Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
  Oct 2015 Janelle
inggo
Hindi ito para sayo
Para to sa akin
Para patahanin
Ang puso kong iyakin

Hindi ito para sayo
Para to sa paghilom ko
Para to sa muling pagbuo
At sa bagong landas na tatahakin
  Oct 2015 Janelle
Caryl
Ibig sagutin ng aking puso
Paano na nga ba ito?
Paano kung sa bawat ngiti mo
Ay tila ako ay nahuhulog sa iyo

Paano kung sa bawat bigkas mo
Ng mga salita sa tuwing kausap ako
Ako ay napapatulala
Kadalasan ay namamangha

Paano kung wala akong kakayanan
Magsabi ng nararamdaman
Mananatili na lamang bang
Isang lihim sa isang tula

Ngunit kung dumating ang panahon
Sa paghangin, paghampas ng alon
Magkaroon ng pagkakataon
Sasabihin ang damdaming nakabaon

Magiging handa at matapang
Marinig ang iyong ibibigkas
Tatanggapin ba ang aking nararamdaman,
O ito'y hahantong lamang sa wakas
My first try in writing a filipino poem. It's hard for me to have rhymes hahahaha. Okay at least I tried. :)
  Oct 2015 Janelle
Angela Mercado
.
bakit kaya walang
simbilis
ang takbo
ng oras
sa 'twina'y
ika'y kasama?

bakit rin,
mahal,
wala itong
sintagal
sa tuwing ang ating
mga mata'y
'di pa
ga-pangabot?

iyo rin bang
dama
ang aking paglisa't
presensiya,
o sadyang ako'y
'sang espesyo lamang
na 'di nais
punan?

bakit kaya kay bilis
ng tibok ng aking
damdamin
sa tuwing
ika'y lalapit

at bakit
kay sakit pa rin
tuwing ika'y
magbabalik?
// theory of relativity {a.m.}
  Oct 2015 Janelle
Vanessa Escopin
Alam mo yung akala mo wala lang yun sakin? Hindi mo lang alam.
Akala mo balewala ka sakin? Hindi mo lang alam.
Akala mo hindi ako nasasaktan? Hindi mo lang alam.
Wala kang alam dahil ayokong ipaalam.
  Oct 2015 Janelle
Poti Mercado
Sa unang limang segundo, berde.
Sabi mo mahal mo. Sige, andar.
Sa susunod na dalawang segundo, dilaw.
Magmabagal ka muna.
Pagisipan mo kung tutuloy ka pa.
Sa huling segundo, pula.
Tigil na.
Wala na.
Maghintay ka nalang.
Magiging berde rin ulit yan.
Wag ka na mag-beating-the-red-light.
Pagbabayarin ka pa ng pulis at sasabihin sa'yong, "Nakita mo namang dilaw na yung ilaw, 'di ba? Ba't tumuloy ka pa?"
At ikaw naman 'tong nagbubulag bulagang sasabihing, "Akala ko po aabot pa ako."
Akala mo lang.
Akala mo kakayanin mo pa siyang habulin pero hindi na pala.
Akala mo maaabutan mo pa siya pero nakalayo na siya.
Akala mo.
Akala mo lang.
Pero mali ang iyong akala.
Sana.
Sana pala huminto ka na.
Sana pala hindi mo na hinabol.
Sana pala noong una palang, inalam mo na.
Sana inalam mo na, na di ka na niya mahal.
Kaya nung naging berde na yung ilaw, umandar na siya.
Pero nung umapak ka na sa gas upang habulin siya,
naging dilaw na yung ilaw.
Sana doon palang, tumigil ka na.
Sana doon palang, nagdahan-dahan ka na.
Pula na 'yung ilaw.
Tigil na.
'Wag mo nang pilitin pang habulin siya.
Pero ito ang sinasabi ko sa'yo,
Sa pagkakataong ito'y maging berde na muli,
Wag **** hintaying maging pula ulit ito.
Ang mga busina ng kotse sa iyong likod ang nagsasabi sayo, "Umandar ka na. Berde na ang ilaw. Ano pa ba ang ginagawa mo?"
Umapak ka sa gas, hindi para sa kanya.
Pero para sa sarili mo.
Next page