Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jose Remillan Sep 2013
Kulang ang haba ng magdamag at lalim ng
Himbing upang lubos nating maunawaan ang
Imortal na sandaling ito. Dahil alam natin na
Wala tayong anumang panlaban sa lumbay
At pangungulila, nagkakasya na lamang tayo sa
Isang pangako at pag-ako ng damdamin.

Tahan na mahal ko...
Umasa kang saan mang lupalop tayo tangayin ng
Buhay at paghihintay, ng siklo at pagpapasya,
Ako'y mananatiling nakapako sa hiwaga ng iyong
Langit na pagsinta. Kapos man ang sandaling
Ito upang maging sandalan natin sa saglit
Na paglayo, alalahanin **** hindi lahat
Ay humahantong sa wakas dahil
Likas sa atin ang manalig sa pagsintang wagas.
Quezon City, Philippines
September 12, 2013
Sy Lilang Jun 2014
Sinukat ko ang bawat metro't pinagtagpi-tagpi
Sa nakalatay na papel na siyang may lamat
Na minsan kong pagkakamali.

May ilang letrang naging tuntungan
At ang alagang walang buhay --
Ang koneksyon ay tungo sa bukal ng liwanag;
Moderno na kasi kaya't kailangang makisabay
Noong manwal pa lamang, mapagsa-hanggang ngayon..
Teknolohiya'y senyales na ng transisyon.

Matagal nang napaso ang pagal kong mga daliri
Sigaw nila'y tulog sa walang himbing na mga sandali
At sa kursong tinapos, ngayon pa lamang ang simula
Nagising ang pangarap na siyang binigla.

Ang oras daw ay ginto
At minsa'y kailangang habulin ang mga numero
Ngunit sa bente-kwatrong tangan-tangan
Tila hindi sapat.

Muli kong binilang ang nalalabing araw
Tanging ang pangpito ang siyang pahinga
Ganito pala ang katotohanan, wika ko.

Salamat sa huling araw
Na iluluwal muli ang gintong araw
Itataas kong muli ang kapagalan
At ako'y bubuhusan ng lakas at determinasyon.

Sabi Niya nga sa akin,
Wag daw akong mapapagod
Pagkat hindi matatapos ang araw,
May panibago na namang hamon.

Salamat sa Maykapal
Salamat sa saglit na pahinga
At sa tubig mula sa bukal;
At minsan ako'y tinawag Niya
Ako'y tumango sa layon, may armas ng pagkaligtas
Ang pananampalata'y patuloy din.

Bitbit ko ang puso Niya
Na lagi Niyang bahagi sa akin
Sa banal na kasulatan na bumukas ng pag-iisip
At nang ang buhay ay mapahalagahan ko.

Kung ang direksyon na ito'y balakid sa layon Niya
Mabuti pa't maglaho na lamang
Ang bawat oportunidad, kahit ito'y ikatutuwa ko
Tanging ang nota ko'y Siya lamang
Wala nang iba pa, at kung nasaan man Siya,
Doon ako'y tutungo; doon din ang paghimbing.

Salamat Ama, salamat Hesus at sa Banal na Espirito - purihin Ka!

(6/28/14 @xirlleelang)
Kurt De Castro Oct 2016
gaya ng pagtagas ng bawat sinag ng araw
sa pagitan ng mga siwang ng ulap tuwing bukang liwayway
ay gayon din ang pagsilip ng mga mata mo tuwing umiiyak ka
kapag nasasaktan o may nararamdaman ka

tuwing nanlulumbay ka
tuwing pilit **** ikinukubli ang iyong mga luha
sa likod ng bawat hibla ng buhok **** namumuklod sa ating dalawa
at sa lahat ng makadamdaming bagay sa mundong ito

at tuwing umiiyak ka ay sinasabi nila na ikaw raw ang aking krus na pasan,
ang aking penitensya, ang aking sariling kalbaryo,
habambuhay na nakasunod sa aking gaya ng isang anino

ngunit itinataboy ko ang lahat ng iyan dahil tuwing luhaan ka
ay agarang nahuhulog ang loob mo sa akin
at mahigpit mo akong yayakapin

agarang kakapit ang kamay mo sa kamay ko at tatahan ang ating mga daliri sa mga puwang ng isa't isa
agaran **** inuunan ang iyong mukha sa aking dibdib
at agarang nabababad ang kamisang suot ko dahil sa bawat patak ng pighating pinakawalan mo


at gaya ng palagi ay tatanungin ka:

“Anong problema?”

at gaya ng palagi, ay sasagot ka:

“Hindi ko alam.”

pero sa kabila ng lahat, sa kabila ng walang katiyakan,
sa kabila ng takot kong tawirin ang tulay na ito:

ang tulay na patungo sa iyo
ang parehong tulay na sabi nila ay sa kahit anong segundo
ay bibigay at guguho at tuluyan na akong mapapalayo sa iyo

sa kabila ng lahat ay naaalala ko ang gabing isinigaw ko sa kalangitan
noong bagong taon habang nagtatagisan at naghahabulan ang mga samu’t saring kulay sa ere ang pangako kong habambuhay kitang aalagaan
na kailanman ay hindi ko isisilid ang aking mga nararamdaman
sa loob ng isang garapon, gaano man kasakit
at itatago ang mga ito sa pinakaliblib na sulok ng aking isipan

dahil sa mga ganitong saglit kita pinakamahal,

sa mga ganitong pagkakataon ko natutunang mas mag mahal

tuwing hinayayaan **** makita ko ang pagkabitak-bitak mo
nang buong-buo

tuwing binubuksan mo ang iyong pagkatao at ipinapakita ang bawat sulok ng kaluluwa **** kahit minsan ay hindi nahanginan o nasikatan ng araw

tuwing pinipili **** tumahan

tuwing pinipili **** manumbalik at manatili sa init ng aking yakap

tuwing hinayaan **** manatili ang kamay mo sa kamay ko na tila hinulma para sa isa’t isa

at tuwing pinipili **** ilantad ang bawat bahagi ng iyong pisnging
tinahak, nilibot, at nilakbay ng mga patak ng luhang nagmula
sa nananalaming **** mga mata,


minahal kita, mahal kita, at mamahalin pa rin kita



at ang bawat gabi ay lilipas nang ganito:

habang sinusubukan **** pigilan ang pag-apaw ng iyong mga luha,
ay isasandal mo ang buong pagkatao mo sa unang ito,

mananatili kang nakakapit sa akin gaya ng pagkabalot nitong kumot sa kaninang nanlalamig nating mga katawan

at upang panandalian **** makalimutan,
ay isa-isa **** isasanla ang iyong mga pangangamba
sa pagitan ng bawat kuyumos at kulubot ng sapin ng kama
at tahimik kang makakatulog sa himbing ng aking piling
dahan-dahan kang kakalma at maluwag na makahihinga

ang damdamin mo’y mahinay na hihimlay
habang tahimik kong hinihintay
ang muling paggapang ng araw paakyat ng aking bintana

ang damdamin mo’y mahinay na hihimlay
habang tahimik kong hinihintay
*ang muling pagbukas ng liwayway
cherry blossom Nov 2018
Bakit balewala na sa akin ang pagkalunod?
Bakit sa tuwing nahihila pababa ng angkla'y nagpipigil na lang ng hininga?
Bakit tuwing nahuhulog ay hindi na sumusubok lumaban
At sa tuwing may kamay na kukuha pabalik ay pilit iniiwasan


Isang araw ay nagising
Nang 'di namamalayan ang mga luhang umaagos sa mga mata
Ganito pala sumagot ang sariling katawan
Na paulit ulit nagsasabing hindi na sapat ang paglimot
At di na rin sapat ang pagsisinungaling at pagpapaniwala sa sarili
Na ayos ka na
Dahil hindi pa naman talaga
At akala mo lang noon na handa ka nang bumagon ulit at magsimula

Kaya bumalik na sa himbing ng pagtulog hanggang sa makalimot muli
11/3/18
Sy Lilang Mar 2016
Naglalaro tayo,
Pero hindi parang biro.
Mayroong taya,
Pero hindi alam kung sino.
At walang tayo,
Pero sana’y parehas na manalo.

Sisilip ang pusong walang pagkukunwari.
At sa tikas at dunong ng iyong pananampalataya,
Pawang gabay sa nauuhaw na sandali.
Ang baryang sentimo’y itinabi nang kusa,
Pagkat umuusbong ang pagsinta
Sa para sanang taglagas na paghinga.

Nais kong siyasatin ang maamo **** mukha
At ang pagkukumbaba’y batid kong patas at di ulila.
Iyong mga kamay, yapos silang mga uhaw
At ang tula’y binalot ng pakikipaghimagsikan.

Dukha ang pag-ibig ko,
Bagkus hindi mamamalimos.
At sa mala-larong pag-iibigan,
Magwawagi rin tayo.

Sapat na ang nalalabing mga sandali’t
Armas nati’y ibibigkis pa rin sa Langit.
Pagkat hindi lilisanin ang Harding may bukal ng pag-ibig.

Tataya ako’t hindi ka muna gigisingin
Sa himbing ng paghikbi’y, ako’y gapos ng katotohanan.
Sinta, hintay lamang; pagkat matatapos din ang laro
Gigising tayong muli’t bibihisan ng pagsuyo.
Kurt De Castro Feb 2016
gaya ng pagtagas ng bawat sinag ng araw
sa pagitan ng mga ulap tuwing bukang liwayway
ay gayon din ang pag-silip ng mga mata mo
tuwing umiiyak ka, tuwing pilit **** ikinukubli ang mga luha,
sa likod ng bawat hibla ng naka-kurtina **** buhok

at tuwing lumuluha ka ay agad kang napapayakap sa akin,
agaran **** inuunan ang mukha mo sa aking dibdib
at agarang nabababad ang suot kong t-shirt
sa bawat patak ng mga luha **** mabibigat

at gaya ng palagi, ay tatanungin ka:
“Anong problema?”
at gaya ng palagi, ay sasagot ka:
“Hindi ko alam.”

pero sa kabila ng lahat, sa mga ganitong saglit kita pinakamahal
tuwing hinayayaan **** makita ko
ang pagkabitak-bitak mo nang buong-buo
tuwing pinipili **** tumahan, manumbalik,
at manatili sa init ng aking yakap,
tuwing inilalantad mo ang bawat bahagi ng iyong pisnging
tinahak ng mga patak ng luha nagmula sa nananalaming **** mga mata

at ang bawat gabi ay lilipas nang ganito:
habang sinusubukan **** pigilan ang pag-apaw ng iyong mga luha,
ay tahimik kang makakatulog sa himbing ng aking piling
at ang iyong damdamin ay tahimik na hihimlay
*habang tahimik kong hinihintay ang muling pagbukas ng liwayway
Randell Quitain Jul 2018
ikaw ang matayog na ulap,
dulo ng lingas ay nahanap,
tagapagpatahimik nitong kulog,
bagyo'y naging ambon sa aking pagtulog.
Di ko alam paano magsimula,
Di ko rin kasi alam kung paano "ito" nagsimula.
Kung paano mo ginising
ang puso kong himbing na himbing.
Kung paano mo ginawang makulay
ang boring kong buhay.

Saglit lang ang panahon na tayo'y nagkakilala
Pero sa panahon na yon pinaramdam mo sakin pa'no maging masaya,
Pinaramdam mo sakin kung pa'no tumawa
sa likod ng mga problema.
Binigyan mo ng kahulugan
ang buhay kong walang pakinabang.
Binigyan mo ako ng rason
para gumising at bumangon
sa umaga, at inaasam kong marinig
ang matamis **** tinig,
masilayan ang mga ngiting **** daig pa ang araw
sa pagbigay ng liwanag na sa akin at pumukaw.

Di ko na alam paano paano to tapusin,
Basta't ang alam koy ayaw ko muna to'ng tapusin.
Jose Remillan Dec 2015
Kahapon, hinintay kong
Lumatag ang liwanag sa
Parang. Parang kahapon
Lang, ganitong oras din

Hinintay natin ang huling
Patak ng hamog ng Disyembre.
Habang ang marami ay abala
Sa kusina ng Pasko, tayo ay

Nasa Pebrero kasama si
Balintino. Tunay ngang iba ang
Kalendaryo ng ating mundo.
Ngunit ang himbing ay hikbi,

Kagaya

Kahapon, hinintay ko ang
Paglatag ng dilim sa parang.
Parang antok na hindi dumating
Dahil walang dahilan ang bukas

Na darating.
December 13, 2015
Pasacao, CamSur, Philippines
Ksh May 5
Kay sarap sigurong matulog ng mahimbing,
Na para bang naiiwan ang mga problema
Sa simpleng pagpikit lamang ng mga mata;
Na paunti-unting naiibsan ang sakit at hapdi
sa bawat hinga, sa bawat saglit;
Na dahan-dahang nawawala ang mga
lamig-lamig ng katawan, mga kalamnan
na ang alam lang ay pagod at paninigas.

Kung ako ma'y tuluyan nang matulog,
Pakiusap -- wag mo na akong gisingin;
Pagka't ako'y masaya na sa kawalan --
ng kahirapan, ng pagdurusa sa mundo.
Pwede ba, na sa bawat pag-gising
At bawat pagtibok ng puso habang pumapasok
Ang sinag ng araw sa aking bintana
Ay makakalimutan ka na?

Dala na ang kamao **** tila nakabalot
Sa aking pinunong dibdib
Na niyurakan at kumikirot dahil sa iyong
Mahigpit na hawak sa akin, pwede ba?

Sana nama'y makaligtaan na ang tono, huni, at nilalahad
Ng mga kantang noo'y sinasabayan pa ng ating
Mga tawa, padyak, hiyaw, galaw
Balang araw, sana nga.

Maaari bang itapon na ang papel na naglalaman
Ng mga nais ko sanang ipahayag sayo noon
Kasabay na ang mga kasinungalingang binulyaw mo sa akin gamit ang mga letrang padala mo
Ako'y pagod na.

Pagod nang magparamdam, makiramdam
Makaramdam ng purong pagdamdam
Na alam kong kailan ma'y hindi mo na mararamdaman
Tama na.

Kung maaaring mawalay na
Sa pagkapit sa mga matatamis na salitang
Ibinulong mo sa akin habang inaambunan tayo
Ng sinag ng buwan sa gabing kay liwanag.

Sana'y matuyo na ang mga nasayang na luha
Noong sinabi ko sayo na ika'y aking minamahal
Na kung saan binalik mo sa akin nang mas malutong, mas mabulaklak
Pero putangina, puro lang pala dada at walang kahulugan!

At noong dinagdagan mo pa ng mga pangakong
Pagmamahalan at pagsusuyuan sa ating unang pagkikita
Ay halos sumalangit ako sa tuwa at galak
Pero sa init at pait ng impyerno mo pala ako binagsak.

Gusto sana kitang tanungin
Kung naaalala mo pa ba lahat ng ating mga talumpati
Kung papaano natin nahanap ang ginhawa at katiwasayan
Sa mata ng isa't isa, oh aking minimithi.

Sinubukan kong uminom ng kung anu-anong likor
Na sa sobrang dami ay halos napuntahan ko na siguro
Lahat ng barikan na aking nalalaman
Para lang maialis ka sa isipang ikaw lang ang nilalaman.

Subalit, imbes na ika'y maglaho sa kuro
Ay mas naalala ka sa mga malulungkot na gabing
Nangangamoy alak at naglalasang halik mo
Tulad noong unang gabing hinagkan mo ang nag-iinit kong noo.

Ngayon, ika'y masaya na at kuntento
Sa piling ng taong sinabi mo sa akin na huwag alalahanin
Hindi mo lang alam kung paano ko pinilit ang aking sarili
Na tanggapin lahat ng iyong isinaksak at binaril sa puso kong siil

Tila tintang nakamansta sa puting palamuti
Na di maalis-alis kahit gaano ko man kuskusin
Ang memoryang nakalaan para sayo sa aking isipan at damdamin
Kay hirap nang hubarin at tanggalin

Siguro ako'y itinuring lamang na isang kagamitang
Pwedeng itapon matapos pagdiskitahan ng mapaglarong tadhana
Na noo'y pinaniwalaan at naging pamanhik ko
Sa sandaling itinahi na ang pangalan mo sa nagdurugo kong puso

Pero, sa huli, kinailangang limutin
At iparaya ang damdaming nakakulong parin
Hanggang ngayon sa yakap ng iyong bisig
At himbing ng mga talang tila patalim sa gitna ng dilim

Sana'y natuto na ang sariling pag-iisip
Na hinding-hindi magpalinlang sa mga matatamis na awit
Na pinuputak ng bibig na ang may ari ay
Walang espasyo sa kanyang isip at puso para sa akin.

Aking nawalay na sinta
Maaari bang ika'y pakawalan na?
Para sa atin—o baka sa aking kalayaan at kasiyahan nalang
Pwede ba, kakalimutan na kita?
Day 1 of #NaPoWriMo2020. As of now, I'm not yet following the prompts. But here's an entry nonetheless.
Justine Jade Jul 12
Aking binibini
Nagaantay na ang probinsya sa iyong yakap at halili
Pukawin mo ang himbing lupang sabik
sa iyong pagkalinga at serbisyong mapitik

Ngunit kung ikaw man ay hirap na
Nandito lang ako
Ang iyong magiging kwarto
Pupunasan ang stress at anxiety mo

Matulog kana ng mahimbing
Pagkat bukas sa liwayway ay syang pagsibol ng hangin
Unahin mo muna ang iyong nasasakupan
Bukas makalawa ay ako naman.
this was a personal dedication for me and I decided to upload it here because it matters
Kar Jan 24
Mahal, oras na para ika’y matulog
nang mahimbing
Kasing himbing ng iyong malalim
na pagtulog ang pagpikit
ng iyong  damdaming
Sabay nating ibubulong sa hangin

— The End —