Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Leonoah Apr 2020
Alas sais y medya na ng umaga nang makauwi si Natividad mula sa bahay ng kanyang amo. Pagkababa n’ya ng maliit na bag na laman ang kanyang cellphone at wallet na merong labin-limang libo at iilang barya ay marahan siyang naglakad tungo sa kwartong tinutulugan ng kanyang tatlong anak. Hinawi niya ang berdeng kurtina at sumilip sa kanyang mga anghel.
Babae ang panganay ni Natividad, o di kaya’y Vida. Labindalawang taong gulang na ito at nasa Grade 7 na. Isa sa mga malas na naabutan ng pahirap na K-12 program. Ang gitna naman ay sampung taong gulang na lalaki at mayroong down syndrome. Special child ang tawag nila sa batang tulad nito, pero “abnormal” o “abno” naman ang ipinalayaw ng mga lasinggero sa kanila. Ang bunso naman niya, si bunsoy, ay kakatapak lamang ng Grade 1. Pitong taong gulang na ito at ito ang katangkaran sa mga babae sa klase nito. Sabi ng kapwa niya magulang ay late na raw ang edad nito para sa baiting, pero kapag mahirap ka, mas maigi na ang huli kaysa wala.
Nang makitang nahihimbing pa ang mga ito ay tahimik s’yang tumalikod at naglakad papuntang kusina. Ipagluluto niya ang mga anak ng sopas at adobong manok. May mga natira pa namang sangkap na iilang gulay, gatas, at macaroni na galing pa sa bahay ni Kapitan noong nangatulong siya sa paghahanda para sa piyesta. Bumili rin siya ng kalahating kilo na pakpak ng manok, kalahating kilo pa ulit ng atay ng manok, at limang kilo ng bigas.
Inuna niya ang pagsasaing. Umabot pa ng tatlong gatang ang natitirang bigas nila sa pulang timba ng biskwit kaya ‘yun na lang ang ginamit niya. Pagkatapos ay agad niya rin itong pinalitan ng bagong biling bigas.
De-uling pa ang kalan ni Vida kaya inabot siya ng limang minuto bago nakapagpaapoy. Siniguro niyang malakas ang apoy para madaling masaing. Kakaunti na lang kasi ang oras na natitira.
Habang hinihintay na maluto ang kanin ay dumiretso na sa paghahanda ng mga sangkap si Vida. Siniguro niyang tahimik ang bawat kilos para maiwasang magising ang mga anak. Mas mapapatagal lamang kasi kung sasabay pa ang mga ito sa kanyang pagluluto.
Habang hinahati at pinaparami ang manok ay patingin-tingin s’ya sa labas. Inaabangan ang inaasahan niyang mga bisita.
Mukang magtatagal pa sila ah. Ano na kayang balita? Dito lamang naikot ang isip ni Vida sa tuwing nakikitang medyo normal pa sa labas.
May mga potpot na nagbebenta na pan de sal at monay, mga nanay na labas-masok ng kani-kanilang mga bahay dahil tulad niya ay naghahanda rin ng pagkain, at mga lalaking kauuwi lamang sa trabaho o siguro kaya’y galing sa inuman.
Tulog pa ata ang karamihan ng mga bata. Mabuti naman, walang maingay. Hindi magigising ang tatlo.
Binalikan niya ang sinaing at tiningnan kung pupwede na bang hanguin.
Okay na ito. Dapat ako magmadali talaga.
Dali-dali niyang isinalang ang kaserolang may laman na pinira-pirasong manok.
Habang hinihintay na maluto ang manok ay paunti-unti rin siyang naglilinis. Tahimik pa rin ang bawat kilos. Lampas kalahating oras na siyang nakakauwi at ano mang oras ay baka magising ang mga anak niya o di kaya’y dumating ang mga hinihintay n’ya.
Winalis niya ang buong bahay. Maliit lang naman iyon kaya mabilis lamang siyang natapos. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad papasok sa maliit nilang tulugan, kinuha ang lumang backpack ng kanyang panganay at sinilid doon ang ilang damit. Tatlong blouse, dalawang mahabang pambaba at isang short. Dinamihan niya ang panloob dahil alanganin na kakaunti lamang ang dala.
Pagkatapos niyang mag-empake ay itinago niya muna backpack sa ilalim ng lababo. Hinango niya na rin ang manok at agad na pinalitan ng palayok na pamana pa sa kanya. Dahil hinanda niya na kanina sa labas ang lahat ng kakailanganin ay dahan dahan niyang sinara ang pinto para hindi marinig mula sa loob ang ingay ng paggigisa.
Bawat kilos niya ay mabilis, halata **** naghahabol ng oras. Kailangang makatapos agad siya para may makain ang tatlo sa paggising nila.
Nang makatapos sa sopas ay agad niya itong ipinasok at ipinatong sa lamesa. Sinigurong nakalapat ang takip para mainit-init pa sakaling tanghaliin ng gising ang mga anak.
Dali-daling hinugasan ang ginamit na kaserola sa paglalaga at agad ulit itong isinalang sa apoy. Atay ng manok ang binili niya para siguradong mas mabilis maluluto. Magandang ipang-ulam ang adobo dahil ma-sarsa, pwede ring ulit-ulitin ang pag-iinit hanggang maubos.
Habang hinihintay na lumambot na ang mga patatas, nakarinig siya ng mga yabag mula sa likuran.
Nandito na sila. Hindi pa tapos ‘tong adobo.
“Vida.” Narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses ng lalaki. Malapit niyang kaibigan si Tobias. Tata Tobi kung tawagin ng mga anak niya. Madalas niya ditong ihabilin ang tatlo kapag kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng amo.
“Tobi. Andito na pala kayo,” nginitian niya pa ang dalawang kasama nitong nasa likuran. Tahimik lang ang mga itong nagmamasid sa kanya.
“Hindi pa tapos ang adobo ko eh. Ilalahok ko pa lang ang atay. Pwedeng upo muna kayo doon sa loob? Saglit na lang naman ‘to.”
Mukhang nag-aalangan pa ang dalawa pero tahimik itong kinausap ni Tobi. Maya-maya ay parang pumayag na rin ito at tahimik na naglakad papasok. Narinig niya pang sinabihan ni Tobi ang mga ito na dahan-dahan lamang dahil natutulog ang mga anak niya. Napangiti na lamang siya rito.
Pagkalahok ng atay at tinakpan niya ang kaserola. Tahimik siyang naglakad papasok habang nararamdaman ang pagmamasid sa kanya. Tumungo siya sa lababo at kinuha ang backpack.
Lumapit siya sa mga panauhin at tahimik na dinaluhan ang mga ito tapos ay sabay-sabay nilang pinanood ang usok galing sa adobong atay.
“M-ma’am.” Rinig niyang tawag sa kanya ng kasama ni Tobias. Corazon ang nakaburdang apelyido sa plantsadong uniporme. Mukhang bata pa ito at baguhan.
“Naku, ser. ‘Wag na po ganoon ang itawag niyo sa akin. Alam niyo naman na kung sino ako.” Maraan niyang sabi dito, nahihiya.
“Vida. Pwede ka namang tumanggi.” Si Tobias talaga.
“Tobi naman. Parang hindi ka pamilyar. Tabingi ang tatsulok, Tobias. Alam mo iyan.” Iniiwasan niyang salubungin ang mga mata ni Tobias. Nararamdaman niya kasi ang paninitig nito. Tumatagos. Damang-dama niya sa bawat himaymay ng katawan niya at baka saglit lamang na pagtingin dito ay umiyak na siya.
Kanina niya pa nilulunok ang umaalsang hagulhol dail ayaw niyang magising ang mga anak.
“Vida…” marahang tawag sa kanya ng isa pang kasama ni Tobi. Mukhang mas matanda ito sa Corazon pero halatang mas matanda pa rin ang kaibigan niya.
“Ano ba talaga ang nangyari?”
“Ser…Abit,” mabagal niyang basa sa apelyido nito.
“Ngayon lang po ako nanindigan para sa sarili ko.” garalgal ang boses niya. Nararamdaman niya na ang umaahon na luha.
“Isang beses ko lang po naramdaman na tao ako, ser. At ngayon po iyon. Nakakapangsisi na sa ganitong paraan ko lang nabawi ang pagkatao ko, pero ang mahalaga po ay ang mga anak ko. Mahalaga po sila sa’kin, ser.” mahina lamang ang pagkakasabi niya, sapat na para magkarinigan silang apat.
“Kung mahalaga sila, bakit mo ginawa ‘yon? Vida, bakit ka pumatay?”
Sasagot n asana siya ng marinig niyang kumaluskos ang banig mula sa kuwarto. Lumabas doon ang panganay niyang pupungas-pungas pa. dagli niya itong pinalapit at pinaupo sa kinauupuan niya. Lumuhod siya sa harap nito para magpantay sila.
“Anak. Good morning. Kamusta ang tulog mo?”
“Good morning din, nay. Sino po sila? ‘Ta Tobi?”
“Kaibigan sila ni ‘Ta Tobias, be. Hinihintay nila ako kasi may pupuntahan kami eh.” marahan niyang paliwanag, tinatantya ang bawat salita dahil bagong gising lamang ang anak.
“Saan, nay? May handaan po uli sina ser?” tukoy nito sa mga dati niyang amo.
“Basta ‘nak. Kunin mo muna yung bag ko doon sa lamesa, dali. Kunin ko yung ulam natin mamaya. Masarap yun, be.”
Agad naman itong sumunod habang kinukuha niya na rin ang bagong luto na adobo. Pagkapatong sa lamesa ng ulam ay nilapitan niya ulit ang anak na tinitingnan-tingnan ang tahimik na mga  kasama ni Tobias.
“Be…” tawag niya rito.
Pagkalingon nito sa kanya ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagsisikip na ang lalamunan niya. Nag-iinit na rin ang mga mata niya at nahihirapan na sa pagbuga ng hangin.
“Be, wala na sina ser. Wala na sila, hindi na nila tayo magugulo.” ngiti niya rito. Namilog naman ang mga mata nito. Halata **** natuwa sa narinig.
“Tahimik na tayo, nay? Hindi na nila kakalampagin ang pinto natin sa gabi?”
“Hindi na siguro, anak. Makakatulog na kayo ng dire-diretso, pangako.” Sinapo niya ang mukha nito tapos ay matunog na hinalikan sa pisngi at noo. ‘Eto na ang matagal niyang pinapangarap na buhay para sa mga anak. Tahimik. Simple. Walang gulo.
“Kaso, ‘nak, kailangan kong sumama sa kanila.” Turo niya kayna Tobias. Nanonood lamang ito sa kanila. Hawak na rin ni Tobi ang backpack niya.
“May ginawa kasi si nanay, be. Para diretso na ang tulog natin at para di na tayo guluhin nina ser. Pramis ko naman sa’yo be, magsasama ulit tayo. Pangako. Bilangin mo ang tulog na hindi tayo magkakasama. Tapos pagbalik ko, hihigitan ko pa ‘yon ng maraming maraming tulog na magkakasama na tayo.”
“Nay…” nagtataka na ang itsura ng anak niya. Namumula na kasi ang mukha niya panigurado. Kakapigil na humagulhol dahil ayaw niyang magising ang dalawa pang anak.
“Anak parang ano lang ito…abroad. Diba may kaklase kang nasa abroad ang nanay? Doon din ako, be.”
Bigla ay nagtubig ang mga mata ng panganay niya. Malalaking butil ng tubig. Hindi niya alam kung naniniwala pa ba ito sa mga sinasabi niya, o kung naiintindihan na nito ang mga nangyayari.
“Itong bag ko, andiyan yung wallet at telepono ko. Diba matagal mo nang gusto magkaroon ng ganon, be? Iyo na ‘yan, basta dapat iingatan mo ha. Yung pera be, kay Tata Tobias mo ihahabilin. Habang nagtatrabaho ako, kay ‘Ta Tobi muna kayo.”
“Nay, hindi ka naman magtatrabaho eh.” Lumabi ang anak niya tapos ay tuluyan nang nalaglag ang luha.
Tinawanan niya naman ito. “Sira, magtatrabaho ako. Basta intayin mo ‘ko be ha? Kayo nina bunsoy ko, ha?” Hindi niya napigilang lambing-lambingin ito na parang batang munti. Kailangan ay sulitin niya ang pagkakataon.
Paulit-ulit niya itong dinampian ng maliliit na halik sa mukha, wala na siyang pakealam kung malasahan niya ang alat ng luha nito. Kailangan ay masulit niya ang natitirang oras.
“Nay, sama po ako. Sama kami ni bunsoy. Tahimik lang kami lagi, pramis, nay. Parang kapag andito si ser, hindi naman kami gugulo doon.” Tuluyan na ngang umalpas ang hikbi niya. Naalala niyang muli ang rason kung ba’t n’ya ito ginagawa. Para sa tahimik na buhay ng mga anak.
“Sus, maniwala sa’yo, be. Basta hintayin mo si nay. ‘Lika ***** tayo doon sa kwarto, magbabye ako kayna bunsoy.” Yakag niya rito. Sumama naman ito sa kanya habang nakayakap sa baywang niya. Humihikbi-hikbi pa rin ito habang naagos ang luha.
Tahimik niyang nilapitan ang dalawa. Kinumutan niyang muli ang mga ito at kinintalan ng masusuyong halik sa mga noo. Bata pa ang mga anak niya. Marami pa silang magagawa. Malayo pa ang mararating nila. Hindi tulad ng mga magulang nila, ‘yun ang sisiguraduhin niya. Hindi ito mapapatulad sa kanila ng mister niya.
“Be, dito ka na lang ha. Alis na si nanay. Alagaan mo sina bunsoy, be, ha. Pati sarili mo. Ang iskul mo anak, kahit hindi ka manguna, ayos lang kay nanay. Hindi naman ako magagalit. Basta gagalingan mo hangga’t kaya mo ha. Mahal kita, be. Kayong tatlo. Mahal na mahal namin kayo.” Mahigpit niya itong niyakap habang paiyak na binubulong ang mga habilin. Wala na ring tigil ang pag-iyak niya kaya agad na siyang tumayo. Baka magising pa ang dalawa.
Nakita niya namang nakaabang sa pinto si Tobi bitbit ang bag niya. Kinuha niya rito ang bag at sinabihang ito na ang bahala sa mga anak. Baog si Tobias at iniwan na ng asawa. Sumama raw sa ibang lalaking mas mayaman pa rito. Kagawad si Tobias sa lugar nila kaya sigurado siyang hindi magugutom ang mga anak niya rito. May tiwala siyang mamahalin ni Tobias na parang sarili nitong mga anak ang tatlo dahil matagal niya na itong nasaksihan.
Pagsakay sa sasakyan kasama ang dalawang pulis na kasama ni Tobias ay saka lamang siya pinosasan ng lalaking may burdang Corazon.
“Kilala namang sindikato yung napatay mo, ma’am. Kulang lamang kami sa ebidensya dahil malakas ang kapit sa taas. Kung sana…sana ay hindi ka nag-iwan ng sulat.”
“Nabuhay ang mga anak kong may duwag na ina, ser. Ayokong lumaki pa sila sa puder ng isang taong walang paninindigan. Pinatay niya na ang asawa ko. Dapat ay sapat na ‘yon na bayad sa utang namin, diba?” kung kanina ay halo humagulhol siya sa harap ng mga anak, ngayon ay walang emosyong mahahamig sa boses niya. Nakatingin lamang siya sa labas at tinititigan ang mga napapatingin sa dumadaang sasakyan ng pulis.
Kung sana ay hindi tinulungan ng mga nakatataas ang amo niya. Kung sana ay nakakalap ng sapat na mga ebidensya ang mga pulis na ngayon ay kasama niya. Kung sana ay may naipambayad sila sa inutang ng asawa niya para pambayad sa panganganak niya.
Kung hindi siguro siya mahirap, baka wala siya rito.
unedited
Jor May 2016
I.
Ang bilis ng panahon!
Parang kailan lang nagkakahiyaan pa noon.
Pero tignan mo naman,
Para na tayong magkakapatid magturingan ngayon.

II.
Sandalan ang isa't-isa 'pag may problema.
'Pag magkakasama oras ay hindi alintana.
Ako 'yung taong mabilis pang-hinaan,
Pero dahil sa inyo, natutunan kong lumaban.

III.
Ang bilis ng panahon!
Hindi ko pansin na lumipas na pala ang apat na taon.
At sa apat na taon na 'yun, naramdaman ko lahat ng emosyon:
Saya, lungkot, takot, kaba, pagdurusa, kilig at matinding ligaya.

IV.
At kahit lumipas pa ang sunod na apat na taon (o higit pa)
Sana 'wag kayong magbago,
At ganun din ako.
Kung paano ko kayo nakilala, sana 'yun pa rin kayo.

V.
Kung may mga problema kayo, pwede niyo akong lapitan.
Basta wag lang tungkol sa Math at pera, may sakit ako niyan.
Sabi nila hayskul ang pinakamasaya sa eskwela,
Pero para sa akin, kolehiyo pa rin talaga!

VI.
Natutuwa ako dahil magtatapos tayo ng sama-sama,
Kahit na 'yung iba, may alanganin pa.
Kaya niyo 'yan, nasa inyo ang aming suporta!
Kaya sa katapusan sana sabay-sabay tayong magma-martsa!
Brent Aug 2017
Sabay nating isinulat
ang ating kwento.
Ngunit 'di mo sinabi
na lapis lang pala ang iyong gagamitin
Habang naisulat ko na ang panimula sa matingkad na tinta.

Nang dumating na
ang inasahan kong wakas
ng ating istorya,
Madali **** binura
ang lahat ng ala-ala

Sa akin lamang ang natira
ang sira-sirang pahina
na may tagpi-tagping parirala
at kulang kulang ng salita.

Nang subukan burahin
ang kwentong alanganin
mas mabuti na lang sana
na ito'y gusutin
At nang ito'y nauwi sa gupitin,
ako'y humiling sa mga bituin
na sana'y may panibagong kwentong
kinabukasang bubuuin.
forced out some new words out of dormant emotions. Hello another Filipino poem.
kate May 2020
bagong simula sa bagong kabanata. liliparin muli ang langit na dati'y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay na bumuo sa aking pagkatao. liliparing muli ang mga blankong espasyo't lalagyan ng bagong panimula.

hindi ko malaman kung paano muling magsisimula.  sapagkat ako'y nanghihinayang sa alaala nating sa isang saglit ay iyong iniwan. nahihirapan itugma ang bawat salitang lumilitaw sa aking isipan. ang bawat tunog sa saknong ng bawat taludtod ay nabibigatang ilapat sa  damdaming nag aalinlangan.

muling bubuksan ang librong naglalaman ng ating kwento. susubuking burahin ang mga kwentong alanganin na mas mabuti pa lamang kung ito'y gugusutin. muling babasahin ang sira-sirang pahina na may tagpi-tagping parirala at kulang kulang na mga salita.

hindi ko mawari kung ano ang dahilan sapagkat ang ating kwento'y nagtapos sa kawalan. tila bang maikukumpara mo ito sa mga pahinang nagupit gupit dahil sa kasuklaman ng pag ibig. ako'y humiling sa mga bituin na sana—  sana'y may panibagong kwentong kinabukasan muling bubuuin.

bagong simula sa bagong kabanata. muling magbubukas ng bagong libro na saya ang kailangan at hindi sakit ang nilalaman. iisa-isahin ang bawat paksang nilalaman upang ito'y lubos na maintindihan ang bawat pag-aalinlangan sa bagong yugtong paruruonan na tila hindi alam ang patutunguhan ng wakas na iyong sinimulan.

sa bagong yugto ng aking buhay,  ngayo'y handa nang magsimula sa sariling paraan. hindi man pinalad sa nakaraan, sisiguraduhin ko na sa paglipas ng panahon at pagtapos ng bawat kabanatang may kaukulang paksa, iiyak na ako. iiyak na ako sa taong alam kong mahal ako at sa pag iyak na iyon ay sabay kaming nangangako— ikaw, ikaw lamang ang aking mamahalin dumating man ang dulo ng pahina ng aking librong sinimulan.
panimula
Virgel T Zantua Aug 2020
ANG AKING PAG-IBIG AT DAMDAMIN
LAGI SA BALAG NG ALANGANIN
HINAHANAP SA IHIP NG HANGIN
ANG SAGOT SA AKING PANALANGIN

SAN KO MAN IBALING ANG PANINGIN
LAGI KA SA AKING PANGITAIN
PAG-IBIG KO’Y TULAD NG AWITIN
MALAMYOS ANG HIMIG NGUNIT BITIN

PAG-IBIG KO’Y WAGAS ANG HANGARIN
KAHIT SAAN IKA’Y HAHANAPIN
KALANGITA’Y AKING LILIPARIN
MGA PAGSUBOK AY HAHARAPIN

ANO MANG LAYO AY LALAKBAYIN
LALIM NG DAGAT AY SISISIRIN
LAHAT NG PARAAN AY GAGAWIN
MAKAMIT LANG ANG MITHIIN

KALAGAYAN NG PUSO’Y SABIHIN
SITWASYON AY WAG NG PAHIRAPIN
PUSO KO’Y DI NAMAN MARAMDAMIN
KATAPATAN LANG ANG PAIRALIN

PAG-IBIG MO’Y AKING GIGISINGIN
KAMALAYAN AY PAG-AALABIN
HABANG BUHAY KITANG MAMAHALIN
DAHIL IKAW ANG LAHAT SA AKIN
Meruem Oct 2018
Sa mundo **** puno ng ingay,
Ako ay iyong pinatahimik.
Sa mundo kong alanganin ang lagay,
Ikaw ay hihintaying bumalik.

Mananahimik,
Upang gumaling.
Ang larawan ng pagmamahal ng may-akda..
fatima Apr 2018
magkaibang panig ng iisang daan
nagsalubong sa iisang punto
ang punto ng alanganin nating dalawa
lilisan pa ba o mananatili na lamang

sa bawat saglit ng sandali
pinili ang dalawang bagay
para sa iisang katauhan
tila ba ang sakit at saya ay iniinda

walang katapusang posibilidad
'oo' at 'hindi' ang dapat na makatapat
ngunit bakit napupunta sa iba't ibang panig
hindi na alam ang nararapat piliin

sa huli, tayo ang may pananagutan
sakit, tuwa, poot at galit
aanhin at dadamhin ng ating kaluluwa
pagod na pagod sa pag-ikot ng mundo
Meruem Nov 2018
"Ayoko na. Pagod na ako."
Oo, parang tumigil ang mundo ko.
Sa isang iglap, nawala lahat.
Pagmamakaawa hindi naging sapat.

Siguro nga mali na kinilig ako
Noong unang beses kitang kinausap.
Kinabahan ako ng todo,
Kasi lahat ng naramdaman ko totoo.

Nikka, hindi mo naman ako masisisi.
Sino bang hindi mahahalina sayo?
Kahit siya na may galit at nasaktan,
Sinabi na sayo ako'y mapapamahal.

Masaya ako na nakilala kita.
Mabuti na siguro na malaya ka na.
Pero alam mo ba, sa loob ko may nagsasabi na sana sumugal ka sakin.
Hayaan mo, sakin nalang yun.

Isa akong sinungaling.
Napakarami kong kasalanan sayo.
Pero isa lang ang masisigurado ko,
Sobrang mahal na mahal kita.

Pangako na ako'y narito pa rin,
Kung kailan mo ako kakailanganin.
Kahit na sobrang alanganin,
Lahat ng pait at sakit ay kakayanin.

Alam mo? Tama siguro sila Juan.
Na dapat mag-move on na ako.
Pero hindi, sigurado ako sayo eh.
Baka sa kabilang buhay maging tayo.
Ps. Sana maging masaya ka. Mag ingat ka.

Pps. Sana hindi mo to mabasa..

Nagmamahal,

Yung lalaking mangungutang para makabili lang ng ticket ng eroplano papunta sayo.
Kurtlopez Apr 2021
Habang minamasadan mukha sa salamin,
Aninag ang lungkot, ngiti'y alanganin,
Luha'y tumutulo di ko napapansin,
Itong puso kasi puno ng pasanin.
Ang nais ko sana'y humiling sa ****,
Na sanay ibalik masayang panahon.
Nagbago man lahat paglipas ng taon,
Di ko maitatangging masaya ang noon.
kahel Feb 2020
mahal,
piliin mo lang ako sa araw-araw,
pangako,
wala ka ng dapat alalahanin,
hintay ka lang,
damhin ang lamig ng hangin,
kapit ka lang,
sabay tayo tatalon sa bangin,
pikit ka lang,
magtiwala ka’t hindi ‘to alanganin,
ako ng bahala,
sapagkat kahit saan man ako mapadpad at makarating
pipiliin ko pa din makauwi sayo gabi-gabi.
pag-gising sa umaga at pag-tulog sa gabi, ikaw lang ang gustong katabi.
Oh Poong Hesus Nazareno
Kahit ngayong Ikaw ay malayo
Kahit ako’y hindi mkapunta diyan sa Quiapo
Ako ay sa Iyo parin sumasamo
Ikaw na Siyang noon ay dinaingan ko
Ikaw na Siyang noon ay hinilingan ko
Na makatapos ako sa kolehiyo
Ikaw na Siyang mismong tinungo ko
Ikaw na Siyang mismong dinasalan ko
At duminig sa mga panalangin ko
Ako’y muling sumasamo sa Iyo
Tingnan Mo ngayon ang sitwasyon ko
Nasa alanganin na naman ang buhay ko
Walang kasiguruhan sa trabaho
Kinabukasang maganda ay malabo
Maawa Ka naman sa pamilya ko
Maawa Ka naman sa ibang tao
Sila ay matutulungan ko
Kapag dininig Mo ang samong ito
Kung ano ito ay alam Mo na po
Upang akin naring mabago
Ang nabubulok na buhay at pagkatao.

-0/09/2014
(Dumarao)
*written this day of the Feast of the Black Nazarene
My Poem No. 241
KI Sep 2017
Di ko alam pano ko sasabihin
Kung mismo, ako di alam itong ibig-sabihin
Matatakasan pa ba tung damdamin?
Aamin na lang ba kahit alanganin?
Virgel T Zantua Aug 2020
PILITIN KO MAN LIMUTIN
ANG KAHAPONG PARA SA ‘TIN
NGUNIT BAKIT IKAW PA RIN
ANG NASA AKING DAMDAMIN

PAGMAMAHAL MA’Y BITIN
SA BALAG NG ALANGANIN
NAPAGOD MAN SA HANGARIN
IKAW PA RIN ANG MITHIIN

IBUBULONG KO SA HANGIN
PAG-IBIG AT PANALANGIN
SA DILIM SANA’Y MAPANSIN
KISLAP NA PARA SA AKIN

MAGLAHO MAN ANG PAGTINGIN
HINDI PA RIN LILIMUTIN
MAWALA MAN ANG BITUIN
IKAW LANG ANG MAMAHALIN

— The End —