Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"silim" poems
Tingin sa kanan at kaliwa ng pasilyo, lalakarin ang dulo ng kahit wala ng  tayo. Tingin mo saan ako dadalhin nito? Pipilitin kahit sira na, yan ang totoo. Teka, iisip nalang ako ng bago, yung mapapasaya ka kahit sa malayo, Tutal doon nagmamahal ako kahit papaano. halika sabayan mo naman ako. Nakakatuwa sa unang hakbang diba? Parang ayaw mo ng tapusin pa, parang  sa bawat kapit hindi na bibitaw sa saya. halika samahan mo ko, tara? Mukang nasa kalagitnaan na ba? Oh sadyang dama ko lang ang kaba. Pangangamba'y nasa iyong mata. Dito lang ako, Wag magalala Nilamon ng dilim na nabalot. Iniisip papaano na ako tatakbo sa takot. Nasaan ka? bakit di na kita madama? bumitaw kana pala. Maliligaw magisa sa dilim. Tanging tanglaw ang alala at lihim. Abutin man ako ng takip-silim, tiyak na ikaw padin ang isisgaw sa pang-anim. Mahal,  masaya akong maglalakbay. Mahal, hayaan **** ako'y mangalay Mahal, naging totoo ang aking inalay Mahal,  tanong ko lang, Ikaw pa ba ay sasabay? Oh tignan mo, layo na pala nito. Kinaya kong wala ka dito. Mahirap, oo. Masakit? panigurado pero sapat naman dahil dala ko ang iyong litrato.
0
Oct 19, 2018
Oct 19, 2018 at 12:43 PM UTC
Litrato
Bukas Samahan mo ako Pagsapit ng takip-silim, Kung saan nag-aagawan ang liwanag at dilim At ang langit na bughaw ay magliliyab ng pula Tapos kukupas sa mga bituin. Samahan mo ako Sa tabi ng kalsada Kaharap ng mga naglalarong bata Sa ilalim ng mga nagbubulaklak na punong acacia At lasapin natin ang malamig na hangin Na humahaplos sa atin ng kay lambing. Halika, Balik tanawin nating ang nakaraan At mangarap ng mas malaki pa Para sa kinabukasan. Wala nang lihim na itatago, Walang kahinaan na ikakahiya. *Ikaw ay ngingiti. Ako ay tatawa.* Bukas.
0
Jan 29, 2014
Jan 29, 2014 at 10:38 PM UTC
Bukas.
Sumapit na ang hating gabi, Unti unting sinasakop ng pagbubukang liwayway. Gandang iyong taglay, Sa aking diwa'y nananalaytay. Ang saglit na pamamaalam sa takip silim bukas ay mababanaag nang muli ang ligaya ng pusong minsang nagdilim. Ang kaaya aya nyang ngiti, Higit pa sa ganda ng bulaklak. Sa magdamag kong pag susulat ng matalinhagang salita ikaw ang aking nakikita. Pansamantala, sa agaw ng dilim at liwanag. Ako ay mamaaalam. Itinitiwala na lamang muna sa mga bituin na ikaw ay matanglawan. ... Sa araw ng bukas ay masisilayang muli ang ligaya ng aking buhay.
0
May 22, 2016
May 22, 2016 at 5:18 AM UTC
Bukas ay Masisilayang Muli ang Ligaya ng Aking Buhay
buhay natin ay ano nga ba? kung walang lagyo ang musika kagaya ng isang A capella ang bawat simula ay may kataposan ngunit sa bawat kataposan ay may panibagong simulain isang prinsipyo na di kayang tuldokan isang nakaraan na di mapaparam sapagkat ito ay binantasan ng tandang pandamdam! kaya naman halina kayo SAGLIT samahan ako sa pasakalye ng aking DALIT dahil tulad ninyo...di ko rin nais na wakasan itong himno ng aking kaluluwa na di ko mapigilan mailapat sa papel ng aking hapag sulatan at marubdob na papangyarihin ang taos-pusong koalisyon ng aking Pag-asa, Pananampalataya at Debosyon sa pamamagitan ng aking Isang Libo't isang Awit na pinapag-sanib ng samot-saring kudlit at kuwit hanggang sa aking maabot ang liwanag sa dilim at kayo ay aking handogan bago ang takip-silim
0
May 17, 2017
May 17, 2017 at 9:44 PM UTC
" Hymns of my Soul "
Itinaboy ako ng hiraya sa pusod ng Iyong pag-iral. Anupa't taal kang Binibini ng kahulugan at nahulog na Damdamin. Hindi ba't kanina lang dinuyan ako ng Malamyos **** tinig, habang sinasagwan Ko ang lalim ng iyong alindog at lawak ng Pusong handog? Saglit tayong namanata sa takip-silim, Isiniwalat ang hindi makita ng paningin, Ang hindi maunawaan ng damdamin.
0
May 19, 2016
May 19, 2016 at 3:44 AM UTC
Daruanak
umulan man at umaraw sa gutom man at uhaw gaano man kababaw etong ating abot-tanaw sa panahon ng tag-lagas sasanga ang puno ng wagas dahon at dagta magbabawas may mag-aanyong maangas sa punong walang lilim walang aninong maililihim magbubunga ang ugat lingid sa ating pamulat mula sa pagsilip ng bukang-liwayway hanggang sa init ng tanghaling tapat maging sa pagsapit ng dapit-hapon pagtatakpan ako, mula sa simula muli ng takip silim
0
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 2:03 PM UTC
ang kulay bughaw at ang nag-iisang ikaw
Ikasampung lagok na at higit pa ng mainit **** ala-ala subalit malapit man wari kung aking tinitingnan sa sulok ng napadpad na isipan sa kabilang ibayo ng mga pananaw sa malayong dalampasigan ng pagkatao, hindi ko kayang abutin ang pinutol kong pusod na sa puting lampin ay ibinalot, at ibiniting tila bituin sa mga alapaap. Maghapon ko mang lakarin mula sa aking pusong pinabango ng galapong na bagong giling, na kung saa’y tiniis ang init ng kahirapan habang isinasangag ang bawat butil ng sanlibo’t sandaang ari-muhunan mula sa masuyong pinagsikapan, pinagtiyagaang alagaan - puno ng liberikang kape ng lupang sinilangan. Malayo, malayo na ang Lipa madaling lakbayin sa malawak na kalsada na dumaraan na ngayon sa kabundukan ng Malarayat na noong musmos pa’y malayo, malayo, malayo . . . tanging nakakarating lamang ay mga uwak at sabay-sabay na lumilipad na tagak sa takip-silim nama’y mga nagsasalimbayang kabag. Noo’y maliliit pa ang puno ng sintunis Ngayo’y natabunan na ng palitadang makinis Hinahanap ko ang lungga ng dagang bulilit At puno ng bitungol sa unahan ng lumang bahay na inaakyat ng mga paslit napawi na rin ang matayog na tahanan tila binura ng kapalaran at mistulang iginuhit ng chalk lamang sa pisara’y kumupas na larawan. Natabunan na ng bundok ng mga alikabok ng ala-ala, wala na tahanan, o ang lumang pisara tila nawaglit ang apat na dekada Malayo na ang lumang Lipa at katulad ng dahong alamat ng ngalan nya makating-masakit at di makakalimutan ang mga karanasan at mga aral na dala Kung wala na ang bigas na kinanda magtitiis ako sa samyo ng binlid at ipa Kung wala na ang pinipig at nilupak sa baraka kahit budbod at lumang latik ay yayamanin na Lalakbayin ko’y lubhang malayo pa Ngunit sinisinta ika’y makakaasa: Ang pinanggalingan, ang pinagmulan, lilingunin tuwina.
0
Feb 14, 2020
Feb 14, 2020 at 9:15 PM UTC
Kapeng Barako X

Continue reading...
58
"Wag mo akong iiwan", Lagi **** sambit sa akin. "Ako'y nasasaktan at malungkot Puso kong wasak gustong makalimot. Jan ka lang sa'king tabi't Damayan ako hanggang takip silim. Iyong pasayahin panandali Upang lungkot ko'y wag manatili." "Wag mo akong iiwan", Paulit-ulit kong pinakikinggan. Lungkot mo'y aking papawiin, Puso **** wasak aking bubuuin. Di ako aalis sa iyong piling Bukang liwayway pa'y dumating. Sarili ko sa'yo ay iaalay, Di ipagdadamot. Wag mo lang din akong iiwan sa iyong paghilom at paglimot.
0
Sep 19, 2017
Sep 19, 2017 at 11:54 AM UTC
Walang iwanan
umulan man at umaraw (rain or shine) sa gutom man at uhaw (in hunger and thirst) gaano man kababaw (no matter how insignificant) itong ating abot-tanaw (our gather horizon) sa panahon ng tag-lagas (during the autumn) sasanga ang puno ng wagas (the tree gotta branch full of pure) dahon at dagta magbabawas (leaves and resin currently reduce) may mag-aanyong maangas (then a form of the only you takes its amazing column) sa punong walang lilim (in chief unshaded) walang aninong maililihim (no shadow would hide) magbubunga ang ugat (root shall yields) lingid sa ating pamulat (lurking at our naked eye) mula sa pagsilip ng bukang-liwayway (From dawn preview) hanggang sa init ng tanghaling tapat (until mid-noon heat) maging sa pagsapit ng dapit-hapon (even at the approach of dusk) pagtatakpan ako, mula sa simula muli ng takip silim (shielding the blue one, i started again on the twilight)
0
May 14, 2016
May 14, 2016 at 1:32 PM UTC
" the blue one and the only you " (translation)
Ang panukala ay itinago sa lihim Lihim na nakakubli sa isang malalim Na talinhaga na di kayang unawain Nang isipang tinakpan ng takip-silim Tila yata walang naka-uunawa Kung ano ang mga panukala Na nagkukubli sa anyo ng Salita Na nariya'ng kasama natin at nakatala Sino nga ang nakakikilala ng May-akda Na nagpapahayag at Siya ring nagtakda Nang mga kaganapang walang patda Na Siya'ng tumpad din ng mga Itinakda? Sino nga ba itong Salita Na nagkukubli sa anyo ng mga salita Na tinatawag ding Mabuting Balita Na inyo nga'ng ipinamamalita? Sino nga ang marunong at nakauunawa Ipahayag iyon sa isip, salita at gawa Ipakita ito sa kanyang kapwa Upang may buhay ang kanyang mga salita
0
Jun 18, 2021
Jun 18, 2021 at 4:04 AM UTC
Salita
64 Apat na araw bago ang kasalan Pagsubok sabay sa magkasintahan 65 Kailangan nilang manghuli Ng mahiwagang bubuli 66 Ito ay may mga kulay na mapusyaw At may pakpak na parang sa langaw 67 ‘Di pangkaraniwan ang haba Pinagsamang tatlong buwaya 68 Ito ay malayang pagala-gala Sa kagubatang kinaroroonan nila 69 Kumakain lamang ng buko Mailap at takot sa tao 70 Ngunit takip-silim na’y dumaan Hindi man lamang namataan. -06/19/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:54 PM UTC
Siboloria 10 -Ikatlong Pagsubok-