Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dalamhati" poems
Kling Klang....  Kling.. Klang.. Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan, Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan. Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan; Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan, Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan, At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran. Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan, Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan, Maruming damit, gusgusing katawan, Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran. Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman, Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan. Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan, Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan. Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan. Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan. Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan; Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan. Ilang minuto pa'ng nakakaraan, Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan, Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan. Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan? Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan Ang unti-unting nagsipatakan. Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan - Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan, Isang taon pa lamang ang nakakaraan! Dugo'y nag-unahan sa pagpatak, Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan. Babae'y nanghina't nagsumamo Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa anghel sa tiyan nito. Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay; Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan. Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban. Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan. Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian. Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan, Ang naging usap-usapan sa pamayanan. Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan. Sa gitna ng pighati't panlulumo, Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay. Tunog ng madamdaming dalamhati. Musikang malumanay, .......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay. Kling Klang... Kling.. Klang..
0
Apr 30, 2015
Apr 30, 2015 at 10:57 AM UTC
Kampana

Continue reading...
46
110916 Yugyugan, walang hele Galit at poot, walang tuldok. Bayan, Bayani at Rebolusyon Dugo, Latay at Krus. Pintasan sa saradong Libingan ng mga Bayani Pasismo'y binabali Demokrasya'y katunggali. Hampasan ng Hustisya, Latay ng Pagtutuligsa. Kalampag ng mesang panay barya Sigaw ng paghain ng kamatayan. Bukas ang Pintuang tila batong hinati Uhaw, sawing-palad, May luwad na dalamhati. Di makilala, suyod nang kaladkaran, Saboy ng pighati. Walang bahid, walang bisa -- Hindi maramot ang May Grasya. Negosyo sa pulitika Kalakal ng mga salita. Palimos nang makaraos Lusong, tapon, salo at ahon -- Yan ang pagtatapos -- Isa, dalawa, tatlo Tatlumpu't tatlong taon. Inihanay ba Siya sa mga Bayani? Hindi. Nalimot ba ang Kasaysayan? Hindi. Ang natatanging Kasaysayan, Tanging Kristo ang tutuldok Tanging Kristo ang saysay Walang iba, tapos na.
0
Nov 13, 2016
Nov 13, 2016 at 11:15 AM UTC
kaSAYSAYan
ang sining na mapagbunyag sa katotohanan ng lipunan, sa mga kirot ng damdamin, sa bawat sugat at dalamhati ay sining na makakapagpapalaya sining na makakapagmulat at sining na makakabuhay!
0
Feb 3, 2020
Feb 3, 2020 at 8:45 PM UTC
para sa bayan ang sining na pinapaglaban!
090316 Pambungad Mo'y matatamis na mga ngiti Habang bitbit ko ang mga sandaling nilisan ang pagbati. Batid ng panlasa ang mapait na takipsilim, Ang kahapong yumurak sa Iyong kariktan. May iilang sumisirit ng kandilang bilang Mayroon ding mga nagwawaldas ng dila; May nagwawalis ng kalat at siyang binabasura, Mayroon ding naglalakad ng nakaluhod. Naging tigang ang lupaing napuno ng banyaga Sa haplos ng mga nanlilisik na mga mangungusig. Naging batas ang ideolohiyang makasarili, Itatakwil ang Perlas na sinisid pa't buhat sa bahaghari. Tila mga kandadong walang susi Ang pagsaboy ng mga dikdikang tutuligsa sa Bayan. Dalamhati sa mga Anak ni Juan Mga bayaning umani ng nagniningas na rebolusyon. Ramdam ko ang pluma ni Rizal Sa kamandag nito'y henerasyon ay aahon. Bulag, pipi't bingi'y aakma't aaklas ng panalangin Bangon Pilipinas! Ikaw ang natatangi naming Perlas!
0
Sep 3, 2016
Sep 3, 2016 at 8:27 PM UTC
Durian, Mangosteen, Atbp.
sa tunog ng tambol, iyong hinawakan ang aking nanginginig na mga kamay at sa gayo'y mapawi ang damdaming puspos sa dalamhati ang bawat pagtibok aba'y mistulang pulso dala ng aking puso kasing lakas ng pagkulog ng mga ulap kasing tulin ng paruparong lumilibot sa hangin.
0
Feb 16, 2019
Feb 16, 2019 at 9:45 PM UTC
40
Palagi na lang ganito ang ikot  ng buhay ko; maniniwala sa kasinungalingang sinasabi ng puso, pinipilit magpakatatag kahit walang kasiguraduhang ang katotohanan ay sadyang totoo, lumalaban sa sakit na kailanman ay hindi na malulunasan, pilit pinapasaya ang puso sa kalungkutang matagal nang naipunla, at nagbabakasakaling ang katiting na pag-asa ay magkatotoo pa. Saksi ang buwan sa bawat pag-iyak ko. Saksi ang araw sa bawat pag-ahon ko. Saksi ang hangin sa bawat buntong-hininga ko. at saksi ang Panginoon sa bawat pighati, kirot, dalamhati, pangungulilang napakabigat sa puso ko. Nananalanging sa bawat paggising ko ay bagong simula, Sa bawat paghinga ko ay panibagong buhay pa, Sa bawat pagpikit at paghinga ko ay nakaapak pa rin ang mga paa ko sa lupa, na sana... maliban sa Panginoong nakikinig palagi sa akin ay may isang taong handang samahan ako sa hirap o ginhawa.
0
Jul 28, 2018
Jul 28, 2018 at 1:31 AM UTC
Sana
#070716 #SirFrancisHouse #ElNido Mapalad ang nauuhaw, Mapalad ang nagugutom, Ngunit iba ang guhit sa'king palad. Inalok Mo sa'kin ang luha't delubyo Hindi Ka humihinto sa pagtapon ng dalamhati. Mistulang kupas ang kaibigang Bahaghari Pati sa pag-asa ba'y kami ri'y may kahati? Sumisipol ang Hangin, umiindayog Kaya't nagtatagisan ang mga Puno't Halaman. Matira matibay sa ganitong labanan, May ibang yayakap sa angkan, Ang iba'y nagsisimatay na lamang. Gaya ng pangarap, gumuguho ang akalang matitikas. Pag binagyo Mo'y magdudumi sa kalye't Tangay ang tubig na tsokolate. Walang nauuhaw kaya't walang nagwawalis, Tila ang lahat, sumusuklob sa yerong palamuti. Alam kong iba Ka sa kanila, Kaya't hindi Mo na kailangang patunayan pa. Kung ganyan Ka lumaban, buhay ng iila'y may pangwakas na. Sapat nang nandyan Ka, kaya't lumisan Ka na.
0
Jul 6, 2016
Jul 6, 2016 at 9:02 PM UTC
Storm Signal Unknown
sa takipsilim na tawag nating alas cinco ng gabi na makikilala ng araw ang lupa, nabibighani sa kanyang sikat at ganda lalamunin hanggat sa dumilim masasaksihan natin ang tunay na kulay, tunay na simoy, tunay na buhay, ng lungkot. hindi niya maisasagot ang limangput libong hukbong-sandatahan ng dakilang, gutom, mabagsik na mga isip. yakap ng mahigpit at mahabang braso ng lungkot; mapaparalitiko habang buhay, sa takipsilim
0
May 9, 2017
May 9, 2017 at 5:18 AM UTC
dalamhati
Umaalingawngaw pa rin ang mga putok tila tatlong tilaok ng tandang sa madilim na sulok Ilang supot ng pilak kaya ang kapalit May pagbati pa ang mga Hudas, tila pataksil na halik. Magdamag na at maghapong pumapatak ang mga butil ng dalamhati mula sa mga ulap kasabay ng daloy ng aming walang katapusang pag-usal ng “Bakit?          Bakit?                  Bakit?          Bakit?          Bakit?” at impit na buhos ng mga luha mula sa mga dinurog na puso. Kahit si Mariang Makiling ay nakatalukbong ng malungkot, makapal na ulap – mistulang tinabunan ang mga pangarap wala ni pipíng kasagutang maapuhap. Wala, wala, wala . . . Wala akong mahagilap na sagot Tumitibay lamang ang aming paniwala ang bayan ay patuloy ang pagkapariwara ang daluyong ay nasa laot, lumulubog ang bangka Katarungan ay mailap Hinipan man ang kandila Naroon pa rin ang iyong liwanag Madilim man ngayong gabi Gagabay ka sa aming paglalayag Kami na rin ang lumikha ng sagot At iisa lang ang aming alam Pagmamahal mo sa ating bayan kailan man ay hindi malilimutan Lagi at lagi kang pasasalamatan At ang lahat ng iyong marami at magagandang sinimulan Ipagpapatuloy para sa kinabukasan.
0
Dec 4, 2020
Dec 4, 2020 at 8:56 PM UTC
Luksa ang Bayan
Sana sa susunod Ako naman ay sumaya Sana sa muling pagtatagpo Ng aking tadhana Sa iyong liwanag Ay tuluyan nang mapawi ang dilim Na dinulot ng mapait na nakaraan. Sana hindi na tayo Luluha ng ganito Sana ang sakit Ay tuluyang magbago Sana ang mundo ko Ay sya ring mundo mo At sana ang bawat gabi nati'y Wala ng dalamhati Pagkat nais kong ihanda Ang langit ng aking pagsinta Para sa iyong pagpunta Ay makumpleto na ang iyong ligaya Sana Sana'y sa susunod Hindi na tayo ang luluha
0
Mar 6, 2018
Mar 6, 2018 at 1:14 PM UTC
Vernacular II