Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Blueberry Ice Apr 22
Hinding hindi ko malalaman ang mga hirap na iyong pinag daanan..
ngunit hindi ko rin kayang bil'hin ang kahit na anong yaman..
Saan ba lulugar ang mga taong sakto lang?
Kung baga sa buombilang..
ako 'yung bilog na nasa gitnahan..
Asan ang halaga ko?
Hindi naman ako nag umpisa sa pinaka mababa..
na kayang ipagmalaki 'pag nasa taas na..
hindi rin ako galing sa taas, na itutuloy nalang kung saan nag umpisa..
kundi, ako'y nandito lang..
hindi makagalaw..
laging nag-uumpisa..
naipit sa mga kaduloduluhan at kasukdusukdulan ng mundo
Ako 'yong taong sakto lang..
'yong taong wala lang..
'nasan ang halaga ko?

•rb
—edit—
For the sake of others who doesn't understand this language, here's an English translation of the poem. Hope this don't ****.. 😄

Almost — but not — Enough

Never would I know the struggles you've been through
but never could I afford any riches too..
Where do we stand? where is my ground?
As if in a mathematical integer..
I am that point zero in the middle
Where is my value?
I didn't start at the bottom..
that I could be proud on reaching the top..
Neither was I on top, that I would just pick up where I start..
instead, I am just here..
unmoving..
always at the beginning
Stuck in between
the extremes and climaxes of this world..
I am that person who's 'almost—but  not— enough'
irrelevant..
Where is my worth?
Carpo Nov 2020
Hindi ako tanga para maghanap ng iba,
Hindi ako gago para ipagpalita ka.
Walang motibo mag hanap ang mga mata,
Hindi makikinig sa tukso ng kapwa.

Wag mo ako bigyang motibo para iwanan ka.
Hindi ako normal mag isip tulad ng iba.
Masakit makita na sumasaya ka na sa iba,
Hindi na nga pala ako ang dahilan ng iyong saya.

Nakakatuwa nga namang isipin na ngumingiti ka pa.
Nakakagaan sa pakiramdam malamang masaya ka.
Ngunit kamusta nga ba ang isa?
Sana dinadalaw at may halaga.
HYA Jan 2018
Sa segundong tinatapos ng araw
Ang iyong mga ngiti ang aking sinisigaw
Humihingi sa kapalaran ng iyong pagpapahalaga
Habang nauubusan ng mga salitang maaaring maitugma

Sa mga sariling panaginip na aking binubuo
Na kahit ang aking utak ay patuloy na nalulumpo
Mga tawang kahit sa iba mo na inilalahad
Waring ang melodiya ay napupunta sa aking palad

Ngunit sinta, parang ayaw ko nang sumulat
Kung parati ko nalang nalalasahan ang tipik na maalat
Ang plumang hinahawakan ay nauubusan na ng tinta
Ayaw lumabas sa kaniyang lungga kaya ako ay kanyang binabanta

Saad ay tapusin na ang pagsusulat
Ng mga aninong nasosobrahan sa pagiging tapat
Iyong pagpapahalaga, iyan lamang ang hinihingi
Subalit, mahal, bakit parang ikaw ay nabibingi

Ayaw ko nang sumulat, nakakapagod na
Nauubusan na yata ako ng mga parilala
Na maaaring maitugma sa mga karanasan
Na pinipilit ng aking nakakaumay na imahinasyon na balikan

Tapos na, hanggang dito nalang ito
Sa dami ng mga piyesa, ikaw ang laman, ikaw ang itinuturo
Kaya, mahal, ayaw ko nang sumulat
Kung ang aking tinta ay nagiging kasing kulay ng dugo kapag napupunta sa iyong balat
ayoko naaaaaaa
INSPIRATION PLEASE. PLEASE. PLEASE.
Steph Dionisio Sep 2015
Sa kulay-kape **** mga mata,
nakita niya ang kanyang halaga.
Ang iyong ngiti ang silbing niyang liwanag,
nagbigay sa diwa niya ng tatag.
Yakap mo'y kanyang tahanan,
siyang nagbibigay ng gaan.
Hindi man mabigkas ng bibig ang salita,
siya'y kuntento na sa iyong gawa.
Ika'y isang wikang walang tinig,
ngunit sa kanya'y isang magandang himig.

*-Steph Dionisio, September 09, 2015

— The End —