Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Bakit ako nasasaktan?
Alam ko naman na ako
Ako ang dahilan kung bakit ako nasasaktan
Sa dami dami dami ng pagkakataon ko
Nakasabay kita sa pag uwi
Nakasabay kita sa pagkain ng tanghalian
Kaklase maghapon
Kapwa leader ng mga group mates natin
Sa dami dami dami dami dami dami
Ng pagkakataon ko na masabi ang nararadaman ko
Nanitili akong walang kibo.
Kaya bakit ako masasaktan
Kung sa una palang ako na ang may kasalanan
Ako tong nanatiling bulag pipi at bingi sa nararamdaman
Bulag sa katotohan na pwede nman talaga tayo
Pipi sa pagsasabi ng nararamdaman ko at
Bingi sa puso kong walang ibang sigaw kundi ang pangalan mo.
Ngayong wala na. natagpuan mo na ang tamang “sya”
At oo, Oo nasasaktan ako
Nasasaktan parin ako
Oo nasasaktan ako kasi sweet kayo
Oo nasasaktan ako kasi nakikita ko mahal nyo ang isat isa
At yung ang kinasasaktan ko
Oo nasasaktan ako
Oo nasasaktan ako
Sakit na sakit na ako.

May naisip na akong magandang ideya,
Hindi kita papansinin. Parang hindi ko pagpansin sa nararamdaman ko
Kahit ikaw parin ang laman nito. Didistansya ako na
Malayong malayong malayong sayo para hindi mo Makita na
Nasasaktan ako
Ganun nalang talaga siguro ang magagawa ko
Ang manatiling bulag pipi at bingi ang sarili ko.
-end-
m X c Mar 2018
panaginip ang gumising sakin
sa umagang kay ganda ng sikat ng araw
ngunit pag mulat ng mata luha ang bigla nalang tumulo
panaginip na sakit ang dulot
panaginip na sa takdang panahon
ay alam kong mangyayare
panaginip ang gumising sakin
na sa katotohang hindi tayo
para sa isa't isa
panaginip na hindi ako ang bida
kundi kayong dalawa
sakit na dulot na parang
ayaw ko ng makita sa hinaharap
panaginip kung saan hindi ko mapigilang humagolgol sa sakit at kung saan ikaw mahal ay nagpo-propose
na sakanya at ako naman
ay pusong durog na durog na
ngunit nasa likod mo ito parin akong nakasuporta
itong panaginip na bang ito
ang gigising sakin sa katotohan.
masakit, nakakapanghina.
pero yon ang TOTOO.
pero mahal mamahalin parin kita
kahit siya ang bida sa panaginip ko.
panaginip na hindi ko alam kung masama ba o maganda.
i love him but he will never be mine.
070221

Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran
Ay gayundin nya inalis sa atin ang ating mga kasalanan.

Para sa mga taong akala nilang mag isa silang lumalaban
Sa mga taong tumatakbo’t napapatid ng kadiliman
Sa mga taong naghahagilap ng katotohan.

Sino nga ang ba ang tunay na saksi ng ating mga kamalian?
Tayo ba’y tinutulak ng mundo papalayo sa liwanag?
O tayo yung nananatiling tapat sa kabila ng mga kaguluhan?

Marahan ang pag ihip ng hangin kung saan tayo’y patungo sa mga bituin
Ngunit ang araw ay sasapit na ang Liwanag ay bubulag
Sa harapan at walang pasabi na Sya ay darating.

At kahit pa anong gawin natin sa mundong patikim lamang,
Sana alam natin kung saan nga ba tayo nakatingin
Pagkat tumatakbo tayo papalayo, naghihilaan pababa at pataas.

Kailan ba tayo mananahimik at kusang magpaubaya ng lakas?
Nang ang lahat ng ating alinlangan, sana’y makaya nating mawaksian
Pagkat sa nalalabing mga oras, tayo ri’y mahuhusgahan.
Eugene Oct 2018
Alam kong masakit para sa akin
ang unti-unting tuklasin ang katotohan
sa mga taong nakakaalam ng aking nakaraan,
Ngunit ito ang tangi kong paraan
upang damdamin nila ay hindi masaktan
kahit sa umpisa pa lang ay hawak ko nang ako ay isang talunan.

Kung hindi niyo kayang sagutin
ang mga katanungan kong paulit-ulit kong itinatapon,
bakit kailangang idaan sa ibang uri ng paligsahan?
Ano ba ang tingin niyo sa akin
isang laruan na kapag nagsawa na ay basta na lamang ninyong iiwan
o isang paluwagan na kapag tapos na sa pangangailangan ay ipagwawalang bahala na parang basahan?

Tunay ba ang bawat mga salitang
naisisiwalat ninyo sa tuwing nagsasabi ako ng totoo
sa tunay na kalagayan ng puso at katawan ko?
Masama bang itanong ang mga bagay na paulit-ulit
kong hinihingian ng konkretong kasagutan?

Kung hindi ako naniniwala sa inyo
bakit paulit-ulit kayong tinatanggap ng puso at isipan ko
at hindi kailanman nawaglit o isinantabi ang bawat isa sa inyo?

Bakit kapag ang taong mahal ninyo
na paulit-ulit na nagagalit sa inyo ay tila wala lang iyon sa inyo
pero kapag ako na ang magsasaboy ng mga salita, aba at bigla na lamang kayong mag-aalburoto?

Nasaan ako diyan sa mga puso ninyo?
Nasa loob ba o nasa labas?
O baka naman paulit-ulit kong huhulaan  na walang AKO kahit sumiksik pa ang aking sarili sa inyong katawan.
Kiara Malig Jul 2019
Nagdurugo na ang aking gilagid sa paulit-ulit na paghiling na ika’y manatili,
At ikaw naman ay nariyan lamang habang pinapanood ako patayin ang aking sarili.
Dahil sayo, alam ko na kung bakit sinasabi nila na walang pinipili ang pag-ibig,
Pinabayaan kasi kitang ibaon ang iyong matatalim na salita sa aking bibig.
Dahil sayo, nawala na ang inakala kong katotohan,
Ang natira na lamang ay ang sinumulan **** kaguluhan.

Sabi nila, ang nabigo raw ay hindi nagpapabigo ulit,
Edi bakit sandamakmak na ang mga bubog na nagpadugo sa aking gilagid?
Ako naman din ang nagpakaduwag,
Na ang silbi lang ay sumagot sa iyong mga tawag,
Kaya nga siguro hindi ko napansin na nauubos na pala ako—
Na inuubos mo na pala ako.

Tinatanong ko parin ang aking sarili,
Kung bakit hanggang ngayon, ako parin ay nananatili.
Patuloy parin ang gilagid ko’y nagdurugo,
Gaano katagal na lamang bago madudurog ang aking puso?

— The End —