Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Argumentum Jul 2015
Paglisan

Pinangangambahan kong lubos na malaman
kung meron nga bang pangalawang buhay,
saan kaya ako tutungo?
gagala kaya ang aking diwa
o baka makukulong ito sa naaagnas at walang
buhay kong katawan habang buhay.
ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang
alikabok na hinipan sa mesa?
, o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa.

Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?,
kung may dumalo man,ano ang pakay nila?,
narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?,
o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan?
Narito kaya sila upang lumasap ng kape at
tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa?
o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?,
Natatakot akong malaman.

Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito,
hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal
kundi ang pagsisisi na aking dadalhin
sa bigong pag-usal at pagpaparamdam
kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na
sapagkat ang pinakamasakit na paglisan
ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at
hindi naipaliwanag.
love life sad pain thoughts depression you hope hurt heartbreak
Donward Bughaw Apr 2019
Umalingawngaw
ang huni ng mga ibon
sa bukang liwayway.
Ilang minuto rin akong naghintay
hanggang sa kumulo na
ang tubig;
at nagsalin ako
sa baso,
nilagyan ng kape't asukal
saka maingat na kinutaw
gamit ang malamig na kutsara
saka hinipan ang pinakaunang nasandok
at nang aking malasahan
ay unti-unting nagbalik
sa akin ang nakaraan
kasama si amang nabubuhay pa't
tanaw kong umiinom
ng kape...
sa lilingkuran.
Masarap ang kape. Minsan naranasan kong magkape ng mag-isa at wala akong ibang maisip kundi ang aking pamilya na nasa bahay lang. Malayo sa akin. Nag-aaral kasi ako no'n
solEmn oaSis Nov 2020
Nakabibingi ang tunog ng katahimikan
Katahimikang pumapaimbulog sa karimlan
BinaLi ang sungay... buntot ay nabahag....
NakasisiLaw na tila maLiyab na sunog etong Liwanag
Liwanag na magbibigay linaw sa iniwang bakas ng alingawngaw
Puwing na hinipan... Hagip pati ang tahip na tinalupan !


©Pag-ibig, Pag-asa at Pananampalataya
if we truly can see what was good in the bad,
we surely could learned our lesson behind and beyond  !
Angel Mar 2018
Sa bawat patak ng luha
May bahid ng lungkot at saya
Lungkot dahil tayo ay wala na
Saya dahil alam kong masaya ka na

Siguro ay makikita pa rin kita
Sa aking panaginip at alaala
Lahat ng lungkot at saya
Ay nakatanim sa aking puso at isipan

Ang apoy sa kandila ay aking hinipan
Kasabay nito ang ating mga alaala
Na balang araw ay lilisan
Kasabay kong ibabaon sa lupa
Ang sakit na nadarama
Na hindi na mawawala

Hindi pa rin matanggap iyong pagalis
Nanglalamig ang aking pawis
Ang mukha ko'y hindi maipinta
Dahil sa ala-alang iniwan mo sinta
Jun Lit Dec 2020
Umaalingawngaw pa rin ang mga putok
tila tatlong tilaok ng tandang sa madilim na sulok
Ilang supot ng pilak kaya ang kapalit
May pagbati pa ang mga Hudas, tila pataksil na halik.

Magdamag na at maghapong pumapatak
ang mga butil ng dalamhati mula sa mga ulap
kasabay ng daloy ng aming
walang katapusang pag-usal
ng “Bakit?          Bakit?
                 Bakit?          Bakit?          Bakit?”
at impit na buhos ng mga luha
mula sa mga dinurog na puso.

Kahit si Mariang Makiling ay nakatalukbong
ng malungkot, makapal na ulap –
mistulang tinabunan ang mga pangarap
wala ni pipíng kasagutang maapuhap.

Wala, wala, wala . . .
Wala akong mahagilap na sagot
Tumitibay lamang ang aming paniwala
ang bayan ay patuloy ang pagkapariwara
ang daluyong ay nasa laot, lumulubog ang bangka

Katarungan ay mailap
Hinipan man ang kandila
Naroon pa rin ang iyong liwanag
Madilim man ngayong gabi
Gagabay ka sa aming paglalayag

Kami na rin ang lumikha ng sagot
At iisa lang ang aming alam
Pagmamahal mo sa ating bayan
kailan man ay hindi malilimutan
Lagi at lagi kang pasasalamatan
At ang lahat ng iyong marami
at magagandang sinimulan
Ipagpapatuloy para sa kinabukasan.
The town grieves. - dedicated to the memory of Mayor Caesar P. Perez, fatally shot on the night of 03 December 2020

— The End —