Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"kapareha" poems
#030417 Kabiyak -- Yan sana ang pinag-iipunan ko Dyan ko sana ihahanay ang "Ikaw" Sa larawang hinayaan kong mabuo. Buo -- Hindi ako buo Alam kong Siya ang bubuo sa ating dalawa Bubuo sa magkalayong Ikaw at Ako Sa pinaglayong Tayo. Kapareha -- Par ba ang labanan sa baraha nating dalawa? Parehas nga ba ang lihim na pagsinta? O sadyang -- Pares lamang tayo Para punan ang pagkukulang ng bawat isa. Kalahati -- Kalahati ng buhay ko'y siyang pinagbuksan ko para sayo Ni hindi ako umibig ng iba Wala kang kahati sa puso ko Siya ang nasa tuktok Pero ikaw ang panalangin ko. Mabubuo ba ang Tayo Kung tanging Ako na lang? Kung ang sanang kahati'y nakalimot na parte pala sya -- Parte pala sya ng kabuuan Oo, parte ka ng buhay ko. Kapiranggot na pagtingin, Kalahati ang Ikaw Kalahati ang Ako Siya ang Kabuuan ng parteng Ikaw at Ako -- Paano? Paano ang Tayo? Kung ngayo'y nagkanya-kanya na ang sanang Tayo.
0
Mar 4, 2017
Mar 4, 2017 at 1:17 PM UTC
Kalahating Naglaho
Ang pag-ibig ay ang pagbabahagi ng buhay, upang bumuo ng mga espesyal na plano para sa dalawa lamang, upang gumana nang magkatabi, at pagkatapos ay ngumiti ng pagmamalaki, bilang isa-isa, ang lahat ay nangangarap. Ang pag-ibig ay tulungan at hikayatin sa mga ngiti at taimtim na mga salita ng papuri, maglaan ng oras upang ibahagi, pakinggan at pag-aalaga sa malambot, magiliw na paraan. Ang pag-ibig ay ang pagkakaroon ng isang espesyal, isa kung kanino mo laging maaasahan na makasama doon sa mga taon, pagbabahagi ng pagtawa at luha, bilang kapareha, magkasintahan, kaibigan. Ang pag-ibig ay gumawa ng mga espesyal na alaala ng mga sandali na gusto **** alalahanin, ng lahat ng mabubuting bagay ang pagbabahagi ng buhay ay nagdadala. Ang pag-ibig ang pinakamalaki sa lahat. Nalaman ko ang buong kahulugan ng pagbabahagi at pag-aalaga at ang pagkakaroon ng aking mga pangarap lahat ay natutupad; Nalaman ko ang buong kahulugan ng pag-ibig sa pamamagitan at pagiging mapagmahal sa iyo.
0
Jun 11, 2020
Jun 11, 2020 at 8:04 PM UTC
Ang Kahulugan Ng Pag-ibig
Ako nga ba'y walang kapareha? Bakit nga ba nag-iisa? Patuloy lamang tangay ng alon Walang ibang nais dumaong Pahina'y lilisanin na Aasang mayroon pa ring pahinga Puso ko'y pagod na Luha ay tumila na
0
May 23, 2019
May 23, 2019 at 9:07 AM UTC
Pag- iisa