Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kurtlopez Mar 2021
Sa bawat ligaya natatamo kaakibat nito ang kalungkutan
Sa bawat halakhak may nakakubling puot
Sa bawat liwanag ay may aninong sumisilip
Ang buhay ay di puro sarap kundi may hirap din
Sa dako paroon aking hinihintay ang pagsilay muli ng araw
Dahil ang bukas lagi may bagong pag asa
Wag magpakulong sa mga kasalukuyan ala ala
Patuloy na humayo at wag kalimutang lingunin ang bakas ng kahapon
Uanne Apr 2019
hinahanap ko ang iyong liwanag
gustong masilayan bawat sinag
ilawan ang mundong puno ng pagkabagabag

dagat na puno ng kapayapaan
dampi ng hangin sa aking kalamnan
dulot nito'y kapanatagan ng kalooban

sa akin ay may bumubulong
wag hayaang puso'y makulong
sa hinagpis na nakalululong

ikaw ang tala na aalalay at gagabay
sa paglalayag kong walang humpay
ningning mo'y tila walang kapantay.
Listening to the Leaves: Art, Nature and Spirituality Workshop with Fr Jason Dy SJ 032119
Pusang Tahimik Mar 2019
Pagpanaw ng dilim ako'y namimintana
Pinapatay ang panaginip ng hindi alintana
Mula sa silangan ng iyong bintana
Ang yungib at sulok ay aking pinapana

Pagmasdan ako'y walang nakagagawa
Payak na mata'y sa sinag ko'y luluwa
Huwag nang subukan pakiusap ko nawa
Sa payo ko ay makinig at matuwa

Ako'y nakamasid sa lahat ng mga gawa
Sa paghihirap mo ako ang nananawa
Sanggol na nagugutom na nagngangawa
Hala gawa, nasa Diyos ang awa!

Pakanluran ang aking binabagtas
Ang lahat ay umaalma sa pinsala kong lakas
Paumanhin sa kapangyarihan kong batas
Ito ang iniatang sa akin ng pinakamataas

Lulubog kung marating ang hangganan
Magbabadya na ang kadiliman
Nang pagdating ko kayo ay nag-alisan
Sa pag-alis ko'y diyan kayo magdadatingan
by: JGA
Pusang Tahimik Feb 2019
Hayag ang liwanag ko sa gabi
Kung walang ulap sa aking tabi
Ako'y malaking ilaw na nakasindi
Na tila hindi napupundi

Ako'y gising sa gabi'ng malalim
At nagsisilbing ilaw sa daang madilim
Ngunit ang lahat ay matatago sa lilim
Kung ang langit ay makulimlim

Ako'y tiyak na masisiyahan
Kung sandaling pagmamasdan
Lumabas mula sa iyong tahanan
At mamangha sa ilalim ng buwan

Buwan ang aking pangalan
Masdan ang aking kagandahan
Bituin ang aking mga kaibigan
At ang tahanan namin ay ang kalawakan

JGA
JGA
Kay tagal kong hinitay
Ang iyong mga salita
Ang iyong buhay
Na tila isang talata
Ng ibat ibang nobela
Na Sayo lahat nakakda

Ibat ibang istorya
Na iisa ang hiwaga
Sa pangalan mo kinuha
Ang milyong milyong diwata
Kauri mo ang mga tala
Kumikinang ng maganda
Isa kang panahon ng ginhawa
Katapusan ng kadiliman
Laging may kinabukasan
Steph Dionisio Sep 2015
Sa kulay-kape **** mga mata,
nakita niya ang kanyang halaga.
Ang iyong ngiti ang silbing niyang liwanag,
nagbigay sa diwa niya ng tatag.
Yakap mo'y kanyang tahanan,
siyang nagbibigay ng gaan.
Hindi man mabigkas ng bibig ang salita,
siya'y kuntento na sa iyong gawa.
Ika'y isang wikang walang tinig,
ngunit sa kanya'y isang magandang himig.

*-Steph Dionisio, September 09, 2015

— The End —