Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
RL Canoy May 2019
Umiibig akong matapat ang puso,
sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo.
Dilag na bulaklak sa harding masamyo,
sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro.

Tinataglay nila’y mararangyang pakpak,
subalit ang nasa’y tanging halimuyak.
Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak,
sa mata ng iba’y isa lamang hamak.

Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba,
sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba.
O! ang saklap naman, umagos ang luha,
pagkat lumilihis ang ating tadhana.

At niring landas ta’y lalong pinaglayo,
nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo.
Buong taglay niya’y di tapat na puso, 
tanging hangad lamang ang kagandahan mo.

Sinta ko ano pa ang aking magawa,
kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na?
Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t,
panaho’y balikang ikaw’y malaya pa?

Bihag ka na ngayong walang kalayaan, 
hawak ang mundo mo ng lilong nilalang
Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan,
at ang yamang pakpak, dustang tinalian. 

Paano O! Sinta yaring abang buhay?
Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay.
Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay,
Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay.

Subalit nasa kong lumawig sa mundo,
sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko.
At ikaw O! Sintang namugad sa puso,
napanagimpan kong pinaghintay ako. 

Sa harap ng hirap na di masawata,
tanging asam ko’y lalaya ka Sinta.
At itong pagtiis ay alay ko Mutya,
mula sa puso kong nagdadaralita.

Maghihintay ako sa pagkakahugnos,
sa tanikala **** higpit na gumapos,
sa kalayaan na lubhang nabusabos,
at mariing dulot, galak na di lubos.

Ang aking paghintay akay ng pag-asa,
lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa.
At ang dukhang pusong batis ng dalita,
tila pinagyakap ang pag-asa’t luha.

O! aking minahal ako’y maghihintay,
kahit walang hanggang paglubog ng araw.
Magtitiis ako sa gabing mapanglaw,
hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway.

Yaong sinag nito’y ganap na tatapos, 
sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos.
Sinag na tutuyo sa luhang umagos, 
niring mga matang namumugtong lubos.

Yaong pamimitak ng mithing umaga,
araw na mabihis ng mga ligaya,
ang buhay kong abang tinigmak ng luha,
mula sa kandungan niring Gabing luksa.

Maghihintay ako sa gitna ng dusa, 
kapiling ang munting kislap ng pag-asa.
Magtitiis kahit sanlibong pagluha,
hanggang sa panahong muli kang lalaya.

Maghihintay akong di hadlang ang pagal, 
kahit ang panaho’y lalakad ng bagal.
Magtitiis ako pagkat isang tunay
itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal.

Maghihintay kahit dulong walang hanggan,
na pagdaralita’t mga kapanglawan
Kahit di tiyak kong muling sisilang,
ang bukang liwayway na tanging inasam.

©Raffy Love Canoy |May 2019|
Karl Allen Nov 2015
(On love by Kahlil Gibran ; A Translation)
Kung magkataon na tawagin ka ng pag-ibig, sumunod ka,
Kahit pa ang daan niya'y mahirap at matarik.
At kung yakapin ka ng kanyang mga pakpak ay magpaubaya ka,
Kahit pa ang mga punyal na nakatago sa kanyang mga balahibo ay kaya kang sugatan.
At kung mangusap siya sa iyo ay maniwala ka,
Kahit pa ang kanyang tinig ay kayang durugin ang iyong mga pangarap
Tulad ng pagsira ng hanging habagat sa mga halamanan.

Sapagkat kung paano ka parangalan ng pagibig ay ganoon ka din niya ipapako sa Krus.
‘Pagkat kahit pa siya'y para sa iyong paglago ay ganun din siya para sa iyong pagka-bulok.
Kahit pa pinayayabong ka nito sa iyong pinaka-mataas at hinahaplos ng liwanag nito ang iyong mga sanga,
Ganoon din niya huhugutin ang iyong mga ugat mula sa pagkakabaon nito sa lupa.

Tulad ng mga butil ng mais ay itinatali ka nito sa kanyang sarili.
Binabayo ka niya upang mahubdan
Ginigiling hanggang sa kuminis.
Minamasa hanggang sa lumambot
At ika'y kanyang isasalang sa kanyang banal na apoy, upang ika'y maging banal na alay na ihahain sa banal na pista ng Panginoon.

Ang lahat ng ito'y gagawin ng pagibig upang malaman mo ang mga lihim ng iyong puso, at sa kaalamang iyon ay maging bahagi ng puso ng buhay.

Ngunit kung sa iyong pagkatakot ay hanapin mo lamang ang kapayapaan at kasiyahan ng pagibig,
Ay mabuti pang ika'y magbihis at lumiban sa kanyang giikan,
Sa isang mundong walang kulay kung saan ikaw ay tatawa, ngunit hindi
lahat ng iyong kasiyahan, at iiyak, ngunit hindi lahat ng iyong luha.
Walang ibinibigay ang pagibig kundi ang kanyang sarili at walang tinatanggap kundi ang galing din sa kanya.
Ang pagibig ay hindi nang-aangkin at nagpapa-angkin ;
Sapagkat ang pagibig ay sasapat lamang sa pagibig.

Kapag ika'y umibig hindi mo dapat sabihing, “Ang Diyos ay nasa aking puso,” kung hindi, “Ako ay nasa puso ng Diyos.”
At 'wag **** isipin na kaya **** diktahan ang pagibig, 'pagkat ang pagibig, kung matantong ika'y karapat-dapat, ay ididikta sa iyo ang iyong landas.

Walang kagustuhan ang pagibig kung hindi tuparin ang kanyang sarili.
Ngunit kung ikaw ay umibig at mangailangan, maging ito ang iyong kailanganin:
Ang matunaw at umagos na parang batis na umaawit sa gabi.
Ang malaman ang sakit ng lubos na pagaaruga.
Ang masugatan sa iyong sariling kaalaman ng pagibig;
At masaktan ng kusang-loob at may ligaya.
Ang gumising sa bukang-liwayway ng may pusong kayang lumipad at magbigay pasasalamat sa isang bagong araw ng pagibig;
Ang magpahinga sa tanghali at magnilay sa sarap ng pagibig;
Ang umuwi sa hapon ng puno ng pasasalamat;
At matulog nang may panalangin para sa minamahal sa iyong puso at awit ng papuri sa iyong mga labi.
George Andres Mar 2018
Isang-libo, siyam na raan, siyamnapu't-siyam
Nang una nilang marinig ang pagtangis

Dalawang libo't labing-walo
Napakarami kong gustong bigkasin
Pero nauutal ako't lumalabas pagiging utak alipin
Para sa'yo sana, gusto ko pa ring sabihin,
Na, patawad Felipe, kung kay hirap **** mahalin

Wala ako nang tumangis ka kay Macoy
Huli kong nalaman ang tungkol kay Luisita
Masyado pa ba 'kong musmos upang ibigin ka?

Lubha lamang daw akong bata
Nagpupuyos ang damdamin
Walang pang kaalaman magdesisyon ng tama
Mapusok at madaling matangay
Manatili na lamang daw ako sa klase,
at kinabukasan ko'y sa mataas na marka ibase

Kaya't pinilit kong hindi pakinggan ang pagdaing mo
Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?

Batid ko man ang kasaysayan mo sa mga prayle, kano't hapon, labis ko pa ngang inidolo si Luna't Bonifacio noon

Hindi ba't namatay rin sila sa kasibulan nang dahil sa'yo?
Natatakot ako, na balang araw iyon rin ang sapitin ko sa piling mo
Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Hindi ka pa pwedeng umiyak
Hangga't hindi pa tapos ang lahat
Ano bang alam mo upang magalit, maghimagsik?

Ngunit hindi ko kayang lumingon pabalik
Hindi ko kayang matulog muli nang wala ang 'yong halik
Hindi ko kayang mahimbing nang wala ang mga gunita

Dekada Sitenta.
Bungkos ng namumuong nana
Nilalapnos ng kumukulong tubig
Dumaranak ang dugo sa sarili **** balat
Tumatalilis at tinatanggalan ng bayag

Paiikutin ang roleta't ipuputok sa sintido
Ihihiga ang katawan sa bloke ng yelo
Papasuin ng upos ng sigarilyo
Ibabalanse ang katawan hangga't may lakas pa ang kabayo
Hindi ito mga metaporang naririnig ko lang sa mga kwento

Hindi na ako magtataka kung may diyos pa ba
A kung kahit isang beses nilingon ka man lang niya



Kung ang nakikita ng mata ay dumudurog ng puso
At ang mga salita ay pumapainlalang

Silang 'di nakaririnig ay dapat kalampagin
Hampasin ang higanteng pintuan at sipain
Ang pader na marmol na walang bintana
Galit na sumusunog ng patay na tala
Hindi kumakalma, pilit nagbabaga, nagtatangka

Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?
Maaari ko bang palitan ng paglilingkod ang iyong biyaya?
Mas madali naman siguro magsalita
Kung 'di mo batid ang paghangos ng maralita


Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Nang masulyapan ka nang unang mabuksan ang aking paningin
Gusto ka lang naman palaging kita ng mata
Wala pa man natatakot na akong makitang umiiyak ka
Mas mapalad ba ang mga bulag o tulad kong piring ang mata?
Hinayaan mo akong maging alipin
Itinatatwa ko ang araw na namulat ako
Ang hirap naman kasing maka-usad mula sa'yo
Matapos mabura ang mga kasinungalingang sa'yo'y ibinabato
Kumbaga, ikaw 'yung maraming sakit na pinagdaanan, dadagdag pa ba 'ko?
Patawad
Oh, Felipe, kay hirap **** mahalin

Habang binabasa ko ang kasaysayan ****
Nagaganap pa rin hangang sa ngayon
Parang itinutulak ang aking sikmura
At ang balat ko'y nagsisiklabo
Hindi tumitigil ang mga luha

Ilang taon matapos maghalal ng bagong pangulo
Pinaulanan ng bala ang mga humihingi ng reporma


Dalawang-libo't apat
Matapos ang tatlong dekada
Mga batas na pabor lang sa mayama't may kaya

Gusto lang naman namin mabuhay
Nang hindi inaagaw ang aming kabuhayan
Nagtatanim ng bala't hindi binhi
Umaani ng bangkay hindi punla

Lupa mo'y hinulma ng dugo
Parang imbes na pataba ay pulbura ang inaabono
Para bang ang buhay ko sa'yo'y Walang katapusang pakikibaka
Para bang ang inaani ko'y dusa sa Buong buhay na pagsasaka


Dalawanlibo't-siyam
Matapos ang apat na taon

Kinikitil nila isa-isa ang mamamahayag
Nilibing ng traktora't patong-patong ang buto't balat
Pinagkanulo mo at hayagang pumayag
Mga berdugong hinayaan mo lang lumayag

Dalawang libo't labing-lima
Nangingisay sa walang habas na pangraratrat
Hanggang huling hininga'y maubos, mawala sa ulirat
Apatnapu't-apat **** mandirigma
Lumusong sa mapanganib na kagubatan na walang dalang sandata o pananggalang man lang
Malupit ka, hanggang saan ipagtatanggol ang laya mo?
Hindi pa ba sapat ang lahat ng luha?
Nagsasakripisyo para sa hindi siguradong pagkakakilanlan bilang Pilipino


Ikalawang Milenya.
Ngayon naririnig ko na ang pagpapatahimik laban sa karapatan **** magpahayag
Nagsasakripisyo ng dugo ng mga tupa
Para sa huwad na pag-unlad
Pinapatay ng bala ang uhay
Habang matapos tapakan ang upos ng sigarilyo,
Pagtatalunan ang dilaw at pula
Kung sino ba ang mas dakila
Aastang **** na tagapagligtas
Na siyang hawak ang lahat ng lunas
Napakarami nang diyos sa kasaysayan
Pawang dinikta, ibinigkis ang kalayaan

Ninais kong mahiga na lamang at hintayin ang bukang liwayway
Na pinangarap din noon ng mga ilustrado't rebolusyunaryong mararangal
Wala nang lunas ang sumpa ng edukasyon
Magpalaya ng isipang noo'y nakakahon

Wala sa akin noon ang lakas ng bagyo
Hanggang sa nabatid kong malulunod na rin ako
Wala akong nagawa kundi tumangis

Felipe, lumuluha ka rin ba? nasasaktan ka pa ba o manhid ka na?

Gayunpaman, tahan na, Felipe, tahan na.
112718

PoemsForE
JOJO C PINCA Nov 2017
“Set wide the window. Let me drink the day.”
― Edith Wharton, Artemis to Actaeon and Other Verses

Matapang, sino ang tunay na matapang?
Yung siga ba sa kanto?
O yung pulis na marami nang na-tokhang?
Hindi kaya ang senador ng oposisyon
Na laging bumabanat sa administrasyon?
O baka naman yung mamang komentarista
Sa radyo at telebisyon?

Saludo ako sa mga sundalo’t pulis na
Nakipaglaban doon sa Marawi. Walang
Sindak ang mga bombero na sumusugod
Sa nagngangalit na dila ng apoy.
Hindi matatawaran ang kagitingin ng
Mga nagpapakasakit para sa kalayaan
At kapakanan ng inang bansa.

Pero may ibang anyo ang katapangan
Na mas malalim at kahanga-hanga.
Ang katatagan ng puso at isipan sa gitna
Ng dusa at malagim na paghihirap.
Ang hindi pagsuko ng kaluluwang hindi
Kayang ibilanggo ng takot at banta ng paghihirap.

Si William Ernest Henley ang bayani ng
Katapangan na tinutukoy ko s’ya ay di nalupig
Kailanman. Hindi s’ya sumuko sa siphayo ng kapalaran
Hanggang sa huling sandali.

Pagnilayan natin ang kanyang Invictus:

“Mula sa gabing bumabalot sa akin,”

May mga kawawang nilalang na walang umaga
Ang kanilang buhay puro gabing madilim
ang laging umiiral. Walang liwanag, walang bukang-liwayway.
Mula pagkabata hanggang pagtanda puro hinagpis at pait
Ang kanilang laging sinasapit.

“Kasingdilim ng hukay na malalim,”

Maraming bangin sa buhay ng mga kapos palad
Na nakabaon sa dusa at hilahil. Hindi nila ito ginusto
Hindi kailanman pinangarap kaya’t hindi nila ito
Kailanman matatanggap.

“Sa mga diyos, ako’y nagpapasalamat”

Ang mga kawawang mahihirap at mga mangmang
Sa kaalaman na laging salat sa mabuting paliwanag
Ay laging nagpapasalamat sa diyos. Salamat sa diyos……
Hahaha….. walang diyos mga hangal. Kung may diyos
Wala sanang kahirapan at kaapihan na umiiral.

“Sa kaluluwa kong hindi natitinag.”

Katawang lupa lang ang sumusuko
Ang kaluluwa at pusong matatag
Kailanman ay hindi ito magagapi.

“Nahuli man ng pangil ng kapalaran,”

Ang pangil ng malupit na kapalaran
Ay laging nakabaon sa leeg ng mga hampas-lupa
At mga walang makain sa araw-araw.
Pero hindi nito kayang sakmalin ang mayayaman at
Ang mga burgis. Bahag ang kanyang buntot
Sa harap ng mga panginoon.

“Kailanma’y di nangiwi o sumigaw.”

Kahit sumigaw ka at ngumawa nang husto
Walang tutulong sa’yo, walang makikinig
Dahil bingi ang mundo at bulag ang mata
Ng panginoong mapagpala.

“Sa mga pagkakataong ako’y binugbog,”

Paos ang tinig ng mga inang mapapait kung humikbi
Mga pinanawan ng pag-asa at ulirat dahil sa pag-iyak
Walang saysay ang sumigaw – nakaka-uhaw ang
Pag-iyak magmumukha ka lang uwak.

“Ulo ko’y duguan, ngunit ‘di yumukod.”

Bakit ka naman yuyukod sa putang-inang kapalaran
Na walang alam gawin kundi ang mang-dusta at mang-api.
‘Wag mo’ng sambahin ang isang bathalang walang-silbi,
Lumaban ka at ‘hwag magpadaig.

“Sa gitna ng poot at hinagpis”

Galit at lungkot ito ang kapiling lagi
Ng mga sawimpalad. Malayo sa masarap
Na kalagayan ng mga pinagpalang sagana
Sa karangyaan at kapangyarihan.

“At sa nangingilabot na lagim,”

Nagmistulang horror house ang buhay ng marami
Walang araw na hindi sakbibi ng lagim, walang oras
Na hindi gumagapang ang takot. Takot sa gutom, sakit,
At pagdarahop.

“Mga banta ng panahong darating,”

Bakit ang mga walang pera ang paboritong
Dalawin ng katakot-takot na kamalasan sa buhay?
Ganyan ba ang itinadhana ng diyos na mapagmahal
At maunawain? Nakakatawa diba?
Pero ito ang katotohanan ng buhay.

“Walang takot ang makikita sa ‘kin.”

Tama si Henley bakit mo kakatakutan ang lagim
Na hindi mo naman matatakasan? Mas mabuti
Kung harapin mo ito ng buong tapang at kalma.

“Kipot ng buhay, hindi na mahalaga,”

Para sa isang lugmok sa pagdurusa wala nang halaga
Ang anomang pag-uusig at kahatulan na nag-aantay.
Impeyerno? Putang ina sino’ng tinakot n’yo mga ulol.

“O ang dami ng naitalang parusa.”

Parusa, ang buong buhay ko ay isang parusa.
Ano pa ang aking kakatakutan na parusa?
Hindi naging maligaya ang buhay ko ano pa
Ang mas malalang parusa na gusto mo’ng ibigay?

“Panginoon ako ng aking tadhana,”

Oo ako lang ang diyos na gaganap sa aking
Malungkot na buhay. Walang bathala akong
Tatawagin at kikilalanin ‘pagkat wala silang pakialam sa’kin.

“Ang kapitan ng aking kaluluwa.”

Walang iba na magpapasya sa aking tadhana
Ako lang hanggang sa wakas ng aking hininga
Ang dapat na umiral.

Si Henley ang tunay na matapang dahil kahit
Pinutol na ang kanyang mga paa, sa gitna ng sakit
At matinding dusa hindi s’ya sumuko. Ang kanyang
Kaluluwa ay nanatiling nakatayo.
kyleRemosil Jan 2019
Sisikat na ang araw
Ngunit mga mata’y dilat pa
Nangangarap na balang araw
Mayakap na ulit kita
Alam mo bang halos di ako makagalaw
Sa tuwing binabanggit mo sa’kin ang salitang “mahal Kita”
Gusto ko sanang marinig ng personal araw-araw
Ngunit malayo tayo sa isa’t-isa

Ayoko pang matulog
Hihintayin ko pa si haring araw
Sa pagsikat nya akoy nakaupo lang sa sulok
Habang sa bintana nakadungaw
Habang hinihintay ako muna’y magpapausok
Sigarilyo ang paraan para maibsan ang ginaw
Gusto kong makita ang pagsikat nya kasi naaalala ko Ang ganda mo pag sa kanya akoy nakatanaw

Ganda mo ay natural
Kaya napaibig mo ako ng sobra
Ayokong mawala kapa mahal
Kasi baka hindi ko kaya
Halos magkaparehas lang kayo ng Araw
Pinapaliwanagan mo ang buhay kong magulo’t walang sigla
Tama lang na kinumpara kita sa araw
Madilim kasi ang mundo ko kapag wala ka

Pasikat na sya’t akoy nakahintay
Kita ko na rin ang mga ulap na sa’kin ay kumakaway
Kakaiba sa pakiramdam para bang akoy buhay na buhay
Kahit paulit-ulit ko pang tignan Hindi nakakaumay
Naaalala Kita pag sa kanya ako naka silay
Mahal kasing ganda mo ang bukang liwayway
Cal Ashiq Feb 2017
Pag-ibig na parang pagsikat ng araw
Damdaming tila umaapaw
Ito'y simoy ng hangin sa bukang liwayway
Pag-ibig na sadyang walang kapantay

Ito'y haplos sa dalampasigan ng mga alon
Kasing ganda ng paghuni ng ibon
Sadyang nakakabighani na parang bahaghari
Ito'y walang sinumang pinipili

Ito'y sinang ng tala sa gabing madilim
Liwanag ng buwan sa kalangitang kulimlim
Pagmamahal na sadyang kay tamis
Damdaming hindi mo matitiis

Ito'y rosas na bumubukadkad
Wari mo'y ibon na lumilipad
Sadyang kay ganda magmahal
Pag-ibig na kailanmay magtatagal
JOJO C PINCA Nov 2017
Tinatamad ako hindi ko magawang tipahin ang tiklado ng aking computer.
Inaantok ako malamang kinakapos ng oxygen ang utak ko kaya ganito.
Pero ang diwa ko’y gising at gustong sumulat ng tula hindi ito nakatulala.
Anong tula ang susulatin ko? Tungkol ba sa’yo at sa pagsinta nating tuyo?
O patungkol sa bayan kong minamahal na walang utang na loob sa malasakit ng iba?
Ang bayan o ang aking pag-ibig sa’yo alin sa dalawa? Ewan ko nalilito ako.
Pareho kayong mahalaga, pareho ko kayong mahal, pero alam ko na pareho din kayong mawawala. Bakit ko sasayangin ang aking mga salita? Bakit kailangan ko pang ialay ang bunga ng aking kaisipan kung sa bandang huli ito ay mawawalan lang ng saysay?

Hayaan **** mag-diskurso ako kahit sandali lang mahal ko.

Ilan tula na ba ng aking sinulat para sa bayan kong sawi at laging alipin ng mga walang turing at pakundangan, may nangyari ba? Wala naman diba? Walang saysay ang pagliyag ko sa bayang ito na laging lumuluhod at sumusunod sa mga dayuhan. Itong bayan na sa kabila ng kanyang paghihirap at dalita ay laging nangangamuhan at humahalik sa paa ng mga kapitalistang ganid. Ang bayan ng mga taong mahirap paniwalain sa totoo pero madaling bolahin ng mga pulitikong hunghang. Ito ba ang bayan na aking iibigin?

at ikaw naman mahal ko

Batid mo'ng iniibig kita alam mo yan pero para saan ang aking pagliyag sa’yo kung mawawala ka rin sa akin? Oo naman nasasabik ako lagi sa’yo, gusto kitang yakapin, halikan at makasiping sa buong magdamag hanggang sa bukang-liwayway. Pero hanggang kailan ako mananaginip ng gising at mananabik saiyong piling gayong alam ko na hindi ka naman talaga magiging akin sa habang panahon?

Marami ba akong tanong? Pasensya kana ganun talaga ang isang makata, nabubuhay s’ya gamit ang mga salita at tandang pananong.

Pero sige magsusulat ako ng isang tula para sa’yo at para sa bayan ko. Magsusulat ako kahit alam kong walang magbabasa nito. Magsusulat ako at aasa na parang hangal, aasa na may babasa at maniniwala sa aking mga salita. Ipapahid ko ang utak at damdamin ko sa papel na tulad sa isang nababaliw. Magsusulat ako dahil tungkulin ko ito, magsusulat ako dahil alipin ako nito, magsusulat ako dahil ito lang ang alam ko at higit sa lahat magsusulat ako dahil ito ang buhay ko.

Iaalay ko sa’yo mahal kong marupok at sa’yo bayan kong walang utang na loob ang aking tula kahit inaantok at tinatamad ako.
JOJO C PINCA Nov 2017
Walang eksaktong kahulugan ang buhay, ang buhay ay buhay ganun lang kasimple yun, walang itong drama at lalong hindi kumplikado. Masdan ang galaw ng kalikasan. Sumisikat ang araw sa umaga at lumulubog ito pag hapon na. Ang buwan ganun din sumisinag ito sa pagsapit ng gabi at nagkukubli pagdating ng bukang-liwayway. Ganito rin ang mga bituin, lahat sila kumikilos nang ayon sa kanilang galaw at katalagahan. Kumbaga sa musika rock sila pero simple lang. Kalmante lang ang dagat pero minsan maligalig din s’ya kung kinakailangan. At ang hangin walang humpay sa kanyang pag-ihip.

Walang kahulugan ang buhay sapagkat tayo ang gumagawa ng kahulugan ng sarili nating buhay; tayo ang lumilikha ng sarili nating kasaysayan. Tayo ang pumipili ng sarili nating kahulugan. Doktor ka ba? Manggamot ka nang buong husay, sagipin mo ang maraming buhay. Sundalo ka ba? Makipaglaban ka nang buong giting, ialay mo ang buhay mo para sa bayan. Nagsusulat ka ba? Magsulat ka nang buong puso nang magliwanag ang isipan na malabo. Kung ano man ang napili mo’ng gawin, gawin mo ito nang buong galing. Kung umiibig ka naman, umibig ka nang buong tapat at iaalay mo sa iyong sinta ang lahat. Maging mabuti ka sa kanya, mahalin mo s’ya nang higit sa lahat.  

Walang kahulugan ang buhay, ‘wag mo itong hanapin sa relihiyon dahil wala ito roon. Panay kaulolan lang ang matutuhan mo sa mga nagbabanal-banalan at nag-aaring ganap, na kung umasta at magsalita akala mo ay kahuntahan nila ang Diyos. Wala rin ito sa pamahalaan at mga lingkod bayan kuno, lalong wala ito sa dami ng yaman.

Walang kahulugan ang buhay tulad sa isang tapayan na walang laman kailangan mo itong sidlan. Hindi bukas kundi ngayon ang panahon ng pagsalok ng kaalaman at karanasan kaya ‘wag mo itong sayangin. Walang kahulugan ang buhay ‘pagkat ang buhay ay isang kawalan na kailangan mo’ng punuan. Tulad ito sa blankong papel na kailangan mo’ng sulatan. Isang hiwaga na kailangan ikaw ang tumuklas. Walang kahulugan ang buhay basahin mo man ang lahat ng aklat at kahit pakinggan mo pa ang lahat ng talumpati sa mundo hindi mo ito makikita.

Walang kahulugan ang buhay ‘wag **** pagurin ang sarili mo sa paghahanap nito. Ang kahulugan ng buhay ay nand’yan sa loob ng puso mo. Kung saan ka maligaya naroon din ito. Aanhin mo ang maraming diploma at pagkilala kung hindi ka naman masaya? Ano’ng saysay ng mga palakpak kung huhupa rin pala ang mga ito? Hindi mo makikita ang kahulugan ng buhay sapagkat kailangan na ikaw mismo ang gumawa nito.
JOJO C PINCA Dec 2017
“Mahirap na daw turuan ng bagong laro ang matandang aso”, siguro nga totoo ito. Pero may mga bagay na nalalaman ang matandang aso na hindi alam ng mga kabataan ngayon. Alam ng matandang aso ang sagot sa maraming talinghaga at hiwaga na taglay ng buhay. Nakita n’ya ang mga paliwanag na nagbibigay ng liwanag; nakita n’ya ang mga katotohanan at kasinungalingan na nasa pagitan ng mga sulok-sulok ng buhay. Alam n’ya na hindi lahat ng kumikinang ay ginto, na hindi porke kalmada ang dagat ay wala nang darating na unos. Hindi ibig sabihin na kapag komokak ang palaka ay tag-ulan na. Alam n’ya na ang kamatayan ay hindi talaga kasawian kundi isang bagong yugto, isang bagong pagsisimula at isang bagong anyo ng buhay.

Alam ng matandang aso ang pagkakaiba nang tunay na umiibig sa nalilibugan lang. kaya natatawa s’ya kapag nakikita ang mga kabataan na inaabuso ang salitang “pagibig”. Mahina na ang katawan ng matandang aso subalit nananatiling malakas ang kanyang isip; malabo na ang kanyang mga mata pero malinaw parin ang kanyang puso at pandama. Marami na s’yang naisulat at marami na s’yang binigkas na mga talumpati, alam n’yang hindi lahat ng nagbabasa at nakikinig ay natututo. Marami sa kanila ay nananatiling mga ungas at gago. Alam n’ya na ang karunungan ay hindi agad-agad na tinatanggap ng mga hanagal na nakikinig, na hindi ang talumpati at panulat ang talagang nagmumulat kundi ang mga karanasan at mga pinagdadaanan.

Malalim na ang gabi pagod at inaantok na ang matandang aso pero hindi s’ya makatulog. Dahil alam n’ya na sa bawat pagkahimbing ay laging may naka-abang na bangungot. Na ang bawat bukang-liwayway ay hindi laging may dalang pag-asa. Na, ang maghapon madalas ay isang tanikala na iyong kailangan na hatakin. Hindi naging masaya subalit hindi rin naman naging malungkot ang buhay ng matandang aso, pero hindi s’ya nanghihinayang sapagkat alam n’ya ang ibig sabihin ng kasabihan na “ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw ka minsan naman nasa ilalim ka”.
Marlo Cabrera Jul 2015
Jebs na jebs na ako.

Dumudungaw na siya na parang isang taong kagigising lang umaga,

gustong buksan ang mga bintana,

para lumanghap ng hanging bukang liwayway

Malapit na siyang lumabas,

unti uting tumitigas sa paglipas,

Ng bawat, segundo, menuto,

kung babae ako, dysmenorrhea na ito.


Pero sabi ng mga kaibigan ko,

wag ko daw pilitin ito,

baka naman daw kase

na imbis na ito ay tae,

mauwi lang sa utot.

At pinagmukha ko lang ang sarili kong  tanga.

Umasa, nasapag upo ko sa inidoro na lahat ng pagtiis ko, ang piling ko ay giginhawa.

Pero wala.

Para lang siyang damdamin ko, ang tagal kong kinimkim, ng taimtim sa pag-asang pag ito ay pinakawalan ko, na sasabihin mo na ikaw rin.

Na ang nararamdaman mo ay pareho din sa akin.

Lahat naman tayo dito nag huhugas ng pwet gamit ang tabo at tubig hindi ba?

Pwera nalang kung galing ka sa mataas na estado ng pamumuhay. Ikay gumagamet ng tissue paper o bidet.

Pero ako hinuhugasan ko ang puwet ko, kase ito ang turo saakin ng nanay ko.

Pero.

Bago ko natutunan ito, ang nanay ko ang nag hugas ng pwet ko.

Para saatin, wala namang espesyal dito,

Pero ngayon ko lang napagtanto, na ang pag hugas ng puwet ko ng nanay ko, ay puno ng pagmamal.

Sino ba naman ang gustong mag hugas ng labas ng butas kung saan lumalabas ang pinagtunawan pagkain.

Kaya kung sasabihin **** hindi ka mahal ng nanay mo, tignan mo lang ang sarili na nakatalikod sa salamin. At sariwain ang mga alala ng mga sandaling hindi mo kayang linisin.

Pero bago iyon, kung sa tingin mo na ang tula na ito, ay hugot lang, nag kakamali ka... Well actually, medjo lang.

Puwera biro.

Kung tutuusin, di' malayo ang pinag kaiba natin sa Jebs.
Kung iisipin, ang mga ginagawa natin araw araw ay mas masahol pa sa jebs.

Kung ipipinta ko ang isang imahe, makikita mo na ang jebs ay nakapahid ang tae sa buong kasuluksulukan, at kasingitsingitan ng katawan natin.

Pero may Isang tao na gusto padin yumakap at humalik sa pisngi natin.

Sino siya?

Siya ay ang Pagibig.

Araw araw lang siyang nagihintay, na ikay' lumapit sa kanya, magpalinis.
Ang gamit niya, na pang hugas ay mga kamay at dugo, dugo na ang tanging nakakapag linis ng katawan at ng kaluluwa mo.

Mula ulo hangang hangang sa talampakan ng iyong mga paa.

At sa kabila ng lahat gusto niya pa din tawagin mo siyang Ama.

At sa imbis na pangdidiri ang kaniyan nadarama,
Pag mamahal ang kaniya sayo ay pinadama.

Siya ay pinako sa mga kamay na ginagamit sa pag linis saiyo. Sa mga dumi na mas madumi pa sa jebs.

Ang iyong mga kasalanan.

Siya ay isinakripesiyo para ay ikay manatiling malinis, at iligtas ka sa lugar kung saan umaapaw ang jebs. At dalhin kung saan ang kalsada ay gawa sa ginto, at makasama ka magpakaylanman.
May seem really stupid at the beginning, but it gets better. I promise.
kingjay Feb 2019
Ang iniwan,
niloko ng liyag
kimkim ang galit sa kaibuturan
ay di madaling mapa-ibig

Ang masaya na pakisamahan
nakalulugod na kaibigan
ay di makapagsalita
sa harap ng hirang

Sa hindi natuto pang umibig
ay parang sanggol na
madaling umiyak,
kailangan akayin

Pagkat ito'y hindi maipipilit
tulad ng pag-awit ng mga pipit

Dalawampung araw na singkad
sa yaong buwan ay ang kaarawan
na di sa taong bisiesto

Kapag may dugong malabnaw at malinaw
ay karakaraka lumigwak sa bukang sugat

Oras na ipagdiwang
ng mga buo at biyak
Dalawang kasarian ay kapupunan sa bawat isa
dalampasigan08 Jun 2015
Ikalawang Kurap

Tinatahak ko ng marahan ang isang makinang na landas sa gitna ng mga taong alam kong nananalig din.
Hinihila ko ng pilit ang dalawang talampakang hindi dumarampi sa sahig na katulad ko’y nakatingala din sa langit.
Ang aking mga palad ay magkaniig at ang mga daliri’y kayakap ang isa’t isa.
Naiibsan ang sakit ng aking mga sugat ng nalalanghap kong halimuyak mula sa mga puting bulaklak sa paligid.
Tila piraso ng langit ang dambanang ito na kung saan sinasabing tutuparin ang lahat ng mga kahilingan mo
at papawiin ang lahat ng sakit at paghihirap na dinaranas ng kahit na sino.
Sa lugar na ito nakalilimutan ko ang lahat ng hapdi at pagod na nararanasan ko araw-araw
para bang unti-unti niyang hinuhugasan ang buo kong katawan
at binibigyan ako ng bagong lakas at pag-asang harapin ang isang bagong bukang liwayway.
Habang nananalangin ay napansin ko ang mga matang natuon sa’kin
nagmamasid - tila kunot noong nagtatanong kung bakit ang basahang tulad ko na tinalikuran ng lipunan at inaring kanlungan ang lansangan ay naririto’t naninikluhod sa harap ng dalanginan.
Alam kong ako’y kanilang napupuna ngunit sila’y bulag.
Niyayanig ng aking mga dasal ang buong simbahan ngunit sila’y bingi.

May kung sinong hindi ko naaninag ang umakay sa’kin patungo’t papalapit sa dambanang ginigiliw.
sa bawat hakbang ay bigla kong naalala ang lahat ng pagdurusa
at nasambit ang "salamat sa lahat ng pag-asa."
Nilingon ko ang larawan ng madlang dukha’t kaawa
ngumiti at binitiwan ang aking huling hininga.
kingjay Dec 2018
Ang monasteryo ay pugad ng dasal ng maya
Nasa tono ang plawta, umiirog na nota
Ang natatanaw na inakalang bukang-liwayway  ay magandang kasintahan

Harana ng kalawakan, nakakabinging bulong
alulong ng multo na nanahan
Sundin ang pagkabigo
Sapagkat ang harmonya'y bihasa sa pagbibilanggo

Ang kinikimkim na rosas ay lumulubo
Ngunit nakagapos ang mga ugat
Nakapanlulumo man ito'y totoo
Nabubuhay ang bulaklak sa hardin na nakatago

Itigil ang kahibangan ng bahaghari
Pagkatapos ng pag-iyak ng kalangitan puso'y nagdadalamhati
Kahit gaanong tingkad ng kulay sa himpapawid
Malaking imahinasyon lamang ang makisabay sa pana ng anghel

Iwaksi ang pagtitibok
Ang mga konstelasyon ang patunay
Guhit ng relasyon sa hangin ialay
Papalayo, hindi mamamatay
paulit-ulit na mabibigo

Ang samyo ng damuhan ay may kaluwalhatiang hatid
Sa paraiso nakasandal ang mga balikat at pighati
Malayang pag-iisip, paglalakbay ng diwa
Lunas sa damdaming mahapdi
Uanne Feb 2019
Gusto kong maglayag
sa lugar na kayang ipahayag
laman ng pusong lagalag.

Gusto kong abutin ang mga ulap,
lumutang sa alalapaap na parang nangangarap
hawakan ang mga butuin na parang mga alitaptap.

Gusto kong damhin patak ng ulan,
magpakabasa hanggang mahimasmasan
upang bumalik sa tamang kamalayan.

Gusto kong gumising isang araw
na may pag-asang tinatanaw
kakapit sa bukang-liwayway at di na bibitaw.
02.13.19
Umaasa na sana balang araw....
Marlo Cabrera May 2015
Pitasin mo ako,
At ilagay mo ako sa gitna mo at isara mo ito.

Alam ko,
Alam ko na hindi ko lugar Ito.
At sabi nila na akoy nararapat kung saan akoy pwedeng mabasa at masilawan ng araw.
Kung Saan akoy pwedeng mabuhay, at maalagan.

Pero, paano ako mabubuhay kung akoy nawawalay sa piling mo.

Alam ko, na ako ay mabubuhay sa piling mo,
Akoy nararapat na kasama mo, hahayaan ko ang pagmamahal mo ang bumasa saakin, at ang mga ngiti mo ang sumilaw saakin, parang araw sa umaga, sa hapon at hangang sa magdilim.
At hangang mag bukang liwayway.

Ako ay isang bulaklak, na pinitas ng isang umiibig na binatang lalake at ikay isang libro na Pag aari ng isang dalagang babae na sinisinta.

Kaya uulitin ko,

Pitasin mo ako,
Ilagay mo ako sa gitna ng mga pahina,
Sa gitna kung saan nakahimlay ang puso mo.
Doon akoy mananatili para sayo.
Ito ay para sa lahat ng mga bulaklak na inipit sa gitna ng mga pahina.
Lance Cecilia Jan 2017
Kumapit ka.

'Wag kang bibitiw mula sa 'king kapit,
Kung kailanga'y dakutin mo ang aking damit.
'Wag nang mag-atubili at ika'y humawak nang mahigpit,
At makinig sa lahat ng aking mababanggit.

Hindi lahat ng pangarap ay nakakamit.
Hindi lahat ng bituin ay naaabot.
Hindi lahat ng bundok ay naaakyat,
At hindi lahat ng kapatagan ay nalilibot.

Hindi lahat ng bukang-liwayway at dapithapon ay romantiko,
Ngunit bakit kaya'y sa bawat pagsalubong ko sa araw ay ikaw lang ang laman ng isip ko?
Hindi lahat ng panahong magkasama tayo ay puno ng kilig,
Pero bakit kaya'y tila nauuwi na yata ito sa pag-ibig?

Hindi lahat ng araw ay puno ako ng tuwa,
Pero salamat nga pala sapagkat ikaw ang dahilan ng aking saya.
Hindi lahat ng tulog ko ay mahimbing at mabisa,
Ngunit dahil ikaw ang aking panaginip, salamat na rin pala.

Ikaw ang pangarap na gusto kong makamit,
Ang bituing nais maabot,
Ang bundok na iniibig kong akyatin,
Ang kapatagang gustong malibot.

Kapag kasama ka'y ang bawat takipsilim ay nagiging romantiko,
Nagiging matingkad ang kulay ng bawat bahaghari,
Nagiging sabay ang kumpas ng bawat kanta sa tibok ng aking puso,
At nagiging katotohanan ang isang pangarap na nais kong makamit

Ngunit salamat sa pagturo sa 'kin
Na hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal din.
Hindi lahat ng ginawa ko ay kaya **** gawin.
At ang pinakamasakit sa lahat, ay 'di mo pa rin ako kayang mahalin.
Kasabay ng aking pagpikit
Ang pagsilip ko sa panaginip sa aking isipan.
Namumukod tangi ang Iyong kagandahan
At Ikaw ang nag-iisang kumikinang sa aking paningin.

Napapasilip ako
Sa likod ng lahat ng napakagandang palamuti,
Pagkat nariyan pala ang tunay na may-akda ng lahat.
Pagkat sa kabila ng naghihiyawang palakpakan,
Sa kabila ng mga ngiting bumabandera sa aking harapan --
Ang dahilan ng aking kalakasan.

Pagdilat ko'y tila bukang-liwayway na,
Hindi kumupas ang Iyong kagandahan.
Muli kong kinapa ang aking bulsa,
At muling naghagilap ng anumang umiingay sa aking kalupi.
Dahan-dahan kong pinakiramdaman
Ang magaspang na katauhang gawa sa pilak.
At buhat sa pagkakamulat,
Ay dahan-dahan akong pumikit
Na tila ba sumasabay sa unang pagpatak ng ulan.

Nangungusap sa aking konsensya
Ang tinig **** matagal ko nang hanap-hanap.
At sa naudlot na istorya sa entablado'y
Nagpatuloy ang aking paghahanap.
Hinahanap ko kung saan nagmumula
Ang tinig **** humihele sa akin
At nagbibigay galak sa puso kong
Uhaw sa malasakit at pag-ibig na tunay.

Nasaksihan ko ang paglisan ng bawat katauhang
Kailan lamang ay nasa akin ang pagtingin,
Ngunit ang lahat pala sa kanila'y
Syang palamuti at hindi tunay na kabahagi
Ng aking istorya.

Patuloy silang nalusaw
Gaya ng krayolang nilalaro ko sa apoy
Noong ako'y paslit pa lamang.
Na ang akala kong bubuhay sa pinipinta kong larawan
Ay hindi pala sapat sa magandang imaheng
Aking nasasaklawan sa aking imahinasyon.

Kusa silang naglaho na tila ako'y tinakbuhan lamang
At marahan akong napaluhod buhat sa aking kinatatayuan.
Gusto kong magsalita, gusto kong may masambit..
Gusto ko silang pigilan sa paglisan
Pagkat hindi ko ninais na mapag-isa
At patuloy na mangulila sa pagmamahal.

Kung pwede lang na sa gitna ng katahimikang ito'y
Kaya kong marinig ang sarili kong boses.
Kung pwede lang sa gitna ng aking paghihintay at pagsusumamo'y
Wag muna silang kumilos at aking mahanap
Ang tinig na akala kong susundo sa akin
Buhat sa paglimot ko sa aking sarili..

Namukod-tangi ang boses na aking hinahanap,
Naririnig ko na ang Kanyang mga yapak
Na tila ba patungo at palapit na sa akin.
Ngunit hindi ako makagalaw buhat sa pagkakayuko.
Ni hindi ko na masilayan pa kung sino ba ang paparating.
At dahan-dahan pa rin ang pagpadyak
Ng Kanyang sandalyas patungo sa akin.

At habang Siya'y lumalakad,
Ay dahan-dahan ding nagbago ang senaryo
Na aking kinalalagyan.
Narinig ko ang napakalakas na pagpaubaya ng alon,
Ang tunog ng kampanang magaan sa aking pakiramdam,
At ang mga humiheleng tila mga anghel
Na naging mitsa ng pagtatayo ng aking balahibo.

"Nasaan na nga ba ako?" Tanong ko sa aking sarili.
At muli kong narinig ang mga nagpupuring anghel
Na tila ba walang katapusan ang kanilang galak
At ako'y nadadala kung saan.

Hindi ko pa rin mabuksan ang aking mga mata
At wala akong masilayan maliban sa dilim
Na pilit kong nilalabanan at alisan.
Hinahanap ko pa rin ang tinig Nya
At nais kong tanggapin ang bawat salita mula sa Kanyang bibig.

Maya-maya pa'y narinig ko
Ang isang pamilyar na boses na tumawag sa aking, "Anak."
Habang ang aking kamay ay hawak-hawak pa rin
Ang pilak na muli ko sanang itatapon sa balon..

"Anak, halika na.. sabi ng doktor, may donor ka na raw.."
Sambit ng aking ina habang ako'y akap-akap
Sa kanyang mga maiinit na mga bisig.
Kusang tumulo ang aking mga luha
At sya nama'y humagulgol sa saya.

Walang salita ang sinambit naming dalawa,
Ngunit ang kanyang yakap ay humigpit.
At naramdaman ko ang kanyang mga luhang
Dumadampi sa aking balikat at sa aking damit.

At sa mga oras na iyo'y
Ang kanyang yakap ay higit pa sa lahat ng yakap sa mundo
Ang luha nya'y tila ba binabalot ng isang hiwagang
Nagpapakalma sa aking paghihirap.
Ang gaan ng aking pakiramdam,
Ang saya ng aking kalooban.

At doon ko natagpuan ang aking hinahanap,
At sa aking muling pagmulat
Kung saan may liwanag nang maaaninag,
Alam ko kung kanino na ako muling lalapit pa..
Alam ko, hindi ko man nasilayan ang lahat
Ngunit ang pakiramdam na iyo'y
Habambuhay kong nanaisin
At pasasalamatan.
Jose Remillan Sep 2013
May mga  tibok na tumututol, nililigalig
Ang daloy ng damdaming nag-uumapaw.
Wala itong ano mang kaugnayan sa likas
At samut-saring kulay ng buhay at pag-ibig.
Ito ang ninanasa ng sugatang kaluluwa.

Ang araw na ito ay tampok na simula
Ng muling pagtibok ng isang puso.
Tila muling pagsilang --- pagtalikod sa kahapon;
Isang bukang-liwayway, bagong-bihis na layon,
Nanunuot itong balintataw ng buhay
Upang mahalagilap ang sarili,
Ngunit hindi upang angkinin, manapa'y upang
Salungatin ang kinagisnang saysay ng pag-ibig.
Ang araw na ito ang tampok na simula.
This superb translation of my poem "September Seventeen" was done by my dear teacher and inspiration, Prof. ROLANDO A. BERNALES, Ll.B., Ed.D. A former provost of University of Makati and a rising pillar of Philippine literature, Prof. Bernales was awarded by the prestigious Carlos Palanca Memorial Awards for his short story entitled "Taguan." Prof. Bernales is a textbook author, writer, education consultant, public intellectual, professional photographer, and a poet. His works can be accessed through this site: http://www.rabernalesliterature.com/?cat=392

Maraming salamat po sir sa kamangha-manghang pagsasalin-talinghagang ito!
Mabuhay po kayo at ang wikang Filipino!
kingjay Jan 2020
Sa kanyang himig ako'y nahahalina
Magkasintunog ng mga ibong malaya
Umiindayog sa puso ko't pagsinta
Misteryosong dilag, sino s'ya talaga?

Sa tuwing napapanood 'y anong ganda
Mata'y matimyas na tala sa umaga
Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga
Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya

Manipis ang labing kakulay 'y makopa
Malamyos ang tunog ng bawat salita
Halik ng anghel ang dapyo ng hininga
Halimuyak ay buhay, di nawawala

Kahit panlalaki ang gayak at porma
Na kanyang ginampanan sa prima donna
Munting lawiswis na lupaypay 't mahina
Nang lumaki'y diwata sa encantadia

Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa
Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama
Madalas ay namumugto ang mga mata
Kapag nasisilayan s'yang lumuluha

Huwag sana pabugso bugso't pabigla
Ang tibo niyang pangungusap at banta
Sapagkat nababagha't natutulala
Damdami'y pinamumugaran ng kaba

Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga
Isang paraluman na ang kiyas 'y siga
Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya
Pinakamatapang na lahing Claveria

Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya?
Sapantaha ko ay magalang na bata
Binibini at dalagang Filipina
May puring Perlas ng Silangan ng Asya

Lingid sa kamalayan nang napahanga
Sa kanyang angking galing bilang artista
Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa
Sa makabagong tinikling, siya'y reyna

Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya
Harap 'y pangarap na sinasalubong pa
Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara,
Kumikinang at nagbibigay pag-asa
supman Feb 2017
Sa ating pagsakay,
tayo'y magkahawak kamay
walang bumibitaw,
kahit tayo'y psrehong malumbay

sa ating pag upo,
ika'y hindi nagkasya
ako'y nag pa ubaya,
upang ika'y lumigaya

tayo'y nagkaroon ng tampuhan,
na sadyang hindi maiiwasan
pareho nating iniyakan,
ang ating mga kamalian

sa paglipas ng panahon,
tila ika'y pinanghihinaan
ika'y walang bukang bibig,
kundi ang aking mga kamaliang hindi naman ibig

Gusto mang magpatuloy,
ngunit mukhang hindi na muling liliyab ang apoy
Ayaw mang sumuko,
ngunit mas ayaw kong ika'y mapako

Tama na,
ang iyong isinigaw
Ayoko na,
ang iyong huling hirit

Ang iyong mahal kita,
ay napalitan ng ayaw ko na
Ang ating sumapaan,
ay napunta sa wala

Para po,
hangang dito nalang kami
Para po,
kami'y hindi na uusad pa

Para po.
idk
Jasmin Jun 2020
Sa t’wing sasapit ang sariwang umaga
Ang himig mo ang aming ninanais marinig
Hinihintay ang hagkan sa umaalpas na luha
Nagsusumamong mahaplos pagod na tinig

Inang Bayan, paumanhin sa aming sinapit
Bagamat nakatakas noon sa pagkakatali
Panibagong gapos ang mahigpit na pumilipit
Ngayon nga’y ang lahat ay muling nahahati

Kaya sa iyong kaarawan, maaari bang ika’y humiling?
Kaayusan ng bayan, nawa’y makamtan namin
Daop-palad, kami’y paglapitin at pagbatiin
Gulo sa bawat puso’t isipan, sana’y pawiin

Katulad ng kahapon, ang dilim ay matatapos
Bukang-liwayway ay muling masisilayan
Ganoon din sana, ang tunay na kalayaan—
Muling masisilayan.
aermaen Jun 2011
1.     Ang pagyao nya'y tulad sa hangin

         di mawari'y tila isang banyuhay ng init

         na sumakbibi sa iyong pusong bato

         na sa kalauna'y lumamig at lumisang tuluyan.



2.      Sa di kaginsa-ginsay na kaganapan

         ika'y nag-aral mabuhay

         batid ang dalamhating hatid ng halumigmig

         na dala ng luha at ng bagong umaga



3.      Sa pag bukang liwayway

         ako'y sisigaw at tatanaw

         batid ang samyo ng ala-ala

         patuloy sa pagunita sa pagsintang tangan sa paglisan



        naninimdim



        ngunit magpapatuloy lamang.
solEmn oaSis Nov 2015
umulan man at umaraw
sa gutom man at uhaw
gaano man kababaw
etong ating abot-tanaw

sa panahon ng tag-lagas
sasanga ang puno ng wagas
dahon at dagta magbabawas
may mag-aanyong maangas

sa punong walang lilim
walang aninong maililihim
magbubunga ang ugat
lingid sa ating pamulat

mula sa pagsilip ng bukang-liwayway
hanggang sa init ng tanghaling tapat
maging sa pagsapit ng dapit-hapon
pagtatakpan ako, mula sa simula muli ng takip silim
no body wants to be in pain,,
but we can have a rainbow without any rain !!!
Omniest Wanderer Aug 2020
Isang  pintuan  ng  mahihiwagang  dekorasyon
Palamuti,  anong  na­sa  likod  na  impormasyon
Sa'yo  ipaglalaan  ang  aking  buhay  ­na  hiram
Nais  balang-araw  ay  tawagin  kang  hirang

Di  sapat­  ang  aking  tayutay  upang  ang  sagot  ay  dumulas
Pangatlong ­ katok  ko  na  ito't  'di  parin  nagbubukas
Ikaw  ay  isang  bu­gtong  na  nais  kong  matuklas
Kung  hinde,  ang  aking  buhay  ­ay  habang  buhay  na  undas.

Ako'y   ligaw  na  kaluluwa,  'di  alam  kung  sino
Ako'y  ligaw  na  kaluluwa  at  baka  ikaw ­ ang  paraiso
May  pagnanasa  sa  paglapit  subalit  ayokong  mak­a  abala
Ako'y  nababaliw  sa'yo  kahit  hindi  kita  kilala

Ang­  iyong  ngiti  ay  bukang-liwayway  sa  mundong  mapanglaw
At  a­ng  iyong  buhok  ay  mga  alon  sa  dagat  na  bughaw
Kung  kula­ngin  man  ang  ginawa  ko  na  tula
Handa  akong  gumawa  ng  is­ang  daan  pa

Hayaan  mo  akong  lumapit,  sa  kung  nasaan  ka man
At  pangako  sa  'yo  ako'y  tahimik  lang
Subalit  hindi  ti­tigil  hanggang  mapunan  ang  patlang
Pakiusap,  hayaan  mo  ako­ng  umusad  kahit  isang  hakbang  lang.
Sana  ma  accept  ang  aking  friend  request.
Agust D Jan 2022
ikawalong baitang nang ika'y makilala
isang diwatang nag-anyong dalaga
tila'y isang biyayang hatid ni Bathala
handang maging alipin na itinalaga

isang reynang naligaw sa isang kaharian
ako'y iyong kawal na handa kang pagsilbihan
ikinagagalak kong ako'y 'yong manduhan
walang mali sa 'yong kagustuhan

ngunit kasabay ng paglipas ng bukang-liwayway
tadhana nating dalawa'y biglang nabalutan ng lumbay
nagsimula tayong matatag at dalisay
ngunit ang daan nati'y nagkahiwalay
at tuluyang nabalot ng kulimlim ang huwad kong buhay

sana'y noong una pa lamang ay niligawan na ang Paraluman
nang hindi sa isang mahapding katotohanan
na ngayo'y pilit na binabalikan
ang pagsikat hindi na muling mahahagkan

kung iadya man ni Bathala na ika'y maligaw
sa isang kahariang mapurol at maginaw
hahanapin ko ang kaisa-isang kaharian na ang reyna ay ikaw
Tatlong Daan at Animnapu't Limang Tula para kay Mayari: Ikaunang Pahina
Jor Apr 2016
I.
Gusto kong balikan ang kahapon,
Kung saan ang saya-saya pa natin noon.
Hindi tayo nauubusan ng kwento,
Hanggang bukang-liwayway gising pa tayo.

II.
Gustong bumalik sa mga panahong,
Halos di na natin pansin ang oras.
Yung mga panahong, masaya lang.
Nagke-kwento na parang wala nang bukas.

III.
Dati-rati, hindi tayo mapaghiwalay.
Kapag may problema, isa't-isa ang karamay.
Kaagapay sa halos lahat ng bagay.
Hindi uso sa atin ang salitang: "Goodbye"

IV.
At dahil walang permante, lahat nagbabago,
Bigla nalang isang araw di mo na ako kinibo.
Lahat na nangpag-suyo nagawa ko,
Ngunit ako'y nabigo.

V.
Kahit anong mangyari kasama ka pa rin
Sa listahan ng mga kaibigan ko.
Hindi ko hinihingi lahat ng oras mo,
Pero sana naman, 'wag **** baliwalain ang tulad ko.
kingjay Jan 2019
Isang araw na nang naulila ay hindi lumalabas ng kwarto
Sa kulungan pinagdudusahan ang kasalanan - ang mahuli sa pagkagising at nang hindi nabantayan hanggang sa pagtilaok ng mga manok para matiyak ang kaligtasan

Nagdalamhati ang nagtipon sa misa ng patay
Tuyong lupa ay nadiligan ng luha nang ibinaba ang kabaong sa ibinungkal na lupa
Ibinaon ang pagdaramdam pati ang pagsisi sa kasarilihan

Huling mga salita ay sariwa pa sa pandinig
"Agosto, buwan na madalas dalawin ng bagyo"
Ang papel na kinuha ay siyang rekwerdo
Ama na nagpalaki ay huwaran sa mga pamilya

Labing isang taon inalipin ng pag-ibig
At sa kanyang pagbalik panibagong bukang-liwayway sa marahas na buhay ay tumingkad
Ganap ng abogado - Reyna ng kanyang pangarap ang binibini

Nang sinadya na dumaan sa kanyang bakuran
Nakita sa bintana, isang manliligaw kasama ang buong angkan
Hinayaan ang pagmamahal na maghintay
Datapawa't may mali sa natatanaw
Hindi na masiyahin ang dilag
kingjay Jan 2019
At dagli na hinalikan
Ang namamalirong mga labi niya'y sabik sa unang karanasan
Ang sagot ay ang ginoong unang nagpatibok sa kanya ang unang hinalikan
Ngunit huli na ang lahat
Magpapakasal na sa ibang lakan

Sapagkat ang pamilya'y pinagkasunduan
Simula pa ng pagkabata, naipakilala na ang nakatadhanang nobyo
na mag-aangkin ng kanyang puso
Hambog na binata'y sa kanya ang sasal ng kasayahan sa mundo

Gaya ng karamihan ay nanligaw din ang pasikatero
bago nakuha ang minimithi
Sadyang mailap ang pagmamahalan ng mababang uri
Ngayon iba na sa kanya ang nagmamay-ari

Nang nagkaisang dibdib na'y nawalan ng pag-asa
Kahit masilip sa tuwi-tuwina
at maibulong ang pintuho sa reyna
Bukang-liwayway sa akalang nag-uumaga
Takipsilim palang naduhagi sa bawat araw at sa susunod pa

Ang hinihingi'y ay ang pag-amin
Sa kanya na ang desisyon
Mag-iiba sana ang kapalaran
sapagkat matimyas ang kanyang pag-irog
Kayang iwanan ang karangyaan kapalit ng pag-ibig
Paraluman Sep 2017
"Wag mo akong iiwan",
Lagi **** sambit sa akin.
"Ako'y nasasaktan at malungkot
Puso kong wasak gustong makalimot.
Jan ka lang sa'king tabi't
Damayan ako hanggang takip silim.
Iyong pasayahin panandali
Upang lungkot ko'y wag manatili."

"Wag mo akong iiwan",
Paulit-ulit kong pinakikinggan.
Lungkot mo'y aking papawiin,
Puso **** wasak aking bubuuin.
Di ako aalis sa iyong piling
Bukang liwayway pa'y dumating.
Sarili ko sa'yo ay iaalay,
Di ipagdadamot.
Wag mo lang din akong iiwan sa iyong paghilom at paglimot.
Leslie Jade Sep 2021
sa rami ng tulang nilikha
panaghoy ang tila namamayagpag
emosyong natatakpan ng mukha
ay patuloy na binabagabag

madalas ay natatapos sa lungkot
madalang na naguumpisa sa saya
bawat linyang kataga'y puot
tila walang dinudulot na ligaya

sa daang salita na kayang bigkasin
nasaan ang malalambing na parirala?
sa bawat boses na nais kalasin
kailan ang araw na maaabot ang tala?

May dalisay nga ba sa mga letra?
May pag-asa nga ba sa mga talata?
muli nga bang darating ang saya
sa paggising ng bagong hiraya?

Marahil ay unti-unti, hindi bigla-bigla
yayakapin nang mahigpit, dahan-dahan
upang ituloy ang naudlot na sigla
upang magmistulang sarili ang tahanan

Gaya ng dapit-hapon ay manlalamig
ngunit sa bukang-liwayway, gugunitain
sarili ang maging unang daigdig
pagkamuhi ay tuluyan nang palayain

kaya't sa bawat salitang isusulat
yakapin ang letrang namumukadkad
darating ang araw na muling pagkamulat
masisilayang muli ang ligaya sa paglipad
Donward Bughaw Apr 2019
Umalingawngaw
ang huni ng mga ibon
sa bukang liwayway.
Ilang minuto rin akong naghintay
hanggang sa kumulo na
ang tubig;
at nagsalin ako
sa baso,
nilagyan ng kape't asukal
saka maingat na kinutaw
gamit ang malamig na kutsara
saka hinipan ang pinakaunang nasandok
at nang aking malasahan
ay unti-unting nagbalik
sa akin ang nakaraan
kasama si amang nabubuhay pa't
tanaw kong umiinom
ng kape...
sa lilingkuran.
Masarap ang kape. Minsan naranasan kong magkape ng mag-isa at wala akong ibang maisip kundi ang aking pamilya na nasa bahay lang. Malayo sa akin. Nag-aaral kasi ako no'n
solEmn oaSis Nov 2020
Kung hindi ngayon kailan?
hanggang kailan mapipigilan
malikmata sa abang isipan?
Lumulobog nga ba
o sadyang pasikat pa
lang ang araw Kong nagigisnan?
Hanggang saan pa ba
ang kayang tanawin ng inyong kalooban?
'gang sa likod ba ng mga lilang
ulap at mala-kahel na papawirin?
Tulad rin ba niya ang inyong mga mata na mayroong tanglaw at panglaw?
Sa kung gaano kalalim ang lawak ng karagatan sa taglay nitong saklaw?
Kung kayo ang nasa katayuan ng namamasdan **** katauhan..
Mababatid ninyo kaya kung paano niya
minamalas ang nasa kanyang harapan?
Sa pakiwari ko'y hindi sapagkat talos kong nadaramang higit ng inyong mga puso...
Na ang nilikhang inyong nakikita ay walang nakikita sa malayong ibayo !
Hindi dahil sa siya ay naiinip lang na makita na ang kanyang minamahal..
Ang tutoo nangangamba na ako na baka hindi na niya maantay ang resulta ng aking pagpapagal.
Sapagkat kung ano man ang nilalarawan ng bawat kapaligiran..
Pikit mata ko na ipinipinta ang mga sandali kung paano ko siya daratnan !
Kaya ngayon na ang tamang oras
At di ko na kaya na ipagpabukas
upang sabihin sa kanya na hindi na ako mamamalakaya.
Mahal heto na ako sa iyong likuran..
'Wala akong hilang sagwan',
Ang bulong ko sa aking isipan..
Tatakpan ko ang iyong mga matang namamalakaya
Hanggang sa ang aninag mo muling maging malaya..
Dahil ang araw na ito ay hindi takipsilim para sa ating dalawa
Bagkos ang liwanag nating inaasam ay binibigay na ng bukang-liwayway !!!

Ngunit mga katoto kung ang sagot ninyo ay Oo..
Marahil inyo nang napag-isipan mga binibini at mga ginoo
"... Na kung minsan bago pa tayo may mapagmasdan
Madalas hindi agad namamasid ang lihim na kagandahan"
Bihira man bigkasin ang kasabihang...
" magkaiba yung may tinitingnan
sa mayroong tinititigan "
mula sa malikot kong balintataw
nailibing ko na ang pandemya ngayong araw ng undas at binuhay ang larawan ng masasayang
" ALAALA "
ArominizedM Mar 2016
A-abangan ang bukang liwayway dulot ng pag-ibig Mo,
Pupunuin ng liwanag ang takipsilim ng kabuohan ko.
Iparanas Mo sa aking muli ang Iyong dakilang gilas,
Bagaman taimtim, ang koro ng aking papuri ay wagas.
J De Belen Feb 2021
Isang liham na ako lang ang nakaka-alam
Liham na itina tago-tago ko ng napaka tagal
Liham na mag-paparamdam sa akin
Kung bakit nga ba ako kulang?
At mag-papaalala sa akin na hanggang dito lang
Liham na isinusulat ko ng matiwasay
Dahil alam ko,
Para sayo 'to.

Liham na siguro dapat nung una pa lang
Binigay ko na
Liham na dapat nung una pa lang pina-alam ko na
Liham na dapat ay na-alala ko pa
'Di sana hindi nako nag-iisa pa
Isang Pag-ibig na ibig ipa-batid
Pag-ibig na gusto kong makamit
Pag-ibig na sigurado akong masakit.

Pero
Ito'y hindi pa batid
Kung ito nga ba'y mag-dudulot ng sigalot
'O mag-dudulot ito ng kirot
Dahil sa utak na pa baluktot
Wala akong ****-alam
Basta ang alam ko lang
Ikaw lang ang mahal
Ngayon
'O maging mag-pakailanman
'O mag pa sa walang hanggan.

Ayoko ng bilangan
Ayoko ng kuwentahan
Ayoko ng gumamit ng tala-pindutan
Dahil walang sukatan at bilangan
Kung hanggang saan ang aking pagmamahal
At kung hanggang saan ang kaya kong gawing bagay  para lang sayo.
Wag mo ng tangkaing tanungin pa
Dahil yan ay bukod tanging ako lang ang may alam.
Dahil wala talaga itong sukatan.

Dahil lang sa isang liham
Ako'y nagkaka ganyan
Hindi ko na alam
Kung sino 'ko.
Kung ako pa ba 'to?
Kung totoo ba 'to?
'O ito ba ay parte ng biro?
'O parte nga ba ng bugso ng puso?

Kasi ang pag-kakaalam ko
Hindi naman talaga ako ganito.
Siguro nga
Sobra akong na-dala
Nag-padala sa aking nadarama
Na tama ba ito 'o mali?
Ayokong mag-patali
Ayokong mag-madali
At mag-pasakal sa mga bagay na di ko alam kung hanggang saan ang kakahantungan.
Tama ba ang Aminin sayo ang totoo?
At tama rin ba na sabihin ang maling pag-tingin ng aking damdamin?

Kahit alam ko
Meron ka ng bago.
At may iba ng nag-papasaya sayo
At 'yun ay 'di na ako.
Malungkot dahil ang pag-kakaalam ko
Bago pa siya dumating sa piling mo
Merong isang taong umalalay sayo ng minsan,
Minsan na sa piling ko ay naging masaya ka naman.

Pero wag kang mag-alala
Ako ay desperada
Oo tama
Ako nga ay desperada
Kaya ako ay patuloy paring aasa
At mag-sisilbing mga paa at kamay mo
Kahit 'di na maaaring maging tayo
At magiging saklay na taga gabay sa tuwing ikaw ay nahihirapan.

Mapagod man ako
Ay ok lang yan!
Dahil alam ko parte yun ng pag-mamahal ko sa'yo, na binuo ko sa aking isipan na naging liham at naging bukang bibig ng aking kaibuturan.
Kahit alam mo,
Na ako ay sobrang masasaktan
At mahihirapan
Mas pinili mo parin na ako ay iwan
At 'di na balikan
Dahil siya na ang iyong mahal
Kaya
Tanggap ko na,Mahal
Paalam.
kyleRemosil Jan 2019
Hating Gabi
Panibagong araw na nmn
Petsa sa kalendaryo ay nag iba na
Ngunit nananatiling madilim pa
Ganito talaga pag hindi ka kasama

Ang ganda pagmasdan
Ng mga bituin at ng buwan
Pero di parin sapat para pantayan
Ang liwanag na ibinibigay ng babaeng itinuturing kong araw at mamahalin ko magpakailan man

Pa usbong na ang umaga
Lumalalim na ang gabi
Ikaw lang gustong makasama
Ikaw lang ang nais makatabi
Ngunit parang di pa ipapatupad ng tadhana
At hindi pa yata pwede
Hindi pa natin pwedeng pagsaluhan Ang oras
Parang pinaghatian lang natin ang isang araw sayo ang umaga akin ang gabi

Ang makasama ka ay para bang bukang liwayway
Na ninanais ko ng matanaw at maabot
Ngunit ito’y matagal pa kaya nakakayamot
Ako ay nasa alas dose pa at hindi naman sa nag iinarte
Nakakalungkot lang na matatagalan pa ang bukang liwayway kasi nandito pa ako sa hating gabi
Euphrosyne Feb 2020
Dalawang bituing
kumikislap-kislap
sa gitna
ng dilim
Tambal ng aliw
na sasayaw-sayaw
sa tuwing ako’y
naninimdim
Bukang-liwayway
ng isang pagsintang
walang kupas
Takipsilim
ng isang pusong
di magtataksil
Sa totoo napaka ganda ng iyong mata iyon agad ang napapansin ko hindi lang ang iyong ikaw.

— The End —