Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Oct 2015
Ayaw kong magkwento,
sa personal na buhay ko.
Ayokong sabihin,
bawat emosyon ko sa tao.

Tao ako at hindi ano,
hindi rin hayop o anino.
Hindi bato ang puso,
may laman at dugo.

Nagagalit, umiiyak,
luha'y pumapatak.
Naninibugho, nasasaktan,
nakakaramdam, nasusugatan.

Nauuhaw, nagugutom,
natutusok ng karayom.
Sumisigaw,humihiyaw,
minsan kinakantiyaw.

Kaya...

Kung personalan ang nais niyo,
Bakit di mo tanungin sarili mo?
Gusto mo bang pakialaman ko,
Bawat hibla ng buhok mo?

Ikaw ay ako,
Ako ay ikaw.
Tao tayo,
Hindi bagay,
Hindi hayop,
May puso,
may laman at dugo.
Nakakatawa dahil hanggang ngayon di ko parin alam kung bakit ganito. Kung bakit nasasaktan parin ako tuwing nakikita ka kasama niya. Sumasakit ang puso ko na para bang tinutusok nang isang libong karayom kung nakikita kong natutulala ka sa kaniya. Kumukulo sa inggit ang kung ano man sa kalooblooban ko dahil alam kong di ako. Di ako ang gusto mo. Di ako ang taong pinagbubuhusan mo nang pagmamahal. Di ako ang taong pinaghahangaan mo. Di ako.

Matagal ko na tong alam. At dapat matagal ko na ring natanggap. Pero bakit masakit parin? May gusto pa ba ako sayo? Sana naman hindi. Dahil kahit anong sakit ang nararanasan ko, di ko parin pipigilan ang pag iibigan nang dalawa kong munting kaibigan. Hindi man pansin sa iba na ako'y ganito, okay lang. Okay lang basta't kayo ay masaya. Okay lang. Kaya pa.
(y.v)
Para sa mga taong hindi pinili. Para sa mga taong binigay ang lahat ngunit di naman binalik. Para sa mga taong umasa. Para sa akin.

1

Sakit.

Pag nakita mo siyang kasama niya, masasaktan ka na parang bang tinutusok nang maraming karayom ang puso mo. Tapos titignan mo ang iyong sarili at sasabihin "Anong kulang sa akin?"

Makikita mo lahat nang mali sayo. Makikita mo lahat nang pangit sayo. At dahil dito mawawala ang pagmamahal at respeto mo sa iyong sarili


2

Galit.

Magagalit ka sa mundo. Magagalit ka sa tadhana dahil hindi kayong dalawa ang pinag sama. Sisihin mo siya dahil hindi ka niya pinili at iba. Pero higit sa lahat, magagalit ka sa iyong sarili. Magagalit ka dahil hindi ka naging sapat para sa kaniya. Magaglit ka dahil hindi ikaw ang naging kaniya.


3

Talo.

Wala na. Wala ka nang magagwa dahil gusto na nila ang isa't isa. Wala ka nang magagawa, silang dalawa na ang pinagsama nang tadhana at hindi kayong dalawa. Tanggapin mo na. Hindi kayong dalawa. Hindi ikaw.

Dadating ang panahon na hindi mo na siya titignan. Dadating nag panahon na hindi ka na masasaktan. Dadating ang panahon na hindi ka na magagalit.

Pero sa ngayon, dito ka muna. Dito sa isang lugar na ika'y manhid na. Manhid sa kaniya. Manhid sa sakit. Manhid sa galit. Manhid sa iyong mga damdamin para sa kaniya. Kay rami mo nang napagdaan, magpahinga ka na.
Grade 9 and Grade 10. Wag assuming
Gat-Usig Oct 2013
Aniversari ng Mag-jowa
Mansari ng Mag-jowa,
Valentayns Dey
Sa loob ng bartolina.


May wan en onli,

Kahapon kaututan ko si Bebot,
Nakaposas ang mga kamay at 'di makakilos
Nakatali ang mga paa sa kadenang
May bolang bakal,
Si Bebot ay matitigok na.
Nagkaututan kami sa gawing madilim,
Tangan ang Gud Morning,
Pamunas ng luha.
Humahagulhol dahil kay Dok Puti,
Hinahanda na nito
Ang kanyang kahahantungan,
Said na said ang mga hikbi;
Pinid na pinid ang mga kagalakan,
Gustong pahintuin ang bawat saglit.
Di mapigil ang hatol,
Nasa dulo ng karayom
Nakasalalay ang lahat;
Unti-unting naniningkit si Bebot,
Ginagapos na siya ni Dok Puti sa katre;
Walang sinuman ang makakaampat
Sa naturang likido.
Kahapon, kaututan ni Dok Puti si Bebot.
"Lav, sapitin mo nawa ang iyong katahimikan."


Sa Valentayns Dey,
kahit sinong mag-jowa.
-  Juan Dela Cruz, M.D.


P.S.
Alay sa bawat magkasintahang pinagtagpo't
pinaglayo ng pagkakataon.
011816

Kinausap ko ang Langit
Na buksan ang malaking pintuan
Nang pumagitna Siya sa'ting dal'wa.
Sinalo Niya ang bawat butil ng luha
At ako'y nagkusang mamahinga sa Kanyang piling.

Hinarap ko ang pagkakamali noon,
Nang minsang sadyain kong bitiwan ka rin
Pagkat biglaan din ang pagbitaw mo.
Inanod ako sa Kanyang bisig,
Doon nahilom ang puso't
Ngayong may panibagong katha.

Hindi ko inasahang
Iihipan ito ng Hangin at mapapadpad sayo.
Pero hindi ko magawang magwelga't magrebelde pa,
Pagkat hindi naman ako ganoon.

Siya na rin ang nagkusang tulakin ako
Pagkat kaya Niya sa buhay ko --
Nang tunay ngang lumaya ako.

Sa amin na lamang ng Langit
Ang huling pag-uusap;
Maging ang panggagamay ko
Sa karayom na sobrang sakit.

Panalangin ko pa ri'y ikaw,
Ikaw at ikaw, siyang anurin din ng Langit
Nang bulong Niya'y mapagnilay-nilayan mo.

Ganoon ang pag-ibig Niya..
May mga pagkakataon sa buhay na di mo inaasahang kailangan **** lunukin ang pride mo. Bilang babae o lalakie, mas bata man o mas nakatatanda; pagkat ang pride, balakid yan para sa pag-ayos ni Lord sa relasyon.

Minsan, masasaktan ka pero hindi iyon parusa. Minsan, manghihina ka pero para pala sa kalakasan mo.

Lagi ko ngang sinasabi sa sarili ko na, "Through confession, there comes healing. But not all who are healed comes to reconciliation." Pagkat kailangan ding alisin ang pride at minsan, pag sinabi ni Lord na gawin mo at kahit ayaw mo pa, gawin mo talaga. Naroon ang peace of mind na hinahanap mo.

Mahal ka ni Lord at mahal Niya rin ang nakasakit sayo o nasaktan mo. Basta. Alam mo yan sa sarili mo, hugutin mo ang tinik ng pride at hayaan si Lord na magpalakas at tunay na magpagaan ng pakiramdam mo.
kingjay Dec 2018
Tinik sa dibdib, tali sa puso'y pinaghihigpitan
Sa alambreng bakod di na makawala
yung pulang tubig lang aagos
Napuno ng kabanalan, kasunod ay kasawian

Ibuhos ang isang daang karayom sa nakatiwalwal na mga sugat
Tusok sa balat ay ang kirot na lalong tumitindi nang walang kapahingahan

Mabangis na  mga pangil sa talahiban nakatago
Wasiwas ng damo binabantayan
Mahinahon na inaabangan
Mas masahol pa sa tuklaw ng sundo ni Kamatayan

Ang kaantukan ay sumagi sa ulo
Pangambang nangangahulugan
Habang puyat na bumangon

Sa dulo ng dapithapon nagsisi-awitan ang mga ibon ay may bagong silang na paraiso
Isama na at huwag pabayaan
Lahat ay humayo
JOJO C PINCA Dec 2017
tuluyan ka nang naupos tulad sa kandila.
unti-unting natunaw ang buhay mo.
dahan-dahan itong kinain nang imbing kamatayan.
isang pahingalay sa tulad mo'ng nagtiis
ng malubhang karamdaman.
buto't balat ka na lang at laging dumadaing,
buhay na patay kung ika'y pinagmamasdan.
sa wakas hindi kana maghihirap.
wala na ang kirot na saksakan ng lupit.
wala na ang sugat na bumubulok sa'yong likuran.
hindi kana mapapagod sa paghabol ng iyong hininga.
hindi kana pagpipistahan ng mga lamgam.
wala na ang diaper na kailangan palitan.
alam namin na pagod kana,
kailangan mo nang magpahinga.
paalam na sa mga tusok ng karayom
na hindi makita ang tamang ugat saiyong katawan.
paalam sa mabaho at mainit na ospital.
hindi na lilipas ang maghapon na puno ng bagut.
wala na ang mapapait na daing 'twing madaling-araw.
dumating na ang mga sundo,
kukunin ka nila at di na muling ibabalik.
tinatawag ka na ng hangin papalayo sa amin,
inagaw ka ng liwanag sa kalaliman ng gabi.
sa huling hantungan mo ay tatanawin kita.
aalalahanin ko ang kabataan ko na kasama kita.
babalikan ko ang lumipas na may lungkot at saya.
may mga umaga na hindi na darating,
pero may mga kahapon na 'pwede pang balikan.
walumpot-limang taon sa mundong ibabaw,
at marami-rami ka na ring narating.
siguro nga wala ka nang hahanapin pa,
sapat na marahil ang layo ng iyong nalakbay.
kaming mga naiwan mo hindi maglalaon
ay tutugpa din na gaya mo.
ang hindi lang namin alam ay kung kailan, paano at saan.
paalam po at salamat sa mga ala-ala.
alas-dose medya kagabi Disyembre 3, 2017 namatay ang tiya ko panganay na kapatid ng nanay ko.
Manunula T Feb 2018
maraming beses na umiyak
'di mabilang at 'di matiyak
proseso ng paghilom
parang dumaan ako sa butas
ng karayom.

ngayon, puso'y masaya na
salamat sayo dating sinta
dahil sayo nakilala ko s'ya
ang taong tunay na magpapahalaga
Malalim na pagmamahal.
reyftamayo Jul 2020
sisinghap-singhap ang dekada
ng mga makabagong bayani
inaalat na tulad
ng mga butil-kaliskis na balakubak
kasingpait ng mga nakakubling libag
sa talampakan nitong maglulupa
wala na ang simoy
ng amihan sa kanayunan
pinalitan ng umaangil
na ulap ng nagbabagang pulbura
parito, paroon
palitan ng mga tinggang
hugis karayom
walang patawad na babaon sa kalamnan
ngunit ang mga bayani
ay hindi malilimutan
malibing man
maagnas at maisama
sa lupa nitong ipinaglaban
Hinding-hindi ko maintindihan
Ang nararamdaman ko ngayon
Walang kasing bigat
Walang kasing lamig
Walang kasing init
Walang kasing sakit

Ang dibdib ko'y parang sinasaksak
Ng sampung libong karayom
At daan-daang tinik ng rosas

Muli na naman akong naglalakad
Sa apoy ng imypernong ginawa ko
Para sa aking sarili

Unti-unting dumadagdag
Ang aking mga sugat at pasa
Dahil sa mga latigo ng mga demonyo
Na sumusunod sa aking paglalakbay
Sa impyernong ito

Sana'y malapit na ang panahon
Na makita ko muli ang liwanag
Kasi hindi ko na kaya

— The End —