Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bilyong" poems
ako ay nakatulala sa lugar kung saan walang madla; at ang isipan ko'y binabaha ng mga hindi ko nasabing salita. ako ay nasa dagat pa rin, at ang bawat ihip ng hangin ay simbolo ng aking dalangin na sana siya ay mapasa akin. ang mga puno ng niyog ay gaya ng pagmamahal kong matayog. mataas at hindi makasarili, spaagka't sakanya ay nawiwili. ang bawat butil ng buhangin ay parang pag-ibig kong hindi kapusin; bilyon-bilyong damdamin, pag-ibig para sakanya na hindi ko inamin. ang bawat alon na humahampas, ay parang mga sandaling aking ipinalagpas; mga bagay na matagal ko na dapat sinabi, ngayon ako'y ginagambala ng pagsisisi.
0
Jul 21, 2018
Jul 21, 2018 at 12:05 PM UTC
dagat.
Isa Isang taong nasasaktan Isang taong umaasa Isang taong nagbigay tiwala Sa isang taong kanyang pinaka mamahal Isang pagiibigan na nabuo sa loob ng isang taon Isang magandang relasyon Nasira ng isang sigalot Isang pangakong bibitiwan Ng isang pusong umaasa Dalawa Dalawang taong pinagtagpo Dalawang taong nag-ibigan Dalawang taong nagbigay kulay Sa buhay ng isa't isa Dalawang pusong pinag-isa Dalawang labing nakangiti sa tuwina Dalawang matang lumuluha Dahil ang dalawa'y hindi na isa Tatlo Tatlong laruan na nagbuo ng pamilya Tatlong laruang ginawang anak ng dalawa Tatlong salita na nagbigay ligaya Sa pusong tatlong taon ng umaasa Kung may magmamahal pa ba? Tatlong minuto kapiling ka ay sapat na Upang mapawi ang lungkot at mapalitan ng ligaya Tatlong masasakit na kataga Ang naghiwalay ng landas ng dalawa Apat Apat na buwan ang hinintay Bago makamtan ang matamis kong 'OO' Apat, ang bilang ng letra sa isang salitang tawag mo sa akin Noong ika-apat na beses na tayo'y nagkasama doon ka nagtapat sa'kin Lima Limang buwan tayong isa Lima, ang sukat ng aking paa Na lagi **** pinagtatawanan Lima, ang bilang ng mga daliri ko Na lagi **** hawak-hawak Limang minutong yakap madalas **** ibinibigay Anim Anim ang bilang ng letra ng iyong pangalan Anim ang dami ng nais **** alagang hayop Anim ang bilang ng pagpunta ko sa inyo Higit pa sa anim na beses kong uulitin ito: Mahal pa rin kita Pito Pitong kontenenteng nais nating lakbayin Pitong araw sa isang linggo Mga araw na pinasaya mo ako Pitong bilyong tao sa mundo Ikaw ang pinili ko Walo Walo, isang numerong mahalaga sa'tin Walo, isang numerong ginagamit sa tuwing naglalambingan Walo kapag pinalitan ang huling letra ng 'a' Wala, parang tanga Siyam Siyam ang araw ng kaarawan ko Siyam ang numero sa likod ng tshirt mo Siyam katunong ng pangalan ng matalik kong kaibigan na nasaktan ko ng lubos Siyam and dami ng taon na bibilangin bago matupad ang pangarap nating dalawa Sampu Sampung taon mula ngayon Ipinangako mo sakin ang isang masayang buhay Sampung taeon mula ngayon haharap tayong dalawa sa altar Sampung taon, maghihintay ako Yan ang pangako ko
0
Dec 27, 2015
Dec 27, 2015 at 9:10 AM UTC
Mga Numero

Continue reading...
76
Sa taong ito, hindi naging madali ang lahat Maraming suliranin, magulong mundo, makalat. Milyun milyon ang mga nasawing buhay Nawalan ng trabaho't ikinabubuhay. Bilyon bilyong mga tao ang nagluksa Sa mga buhay na biglaang kinuha Mga taong namatay dahil sa pandemya May mga nasawi rin dahil sa kalamidad at trahedya. Hustisya! Iyan ang sigaw nila Kay hirap abutin ang hustisya lalo na kung ika'y isa lamang maralita Na walang kakapitan Kaya't walang kalaban laban. Lahat ay humagulgol, nasaktan, nasugatan, Ngunit nakayanan pa rin nating ngumiti habang ang kahirapan ay pasan. Nakaramdam tayo ng paghihinagpis at pangamba Na para bang hindi na matapos tapos itong nararanasan nating sakuna. Nais mo ng sumuko, Ngunit habang pinagmamasdan mo ang mga bagong bayani ng mundo, Lumalaban sila para sa ating kaayusan at kalusugan, Sa kabila ng pagod at hirap na kanilang pinapasan. Kaya't dali dali **** pinunasan ang iyong luha Nanalangin at nagtiwala ka sa Ama Sapagkat Siya lamang ang makakapaghilom sa lahat Magtiis lamang at sa Kaniya'y magtapat Marahan mo nang isara ang huling pahina ng libro Sa isang kwento sa taong ito Ipangako **** sa susunod na taon, Lalo ka pang magpapakatatag sa lahat ng darating sa buhay na mga hamon. Gayunpaman, taglayin mo pa rin ang pusong mapagpakumbaba Habaan pa ang pasensiya Magpasalamat sa Ama sapagkat hindi ka niya hinayaang mag-isa Palakpakan mo rin ang sarili mo sapagkat hindi ka sumuko.
0
Dec 31, 2020
Dec 31, 2020 at 7:45 AM UTC
2020
Hindi ito isang tunay na kwento, hindi ito galing sa iba, ngunit sa akin lamang, isa itong imahinasyon na naisip ko, isang sitwasyon na inasam ko, isang mundo na magkasama tayo, ngunit kahit anong gawin ko, sa huli ay napaghiwalay tayo, wala akong maisip na pagtatapos na kung saan masaya tayong nagsasama, kung kahit ang simula nating dalawa ay hindi manlamang nag-umpisa. Ako ay isa sa mga bilyong bilyong binatang umiibig, naghahanap, nag aasam, at nangagarap sa isang maliit na chansang sa akin ay may magmahal. Matagal man itong darating ako'y handang maghintay, basta't sa aking pag antay ika'y darating. Ayoko umasa, ayoko masaktan, ayokong umiyak, humagulgol na parang tanga sa loob ng kwarto ko. pero susugal ako kahit gusto kong sumaya, ngumiti, tumawa, at nais kang makasama. dahil nangako ka sa akin na tayo'y magsasama, maaring hindi ito mangyari dahil hindi tayo tinadhana, pero pipiliin ko ang masaktan bukas basta makakasama kita ngayon, siguro sa mata ninyo tatanga ako, pero kahit sino mang matalino, sa oras na inalay ng pag-ibig ang kamay niya, tayo ay isang mangmang na hindi na natuto sa paulit-ulit na naranasan natin at ng iba. Kung kaya't makikiusap ako, sa diyos na may kapal, sa mundong umaastang kupal, na sa pag alis mo ika'y huwag nang tumalikod, upang sa buhay natin ang sakit ay ating malimot, kung kaya't nakikiusap ako, sa susunod na may dumating, ako'y iyong ibigin at ika'y aking mamahalin, Huwag mo akong iwan at ika'y aking sasamahan. Kung ito ay magagawa mo pangako ko sa'yo, lahat ito ay gagawin ko.
0
Dec 29, 2015
Dec 29, 2015 at 12:28 PM UTC
Ako

3
sa loob ng isang bilyong magkakaibang sansinukob kung saan nasa kalagitnaan pa rin natin ang poot ng langit hahanapin ko ang kaisa-isang sansinukob na tayo'y magkalapit kahit na sa nalalabing mga mundo ang aking pagsinta'y mananatili sa dilim at kapag sa dinatnang sansinukob ay tila hindi pa rin pinagtagpo kakapit na lamang sa paniniwala na may pinagbigyan ang langit na isang mundo (kung saan ang puso mo ay kaya kong abutin) at ipauubaya na lamang ang aking mataimtim na panalangin sa bulalakaw na darating
0
Mar 23, 2019
Mar 23, 2019 at 12:10 AM UTC
isa
Sa paraang iyan nila kami pinatatahimik, pinapatay, at tinatapos. Baril ang kanilang sagot sa aming sigaw, Sigaw para sa karapatan at bayan, Bayang aming pinaglilingkuran. Hindi pa ba kayo naalarma? Na mismong makabagong bayani na ang pinapatay nila, Mga bayaning halos walang pahinga, Mapagaling lang nila tayo mula sa pandemya. Pandemyang naglabas ng baho nilang mga nasa itaas, At kanilang mga hindi pagiging patas, Mga taong lantarang lumalabag sa batas, Malaya pa rin at nakikinabang sa ating kaban. Kaban na pinagnanakawan, Bilyong utang, Na tayong simpleng mamamayan ang magbabayad, Magbabayad sa inutang na hindi naman natin napakinabangan. Ilang inosenteng buhay pa ba ang mawawala, Bago ka tumigil sa pagsuporta sa tuta ng Tsina, Sa mga tangang namamahala, Sa mga taong walang hiya. Gising mga bulag!
0
Dec 17, 2020
Dec 17, 2020 at 7:10 AM UTC
"Red-Tagged"
Sa dinami-rami ng mga tala sa kalangitan, sa bilyung-bilyong bilang nilang hindi malaman, sa paglubog ng araw at paglitaw ng buwan, ikaw ang tanging bituin na nais kong masilayan.
0
Aug 15, 2019
Aug 15, 2019 at 10:02 AM UTC
Ang Bituin Ko
Sa kalawaka'y mag-isa sa dilim Hinahanap ang makulay **** ningning Nasaan ka, O aking bituin Magliyab ka't agawin yaring paningin Nariyan ang bilyong makulay na bituin Mapaglaro sa mata at nais kang aliwin Ano't tila nakapako sayo ang aking paningin Kahit na ang mga mata ay waring nakapiring? Nasaan ka, O aking bituin? Huwag ilihim sakin ang yo'ng ningning Ilang siglo pa ba ang aking lalakbayin Upang matagpuan ang makulay **** ningning.
0
Jun 18, 2021
Jun 18, 2021 at 3:58 AM UTC
O Aking Bituin
Pitong Bilyong Tao Saan ka ba dito? bakit ako napunta sa taong manloloko?
0
Jul 7, 2018
Jul 7, 2018 at 10:30 AM UTC
Pitong Bilyon
Pitong taon sa kung saan lima na do’y naging tayo kanlaon. Sa limang taon na naging tayo, wari ko’y mahalin ka ng higit pa don. Itong anibersaryo’y paalala na sa bawat taon ng ating relasyon, iba’t iba ang ating naging leksyon. Ngunit sa bawat pagsubok na iyon, iisa parin ang ating direksyon. Ang magmahalan sa pang habang panahon. Ikaw ang pipiliin sa anumang pagkakataon. Sa’yo, puso’t isipan ko’y humihinahon. Gaano man kalupit ang hampas ng alon, Tayong dalawa’y magkasamang aahon. Sa bilyon-bilyong populasyon, Ikaw ang natatatanging ayon. Naaalala ko noon, Nagdasal ako sa Panginoon. Ikaw na pala ang Kaniyang tugon. Hindi natin kailangan na sa atin ang mundo’y sumangayon. Sapagkat lahat ng ito’y sagot sa panalangin natin noon. Saan man tayo dalhin ng ating imahinasyon, Ang mahalaga’y kung anong mayroon tayo ngayon. Hindi man natuloy ang ating celebrasyon dulot ng hindi magandang panahon. Makasama ka’y sapat na para sating okasyon. Mahal kita, sayong puso’t isipa’y ibaon.
0
Jan 22, 2022
Jan 22, 2022 at 2:06 AM UTC
Tugon