Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ikinukubli" poems
Okay lang naman kahit walang ganito Kaya pa namang tiisin ang lamig ng puso Pero bakit unti unti na babalik ang tingin Gigising sa umaga ikaw ang agad hahanapin Okay pa naman kahit walang pansinan Mga normal na usapan na walang lambingan Pero bakit nakatutuwang masilayan ang ngiti Para bang ginugustong pagmasdan nalang ang 'yong labi Okay ba sayo na pangarapin kita? Nananaginip na akong kasama ka tuwina Alam ko namang di ka maniniwala Ngunit idinidikta ng isip na subukang pumusta Okay kaya na mahulog sa 'yo? Natatakot ako, baka di mo ko masalo Pareho yata tayong takot magtiwala Subalit bumubulong ang puso na ikaw ang tadhana Okay na ako, handa nang humakbang Lalakad, tatakbo kahit maraming humarang Sa'yo lang nakatingin sa abot tanaw Mananatiling ikaw hanggang sa pagpanaw Okay sanang managinip nang ikaw ang katabi Yun ang tanging pangarap, 'di na ikinukubli Hihilingin sa langit at sa mga bituin Na sana sa huli... ako'y sayo at ikaw ay maging sa akin
0
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 11:43 AM UTC
How to Pagibig
*Kailan mo itatama ang isang pagkakamali? Kung ang pagkakamaling itatama ay ikinukubli? Kung ang ikinukubling tao ay hindi katangi-tangi? Kailan naging katangi-tangi ang isang pagkakamali? Kailan? Kailan mo sasabihing mali ang magmahal? Kung ang minahal mo'y dala-dalawa't masaya? Kung masaya ka sa piling niya, pa'no ang isa? Kailan naging pagmamahal ang magmahal ng dalawa? Kailan? Kailan mo lilinisin ang mantsa sa iyong damit? Kung ang damit mo'y gutay-gutay, punit-punit? Kung pinunit nang iyong pag-ibig ang sakit? Kailan nga ba naging matamis ang mapait? Kailan? Kailan mo babaguhin ang iyong nakasanayan? Kung tuluyan ka nang iwan at tumira sa lansangan? Kung lahat ng iyong minamahal ay kusa kang iwan? Kailan mo itatama ang iyong pagkakamali? Tanong ko sa iyo, kailan?*
0
Oct 11, 2015
Oct 11, 2015 at 12:36 PM UTC
Kailan mo itatama ang Mali?
081721 Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag Na dumarampi sa aking mga pilik-mata Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit At pag-agos nang marahan Ng pawis na pilit kong ikinukubli Sa bawat pagtiklop ng hapon. Walang oras o segundong hayag Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli. Ni hindi ko magawang lumapit Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin Na para bang nais Nitong hingahang muli Ang buo kong pagkatao. Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang Minsang kumatok at pinagbuksan. Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang Walang ibang hiling Kundi sumapit ang takdang araw Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan Ng mga bulalakaw sa langit At may iba’t ibang kapaliwanagan. Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian At sa pastulang aking minsang sinuklian Ng Kanyang mga balak At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon At akin nang inaani nang may galak. Dumudungaw sa lente ng aking mga mata Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag. At tunay ngang ang mga luha'y papawiin At wala nang ibang maibibigkas pa kundi Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman. "Bubuksan Ko ang kalangitan, Maging ang buong kalawakan, Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo. Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo. Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik. Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin. Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag Sa pagsapit ng itinakdang oras.. At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad Sa landas kong laan para sa'yo. Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian Ay bukas para sa lahat, At ang dugong dumanak Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban. Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong Syang gagabay sa'yong mga pasya't Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay Na tanging pang-langit lamang. Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo, Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob.. At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko Ang lahat ng aking mga anak Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos. Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
0
Aug 17, 2021
Aug 17, 2021 at 5:47 AM UTC
The Space Between Us

Continue reading...
67
Pa-minsan hindi natin alam kung paano natin panghahawakan ang isang bagay na pilit nating ikinukubli, hindi natin alam kung hanggang kailan natin magagawang itago. Alam nating mali sa paningin ng iba, pero masasabihan ba nila ang isinisigaw ng ating puso? Ipaglalaban mo ba yung nararamdaman mo gaya ng kasabihang "Kung mahal mo,  Ipaglaban mo." Mamahalin mo pa din ba siya sa kabila ng salitang BAWAL? O isusuko mo nalang at pipigilan? Posible bang mapigilan? Kung alam **** totoo ang pagmamahal mo sa kanya, ituloy mo. Sabi nga ng iba, pag nagmahal ka wag **** isipin ang sasabihin ng iba dahil kapag nasaktan ka, masasaktan ba sila?
0
Dec 30, 2016
Dec 30, 2016 at 6:38 AM UTC
Paano?
Mata: Nakikita nila akong masaya kasi sa tuwing tititigan ako ay nangungusap na. Pero hindi nila alam na sa kasuluksulukan nito ay madilim na ang aking nakikita. Ilong: Amoy na amoy ko pa ang masasayang alaala ng kaligayahang noon ay aking nadarama. Ngunit, ngayon ay unti-unti nang bumabara ang mga sakit at pighating dulot ng aking pagdurusa. Tainga: Kay sarap pakinggan ang mga nanari-saring tiyempo, ritmo, at tonong iyong napapakinggan. Ikaw ay napapaindak pa at napapasayaw sa mga natamong kasiyahan. Subalit, binging-bingi ka na sa mga masasakit na salita sa iyo na tila wala ka ng kwenta. Bibig: Puring-puri mo ang mga nagawa mo para sa kanila at doon ay napagtanto **** may saysay ang bawat **** ginagawa. Ngunit, pilit mo na lamang ikinukubli ang mga masasakit na katagang nais **** ipabatid sa kanila dahil alam **** kapag ikaw ang nagsalita, mali pa rin sa pagkakaunawa nila.
0
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 3:54 PM UTC
Salamin ng Kasiyahan
Pumarito sa aking tabi kung saan ang mga salita ay hindi laging kakailanganin, Batid ang 'yong mga hinaing at hinagpis ngunit hindi na kailangang sabihin. Dito na lang kung saan sasapat ang pagdausdos ng ating mga palad, higit na ang pagsulyap sa mga mata **** iba ang tinatangan, Dito kung saan hindi kailangang magpaliwanag -- kahit hindi naiintindihan ay mamahalin ka sa paraang nararapat bagama't lingid sa'yo. Pumarito na lamang kung saan ang bawat paghinga'y tulang ikinukubli ang hapdi, kirot, at sakit, Mga agam-agam at handusay ng lumbay. Sino nagsabing hindi ka maaaring ibigin mula sa kalayuan? Kalokohan. At kung sa wakas ay matunton mo ang daan patungo rito, Sana'y manatili ka. Manatili tulad ng pananatili ko sa walang kasiguraduhan, Manatili na parang aking mga mata sa tuwing nakatitig sa'yo na tulala sa kawalan, sa kanya, Manatili ka sana, Manatili kahit panandalian. Kung sasapit ang unos at nanaisin **** lumisan, ang dagliang pagbitiw ay hindi maipapangako ngunit hindi kita pipigilan, Sapat sa akin ang pinagtagpi-tagping kapos at maikling panahon, ang mga nakaw na sandali ng kahapon, ang pakikipaglaro sa tadhana na kunwari, ikaw na talaga. Sapat sa akin ang pumarito, Sa pagdausdos ng mga palad mo sa mga palad ko, Kung saan ang mga salita ay hindi na kakailanganin, Dito sa walang akin.
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 10:39 PM UTC
Dito
110221 Bakit nga ba pilit nating sinusugatan ang ating mga kamay? At hinahayaan nating ang ating dugo'y masayang Sa pagluha nito, hanggang sa maubusan na rin tayo ng hininga. Ikinukubli pa rin nating ang ating mga sarili Sa garapon ng ating pagkataong Kailanma'y walang ibang magbubukas ng sagradong pintuan Kundi tayo't tayo pa rin naman. At paulit-ulit tayong humihinga sa ilalim ng makakapal na ulap At sabay na lalanghap ng umuusok na pangambang Ibinalot sa apoy na lagim ang tanging ipinupunla Sa ating mga pusong wala pa noong kamalay-malay. Tinutukso tayo ng mga sitwasyon upang tayo'y magpaubaya At magpa-anod na lamang sa mga kumunoy na hihila sa atin pababa. Ang ating mga halakhakan noong kabataan Ay mga pangarap na sabay na iginuhit sa buhanginan Ay tuluyan nang binura ng dagat na tila walang pakiramdam. Gustuhin man nating umahon nang sabay Ay kailangan may isa sa ating unang bumitaw at unang umahon. Hindi na nga natin kayang sumabay sa isa't isa Ngunit sana'y ang nasa unahan, Siya rin ang unang mag-abot ng kanyang kamay Para sa isang nalulunod pa. Napapagod ako ngunit matapang kong hinaharap Ang mga pagkakataon bagamat wala akong kasiguraduhan. At sana sa panahong panatag na ang mga pusong Naligaw sa sariling mga pasya't pangarap Ay masilayan nating muli ang pagtahan ng mga matang Buong buhay na lumuluha't nanlilimos ng pagpapatawad.
0
Nov 2, 2021
Nov 2, 2021 at 12:01 AM UTC
Palimos ng Patawad
Paminsan hindi natin alam kung paano natin panghahawakan ang isang bagay na pilit ikinukubli, hindi natin alam kung hanggang kailangan natin magagawang itago. Alam nating mali sa paningin ng iba, pero madidiktahan ba nila ang isinisigaw ng puso?. Mali nga ba?
0
Dec 30, 2016
Dec 30, 2016 at 6:26 AM UTC
Paano
ikaw ang buwan, sa gabing ang kakapalan ng alapaap ay ikinukubli ang mga bituin, payapang kumikinang, ngumingiti hinihila ang nagngangalit na mga alon ng karagatan sa puso subalit hindi humihinahon, sapagkat ikaw ang sanhi bibigyang liwanag ang isang mundo bagamat sa bukang-liwayway, muling magdidilim ibabalik ang hiram na ningning
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 3:17 AM UTC
buwan
36 Sa lahat ng araw ng ikalawang buwan Bago ganapin ang napipintong kasalan 37 Madalas wala ang prinsipe sa palasyo Dinadahilan parati ang pangangaso 38 Subalit parating walang huli Dahil may lihim siyang ikinukubli 39 Iyon ang kanilang ugnayan Ni Loria sa sikretong pook sa kakahuyan 40 Sila’y palaging nakahahanap Ng butas sa pagpapanggap 41 Ang palusot naman ni Loria Sa ina’y dumadalaw siya 42 Wala man lang nakahalata Sa lihim na ugnayan ng dalawa. -06/17/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:51 PM UTC
Siboloria 6 -Lihim na Ugnayan-