aalaga ng anak ng iba
Habang naiiwan sa Pilipinas ang kanila.

Inay! Itay!
Umuwi na kayo.
Nangungulila na ako.
Nagmamaktol. Nangungulila.
Kael Carlos Aug 2017
"Pag-ibig ay darating sa'yo" sabi ng mga makata,
Wari'y sa edad ko ang pag-ibig ay mahirap makita,
Ilang beses nga bang kailangang sabihin?
Talaga bang mapait ang dapat kong sapitin?
Higit isang dekada na 'ko sa mundo ngunit ang pag-ibig ay 'di mahagilap,
Ganito ba talaga ito kahirap?
'Di ko naisip na ito'y aabot pa sa ganito,
'Di ko napaghandaan at wari'y 'di napagtanto,
Lingid sa aking kaalaman,
Kaya 'di ko natandaan
At mas lalong 'di ko napaghandaan,
Ayaw na niya pala at matagal na niyang kinimkim,
Ako'y nasugatan at nagdusa ng mataimtim,
Sabi ni Inay: "Ba't ba wala kang dala?
Ilang beses ko ba dapat sabihin na wag mo ng hahanapin ang wala?"
I am Kael Carlos
Mon Oct 2015
Mahirap bang tuparin
Ang nag-iisang bagay
Na ninanais kong mangyari?
Mahirap bang sambitin
Ang ang mga katagang
Ninanais kong marinig?

Gaano ba kahirap
Tuparin ang aking hiling
Na iyong muling yakapin ng mahigpit?
Gaano ba kahirap
Sambitin ang mga katagang "ako na lang. tayo na lang ulit."
Na aking matagal ng gustong marinig mula sa iyong mga labi?
Hale Oct 2019
Sa bawat patak ng oras, ako'y nauubos.

Hindi mawaring isipin kung kumusta ka.

Iniisip mo ba ako? O ako lang ba ang nahulog?

Pilit kong itinatanim sa aking isipan na huwag magmadali.

Hayaan ang tadhanang gumawa ng paraan. Bigyang respeto ang tamang pagkakataon. Huwag nating pilitin.



Ngunit kasabay ng pagkumbinsi sa sariling huwag mangialam, nahahati ang aking isipan upang gumawa ng unang hakbang.

Ano nga bang mapapala ko kung hindi ako kikilos? Subalit sasagi sa isip ang posibilidad na mawala ka dahil sa mapupusok kong gawi.



Isang malaking palaisipan ang pag-ibig.

Hindi ito para sa mga mahihina ang puso.

Hindi ito para sa mga taong mabilis mahulog at madaling masaktan.

Minsan napapaisip ako kung bakit pa ba natin ito ginagawa?

Sa dinami-dami ng hirap, sakripisyo, at sakit nitong dulot, talaga bang may patutunguhan?



Sa tagal ng panahong ginugol kong mag-isa, naliwanagan ako sa aking halaga.

Karapat-dapat ako sa pagmamahal na buong-buo at mapagpalaya.

Ngunit, tangina naman. Bakit ganito kahirap mahanap?



Akala ko madali. Iwinaksi ko lahat ng hadlang na maaari kong malampasan.

Ginawan ng paraan at isinaayos ang sarili.

Pagkalingon ko'y ako bigla ang nahuli.

Halos lahat ng aking mga kasabayan nagkaroon na kani-kanilang katambalan.



Ang malas ko naman.

Bakit ako na lang ang hindi nabigyan? Hanggang sa dulo ba ay ganito pa rin?

Parusa ba ito sa salang hindi ko namalayang gawin?

Diyos ko, ano bang magagawa ko?

Anong ginawa ko upang maranasan ito?



Hindi naman sa pagdadrama.

Ang nais ko lamang ay isang makakasama. Iyong makakausap sa araw-araw nang walang sawa.

Iyong magbibigay sa akin ng atensyon at alaga. Ngunit kasabay nito, ako'y handa rin

Na isauli ang pagmamahal na aking nagkakandarapang kunin.



Isang pagkakataon lang po upang magsimula muli ang puso

Makadama ng pagmamahal na tapat at totoo

Makakaasa kayong hindi ko ito isusuko

Anoman ang pagsubok na aming matamo
First Filipino poem I published.
For all the people who had been single for a long time and wanted to have someone again
Sho Victoria Apr 2018
Di ako umiiyak sa away o sigawan.
Umiiyak ako sa labis na katahimikan.
Sa mga panahong kailangan ko ng kasama
Sa mga panahong pati sarili'y ayaw ko na.

Mga kumukuliglig na huni at bulong.
Mga inipit na hikbi at paghingi ng tulong.
Lahat ‘yan ay naninirahan sa isipan.
Lahat ‘yan ay mahirap takbuhan, mahirap takasan.

Bumibilis na tibok ng puso,
Malalamig na pawis na sa leeg ay namumuo
Mga hiningang hinahabol ang takbo,
Magang mga matang nagmamakaawang ang luha'y huminto.

At unti-unti
Hihimasin ang isip
Mula labas palalim sa loob
Unti-unti
Pipigain ang puso
Makirot sa una ngunit nakakamanhid rin pala kapag nasanay na.

Hahalungkatin ang nakaraan,
Nang dumilim ang kasalukuyan.
Babasagin ang kasalukuyan,
Nang mabaling ang tingin sa iba maliban sa harapan.

"Huwag kang mag-isip."
Ang abiso nila.
Ngunit diba nila naisip
Na tila ka na ring sinabihan na:

"Huwag kang huminga kung ayaw mo na."

"Huwag kang tumingin kung nahihirapan ka."

"Huwag kang makaramdam kung nasasaktan ka."

Huwag ka nalang mabuhay kung di mo na kaya."

Oo, ayaw ko na.
Lahat kinatatamaran pati paghinga.
Bawat gabing inilaan sa iyak.
Tila ang isip, pinipilit na mabiyak.

Oo, nahihirapan na.
Di maiwasang tumingin sa mga mata
Ng iba't ibang taong may iba't ibang kwento.
Ng iba't ibang ngiti sa kabila ng malungkot na  mga anino.

Oo, nasasaktan na.
Mula sakit, gusto ko nang kumawala
Mula sa kadenang mas malambot pa sa bakal
Ngunit kung hawakan ka tila ka sinasakal.

Oo, di ko na kaya.
Sana nga tumigil na.
Na bawat umaga nagdarasal akong gabi na
At sa bawat gabi, nananalangin akong matapos na.

Ang sinimulang buhay na inilaan sa iyak.
Inilaan sa pag-iisip na sa bawat takbo tila ka winawasak.
Bukas sa lahat ng bagay mabuti man o masama.
Bukas rin sa posibilidad na ipagpatuloy pa o tapusin na.

Ito.

Ganito.

Ganito kahirap, ganito kasakit.

Ganito kasimple ang isang atake.
miss xEx Nov 2018
Paano mangyayari ang atin?
Kung imahinasyon lang ang iyong tingin sa akin?
Gusto kitang kabigi at paibigin,
Ngunit s'ya mismo ang nagpapigil sa'kin.

Gustong lumayo upang hindi maangkin,
Sapagkat ang puso ko'y gusto **** gamitin,
Ngunit ayaw mo namang kumpletuhin.

Ganito ka rin ba sa lahat?
O sadyang nananaginip lang ako nang gising
At inakalang ika'y mapapasa'kin?

Gaano ba kahirap sabihin na akong gagamitin
Upang s'ya'y mapasaiyo
At ang puso ko nama'y malulumpo

Ako ba'y nagpagamit
At inisip na ginamit lang nang hindi ko ginusto?
Ginusto ko rin naman diba?
Ginusto kong umibig sayo kahit hindi ko alam kung ika'y totoo.

-miss xEKIS
Ginamit mo lang ba talaga ako?
Elly Apr 2020
parang sobrang lapit lang ng lahat kanina. napakarami rin na bituin na matatanaw kapag tumingala. sa tuwing sisilip din ako para makakita ng mga tao halos naririnig ko ang mga tinig ng boses nila na para bang ang lapit ko lang para maintintindihan ang pinaguusapan nila, miski ang pagbagsak ng mga kubyertos. paglapag ng plastik na may lamang pagkain, musika na ipinatutugtog nila at ang buwan na para bang napakadali lang abutin, kitang-kita ang liwanag na ibinibigay nito. sapat para makita ko ang mga gusali na nababalot ng dilim. sa isang iglap, naisip kita. naalala ko ang mga maikling pag-uusap natin. lahat ng naramdaman ko nuon ay parang kanina lang sa sobrang eksakto ng nararamdaman ko. hanggang sa mapaisip ako ulit. ganoon ka kalayo saakin. na para bang mas malayo pa sa katotohanang malayo ang buwan at ang mga bituin na nakikita ko sa langit. ganito ka kahirap tingalain at abutin.

— The End —