Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jan 2022
Pitong taon sa kung saan lima na do’y naging tayo kanlaon.
Sa limang taon na naging tayo,
wari ko’y mahalin ka ng higit pa don.

Itong anibersaryo’y paalala na sa bawat taon ng ating relasyon,
iba’t iba ang ating naging leksyon.
Ngunit sa bawat pagsubok na iyon,
iisa parin ang ating direksyon.
Ang magmahalan sa pang habang panahon.

Ikaw ang pipiliin sa anumang pagkakataon.
Sa’yo, puso’t isipan ko’y humihinahon.
Gaano man kalupit ang hampas ng alon,
Tayong dalawa’y magkasamang aahon.

Sa bilyon-bilyong populasyon,
Ikaw ang natatatanging ayon.
Naaalala ko noon, Nagdasal ako sa Panginoon.
Ikaw na pala ang Kaniyang tugon.

Hindi natin kailangan na sa atin ang mundo’y sumangayon. Sapagkat lahat ng ito’y sagot sa panalangin natin noon.
Saan man tayo dalhin ng ating imahinasyon,
Ang mahalaga’y kung anong mayroon tayo ngayon.

Hindi man natuloy ang ating celebrasyon dulot ng hindi magandang panahon.
Makasama ka’y sapat na para sating okasyon.
Mahal kita, sayong puso’t isipa’y ibaon.
aboutYv
Written by
aboutYv  25/F/PH
(25/F/PH)   
197
 
Please log in to view and add comments on poems