Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik May 2021
Teka ako yata ay nagkamali
Sa pag bilang ng bawat sandali
Ang pangako nga ba ay nawaksi
Sa salitang hindi ako nagmamadali?

Magandang rosas kahit matinik
Ang makita ka'y nakasasabik
Matinik man ay di iimik
Ang pusong lagi lang tahimik

Oo na, pagod na akong maghanap
Sa ibabaw ng lupa o alapaap
Na makakasama ko sa pangarap
Pwede ba'ng ikaw na lang ang pangarap?

Pero tila yata nahihibang
Kung mali nga'y nabubuang
Ngunit diwa'y gising na nakaabang
Kikitilin ang pusong nalilibang!

Untitled.
JGA
G A Lopez May 2021
"Sino ang bayani ng buhay mo?"
Minsan itong naging paksa ng aming aralin sa filipino
Madalas din itong itanong sa akin ng madla
Ngunit wala akong ibang sambit kundi ang iyong ngalan ina.

Bagama't wala siyang hari na katuwang,
Para sa akin siya ay reyna magmula pa noong ako'y walang muwang.
Magkaiba man ang daang ating nilalakaran,
Alam kong pareho tayo ng langit na tinitingnan.

Dito ay umaga, diyan ay gabi
Sa pagtulog mo ina nais kitang katabi
Iniibig kita kahit sa personal man ay 'di ko ito masabi
At kung maayos na ang mundo, dadampian ko ng pagmamahal ang iyong pisngi't labi.

Hindi sapat na ika'y pasalamatan
Pangakong pagod mo'y aking papalitan
Ng pag-ibig na walang hanggan
At ibabahagi ko lahat ng kabutihan mo hanggang sa aking kaapo-apohan

Kung tuluyan ka nang manghina
At kunin ka na sa akin ng May Likha,
Ako ang makakasama mo hanggang sa iyong huling hininga
Kukumutan kita ng pag-ibig, mahal kong ina.
tanglaw May 2021
#4
Iba ang ngiti sa tuwing kausap ka,
Kumakabog ang dibdib,
Dug-dug-dug-dug-dug-dug
Di mawari ang dahilan,
kung bakit ngiti sa labi'y walang paglagyan.
Maraming kailangang gawin,
maraming dapat tapusin.
Pero kahit anong busy,
Hindi kita masisi.
Kasi gusto ko rin naman!
Isang Daang Tula Para Sa’yo
sa mata ng ordinaryong nilalang:
sa kalangitan madalas kayong naghahabulan
nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman.
sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag;
kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan.
ang mga bituin
                                                          ­                ay kumikislap
    patay sindi,                   'di makapirmi
ang mga bituin ay
  madami, 'di nag-iisa,                                    
                                 kun'di nagkalat na 'isa',
                                                                ­          'di isang buo
                                                             ­                     kun'di isang
                                                                ­                          sansinukob ng:
naghalong emosyon,
'di mapiling pagkakakilanlan,
daan daang kasinungalingan
makapagtago lamang;
sa liwanag niya,                                                            ­            
                                              dahil mas importante siya
dahil siya ang iyong tinitingala,
isang malaking bolang mainit,
nag-aalab,
nakakabulag.

isa kang masokista,
pinili mo ang mapanakit niyang init.
isa kang arsonista,
pinili **** makipaglaro sa apoy.
'di ka naman nag-iisa
ngunit martyr ako,
at ikaw ang pinili ko.


siya si sol, ikaw si luna,
ako ang mga bituin,





kayo ang naghahabulan,
ako ang kumikislap/
kumukutikutitap/
kumukurap,
ako ang nagbubugulan.
                                                   ­       

                                                        ­               bituing matagal nang patay
ito na ang tuldok
tanglaw Apr 2021
#3
Sa tuwing madaratnan ang pangalan mo sa telepono,
tatlong beses,
tatlong beses kong pinapalampas at huwag sagutin ang mga tawag mo.
Pinipigilan,
nagdadahilan,
at sobrang kinakabahan,
pero bakit hindi ko magawang pigilan?
.
.
.
Sa huli'y sinasagot parin,
marinig lang ang boses na matagal nang gustong mapakinggan.
Isang Daang Tula Para Sa'Yo
jia Feb 2021
ang mabagal na takbo ng ambon
'tila ba ay may ibang pahiwatig
katawan ay unti-unting inahon
sapagkat sayong mata ay naantig.

sa bilis ng bugso ng bagyo
na nagpaikot sa aking tingin,
kusang pumunta patungo sayo
at sa balikat mo ako ay 'yong diniin.

mumunting butil ng luha ang umagos
habang yakap ang tanging inalay.
naisin mang sumigaw ngunit paos
tanging sa hawak mo lamang ako hihimlay

kaya't sa huling patak ng rumaragasang ulan,
hinanap kita pero huli na ang lahat.
para kang tubig ambon na sa akin lamang dumaan,
matamis sa una ngunit sa huli'y umalat.
tanglaw Feb 2021
#2
Dalawang beses kong narinig ang pangalan mo,
paulit-ulit na lang
paikot-ikot sa utak ko.
Kinukumbinsi ang sariling balewalain nalang ang alaala mo
at isiping wala ang lahat ng ito,
na panandalian lang ang nararamdaman at kalaunay maglalaho.
Pero paano kung nahulog na pala sa'yo?
Dapat bang pagbigyan ang nararamdaman kong 'to?
Isang Daang Tula Para Sa'yo
tanglaw Feb 2021
#1
Ito ang una
ang bagong simula sa ating kabanata,
at katulad noong una kitang nakita
nagbalik lahat nang pakiramdam,
Kinakabahan, kinakagat ang kuko nang walang dahilan,
Iniisip kong panaginip lang ba at bukas wala nang dadatnan
pero iisa lang ang sinisigaw ng isipan,
ang alayan ka nang tulang walang hangganan.
Isang Daang Tula Para Sa’yo
spacewtchhh Feb 2021
nakilala mo na ang dilim
sa paglipad ng bawat segundo
at ng bawat minuto sa iyong puso

hindi naman dulot ng gabi ang lagim
sadyang nakakagambala lang ang kanyang ingay
sa mga tenga **** naghihintay ng walang humpay

narinig na niya lahat ng iyong lihim
sa mga paghikbi
at mga luha na bilisang pinapawi

sa bawat aliw, poot man, o panimdim,
ika'y humiga at magtimpi sapagkat ito'y hiram lang
manatili kang payapa, at ang iyong isipan.

manalangin ka na lamang ng taimtim
baka bukas aawit sayo ang mga puno't halaman
makakarating kana sa patutunguhan
It feels good writing in Filipino.
Ramdam mo kung gaano kabigat ang pasan na nais mo nang bitawan
Next page