Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tatayo" poems
kung walang tatayo para sa bayan, sino? ikaw na takot at naniniwala sa kuro-kuro? ikaw na sanay na sa sistemang pabago-bago? kung hindi tayo lalaban, sino? sino bang dapat lumaban at makiaklas? sino bang nandyan hanggang bukas? sino bang nais humamon upang maging patas? sino ba dapat ang kailangang tinitingala at tinitingnan sa itaas? hindi ba't ikaw ang dapat gumawa ng paraan? hindi ba't ikaw na mamamayan? hindi ba't ikaw na Pilipino sa dugo at laman? hindi ba't ikaw na anak ng bayan? sa bawat siglong dadaan ay nanatili ang rebolusyon, ang tanging kailangan ay pagmamahal sa nasyon. mga aksyon natin dapat iayon, kaya lumaban ka para sa sarili, sa bayan at sa susunod na henerasyon.
0
Jul 7, 2019
Jul 7, 2019 at 6:33 AM UTC
anak ng bayan
Hindi naman ganid ang administrasyon Nagkataon lamang na may mga punto Na walang humpay na nag-iiwan Ng tandang pananong. May mga eksenang hindi literal Pero kapag bayan ang bumasa’y Ni isang letra’y hindi man lamang nasimulan. Hindi masisisi ang mga modernong bayani Kung patuloy pa rin sila sa pakikibaka Kahit nakamit na kamo ang kasarinlan; Ang hustisya raw ay napagtagumpayan na Bagkus, nilalatigo ng kapwa nasa ekonomiya. Marahil hindi pa lubusang nararadyo Hindi magkanda-ugaga ang leksyon sa Senado Eh kung uso pa ba ang tele-radyo, Kaya bang tapakan ng saksi ang demokrasyang makasarili? Doon nag-rally ang iilang katauhan Wala naman silang napala Pagkat binagsakan ng pintuan Ni hindi nakakilos kahit sila’y nasa kilusan Saklob ng gobyerno’y sila’y bisi sa nasasakupan. Hindi mabilang ang dugong dumanak Ang boses na sumigaw Ang tonong paulit-ulit pero hindi naririnig O baka naman ang may pandinig Ay mas nais magwaglit. May mga platapormang tila langit Bagkus dilim naman ang hain Sa maliwanag dapat na paligid. Ibabato nila ang kinamkam sa madla Pero dahil ang binato’y mukhang tinapay, Walang pakuwari ang iba Manhid nga ba ang tao O talagang kurot-sabay-pikit lang? Heto na naman tayo sa estante ng kaguluhan Sana nga matapos na ang pahinang ito Pero nasa simula pa lamang Pagkat ang propesiya’y Nararapat na mamalakad Ihahain ng Higit na Hari Nang maitaas Kanyang Ngalan. Kung may mga bumabatikos Sa gobyernong kinagisnan Marami pa rin ang tatayo Pagkat kaytayog ng kanilang dangal. Hindi naman dapat Tumingin lamang sa kawalan Pagkat may pag-asa pa Itong ginintuan nating bayan.
0
May 2, 2015
May 2, 2015 at 7:18 PM UTC
Repleksyon ni Juan

Continue reading...
52
Nagising mula sa maingay na telepono Tinig na bumabati ng isang maginoo Maligayang kaarawan saad ni Piccolo Bumangon ka na riyan at pumarito Katawan ay nakapako pa sa higaan O, bakit ba kay lambot nitong aking unan? Ang bumangon ay tila palaisipan At ang panaginip ay nais pang balikan Ngunit tatayo na upang mundo ay harapin Sa labas ng pinto katotohana'y malagim Sa likod nito ay papanhik pa rin Sapagkat ang tumanggap ay natutunan ko na rin Sa lugar kung saan ang lahat ay gaganapin Lahat ng handog at pagbati ay tatanggpin Ngunit tila nasa gubat at nag-iingat pa rin Sapagkat maging sa mga banal ay may ahas pa rin Sa wakas ang araw ay natapos na rin Bulong sa sarili na tila ba aantukin Ang araw na ito'y tiyak na lilimutin Nang taong sa tiwala'y may suliranin
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 4:55 PM UTC
Tiwala'y Suliranin
Isang republika na gawa sa pangarap, Pangarap na walang kasing sarap, Pangulo na karapatdapat sana'y mahanap, Upang pangangarap ay makita kahit isang sulyap. Pero pano natin ito magagawa kung tayo'y nakakulong, Ang nakaraan na kinulong tayo sa isang selyadong kabaong, Na hanngang ngayo'y tayo'y nakalibing, Dahil produktong banyaga'y ating laging hinihiling, May pag-asa pa ba tayong lumaya? May pag-asa pa ba tayong umiwas sa hiya? Kung lagi tayong kumokopya, Kailan pa ba tayo tunay na liligaya? Tama nga ang sinabi ni heneral Luna na "hindi natin kalaban ang amerikano o ang espanyol dahil ang tunay nating kalaban ay sarili natin", Paano tayo tatayo sa sarili nating paa kung tayo'y nagpapaalipin, Ang sugat ng kolonisayon ay ating gamutin, Wag hayaang tayo'y lamunin. Produktong pilipino'y mahalin, Hindi ang produkto ng banyaga ang tangkilikin, Sariling wika ang aralin, Hindi ang wikang tayo'y paiiyakin. Pero ang mga hiling ko'y napakahirap makamit, Dahil tayo'y isa paring yagit, At nagpapagamit, At masasabi kung tayong mga pilipino ay punit.
0
Nov 7, 2018
Nov 7, 2018 at 3:52 AM UTC
Republika Filipina
Madilim, kagaya ng pusong may lihim Umiiyak, nasasaktan, natatakot aminin Kailangan ba talaga maramdaman ito? Ayoko na at napapagod na ako. Magmumukmok sa isang tabi Na parang hindi mapakali Uupo, tatayo, tatakbo Hindi alam kung saan patungo. Isip ay lumulutang, puso'y nag aalab Hindi na alam kung anu ang bibigkasin Sumisigaw, sumasaklolo Hindi na alam kung ano ang gagawin. Tama na, pakiusap Ako ay mananahimik na Kaya ko tahakin ang dilim mag isa Huwag ka lang magparamdam pa. Paalam at ako ay lilisan na Paalam at ika'y iiwan na Paalam mahal hanggang sa muli Paalam, kahit mahal na mahal kita.
0
Feb 20, 2020
Feb 20, 2020 at 10:33 PM UTC
PAALAM
Ikaw ang dahilan kung bakit kahit gabi'y hindi pa din madilim ang kalangitan, Para bang palaging may liwanag kapag ika'y nasisilayan, Ikaw ang magiging sandalan ng mga takot at pangambang hindi ko mapakawalan, Gusto kong lagi kang nandiyan, upang mga dalahi'y palaging gumaan. Sayo ko naramdaman na kahit hindi tayo mag-usap ay nagkakaintindihan, Yung tipong isang ngiti mo lang, kahit el ninyo'y iihip ang amihan, Oo, ikaw ang nagbibigay sa akin ng ginhawa, Isang yakap mo lang parang ako'y nakauwi na. Mahal, sa daang tatahakin nati'y sa isa't-isa tayo'y kumapit, Walang bibitaw kahit na ang dadaanan nati'y minsan ay magiging masakit, May lungkot, maraming takot, maraming alaala ng kahapon, Pero hindi tayo susuko, madapa ma'y palagi tayong tatayo. Ikaw ang magiging inspirasyon, sa pagpapagal at pagpupuyat dahil sa edukasyon, Ikaw ang magiging sandalan sa mga hinaing ko at mapapagdaanan, Ikaw ang siyang magbibigay lakas sa akin upang ipagpatuloy yaring takbuhin, Hanggang sa araw na masabi ko sayong, "mahal ko, doktor na tayo."
0
Apr 13, 2016
Apr 13, 2016 at 9:01 PM UTC
MESM, s01e02
Tula: Takbo Gusto kong tumakbo Ng malayo Kahit saan Kahit hindi ko alam ang lugar Kahit walang kasiguraduhan Kahit maligaw sa mga kantong nalampasan Para lang matakasan ang lahat O ang nakaraang gustong lipasan Tatakbo ako ng malayo Kahit sa kalsada ay mabangga, matumba pero sa huli ay tatayo pa din Na may nakalagay na bawal dumaan dito Marami nang namatay dito Hindi ako matatakot Hindi ako hihinto dahil Tatakbuhan ko ito Gusto kong tumakbo Ng malayo Kahit saan Para makadiskubre ng bagong daanan Para may makitang mga bagong lugar na pwedeng nating puntahan Kahit abutin pa ng magpakailanman Abutin ng gabi ,madaling araw ,o kinabukasan pa yan Tatakbo parin ako Kahit Tulog na ang lahat Nagpapahinga at nananaginip Ng mga pekeng pantasya at ako ay tumatakbo pa Gising sa katotohanan at realidad Hindi parin tumitigil madadaanan ang mga nagtitinda sa kalsada ng balot at iba pa Dahil may gusto kong takasan May gusto kong puntahan Kaya ako tumatakbo Gusto kong tumakbo Ng malayo Kahit saan Kahit mauhaw pa at matuyuaan ng lalamunan Hahanap ako ng tubig Para mabigyan ng bagong sigla At manatiling malakas sa takbo ng buhay Hindi ko ipapakita na ako ay pagod na Hinihingal Hinahabol ang hininga Hindi na ako magpapahinga Iinom lang ako at ipagpapatuloy ko ang aking takbo Kahit mapuno pa ng pawis ang aking likuran Mabasa ang aking buong kasuotan Dahil tatakbo ako Hindi ako hihinto Hindi ako mapapagod Hindi ako magpapahinga Gusto kong tumakbo Gusto kong tumakbo Gusto kong tumakbo Ayoko nang tumakbo Gusto ko nang magpahinga Pagod na ako Hihinto na ako Dito lang nalang ako At Haharapin Hindi tatakasan Hindi tatakbuhan Dahil marami na akong nalampasan na lugar kalye, Kanto, Kalsada, Nalampasang pagsubok, problema, Hamon, Pagod, Na aking hinarap sa aking pagtakbo Hihinto At tatayo at magiging handa Para sa pagdating ng bagong simula Handa na ako Handa na ako Hindi na ako tatakbo
0
Aug 16, 2018
Aug 16, 2018 at 6:16 AM UTC
Takbo

89
Nagtago ang mga parilya sa kalupaan Habang sila'y kusang nagpahimlay sa pagsisilbing lakas t tuntungan Siguro, naisip din nilang ayos lang mapasailalim Kung ito nama'y marangal at bubuo sa bukas at ngayon. Habang sila'y sama-samang ipinagbibigkis Ay mas lalo silang nakatatamo ng sugat mula sa isa't isa Hindi nila ininda ang dumi o kahit na ang agos Na posibleng yumurak sa kanilang mga pagkatao. Sa aking pagtingala mula sa pagkasisid sa kalaliman ng kanilang mga adhikain Ay nasasaksihan ko ang pag-usad ng mas matitibay pang haligi Na dito sa ating baya'y may iilan ding tunay na tatayo At nanaising maging tuntungan ng iba para sa higit na pagsulyap sa araw Sila'y kapit-bisig sa pag-aalay ng dugo't pawis Para sa ikuunlad ng kabuuan. At unti-unting mahuhulog na tila nagkakalansingang mga barya Ang mga may buo ang loob. At sa pagbibilang ko ng mga araw ay walang pakundangan silang magiging isa At malilimot na rin ng iilan na minsan, sila'y may pagkakaiba -- Na minsan, sila'y pinulot at hinugasan At ngayon sila'y nagbago mula sa pagiging kupas na larawan.
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 9:58 PM UTC
Buhos
081716 Inagaw ko ang silya kay Itay, Nagdabog at nagkalansingan ang hain Niya; Nilisan Siya kahit may habilin pa. Nagmamadali ako, ayokong mahuli. Pero ang oras, Siya pala ang Eksperto. Nadapa, nasugatan -- Umiyak ako sa sobrang sakit. Di bale nang pagalitan ako ni Itay, Gusto ko lang talagang makauwi. Kaya't bumalik ako, Hindi ko napigilang mas umiyak pa Nang yayain Niya ako sa Hapag-kainan. "Kain na, anak." Parang walang nagbago. Alam ko, bawal ang "Tayo" Kaya umupo ako sa silyang alok Niya. Saka na ako tatayo, Ayoko na kasing mauna. Bahala na si Itay.
0
Aug 25, 2016
Aug 25, 2016 at 8:57 PM UTC
Bawal TAYO, Pwede UMUPO
“Change is the only constant thing in this world.” ‘Yan ang sabi nila Mula sa isang musmos na sanggol na noon ay gumapagang lamang Ngayon ay lumalakad patungo sa landas na nais niyang puntahan Papasok sa eskwelahan upang matuto Tumatakbo at sumasabay sa karera ng buhay Mga bagay na lumiliit at lumalaki Mga gusaling nagsisitaasan Mga paniniwalang binabago ng panahon At mga damdamin na noo’y binubuo tayo Ngayon nama’y nagpapaguho sa’ting mundo. Oo, alam ko. Alam nating lahat na walang hindi magbabago sa lugar na ‘to. Maaring bukas ay masaya dahil andiyan siya Andiyan sila Makikinig siya Makikinig sila Ngunit sa susunod ay wala na Mga pangakong binitawan Nasaan na? Napako na nga ba tulad ng iniisip at sinasabi nila? Bukas makalawa maaring magbago ang ihip ng hangin Hindi ko alam kung bukas ba ay ganoon pa rin Maaring andiyan sila Oo andiyan sila Inuulit kong andiyan sila Pero baka sa isang araw o isang buwan maaring sa isang taon walang nakakaalam pagkurap ko ay maglaho na Maglaho na parang bula Na parang hindi sila nangakong parating makikinig May dalawang klase ng pagbabago Mga pagbabagong magpapatag sa’yo Merong wawasakin ang buo **** pagkatao Ngunit gagamutin mo ang iyong sarili Tatayo ka gamit ang sarili **** paa Dahil ikaw lang meron ka Oo. Sarili mo lang ang meron ka Kaya ikaw, oo ikaw. Ihanda mo ang sarili mo sa pagbabago Kagaya ko Handa ako change Pinaghandaan ko ‘to Tinatanggap ko Pero hindi ko sinabing hindi ako apektado.
0
Oct 23, 2017
Oct 23, 2017 at 3:36 AM UTC
Permanenteng Pagbabago
Sa di inaasahang pangyayari Ang nagpabago sa bayan ng Marawi Pagbabagong susukat ng katatagan Makamit lang ang kapayapaan Mahirap man umalis sa tirihan Ngunit mahirap mawalan ng masisilungan Hindi bagyo at hindi rin baha Ang dahilan ng pagkasira Hindi makubli ang takot at pangamba Mga batang mulat sa ingay ng mga bala Mga tanong sa sarili bakit, ito nangyari? Nawa'y makapagsimula muli Mga bayaning sundalo Taas noong tatayo Hindi matitinag ang lahing Pilipino Handang mamatay para sa kapwa Pilipino Taimtim na dalangin Lahat ay kakayanin Tungo sa pag-asa Mamulat,magmulat at makiisa Aking ilalarawan Lugar ng puno ng kasiyahan Pagbubuklod at pagtutulungan Yan ang tunay na katapangan.
0
Nov 16, 2017
Nov 16, 2017 at 9:18 PM UTC
MARAWI
Balang araw Hindi na lungkot ang dulot ng umaga, Tatahan na ang umiiyak na matang namamaga Matutuyo na ang mga kumo't unan na basa Ika'y tatayo na mula sa pag-kakaupo sa gilid Paa'y ihahakbang na palabas ng silid Handa kanang harapin ang mundong pasakit 'Di ka na nito tatablahan ng pait. Mga sugat mo'y tuluyan ng nag-hilom Wala na ni isang marka ang mababakas Tuluyan mo nang naaninag ang liwanag, Sa'yong yungib na natakpan ng dilim Natagpuan mo na ang matagal na nawawala Pagmamahal sa sarili na sa'yo'y tumakas Kaya ngayon buo na ang piyesa ng pag-katao Lalaban kana hindi na muling mag-papatalo Kaya mo na ulit Mas kaayanin mo pa ngayon Lagpasan hamon sa harap Dahil buo kana
0
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 7:26 AM UTC
"Buo kana"
Isang araw maririnig mo malambot Kong tinig. Kalambutang nagpatigas sa iyong pusong pumapantig. Pusong noon ay natutong umibig. Natuto subalit nasaktan sa pagkabig. Masilayan ka lamang ay labis na ang kasiyahan. Makausap lang saglit umaapaw na ang kaligayahan. Ang katawan ay nalantang bahagya nang maramdaman. Mainit **** haplos sa hubad na katotohanan. Subalit ikaw ay lumisan sa aking tabi. Iba na ang dumadama ng matamis **** mga labi. Sa pagmulat sa umaga Hindi ko na masabi. "Mahal kita, Mahal kita" pagkat di ka na katabi. Isang araw ako ay magigising at muling babangon. Subalit di na para sa iyo sa limot ika'y ibinaon. Ako ay tatayo upang harapin ang bagong hamon. Sa kaluluwang lupaypay sa alaala ng kahapon. Sa iyong pagbagsak ako ay aangat. Sa iyong pagligwak ako ay masisiyasat. Iyong hahanapin pag-ibig na nilapat. Subalit pagtingin mo ay Hindi na sapat. Kalambutan Kong nagpatigas sa iyong puso. Di batid ang umibig subalit natuto. Iyo mang sinaktan ang isang tulad ko. Isang araw maririnig mo malambot na tinig ko.
0
Oct 26, 2018
Oct 26, 2018 at 8:59 AM UTC
Rupok
Yung di tayo magkakilala Tipong ngayon lang nagkita Yung kinakausap kita Na tila hangin ka lang pala Yung ngingitian mo ako Kahit alam **** malungkot ako Tatayo at malakas natatawa At sasabay ang patak ng aking mga luha Sabay aper sayo Tapos kakaway ka palayo Hahabulin kita At titigil ka bigla Ikay bibigkas ng malakas Bulong lang saakin an lakas Maglalakad tayo At di na muling magtatagpo
0
Jan 15, 2018
Jan 15, 2018 at 8:10 PM UTC
Tula #1