Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kurtlopez Mar 2021
Sa bawat ligaya natatamo kaakibat nito ang kalungkutan
Sa bawat halakhak may nakakubling puot
Sa bawat liwanag ay may aninong sumisilip
Ang buhay ay di puro sarap kundi may hirap din
Sa dako paroon aking hinihintay ang pagsilay muli ng araw
Dahil ang bukas lagi may bagong pag asa
Wag magpakulong sa mga kasalukuyan ala ala
Patuloy na humayo at wag kalimutang lingunin ang bakas ng kahapon
Danica Mar 2020
Ako’y isang hamak na manunulat
Kung ako’y tatanungin sa yaman ako’y salat
Pagdurusa’t hirap nakaukit sa aking balat
Gutom at pighati aking dinadaan sa masinsinang pagsulat

Mensahe ng aking tula paghihirap ang paksa
Pluma at papel luha ang siyang tinta
Galak at tuwa iguhit mo at ipinta
Pangakong aliw at ligaya iaalay sa’yo sinta
Tula ng isang manulalat na sa hirap ay lusak
Taltoy May 2017
Tila papatak na,
Mula sa'king mga mata,
Matang kay lungkot,
May pinipilit ilimot.

Silakbo nitong puso,
Pusong nagdurugo,
Di alam ang dahilan,
Di alam ba't nasasaktan.

Pinukaw ng sakit,
Kalungkuta'y iginiit,
Di alam kung bakit,
Ganito pala ka pait.

Ang katotohanan,
Ang sagot sa katanungan,
Ang tanging nagdulot,
Ng poot na sa puso ko'y nanuot.

Paano ko ba papakawalan?
Kapag wala nang maramdaman,
Huli na ba ang lahat?
Ito ba ay nararapat?

Ito ba ang mapapala ko?
May nadadama pa ba ako?
Ang sagot ay isang "Oo",
Patunay ang mga luha kong dumaloy muli dahil sa'yo.
Lily Oct 2015
Lumapit ka sa akin kapag nasasaktan ka na
Hindi ko tatanungin kung alin
Hindi ko hahanapin kung saan
Lalong hindi ako mag-aaksayang alamin kung pano
Yayakapin lang kita
Mainit na yakap na hindi mo naramdaman sa kanya
Mahigpit na yakap na hindi mo mararamdaman sa iba
Na sana kahit papano ay
Makapagpapaalis ng kirot
At magpaalala na nandito pa rin ako


Leigh Herondale  *October 1, 2015
Dedicated to the friend i'll always cherish, Jah :P

— The End —