Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"halamang" poems
Mayroong isang awiting nais kong marinig Isang mapagpala at malamyos na tinig Mayroong isang pangarap na nais kong matupad Dito sa puso ko'y isa lang  ang aking hangad Mayroong isang halamang nais kong mahagkan Nag-iisang bulaklak na may angking kariktan Mayroong isang pangakong iaalay ko sa iyo Sa buhay kong ito'y tanging ikaw aking mundo Koro: Paglisan ko'y walang iiwanang luha Paglisan ko'y hindi wakas kundi isang simula Iiwanan kong bakas ay kahapong walang sigla Haharapin ko ang ngayon at ang bukas na masaya Paglisan ko'y hindi wakas, paglisan ko'y pagdating Sa isang buhay na may pangakong lakas, Pag-asa at pag-ibig na wagas Paglisan sa kahapon Pagdating sa 'king magiging bukas Mayroong isang damdaming sinikap itago Pagtahak sa isang landas na di nais mabago Pagyakap sa liwanag, paghalik sa pag-asa Maaari nang ipagsigawan, maari nang magsaya >Koro<
0
Oct 22, 2015
Oct 22, 2015 at 12:32 AM UTC
Paglisan ay Pagdating
Hindi matigas lahat ng bato Hindi lalago ang halamang nakatago Pero kung bubunutin din naman Anong silbi ng pagkakakilanlan? Itaas ang kamay kung ginawa mo ito: Ituro sa kapatid na bakla ang tito mo, Kung gayon, ito ay duwag at gago, Tingnan bilang presong kulong sa kandado At kung sapatos ni kuya, suot ng ate mo, Walang alam ni isa, pero sa ina sinabi mo Nasaksihan ang paglisan ng nagturong pumorma Narinig ang galit ng ama, sigaw ay "imoral ka!" Putang ina, lahat iyon ay narinig mo Hindi na kaya ng sentido mo Mali ito, mali ito ang pilit ng lipunan sayo Iwaksi mo, iwaksi mo, at tatanggapin ka nito Sa oras na lumabas ka, wala ka nang pangalan At araw-araw sa buhay mo, tila umuulan Ng husga, ng ismid, ng dura sa sahig Tawag sainyo ng kasintahan ay bawal na pag-ibig Tomboy, bakla, bayot, tibo Araw na binigyan ka ng ngalan tila naglaho Binato ng panghahamak na gusto mo nang lumisan Kaysa tanggapin ang galit na pinagmulan ay di alam 'Mahalin mo ang 'yong kapwa' Banggit at turo ng May Likha Pero bakit may galit ata Nagpahayag nito't nagsalita? Hindi ba itinuturing na kapwa sila? Na kasama **** lumaki, magdalaga? Kalaro ng chinese garter baga, Kahit alam **** lalaki naman talaga siya Ang saya na dulot niya di mo naalala Nang minsan sa kanto'y sutsutan siya Sapatos lang daw at k'onting barya Tiningnan ka niya, ikaw ay tumawa Saan ba ang lugar sa mundo para sa kanya? Mahirap bang sabihin, katagang, 'tanggap kita?' Tingin mo ba'y karamdaman kanyang nadarama? Oh bakit nakangiti ka? Nahawa ka ba? Kaya ba't ka umiiwas nang nalaman mo na? Bilang kaibigan, oo nabigla ka nga Pero 'wag mo naman sanang isiping Naisip niya minsang ika'y makasiping Alisin na natin ang malawakang pag-iisip Na pandirihan ang kakaiba, pero subukan **** sumilip, Lalawak ang saradong takip Sana isang araw ang hangin, magbago ang ihip Maging magkasama, pantay-pantay sa ibabaw ng isang ulap Nawa'y mga anak nati'y maranasan, ekwalidad sa hinaharap Matapos na ang inis at galit Pagmamahal ang pumalit
0
Jun 28, 2016
Jun 28, 2016 at 5:57 AM UTC
Isipin mo

Continue reading...
52
#120615 Ba't naantig ang puso? **Sa ngiti **** walang pasubali.** Ba't pagsilip ang tugon? Bagamat palpak itong pag-ibig, Maling panimpla ng pag-ibig! *Sana'y maplantsa ko ang nakakunot **** noo,* Sana'y masalo ko ang ngiting sa iba ang tapon, *Sana'y mahawakan ko ang puso **** moog,* Sana, sana, bagkus ito'y nakatikom. Minsan, sana'y hindi nalang nagtapo, Minsan, sana'y hindi nalang nagpaubaya, Minsan, sana'y kinitil ang tibok. Ako'y haliging hinampas mo ng maso, Konkretong biniak-biak, Ilaw na pinatay-sindi't naging pundido. Ako'y halamang binunot, Telang pinunit at sinunog, **Papel na ginupit-gupit -- ** Ang saya'y naging sanay Hanggang maging sayang.
0
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 7:33 AM UTC
Sayang Sinanay at Sinayang
Sa ngalang makahiya ay nawawari Palaging nag-iisa at nangingimi Daho'y tumitikom kapag nasasagi Kahiman sa patak ng ulan sa gabi ay tila may alerhiya't pangangati Di nababatid kung mayro'ng ipagsabi Dalawin ng hangi'y siya rin magtimpi Sinanay na pumipinid ang sarili Kaya lubhang masukal maiintindi Nakikitang walang pahayag 't lunggati Sa banayad na sanggi'y humahapdi Ang buong tangkay ay parang nababali Sinadya na labis ang sanggalang dagli Sapagkat takot na mahipo parati At sa kinabukasa'y bubuka muli Matampuhing halamang namamalagi Sa diwa'y natigalgal nang kumukubli Anong alamat 't pinanggalingang uri Bakit ang iba ay ayaw kumandili Sa lalang ng D'yos nasasaktan sa anggi Lapain man ng pantas ang mga bahagi Ay di matalos kung bakit tumutupi Ang kaganapan ng agham 'y lumalapi Sa pagkagulumihanan ng pagsuri Guwang sa bahay ng dunong nanatili Yaon taglay na mga tinik ay mumunti Madalas nagagambala't inaapi Ng mapangahas na palad at daliri Dahil sa tingi'y manunusok ang gawi Tinuring kapintasa'y ikinamuhi Kung hahawaka'y nangungulubot dali Umuurong ang awra kahit tanghali Duwag sa damdamin - puro atubili Nagbabantulot ang kilos at ugali Balasik na katangia'y itinanggi
0
Jan 31, 2020
Jan 31, 2020 at 6:24 PM UTC
Makahiyang pag-ibig
Isang gabing makasalanan Ang ating pinagsaluhan At ang ating mga katawan Ay nagmistulang isang palaruan Akala mo tayong dalawa'y nasa isang inuman At ang iyong katawan ang aking pulutan Sa ilalim ng mga bituin at buwan Tayo'y parang naging magkasintahan At ang mga maiinit nating haplos ay nagbibigay sa'tin ng kaligayahan Habang ang mga pawisan nating katawan Ay ating ginamit upang ang init na ating nararamdaman ay maibsan Ang uhaw sa romansa na aking nararanasan iyong pinunan Mistula tayong halamang tuyo sapagkat kulang sa dilig Alam kong walang tayo at sa atin ay wala ang salitang "pag-ibig" Pero sa sarap na ating nararanasan ay tila walang makakadaig Alam kong hindi lang tayo ang tao sa daigdig Kung kaya ang iyong bawat ungol at halinghing Ay tila isang musika na may magandang himig At ngayon na malapit nang magtapos itong ating gabi Kasabay rin nito ang isang pahiwatig na hindi ko na mahahalikan ang iyong labi Hindi ko na rin mapapadaan ang aking kamay sa iyong makinis at maputing binti Sapagkat ito'y isang paghuhudyat na ika'y malapit nang umalis sa aking tabi At tila isa na rin itong pamamaalam sapagkat tayong dalawa’y hindi na magkikita pang muli
0
Apr 24, 2018
Apr 24, 2018 at 9:42 AM UTC
"Init at Ligaya"
Ikaw ang awit ng puso Sa piling mo ay paraiso Binubulong ng hangin Pangalan **** kay lambing Ikaw ay paro-paro. Mailap at mapaglaro Langit kapag ikaw ay pinagmamasdan Mga mata ay ayaw kang pakawalan, Ikaw ay paro-paro. Halina sa aking hardin At ating libutin Mga halamang hitik sayo ng pagtingin Na katulad ng aking damdamin. Dumapo ka sana upang ikaw ay malapitan Iingatan ka at hinding hindi sasaktan Sa piling ng mga bulaklak, huwag kang mag-alinlangan. Huwag kang matakot Sapagka't pag-ibig ko sayo ay bumabalot.
0
Dec 9, 2024
Dec 9, 2024 at 1:25 AM UTC
Paro-Paro
Ipikit ang iyong mga mata Alalahanin ang tulo ng tila ginto **** mga luha. Pumikit at pakiramdaman ang simoy ng iyong halagang umaagos sa gripo't nagbibigay buhay at ganda sa mga halamang lubos nang napabayaan.
0
Jul 27, 2019
Jul 27, 2019 at 2:20 PM UTC
Untitled