Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nanaising" poems
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 3:47 PM UTC
Habang Wala ka pa

Continue reading...
3
Kung may pluma lamang ang puso Isusulat nito ng malaya ang mga salita Na hindi mabigkas ng mga labing tikom Sapat ang tinta nitong pluma Pamalit sa takot na pumipigil sa sarili Kung may pluma lamang ang puso Hindi na kailangan pang pagtakpan ng ngiti ang bawat sakit May buhay ang plumang ito Alam niya ang kanyang silbi, ang maghatid ng katotohanan Kung may pluma lamang ang puso Isusulat nito ang bawat pagkakataong nais niyang tandaan Mga alaala na dala ng kasaysayan Kung may pluma lamang ang puso Maipaparating niya ang bawat pintig Ng ligaya o sakit Malaya ang plumang ito Walang magbabawal kung ano ang dapat at hindi Walang pipigil sa pagkawala ng tunay na kulay ng bawat pintig nito Kung may pluma lamang ang puso Ito'y susulat ng tula na magsasabing ikaw lamang ang magiging papel na nais nitong sulatan Kung may pluma lamang ang aking puso, Ikaw ang nanaising maging papel Malaya ang plumang ito at ikaw ang kanyang pinipili Buhay ang tinta ng plumang ito At sa iyo, bilang papel, nailathala ang pinakamagandang kasaysayan ng pag-ibig Na binigyang buhay ng isang pluma at papel
0
Dec 12, 2018
Dec 12, 2018 at 4:33 PM UTC
Pluma at Papel
Akala'y magtatapos, Sasapitin, kalunos-lunos, Isang pagkakamali, Naging bunga't sanhi. Di nanaising mawala, Ang tanging taong nagpakita, Na di ako parating tama, Na dapat akong magpakumbaba. Walang iba kundi kalungkutan, Ang tanging nararamdaman, Pagkat ika'y aking nasaktan, Buhat ng walang kwentang dahilan. Di alam kung anong uunahin, Pagpapasalamat o paumanhin, Sa pagtayo bilang aking gabay, Sa aki'y sumampal ng katotohanag tunay. Ika'y biyaya nga ng Diyos, Pagmamalasakit ay di kayang matubos, Sa araw ng muling pagkabuhay, Nangaral ng walang sablay.
0
Apr 15, 2017
Apr 15, 2017 at 3:49 PM UTC
Napagtanto
Nagtago ang mga parilya sa kalupaan Habang sila'y kusang nagpahimlay sa pagsisilbing lakas t tuntungan Siguro, naisip din nilang ayos lang mapasailalim Kung ito nama'y marangal at bubuo sa bukas at ngayon. Habang sila'y sama-samang ipinagbibigkis Ay mas lalo silang nakatatamo ng sugat mula sa isa't isa Hindi nila ininda ang dumi o kahit na ang agos Na posibleng yumurak sa kanilang mga pagkatao. Sa aking pagtingala mula sa pagkasisid sa kalaliman ng kanilang mga adhikain Ay nasasaksihan ko ang pag-usad ng mas matitibay pang haligi Na dito sa ating baya'y may iilan ding tunay na tatayo At nanaising maging tuntungan ng iba para sa higit na pagsulyap sa araw Sila'y kapit-bisig sa pag-aalay ng dugo't pawis Para sa ikuunlad ng kabuuan. At unti-unting mahuhulog na tila nagkakalansingang mga barya Ang mga may buo ang loob. At sa pagbibilang ko ng mga araw ay walang pakundangan silang magiging isa At malilimot na rin ng iilan na minsan, sila'y may pagkakaiba -- Na minsan, sila'y pinulot at hinugasan At ngayon sila'y nagbago mula sa pagiging kupas na larawan.
0
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 9:58 PM UTC
Buhos
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved
0
Feb 26, 2019
Feb 26, 2019 at 7:59 AM UTC
Habang wala ka pa

Sa bawat sukat at tugma Sa bawat tula kong hindi tumugma Ang tayo'y hindi dapat itinadhana Ngunit tayoy pinagtapo ni tadhana Sa bawat oras na naiisip ka Sa bawat paglinap ng tula Na sayo lang naman ilalathala Na ikaw lang laging laman ng mga masasayang tula Sinta sana makuha mo lahat ng obra Dahil walang ibang nanaising  pagbigyan nitong nilikha Kundi ikaw lang at wala ng iba alam kong huli na Ngunit ipaglalaban parin kita Sa mundong napupuno ng kalokohan Pupunuin naten ng pagmamahalan Piliin mo ako at papakita ko sayo Kung ano ang ibig sabihin ng pagiibigan Lubos akong nagpapasalamat Sobrang maraming salamat Kahit kay tadhana Dahil nakilala ko ang isang uri ng dalagang katulad mo Walang kupas Walang kulang Walang arte Kaya nung nahulog saiyo Wala akong laban sayo Hinayaan nalang mahulog sayo Dahil una palang ikaw na ang gusto. Itong mga tula Nagpapakita Nagpapatunay na mahal kita Salamat sinta, mahal kita.
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 10:42 PM UTC
Mga tula
082021 Naranasan mo na bang sumigaw Nang walang nakaririnig? O kaya lumuha nang walang sumasalo? Sa bawat patak ng bumubugso **** damdamin. Naranasan mo na bang kumatok Nang walang nagbubukas? O kaya tumawag nang walang sumasagot? Ang tempo **** sinusumpong ng tampo’y Umaanod sayo papalayo Sa nararapat mo sanang hantungan. Nakalimutan mo na rin atang Hindi sarili mo ang iyong kalaban Kaya’t hindi ka na rin mapigilang Manlumo sa karagatan ng iyong mga pasanin. Patuloy ang iyong pagsisi sa sarili Bunsod sa mga responsibilidad Na sana’y napanagutan mo Ngunit iyong iniwanan At pilit na tinakasan. Ngunit sa paulit-ulit mo ring Pagsagwan palayo’y Patuloy ka ring hinihila pabalik Kung saan ka nararapat Para magsimula kang muli. Ang iyong walang pagpapaalam Sa plinano **** paalam Ay naging hayag na paglisan Sa nakaraan **** Walang ibang mas mahalaga pa Kundi ang pagtuntong mo Sa ngayong noo’y ayaw **** pagtayuan. Ang bawat gumuhong gusali ng iyong nakaraa’y Kusang mag-aalis ok sayong Pagtagpi-tagpiin mo sila nang nakapikit. At kahit pa — Kahit pa sinasabi **** nalimot mo na Kung saan mo hindi sinasadya O kusang naiwan Ang mga piyesa ng iyong sarili ng tula Ay kusa mo rin itong maaalala Na para bang ang lahat ay bago’t Hindi ka na mahihiya pang Bumalik at magsimulang muli. Lulan ng mga lumang pahina Ang pag-asang may tiyak na kahulugan. Tiyak ang iyong hahantungan At walang katotohanan Ang sinasabing “paano?” Kung hindi mo naman nanaising Tumapak sa hagdan At kusang umakyat Gamit ang sarili **** mga paa.
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 9:33 AM UTC
Sumbungan (Sumpungan)

53
Lilisanin ko ang sarili Madatnan lamang ang espasyo Kung saan tayo’y magtatagpo’t magtatapat — Magtatapat ng ating mga pangakong Kailanma’y hindi nanaising mapako. Ang bawat hakbang Ay magsisilbing aking pagpupunla Hindi lamang ng aking wagas na pag-ibig At dalisay na pananampalatang Kakayanin natin ang mga susunod pang dekada, Mga dekadang sabay na mamumuti Ang ating mga buhok At sabay na malalagas Patungo kung saan man tayo nagmula. Wala akong ibang nais na masilayan Kundi ang mga mata **** sining sa aking paningin. Ang ngiti **** sana’y manatiling Matatamis na alaalang Ikaw at ikaw pa rin ang aking pipiliin. At sa mga oras na ang mga pahina na ng kalendaryo Ang kusang magpatangay sa hangi’y Nanaisin ko pa ring manatili Sa mga akap **** pinili kong maging kanlungan At ang magiging sigaw ng aking puso’t damdami’y Papuri sa Unang Umibig sa atin Bago pa man mag-krus ang ating mga landas.
0
Nov 19, 2021
Nov 19, 2021 at 10:39 AM UTC
Aisle
Sa dinami rami ng tulang naisulat ko, ito ang aking paborito, ito ang ayaw kong lagyan ng tuldok; at gusto ko sanang samahan ng ritmo, hindi ko alam kung anong napansin ko sa'yo, o kung ano mang mahika ang ginamit mo para mapaibig ako, oo, inaamin ko, ikaw ang tulang ayaw kong matapos, gusto kong sulitin at ubusin ang pantig, hanggang sa maghikaos; hanggang sa mabuos ang tinta ng ginagamit kong panulat, ikaw ang bituin na aking tititigan hanggang sa lumubog ang buwan, ikaw ang aking nanaising mahawakan- habang natatakot, habang iniisip na ang bukas ay baka sakaling hindi na ikaw ang katabi, na baka bukas ay nasa ibang bisig- o sa iba na nakalapat ang 'yong labi. ayokong matapos ng umaga ng walang pasintabi, ayokong mawala ka sa'kin nang hindi kita nayayakap, at kapag nakagapos na'ko; asahan **** hindi ako bibitaw, aantayin ko ang muling pagsikat ng araw, para mapanatag ang aking isip, na sa aking paggising, ay hindi ka pa nakabitaw.
0
Apr 29, 2021
Apr 29, 2021 at 12:09 PM UTC
Untitled