Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"babala" poems
Mayro'ng patingin-tingin Sa mahabang usapin Sa lumipas na araw Sya ay nagbalik tanaw Ayan sya't walang malay Ngiti sa labi'y taglay Nauubos ang oras Kala mo walang bukas Tila ba nalilibang Habang sya'y nag-aabang Sa mensaheng padala Ng kanyang kakilala Kahit sa isang saglit Isang iglap, kapalit Habang sya'y nag-iisip Nahulog na't na-idlip Sa pagbalik ng diwa Tama nga bang ginawa? Tinignan kung may tugon Dinampot, kanyang selpon "Ako ba'y isang hibang? Bakit parang may kulang?" 'Pag di na naka-usap Tila ba naghahanap Isip ay wag lunurin Damdami'y wag pukawin Atensyo'y wag ibaling Sa tulad **** malambing Pigilan **** umasa Kung ayaw **** magdusa Sarili ay gisingin Puso ay wag susundin Babala sa sarili Ika'y wag papahuli Kung ayaw **** magbago Kanyang pakikitungo Maluwag **** tanggapin At lagi **** tiyakin Sarili'y sasabihang: "AKO AY KAIBIGAN LANG." © LMLB
0
Sep 15, 2018
Sep 15, 2018 at 10:15 AM UTC
Paalala
Kasabay ng aking paggawa ng tula ay ang pagbitaw sa pangako mo na "akin kang babalikan" Kasabay ng pagiba ng ihip ng hangin ay ang pagtangay sa puso kong dati'y walang ibang isinisigaw kundi ang iyong pangalan Isa kang salamangkero Pinaniwala mo ako sa mahikang kailanma'y 'di totoo Pinaniwala mo ako sa pag-ibig Pag-ibig na nagpalapit sa atin Pinaniwala mo ako sa pag-ibig Pinaniwala mo ako sa pag-ibig Pero teka Pag-ibig nga ba iyon o isa lang iyon sa mga pelikulang iyong nilikha? Na sa umpisa palang ay nakalagay na ang mga katagang "Babala: ang sususnod na programa ay walang halong katotohanan Huwag seseryosohin" Una palang kitang nakita, nakuha mo na agad ang aking atensyon Katulad ng isang kwintas Una mo palang makita, hindi mo mapipigilan na mapalapit agad iyon sa puso mo Naaalala mo pa ba ang regalo mo sa akin? Kwintas na may hugis pusong disenyo Sabi mo, iyon ang sumisimbolo na nasa akin na ang iyong puso Ngayon, alam ko na kung bakit Dahil tulad ng metal na kwintas na iyon, Ganon din katigas ang nilalaman ng iyong dibdib
0
Feb 6, 2017
Feb 6, 2017 at 5:28 AM UTC
Ang Huling Tulang Gagawin ko Para sa Iyo
"Paalam na mahal." Yan ang huling katang narinig ko mula sa iyong bibig, ang mga salita na tila mga kutsilyong namutawi sa aking dibdib. Naalala ko ang araw ng ating pagtatapos, ang sabay nating pagsaksi sa takipsilim, ang unti-unting pag-angat ng buwan, at ang paglangoy ng mga bituin na tila mga isda sa ating paningin. Mahal. Oo, mahal pa rin kita, ikaw ang natatanging tama sa aking mga pagkakamali, ikaw ang rason sa likod ng mga bakit, ikaw ang ngayon sa tanong na kailan. Oo, ikaw, ikaw na minahal ko ng matagal na panahon at ngayon ay nilisan ang piling ko, sana nakinig na lang ako sa nanay ko, sana binuksan ko ang tenga ko para sa mga sermon ng ate ko, at sana nakita ko ang mga babala tungkol sayo. Ang tanga-tanga ko. Oo, ang bobo ko, sana nakinig na lang ako sa mga payo ng kaibigan ko.
0
Aug 28, 2016
Aug 28, 2016 at 10:43 PM UTC
Paalam
gusto kitang maniwala sa mga sasabihin kong salita ang luha ay ubos na kalungkutan ko'y nasasabik gustong magbago at umagos sa pisngi at hinding hindi maabutan ng bagsik ang mga tainga **** nagkukunwaring bingi tuyot sa kailaliman hanggang kaibuturan o hangin wag mo akong hipan baka di ko kayanin dala **** ginaw lamigin ang aking gabi habang ang utak ay natutunaw ang pagpikit ay gumagarantya sa sariling mundo walang makakaalam at makakapasok kundi ikaw at ako magdidilim sa tawag ng reyalidad papunta sa kamang lundo aking panaginip, bakit hindi kita mailagay sa isang sako? sa isang buntong hininga madarama ang tinik sakit na dulot ng panghihinayang at di madaan sa wisik tinatanong ang sarili kung saan nagkasala maglalaho ka pala, bakit wala man lang babala? gusto kitang maniwala sa mga sasabihin kong salita ang luha ay ubos na
0
Nov 25, 2010
Nov 25, 2010 at 9:25 PM UTC
Ang luha ay ubos na . .
Puno ay tumatanda Nalalagas ang dahon sa balingkinitang mga sanga Minsan may lagutok na maririnig- biglang pagluksa Itanong kung kailan ang mga lawa ay matutuyo Tubig niyang malinaw, may lalim na hindi matanto Ito'y pagtahak sa walang hangganang hiwaga Espiritung gala, isipin ang kalagayan ng katawang lupaypay Turukan ng gamot o ng gunita ng kasiglahan Halik ng kahapon ay alaala ng kahapisan Hawakan ang kamay na nanginginig Matamlay na  anak Niya'y sa aruga salat Ang paglipas ng oras ay gayundin ang pasasalamat Habaan ang sandali na may hininga't sarap Pawis na  nakabilad sa hamon ng buhay Mararanasan ang init at pait Ang pagpapahalaga sa katapusang ninanais kaakibat ay lumbay Paruparong itim magkatambal sa paglipad May babala man huwag isaisip Pusang tumawid sa harapan Ibaling ang paningin Magrosaryo saglit, sino ang mawawalan
0
Dec 3, 2018
Dec 3, 2018 at 6:04 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #4
Tara aking mahal, Let's have a contest, Paunahan magsabi ng "I LOVE YOU", Nang sampung milyong beses, Game ka na ba? Teka! Bago magsimula, Bigyan kita ng babala, Na pag tayo ay nagsimula, Wag kang mawawala, Bagama't tayo ay di makakawala, Sa ating mga kataga, Saglit lang! Ito ang patakaran Walang lokohan Pero may giritan Walang sasaktan Pero may kulitan Walang lamangan Pero may halikan At walang limitahan Kapag tayo'y nagmahalan So ano? Ready ka na ba? Tatlo! Dalawa! Isa! Simulan Na!! Mahal Kita :*
0
Jul 24, 2015
Jul 24, 2015 at 5:54 AM UTC
Paliksahan!
Dilaw na trayanggulang babala Ilang hugis lobo na sayad sa lupa Parisukat na alaga'y basong nag-iisa Naghihintay sa ekstrangherong sasaling muli Nang ang dati'y maitapon Ang bago'y maidampi na sa uhaw na lalamunan. Naglaho sila't nagsipangwala Ang lupa'y hati sa sukat na pantay Nilamon ang mainit na hangin, Umihip ang taglamig na hindi nyebe Bumulong sa akin, ngunit walang pahiwatig. Tila namamasyal ang telang marumi Pupuswit ang tubig mula sa bibig Ipon nya'y kayrami, Bukas sana'y maubos na ang mga ito Nang ang dungis ay pahiran din ng malinis na likido. Parehas ang kulay ng tumawid sa linyang puti Higit sa isa ang bawas na sinyales Akala ko'y kilala ko, ngunit naglaho sa usok Ang apat na bilog na itim, Gumulong at rumolyo sa aspaltong pulbura. Itong may pula ang sutla Itim ang tangan na may kasama pa Bumungad at inihaing may lista Ngayon pala'y may salamin sa harap Malayo ang hugis at ang porma Hindi ko na binalingan ng pansin Ngayo'y laos na ang bawat eksena. (6/3/2014 @xirlleelang)
0
Jun 26, 2014
Jun 26, 2014 at 10:41 PM UTC
Kung Saan Bida ang Saya
Ibabaon sa limot ang inaasam Sa pagpikit ng mata'y di mapakali Ang malikot na lagyo dumikit sa kumot na pantabon Nahihiya na makita na duguan Alisan sana ng pandamdam Sa karsel masilip ang sulat Di maipalabas sa kinalalagyan Inekisan ang mga araw noong sa bilangguan Sona ng mag-uumpisang kalbaryo Nakiusap na madala ng hangin Ang Antigong pag-ibig ay kumukurap Madudulas ang babaeng di marunong makiramdam Matisod nang kanyang malaman Naaagnas nang labing-isang taon, Maghihintay hanggang sa malagutan Ibahin ang pananaw sa sanlibutan Mga bagay na nakakasiya ay ito rin ang sanhi ng paglagapak Hayaan ang oras na lumipas Maghintay sa uusbong na babala Bago dumating sa hantungan ay gumala Kailan mailadlad ang dahilan ng pananangis Sa tuwing sumisipol, sumisingit ang rekyem Kung may siruhia't kapalit sa nabasag na pangarap ay madaling ngumiti kahit na kay pait
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 7:23 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #26
ika-labintatlo ng Agosto, naghihintay ako ng sulat mo. Maghapong nag-aabang sa tapat ng pintuan inaasahang darating ang kartero dala dala ang liham ngunit walang napala, marahil ito na ang hinihintay na babala.
0
Aug 31, 2015
Aug 31, 2015 at 9:32 PM UTC
Bakit wala?
Walang kasiguraduhan, ako, sa'yo ay sumugal Nais ko ay kasiyahan, ngunit puso ko'y napagal Ilang taong maghihintay sa  ***b u o  **** pagmamahal?*** Ilang luha iaalay, para sa'yo aking mahal? Isipang puno ng pait, pusong puno ng pag-ibig Pagluha, saya, at galit, ano nga bang mananaig? Tagal ng pinagsamahan, ‘di madaling kalimutan Anong dapat asahan kung tayo'y nagkakasakitan? Wala na nga bang katapusan itong mga sisihan Magturuan sa kung sino ang dapat na parusahan Isa, dalawa, tatlo, ilang beses na nangyari ‘to? Aabot ba hanggang dulo, o mananatili dito? Ninais kong kalimutan, masakit na nakaraan Hangad ko ‘yong katapatan, tiwala ko'y alagaan! Ngunit ano bang gagawin, kung sya ay **di pa “raw” handa** Gusto bang ika'y hatawin pa upang ika'y magtanda? Mahal, alam ko namang ika’y tuluyang magbabago Sa ilang pagkakataon, sana’y wag akong mabigo Dahil ako ay tao lang, napapagod sa kalbaryo Puso kong nagtamo ng sugat, napuno na ng kalyo Naniniwala, na sa huli tayo'y ‘di mawawala Seryosohin lang sana itong aking mga babala Sa pag-ibig, tayo man ay magkaiba ng konteksto ‘Wag mo lang sana hayaan ang puso ko'y maging bato! © LMLB
0
May 17, 2018
May 17, 2018 at 3:40 AM UTC
Pagod Na