Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hudas" poems
Batong niluluto, tinutunaw, tinuturok Dahong sinisinghot, hinihithit, pinapausok Dukhang nahuhumaling, hinuhuli, pinapatay Mayamang sinungaling, tumatakas, kumakampay #ChangeIsComing ngunit wala namang binago Ang mahirap ay tumba, ang mayaman ay nagtago Inosenteng nadadamay, diniktan ng karatula Bangkay na nakahandusay, hindi na bibigyang hustisya. Halina, doon sa bago kong tahanan Ang tawag ay kulungan ngunit marami do'ng libangan. Pinuno, leader ako ng sindikato Kung tawagi'y bilanggo ngunit sinusunod ang luho. Mga alipin ko'y parak Mg bataan ko ay trapo Pamilya'y bilyonaryo Ang negosyo'y protektado. Unlimited supply—'yan ang tunay kong pangako Subok kong mga suki, wala pa rin namang nagbago Tuloy lang ang bentahan, dito tayo sa taas Ngunit tatandaan: kikitilin lahat ng Hudas. Ako'y panginoon at walang katalo-talo Agimat ko ay tsapa, baril ang gamit kong rosaryo Ako ang humuhuli sa sarili kong buntot Ang mahina **** kokote ay aking pinapaikot.
0
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 1:57 PM UTC
Tugisin Ang Mga Adranika
may isang natutulog sa kalye walang sala, walang detalye walang makain, walang tirahan ngunit ikinulong tila'y makasalanan "mahirap maging mahirap" said ng mga matang nagpapaki-usap nang gayo'y makahanap ng pagkain sa pamilya'y maiharap at ang isa'y pinaiimbestigahan dahil umano sa ilegal na pamamaraan ng pagtulong sa kanyang nasasakupan kailan ba ito naging kasalanan? o, Pilipinas, ika'y binabantaan patagong tinatangay ang iyong kayamanan mga anak mo'y pinahihirapan sa kalagitnaan ng krisis, ika'y pinagsasamantalahan o, Pilipinas, naliligaw ang iyong landas ika'y inaapi, inaabuso nang marahas waring pinaglalaruan ang batas ng isang nag-aanyong taong hudas halika't iyong ipaglaban ang bansang ating sinilangan basagin na ang iyong katahimikan at h'wag hayaang manaig ang kasakiman pakinggan, dam'hin, at tignan h'wag ka munang lumiban sapagkat kailangan ang iyong katapangan sa umuusbong na digmaan
0
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 9:10 AM UTC
Untitled
#112715 #4:25PM “Banaag ko ang Wikang tugon; O Giliw na siyang inaapuhap, Sayo ang bituing salin sa tatsulok Sayo ang kambal ng Langit at Dugo.” Mala-unos ang bungang may diin. Salawal ng kataga’t tugma’y banderitas na puti, Doon nabuo ang Kasaysayang hindi makasarili. May iilang Juang Hudas, Bumalasubas sa Bayang itinakwil Kaya’t suwail ang makabagong talinhagaMay lalim sa pag-unawa Bagkus ang isip ay libingan ng mga diktador Na siyang puspos sa paghihikahos. “Paumanhin, Giliw Pagkat ang puso’y may gitgit.”
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 3:46 AM UTC
Philippine Judas
Gugunitain daw nila ang pagpapakasakit ng anak ng diyos. Paano tanong ng isa sa kanila? Ewan ko, bahala ka. Magpapapako ba ako sa krus o magpapahampas ng latigo habang pasan ko ito? Tang-ina bahala ka pati ba naman yan problema ko pa? Mas guwapo daw si Hudas kumpara kay Hesus at ito daw si Magdalena ang naging asawa ng Tagapagligtas. E ano ngayon? Hindi ako apektado kahit pinalaya ni Pilato si Barabas kapalit ni Kristo at wala rin akong paki-alam kahit paulit-ulit na nagduda si Tomas. Kung nabuhay mang muli si Kristo at umakyat sa langit wala itong kabuluhan, sayang lang ang kanyang pagpapakasakit. Bakit? Sapagkat lalong dumami ang mga ulol na tao sa mundo; hindi napabuti ang sangkatauhan sa ginawang pagpapakasakit ng karpintero ng Galileya mukhang lalo pa itong napasama. Patuloy na lumaganap ang kasakiman at kaulolan ng tao sa mundo. kaya't walang saysay na gunitain ang Mahal na Araw sapagkat mura at walang halaga ang bawat oras ng mga mamamatay tao at manlulupig na nagsasabing sila'y mga tagasunod ni Kristo.
0
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 12:15 AM UTC
MAHAL NA ARAW, MURA ANG BAWAT ORAS
Nitong nakaraan, naging nostalgic ako sa mga new year na nagdaan, mga new year nung bata kami, and sa new year na dadating pa. Oo sobrang saya ngayon, hindi rin naman mapapantayan ang saya! Pero alam ko na iba na siya. Ibang-iba na siya―kasi noon, kumpleto pa kami at wala pang nawawala samin. Kumpleto pa ang mga lolo at lola namin. May mga fireworks display, sinturon ni hudas mula sa kanto hanggang kabilang kanto. Isinasampay pa ung sinturon ni hudas sa katawan namin tapos magppicture kami, may trumpilyo, luces tapos isusulat ang pangalan sa daan, maging yung ray-gun na paputok meron din. May mga pagkain pang nakalagay sa la mesa dahil naghahanda ang mga lola. May ham, tinapay, hot choco, at kung ano-ano pa na pati mga kapitbahay namin doon din kumakain salo-salo ang lahat! Meron din sayawan sa kalsada mga 90's na tugtugan "don't cry" sa gitna ng kalsada. Habang sinasalubong ang taon, we played this game na "thankful for 2022, and looking forward in 2023" with cousins and titos and titas while drinking wine and alcohol til we drop. Ang saya mapakinggan yung mga bagay na pinagpapasalamat nila at mga bagay na nilo-look forward nila lalo yung mga things they share about our family. It means so much na pare-parehas kami na support sa isa't-isa at ramdam yung pagmamahal sa bawat isa. Sabi ng isa kong tita, darating daw yung time na baka maiba na dahil siyempre magkakapamilya, career, ibang paths to take, na baka yung iba di na mag new year sa Clemente. Pero sabi niya sila ay nandiyan pa din dahil yun ang gusto nila. Oo alam ko pwedeng mangyari dahil na-experience ko na sa mga kaibigan ko. Dati palagi kaming magkakasama tuwing new year at pasko. Mahal namin ang isa't-isa na kung pwede nga lang palagi kaming magkakasama. Pero siyempre iba-iba kami ng mundong ginagalawan at tinatahak, may lumipat ng bahay, may mga pamilya na din kaya bihira na lang din kami magkasama sama. Nakakamiss! Hindi ko alam ang future, pero sana lahat kami nandito pa din magkakasama, isang buong pamilya na magkakasamang haharap sa panibagong taon habang nabubuhay kaming lahat! Masaya ako na na-experience ko ang pasko at new year sa Tondo! Marami akong ipinagpapasalamat hindi lang sa 2022, kundi magmula 1992! Alam ng puso ko kung ano yung mga bagay na yun hindi ko maisa-isa, basta alam ko masaya lahat at grateful ako sa family na ibinigay sa akin ni Lord. Hindi man kami mayaman, madami man kaming pagkakaiba-iba, pero solid mahal namin ang isa't-isa. Looking forward to 2023 and more! **
0
Jan 3, 2023
Jan 3, 2023 at 2:05 AM UTC
New Year 2023

Continue reading...
6
mahirap labanan ang pakiramdam mahirap ipilit ang isang bagay mahirap pigilan ang mga mangyayari sa paligid mo hanggang saan ba ang kaya **** ibigay? hanggang kailan ka magiging matatag? hanggang saan mo kayang ipaglaban ang taong mahal mo? hindi ka ba susuko? hindi ka ba napapagod? natanong mo ba siya KUNG mahal ka pa niya? at mas masakit kung hindi mo natanong na minahal ka ba niya? mga hiling na gustong maabot mga taong nayayamot sa mundong kulot-kulot mga noong nakakunot mga buhok na napapanot kakaisip sa mamaya bukas at sa susunod pang mga gabi wala na siya at di mo katabi mata mo'y may luha dahil sa gusto **** di mo makuha ikaw ay sobrang ng napapagal pagod na pagod na kakahabol kaya ikaw ay hinihingal pilitin **** maging masaya kahit wala na siya hindi sa lahat ng pagkakataon hindi sa lahat ng direksyon kasunod, kabuntot mo siya o ikaw ang nakabuntot sa kanya bawat tao ay may kanya kanyang landas at sa bawat landas ay mayroong hudas sa iyong pagtakbo bawat pagtapak mo ay titignan mo wag kang tumingin sa isang direksyon imulat mo yung mga mata mo dahil hindi mo alam may ahas na kakagat sayo at dala nito ay lason lason na magpapahina lason na papatay at tatapos sa iyong buhay.
0
Feb 25, 2018
Feb 25, 2018 at 10:11 PM UTC
Saan ka patungo?
yung isang lalaki asawa mo dati kasi siya ang tatay ng mga anak nyo yung isang lalaki nobyo mo iba iba siya hindi siya kahawig ng aking asawa dati kong asawa sa muling babaero Hudas malandi makapal na mukha. Nokia ko mabait sya pag mahalin siya ang lakas ng tuyo niya patas na babae sa tono nya ang isip nya lagi iba-iba Iyon ang dahilan kung bakit, mahal ko siya. Siya ay walang katulad ng aking dating asawa.
0
Jan 21, 2019
Jan 21, 2019 at 10:45 PM UTC
dalawang lalaki sa buhay mo
"O aking minamahal sinta, Tara, kanta na tayo't magsimba.", Kay sarap balikan ang mga araw na 'to, Hanggang sa sarhan mo'ko ng pinto. Laging kasama sa samahan niyong umaawit, Sa lugar kung saan nakakahingi ng tulong sa langit, Ang puso ko'y gusto sayo lumapit, Sapagkat iyong ganda'y kaakit-akit. Kaya ako'y nangarap... "Sa pagtatapos ng aking paglalakbay, Sana magwakas sa iyong mga kamay, Sa kahit anong mangyayaring pagsubok, Ikaw ang ninanais na maging palayok". Umamin, nagbukas ng puso sa 'yong harap, Habang ang mata ko'y 'di kumukurap, Iba sa aking mga inaasa't iniisip, Ang pangarap ay hanggang panaginip. Lahat ng pawis, oras ng paghahanda, Mapupunta lang pala sa wala, Kaya't pag nakikita ako ng iba, Nagkukunwari nalang na masaya. Di naisip bituin ay masisira sa isang sulyap, Dumating pa si Hudas sa aking harap, Nakatikim ng halik ng isang taong mapanibughuin, At laking galit pagkat siya ay isang taladkarin. "O aking minamahal sinta, Sensya na't dinaan sa makata, Gawain ng isang taong nalulumbay, Makakagawa pa ng akdang-buhay Kaya sa mahabang panahon hindi magpaparamdam, Para makuha ng Hudas ang kanyang inaasam, Kahit ang puso ko'y nasisira't lumiliit, Ako'y maghihintay kahit masakit.
0
Apr 3, 2020
Apr 3, 2020 at 10:20 AM UTC
O Aking Minamahal Sinta
lumabas, sa aking mahinahon tahimik at ligtas na silid lumabas, para mabuhay nang nasa awa ng mabagsik at mapanganib nilang pagdidikta lumabas, para bigyan ng kahulugan ang bawat galaw, bawat hawak ng kamay, bawat sulyap na kung hindi sang-ayon sa pagagos ng kanilang sari-sariling buhay. isa akong Hudas, humalik sa pisngi ng taong iniligtas ang mga makasalanang katulad ko lumabas, para mabuhay lamang na katulad niyo maligaya, ligtas, mapayapa sa piling niya. sa piling na kasing dalisay ng ginto. kasing dalisay ng puso niyo. kasing dalisay ng pagmamahal sa mga katulad niyo. pilit na sinasarado ang mga mata upang mabigyan hinahon ang isip na sa inyong salita't galaw ako'y nakarehas, inaalipin, pinapanganib sa aking paglabas, ako'y tumalikod, sinarado ang pinto upang lumigaya nang tahimik habang ligtas magpakailanman, sa aking pag-iisa.
0
Dec 25, 2017
Dec 25, 2017 at 9:59 AM UTC
sa aking pag-iisa
Umaalingawngaw pa rin ang mga putok tila tatlong tilaok ng tandang sa madilim na sulok Ilang supot ng pilak kaya ang kapalit May pagbati pa ang mga Hudas, tila pataksil na halik. Magdamag na at maghapong pumapatak ang mga butil ng dalamhati mula sa mga ulap kasabay ng daloy ng aming walang katapusang pag-usal ng “Bakit?          Bakit?                  Bakit?          Bakit?          Bakit?” at impit na buhos ng mga luha mula sa mga dinurog na puso. Kahit si Mariang Makiling ay nakatalukbong ng malungkot, makapal na ulap – mistulang tinabunan ang mga pangarap wala ni pipíng kasagutang maapuhap. Wala, wala, wala . . . Wala akong mahagilap na sagot Tumitibay lamang ang aming paniwala ang bayan ay patuloy ang pagkapariwara ang daluyong ay nasa laot, lumulubog ang bangka Katarungan ay mailap Hinipan man ang kandila Naroon pa rin ang iyong liwanag Madilim man ngayong gabi Gagabay ka sa aming paglalayag Kami na rin ang lumikha ng sagot At iisa lang ang aming alam Pagmamahal mo sa ating bayan kailan man ay hindi malilimutan Lagi at lagi kang pasasalamatan At ang lahat ng iyong marami at magagandang sinimulan Ipagpapatuloy para sa kinabukasan.
0
Dec 4, 2020
Dec 4, 2020 at 8:56 PM UTC
Luksa ang Bayan
Busalan mo pa! Nang manahimik    ang mga sumisigaw-- Pilit inaalingawngaw   ang nag-uumapaw   nilang mga hinanakit Matagal nang umalis ang Diyos     dahil sa mga panatikong Sinasamba ang kanilang Poong   iniidolo rin ang isa pang   anak ni Satanas Kasama ang kanyang    mga apostol Hudas sa taumbayan Busalan mo pa--- Ang iyak ng sanggol,    nanghihingi ng pagkain Ang ungol ng babaeng    pinuputa sa tabi-tabi Ang hikbi ng magsasakang    mamamatay na lang    hindi pa sa sarili    niyang lupa Ang tangis ng manggagawang    tinapon matapos Malaos Na parang Makina lang sa pabrika Sige patahimikin mo! Tutal katutahan At kaputahan At kaputanginahan    ang doktrinang    isinisiwalat mo Na parang hindi mulat    at wala sa ulirat    ang mga panatikong Sumusunod Sa bawat buklat   ng bibliya Lalong pumupula ang paligid; Kitakita na lang sa bilibid    kung umabot pa    ang bangkay    ng nag-ingay Sige langoy! Hindi man sa dagat ng basura; Pero sa dagat    ng dugong dumanak    ng mga pinaslang    ng bibliyang    ginamit mo    para umaalipusta Sa nanghihingi ng kalinga; Sisid sa kailaliman   nang malaman mo Ang kadiliman   ng kaibuturan   ng bituka **** halang Sige gamitin mo    ang bibliya-- Ipangalandakang sugo ka! Panginoong namimigay    ng lupa Panginoong may-lupa    namimigay Hindi sa hindi makatayo    hindi makaupo    maghapong nakayuko Kundi sa pulang watawat    na may limang dilaw na bituin    marikit na kumikinang Habang unti unti nitong    nilalamon ang bawat isla    bawat industriya Idagdag sa kanilang makina    na may nabubulok na sistema Hanggang sa wala nang matira; Hanggang sa ang perlas Ng silanganan Ay tuluyan nang Malaspag Na parang isang puta
0
Jul 4, 2020
Jul 4, 2020 at 6:12 AM UTC
Diyan ka Magaling

85
Ang bawat tao may kai-kaibigan, Palaging magkasama at nagtutulungan, Handang makinig sa bawat problema, Hanggang sa ikulong nila tayo sa selda. Sa isang grupo o magkakaibigan, May isang maiiba at galing sa kadiliman, Kagaya ni Hudas na tuluyang nadulas, Hinalik si Kristo para kay Caiaphas. Kung sino pa ang iyong malapit na kaibigan, Sa huli, hindi ka rin niya matutulungan, Siya pa ang tutulak sayo sa bangin, At hahayaan nalang idakip ng hangin. Sa huli, laking galit mararamdaman, Pagkat ika'y kanyang sinaktan, Unti-unting may balak makawasak, Hanggang sa mukha ng ahas masapak.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 2:36 PM UTC
Taksil