Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"gumagalaw" poems
Pagkatapos ng takipsilim Bumabalot ang dilim Ilang oras maninimdim Ang gabi ay lalalim. Nag aantay sa iyong pag dating Naiinip, kung minsan pa'y napapailing Matagal na ring humihiling Katotohana'y gusto ka nang makapiling. Nakasilip na ang haring araw Hindi pa naman ako bumibitaw Habang sa mga pangako mo'y ako'y nakadungaw 'Andito pa rin ako, hindi gumagalaw. Wari ko nga'y ako'y maghihintay Sa pagibig **** walang humpay Pusong ginawa nang alay Sa pagibig **** nakamamatay Narito pa rin ako, hindi makagalaw wari'y napako na sa pangako **** nakakasilaw.
0
Mar 3, 2019
Mar 3, 2019 at 8:10 AM UTC
takipmata
Natandaan ko yung sinabi ng kaibigan ko Noong nalaman niya yung isa kong kaibigan wala pang assignment Sabi niya, “May umaga pa.” Oo, tama siya. Kasi kalagitnaan pa lamang daw iyon ng linggo Dahil alas-nuebe pa lamang ng gabi At halos 8 kilometro ang layo namin sa mga bahay namin At kaya pa naming magising ng alas-siyete ng umaga Tama nga siya Kasi iikot pa daw ang mundo at tayo’y makakakita pa ng pagsikat ng araw At maliliwanagan sa realidad ng buhay Buhay na hindi naman natin ninais ngunit inaayos Tama nga rin siya Dahil wala naman sinabing makulimlim nung mga araw na iyon O Ni-isang patak ng ulan ang bababa sa aspalto ng mga sirang kalsada At buong araw natin masisilayan ang sinag ni haring araw Tama nga siya Dahil may 3 pang araw pa bago matapos ang isang linggo Dahil nakikita na sa kalendaryo niya Oo, nakita niya lahat. Alam niya ang nangyayari sa paligid Bawat numero Bawat halaga Bawat detalye ng tinitirhan naming planeta Ngunit, magkaiba kami ng mundo Oo, Sabi nga niya May oras pa May bukas pa May umaga pa Pero paano na ako? Paano na ako? Ang aking orasan ay tila hindi na gumagalaw At ang mga numero nito’y kupas na? Paano na ang kalendaryo ko Na ang taon ay nasa taon pa rin ng aking kamatayan? Paano na ang pag-dating ng umagang inaasahan ko Kung ang ulan ay halos araw-araw na lamang At ang langit ay puno ng alapaap? Paano na ako? Isang taong pinili na lamang mabulag ng pessimismo At tuluyan nang hindi masilawan ng optimismo? Kaya ito ako ngayon Bumili ako ng bagong mga salamin Binilhan ko ng baterya ang aking orasan Bumili ako ng bagong kalendaryo Binuksan ko din ang aking bintana Nasilayan ko ang sinasabi niyang umaga Naramdaman ko ang init ang araw Gumagalaw na ang aking relo Nasa tamang taon na ang aking kalendaryo Oo, tama nga siya May umaga pa nga Pero paano mo makikita ang umaga Kung sa pagsikat ng araw ay ang mga mata mo’y nakapikit pa? Bumangon ka Maganda ang araw ngayon Huwag **** sasayangin Hanggang hapon lang iyon.
0
Jul 13, 2017
Jul 13, 2017 at 9:41 AM UTC
"may umaga pa"

Continue reading...
58
Kung kailan ako mapagbigay, doon ako madamot. Kung kailan ako malinis, doon ako nilulumot. Kung kailan ako gumagalaw, doon ako paralisado. Kung kailan ako malaya, doon ako limitado. Kung kailan ako makulay, doon ako monokromatiko. Kung kailan ako mapait, doon ako romantiko. Kung kailan ako masipag, doon ako tamad. Kung kailan ako magaling, doon ako nilalagnat. Kung kailan ako malinaw, doon ako malabo. Kung kailan ako matalino, doon ako bobo. Kung kailan ako umaalab, doon ako upos. Kung kailan ako puno, doon ako ubos. Kung kailan ako maayos, doon ako magulo. Kung kailan ako puro puso, doon ako puro ulo. Kung kailan ako mayaman, doon ako mahirap. Kung kailan ako nandyan, doon ako mailap. Kung kailan ako nagbabasa, doon ako nagsusulat. Kung kailan ako kalmado, doon ako nagugulat. Kung kailan ako sigurado, doon ako nagtataka. Kung kailan ako sumasagwan, doon ako bumabangka. Kung kailan ako nangangaso, doon ako nangingisda. Kung kailan ako umaatake, doon ako dumedepensa. Kung kailan ako hypothalamus, doon ako atay. Kung kailan ako buhay, doon ako patay. Kung kailan ako tao, doon ako hindi tao. Kung kailan ako ako, doon ako hindi ako.
0
Aug 7, 2014
Aug 7, 2014 at 12:49 AM UTC
Untitled
kaakit-akit ang katahimikan ng gabi habang tinitingnan kita, hindi gumagalaw ako'y nanginginig sa ibinalik **** titig yinakap mo ako sa liwanag mo pero kataka-takang hindi man lang kita nahawakan sana pwede kitang mahaplos kahit sandali lang mahulog ka sa aking mga braso pero nakakalungkot ang katotohanan ay hindi magpapalaya sa akin nandyan ka lang parang hari nakatanaw sa kanyang mga alipin parang pinta na nakasabit sa dingding para sa mata lamang sana balang araw mahulog ka para masalo kita oh, aking mahal na bituin ©IGMS
0
Aug 31, 2015
Aug 31, 2015 at 8:12 PM UTC
Ang Kwento ng Tala at Bato (1)
ilang beses ko nga ba sasabihin na hindi ko na kaya, oo tama ka sa narinig **** sinambit ko mismo, tama na, kasi ayoko na. tama na ang mga patay na oras na pilit **** kinukuha hindi namumuhay ni gumagalaw naroon lang, tulala't naninigas na. wala ng ibang iniisip kundi paano, paano hindi sa pagkakasyahin kundi paano uubusin ang lubos - na oras na kailangang punan. tama na kasi mahirap gumawa ng wala at magpanggap na meron kang pinagkakaabalahan at lokohin ang sarili **** bayad ang oras. Nilalason nito paunti-unti, ang bisyo ng lantay na katawan at tiwangwang na utak. kaya pakiusap, tama na.
0
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 5:52 AM UTC
Tigang sa Trabaho
(Untitled) Kung kailan ako mapagbigay, doon ako madamot. Kung kailan ako malinis, doon ako nilulumot. Kung kailan ako gumagalaw, doon ako paralisado. Kung kailan ako malaya, doon ako limitado. Kung kailan ako makulay, doon ako monokromatiko. Kung kailan ako mapait, doon ako romantiko. Kung kailan ako masipag, doon ako tamad. Kung kailan ako magaling, doon ako nilalagnat. Kung kailan ako malinaw, doon ako malabo. Kung kailan ako matalino, doon ako bobo. Kung kailan ako umaalab, doon ako upos. Kung kailan ako puno, doon ako ubos. Kung kailan ako maayos, doon ako magulo. Kung kailan ako puro puso, doon ako puro ulo. Kung kailan ako mayaman, doon ako mahirap. Kung kailan ako nandyan, doon ako mailap. Kung kailan ako nagbabasa, doon ako nagsusulat. Kung kailan ako kalmado, doon ako nagugulat. Kung kailan ako sigurado, doon ako nagtataka. Kung kailan ako sumasagwan, doon ako bumabangka. Kung kailan ako nangangaso, doon ako nangingisda. Kung kailan ako umaatake, doon ako dumedepensa. Kung kailan ako hypothalamus, doon ako atay. Kung kailan ako buhay, doon ako patay. Kung kailan ako tao, doon ako hindi tao. Kung kailan ako ako, doon ako hindi ako.
0
Mar 8, 2021
Mar 8, 2021 at 5:26 PM UTC
DOON AKO HINDI AKO
Sa mata’y mababasa ang ‘di nakikita Sa dila’y nakabitin ang mga salita Salitang ‘di gumagalaw ngunit gustong kumawala Salitang madaming sinasabi ngunit walang magawa Naintindihan, naiintindihan at maiintindihan pa kaya? Kung pagbabasa sa pagitan ng mga linya’y di magawa?
0
Oct 1, 2016
Oct 1, 2016 at 7:39 AM UTC
Sa Pagitan
Isang tahimik na panalangin. Habang ang mundo’y nagkakagulo. Hinahanap ang paraiso Sa lugar na puno ng mga armado. Maaari bang ako’y sagipin? Sa madilim na kwartong akin kinaroroonan. Tunog ng baril at wala humpay na pagsabog ang akin hele sa gabing malalim. Nasan si inay? Nasan si itay? Ang katawan nila ay kasing lamig ng yelo. Hindi na sila nagsasalita. Hindi na sila gumagalaw. Tulog na ba sila? Maaari bang ako’y sagipin? Sa bangungot na sa akin ay kumakain. Sana sa akin pagising isa maliwanag na kinabukasan Ang sumalubong sa akin.
0
Oct 8, 2017
Oct 8, 2017 at 12:04 PM UTC
Gyera
pula, dilaw, luntian at bughaw mga matang bulag sa isang dipang pangarap ninoman tuluy-tuloy walang hinto na hindi kumikilos habang gumagalaw. hagurin dahan-dahan ang makinis na pader gamit ang pinabilis na kagaspangan ng lipaking mga kamay. ihakbang ang maruruming paa sa lansangan sama-sama. ipalo ang maso, pahintuin ang makina isabay pa ang sigaw ng protesta dahil tatagpasin nilang magkaibigan ang mga masasama. dudurugin, duduraan.
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:07 AM UTC
Pasakalye
Alam mo ba kung bakit sa Gabi hindi Ka makatulog kaagad? Maliban sa Insomnia Naranasan mo din ba? Ako kasi madalas Ung .. Hihiga ka, babangon, iinom ng tubig at hihiga na naman ulit. Pag Higa mo mamaya makakaramdam ka na naiihi ka, pagkatapos ipipikit mo mata mo at didilat kana naman bubuksan ang cellphone para lang sumakit ang mata para makatulog. Pero kahit puyat na puyat ka na bigla ka na namang mapaisip at itatanong sa sarili. Okay Lang ba ako? Magiging masaya pa ba ako? May mali ba sa sarili ko? Nakapikit na nga mga mata mo pero dilat at gumagalaw parin ang utak mo. Bigla kanalang malulungkot. Bigla kanalang iiyak, bigla ka nalang manghihina. Kailan ka makakatulog? Makakatulog ka Lang pagkatapos **** umiyak dahil sa pagod ng utak at puso mo. Sa madaling salita.. Kapag matagal matulog ang Tao ibig sabihin malalim ang lungkot Niya. Kaya pag may kilala kang tao na puspusang nag oonline kahit gabi na o umiiyak gabi-gabi wag **** tawanan kasi hindi mo alam kong anong nararamdaman o pakiramdam nila. ( At kung naranasan mo ito ibig sabihin napakalungkot mo dn tao kagaya ko )
0
May 10, 2023
May 10, 2023 at 12:16 PM UTC
Untitled