Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Umaasa ako
Umaasa na may pag-asa tayo
Umaasa na nagbabakasakali
Umaasa na maging tayo

Mahirap umasa
Pero sa totoo lang
Aasa ako para sayo
Baka pwede...

Sa isang sulyap ng ngiti mo
Natutunaw ang puso ko
Pilit na itinatago ang nararamdaman
O tila manhid ka lamang

Ngunit nakakapagod
Nakakapagod na habulin ka
Na bigyang saysay ang mayroon tayo
Ano nga ba ang mayroon tayo?
110315

May iilang mag-aalok sa kanya
Sa isang tila uhaw sa pag-ibig o pagkalinga.
May iilang pipila't iigib,
Pero pagod na siya sa pagbibigay,
Kaya't puros kalawang na lamang ang taglay.
Pero may iilan din namang magtitiyaga't magpapagod,
Bumalik lang sa dati ang bukal na may pag-ibig.

Pag sa hapag-kaina'y nakatambay lang siya,
Nakaabang sa hihingi't pamatid uhaw lang daw.
Pero ba't siya nananatili sa isang katauhan?
At siya mismo ang daan
Para umagos ang buhay mula sa lalamunan.

Siya'y luha ng kalangitan,
Hindi bunga ng galit o anumang pangit na nakaraan.
Natural lang na bumagsak siya,
At kahit na napakasakit nang pagkakalumpo'y
Hahalik pa rin siya sa lupa nang may pagpapakumbaba.

Wari niya'y kaylalim at kaylawak ng kanyang sinasakupan
Pagkat tila lahat ay kanyang pag-aari.
Bagkus, siya'y dinaraanan lamang ng mga sasakyan.
Binubugahan ng kung anu-anong kemikal
At ihahalo sa kanyang malabirheng katauhan.
Kahit siya'y Ina para sa napakaraming mga buhay,
Tagapangalaga ng kanyang sakop.

Minsa'y tatapunan ng dumi,
Tatabuyin niya ito bagkus di niya kaya.
Pagkat yayakain niya ang iilan,
Aakayin at magiging palutang-lutang
Hanggang sa maging saksi ang kalangitan.
Ang iba nama'y papatawarin niya't
Itutungo na lang sa kanyang kalaliman,
Hanggang sa hindi sila makalisan at doon ang kamatayan.

Pag siya'y nagbiro, doon lamang siya papansinin.
Kailangan pala siya, pero sinasayang ang tagas paminsan.
Sinasadya siyang limutin at kaligtain,
Pagkat lagi naman siyang nariyan
Kaya'g ayos lang sa ibang siya'y abusuhin.

Napapagod, nauubos, naninigas, natutunaw,
Paulit-ulit, pababalik-balik kanyang buhay.
Pero pag-ibig niya'y kumot para sa sarili.
alvin guanlao Nov 2010
gusto kitang maniwala
sa mga sasabihin kong salita
ang luha ay ubos na

kalungkutan ko'y nasasabik
gustong magbago at umagos sa pisngi
at hinding hindi maabutan ng bagsik
ang mga tainga **** nagkukunwaring bingi

tuyot sa kailaliman hanggang kaibuturan
o hangin wag mo akong hipan
baka di ko kayanin dala **** ginaw
lamigin ang aking gabi habang ang utak ay natutunaw

ang pagpikit ay gumagarantya sa sariling mundo
walang makakaalam at makakapasok kundi ikaw at ako
magdidilim sa tawag ng reyalidad papunta sa kamang lundo
aking panaginip, bakit hindi kita mailagay sa isang sako?

sa isang buntong hininga madarama ang tinik
sakit na dulot ng panghihinayang at di madaan sa wisik
tinatanong ang sarili kung saan nagkasala
maglalaho ka pala, bakit wala man lang babala?

gusto kitang maniwala
sa mga sasabihin kong salita
ang luha ay ubos na
akin ito
kingjay Apr 2019
Sa tag-init ay nagdidikdik ng asin
Sa tag-ulan ay kakainin ang bunga ng pananim
Ano ito ang nakatagong sakit
na ipinunla ng mga luha

Dahil sa hindi masabi sabi
ang sinta
kaya ba na muntik na gawin ang pangkukulam kay Dessa
Kasalanan na kaagad may parusa
Lumalalim na ang tampo sa kanya

Pagsuyo na pinag iingat-ingatan
ay punyal na nakatarak sa puso't isipan
Mas mabuti kung nakakalimutan
Ngunit sumpang ala-ala na bumabalik hindi nagtatahan

At kapag lasing na ay nagiging madaldal
Mahangin ang wika, sa kataas - taasan ay umaapaw
Kung mananahimik ay parang nakakulong sa bahagi ng mundo

Sa prusisyon ay hindi maglalakad
Ang luhang dumausdos sa pisngi ay wala ng makababakas pa
kahit patak man ng natutunaw na kandila
kingjay Dec 2018
Magtahi ng mga titik mula sa alibata
Ibalanse ang kataga
Ipakita ang sanhi
Sa hinaharap sana'y alinsunod
sa kagustuhang resulta
Sapat ang pagkinang ng bunga

Pinapagaan ng pakikidalamhati
ang tinamong latay
Hiram na hininga
Sa pag-usad ng rebolusyon ay na-iiwan dahil sa grabidad

Binansagan santwaryo ang periheo
nasa puntong humihiwalay ang umaapoy sa nagyeyelo
Taguan ng mga sugatan
pati na ang nagniningas na kalooban

Ang dangal ay naiga
Gustuhin man magbunyi
Hinihila pababa, parang natutunaw na sera
Nilalamon ng kadiliman ang siga

Matutunan din sumipol sa masalimuot na tinatahak
Matwa sa bawat liwaliw
kahit man ay undas
Patuloy ang pamumunga sa ginintuang oras
lua Mar 2020
ang mga salitang nais **** sabihin
natutunaw na lamang sa dulo ng iyong mga labi
natutunaw na lamang sa dulo ng iyong mga daliri
na tila'y kandila
tumutulo sa sahig
habang ang ilaw ng apoy nito'y sumasayaw sa hangin
lumalaki, lumiliit
at sa huli ay mawawala.
Sydney Nov 2020
Sa'yong mga haplos, ako'y natutunaw
Sa'yong mga yakap, pakiramdam ko ako'y ligtas
Sa'yong piling, ako ay sumasaya

Ngunit heto na, malapit na naman mag umaga
Gigising na naman ako
At muling ipapaalala sa akin ng mundo

Na ika'y isang magandang panaginip lamang
Na hindi pwedeng maging realidad
Dahil siya at hindi ako
Claudee Jul 2017
kung ang mundo ay isang kakahuyan
ako'y kawayan sa kaharian ng mga sedar
siyang nag-iisa at dahan-dahang tumutubo sa 'king tabi
sana'y mag-abot ng sanga, kung di man malalim na ugat

kung ang mundo'y higanteng salamin
ako'y ngayo'y espasyo sa repleksyon ng iba
ngunit nakatayo ka sa 'king harapan  
di imahe, buong pigura
natutunaw na ba ang mundo sa sikat ng araw?
Virgel T Zantua Aug 2020
SANA AY MAY ISANG ARAW
NA IKA’Y AKING MATANAW
AT SA IYO’Y ISISIGAW
ANG LALIM NA SUMASAKLAW
NG DAMDAMING NATUTUNAW
AT PUSONG DI NADADALAW
NA ANG PAG-IBIG KO’Y IKAW
HANGGANG SA AKO’Y PUMANAW

KUNG AKO MAN AY NAWALAY
AT SA HANGIN AY SUMABAY
PATUNGONG KABILANG BUHAY
AKO’Y HINDI MALULUMBAY
SA LAMIG AKO’Y AAKBAY
AT SA DILIM AY HIHIMLAY
ALAALA ANG SYANG GABAY
SA AKING BIGONG TAGUMPAY

MALI MAN ANG NAGING LANDAS
NG PAG-IBIG NA TUMAKAS
SA BUHAY KONG NAKALIPAS
NAWALA MAN ANG AKING LAKAS
AT ANG KULAY AY KUMUPAS
NGUNIT ANG DAMDAMING WAGAS
KAYLAN MA’Y DI MAGWAWAKAS
KAHAPON, NGAYON AT BUKAS

— The End —