Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Luna Jan 2020
Alam kong gumagabi na
Pero heto tayo at gising pa
Nilalabanan ng antuking mga mata
Ang pagtawag ng diwang “tulog na”

Ramdam ko rin sa bawat paghikab mo
Ang unan at kamang nakatutukso
Hinihila ang iyong pagkatao
Tila ba sinasabing “halika rito”

Ngunit nananatili tayong mulat
Pagka’t tulad mo ang gabi ang kaban ng aking mga pangarap
Doo’y nakatitik ang aking mga ligaya na inuulit-ulit kong muling danasin sa pangarap
Doo’y lagi kong iniingatan na huwag uling mabuklat
Ang dahon ng aking kalungkutan

Kaya ating isinasantabi
Ang antuking matang nagdadalamhati
Pagka’t sa kadiliman ng gabi
Gising ang pusong naglilimi
Random Guy Dec 2019
minsan nang nalimutang sumulat
nautal, nagtagal sa iilang salita
na hindi ko man lang napansin
na ang pagiibigan pala natin ay isang buhay na tula
Meruem Dec 2019
Ni isang beses ay hindi pa 'ko
Nakakakain ng paru-paro
Ngunit tila bakit ang sikmura ko'y puno?
Saka ko naalala na noon
Nang una kong masabi ang pangalan mo
Nakalunok ako kaya siguro.
December 19, 2019 - 11:11

Au revoir. ~
Meruem Dec 2019
May isang munting alupihan,
Na naligaw sa aming tahanan.
Lingid sa kaalaman ng iilan,
Siya ay may dalang kalungkutan.

At nang lumaon nga siya ay napaluha,
At siya ay napapunas ng kanyang luha,
At napapunas, at napapunas,
At napanunas, at napanunas....................
December 17, 2019 - 05:55

Abot nga ba ng ibang kamay niya yung mukha?
Random Guy Dec 2019
nahuhulog
at patuloy na nahuhulog
sa kung anong nararamdaman sa dibdib
isang hukay
bangin
butas
na kumakain sa konsepto
ng sarili kong buhay

may lulang dala
may sakit na kasama
na hindi na rin pala dama
dahil ang araw-araw
ay isang paulit-ulit
na nahuhulog
at patuloy na nahuhulog
sa kawalan ng mundo
Random Guy Dec 2019
dinadama ang malakas na ihip ng hangin
sabihin
sa akin
ano nga bang dapat gawin
sa tuwing
binabalot na ng dilim
Ako ngayo'y nakatayo, naghihintay,
hindi mapakali, buong puso'y nakaantabay.
Sa pagbukas ng dalawang pinto sa dulo, sa hangganan,
lahat ng tao, nakaabang, tayong dalawa'y magkahagkan.

At sa wakas heto na nga,
sa umaalon **** belo ako'y napahanga.
Aking mga mata, patak ng luha'y di mapigilan,
ngiti at galak ko'y walang mapaglagyan.

Sa harap ng diyos, mahal, ako'y nangangako,
parehong saya at hirap, tayong dalawa ang aako.
Ikaw lamang at wala nang iba,
Hanggang ang apoy ng buhay ay hindi na maglinga.
Inspired by an Instagram post
Hindi na ako makahinga,
pinipilit ang sariling bumangon.
Nasa ilalim ng mabigat na bunga,
ng aking mga pagkakamaling naglaon.

Natatakot, nangangamba,
sa pagsilang ng umaga.
Sa hudyat nitong kasama, laging dala,
ang siklo ko'y muli nang nagsimula.

Lalaban, lalarga, makikibaka,
sa alon ng buhay, mabagal, nalunod na.
Ngunit nang mata'y nagkasalubong, nagkita,
aksidente nga ba o matamis na tadhana.

Sa pagitan ng pawis at dugo at luha
ng mga tao na ngayon tayo ay nasa gitna.
Mayroon ako, ikaw, gustong ipahiwatig,
pero pareho tayo, boses, napatid.

Pagkakataon lumisan na,
ikaw ang nauna, ako'y nasakal ng pangamba.
Muling sinubukan, ipagtagpo ang mga mata,
hindi kita malilimutan.
Inspired by an Instagram post
Luna Dec 2019
May mga gabing ihehele ka ng lumbay. Magpahele ka.
Makinig ka sa uyayi nito.
Wag **** iiwasan.
Magpalambing ka, yapusin mo, at damhin mo. Yakapin mo nang mahigpit hanggang sa kumalas.
Dahil minsan, 'yon ang paraan para pakawalan.
Luna Dec 2019
Huling limang minuto
Ang hirap, kakayanin ba ‘to?
Hindi tayo puwede
Hindi na. Tayo puwede

Pilit nating aayusin
Pagka’t naiintindihan natin
Siguro nga kung perfect ang timing
Baka, puwede na yung ATING something

Pero, sa ngayon hindi natin alam
Kung paano itama
Kaya nga tama na muna
Dahil wala naman tayong magawa

Isa, dalawa, tatlo
Huling pintig ng limang minuto
Hingang malalim
Ngunit, huwag mangamba
Dahil ang pakakawalan lang ay ang hininga

Pagka’t, Mananatili
Na
Mahal  kita
Next page