Bakit pa kaya ako na buhay?
Bakit pa ako nanatili dito sa mundo?
Tingin ng iba sa akin ay walang halaga,
Siya namang katotohanan...
Ang totoo ay wala naman talaga akong kwenta.
Ipinagtataka ko,
Bakit binigyan pa ako ng pangalawang buhay?
Para saan ito?
Minsan naisip ko, na sana dati natuluyan na lang ako.
Ano pa bang silbi ko?
Ang bigyan ng pasanin ang mga magulang ko?
Ang bigyan ng cancer ang lipunang ito?
Ang bigyan ko ng karagdagang problema ang mundo?
Minsan napapatanong ako,
Ano pang silbi ng pangalawang buhay ko
Kung hindi naman ako masaya?
Bakit hindi nalang ako hinayaang mahimlay na lamang?
Paulit-ulit na akong nasaktan at umiyak,
Hindi pa ba sapat para pagbayaran ko lahat?
Paulit-ulit na pinaramdam sa akin na wala akong kwentang nilalang,
Hindi pa ba iyon sapat para magdusa ako ng tuluyan?
Paulit-ulit akong napahiya at siniraan,
Hindi pa ba iyon sapat para magpahinga na?
Kailangan ko pa bang pagdaanan ang ganito kasakit na bagay?
Paulit-ulit nalang ba?
Wala na bang bago?
Hindi na ba magbabago ang kapalaran ko?
Ganito na ba talaga?
Pagod na ako
Pagod na pagod na ako sa totoo lang.
Ano bang nagawa ko sa mundo para magdusa ng ganito?
Nung mawala ako ng ilang minuto grabe raw ang iyak nila,
Nung bumalik ako, abot-langit ang saya nila...
Paano ako?
Natatanong niyo ba kung masaya rin ako?
Minsan nasasabi ko-
Wala nang magmamahal sa akin,
Wala nang tatanggap sa akin maliban sa pamilya ko.
Wala naman talagang makakaintindi sa akin kundi sila...
Kaya hindi na ako magtataka kung pati kayo ay mawawala.
Nasanay na ako,
Ano pa bang bago?
Sige, magsilisan na kayo.
Gusto niyo ako pa ang maghahatid sa inyo?
Ikagagalak ko.