Isang liham na ako lang ang nakaka-alam Liham na itina tago-tago ko ng napaka tagal Liham na mag-paparamdam sa akin Kung bakit nga ba ako kulang? At mag-papaalala sa akin na hanggang dito lang Liham na isinusulat ko ng matiwasay Dahil alam ko, Para sayo 'to.
Liham na siguro dapat nung una pa lang Binigay ko na Liham na dapat nung una pa lang pina-alam ko na Liham na dapat ay na-alala ko pa 'Di sana hindi nako nag-iisa pa Isang Pag-ibig na ibig ipa-batid Pag-ibig na gusto kong makamit Pag-ibig na sigurado akong masakit.
Pero Ito'y hindi pa batid Kung ito nga ba'y mag-dudulot ng sigalot 'O mag-dudulot ito ng kirot Dahil sa utak na pa baluktot Wala akong ****-alam Basta ang alam ko lang Ikaw lang ang mahal Ngayon 'O maging mag-pakailanman 'O mag pa sa walang hanggan.
Ayoko ng bilangan Ayoko ng kuwentahan Ayoko ng gumamit ng tala-pindutan Dahil walang sukatan at bilangan Kung hanggang saan ang aking pagmamahal At kung hanggang saan ang kaya kong gawing bagay para lang sayo. Wag mo ng tangkaing tanungin pa Dahil yan ay bukod tanging ako lang ang may alam. Dahil wala talaga itong sukatan.
Dahil lang sa isang liham Ako'y nagkaka ganyan Hindi ko na alam Kung sino 'ko. Kung ako pa ba 'to? Kung totoo ba 'to? 'O ito ba ay parte ng biro? 'O parte nga ba ng bugso ng puso?
Kasi ang pag-kakaalam ko Hindi naman talaga ako ganito. Siguro nga Sobra akong na-dala Nag-padala sa aking nadarama Na tama ba ito 'o mali? Ayokong mag-patali Ayokong mag-madali At mag-pasakal sa mga bagay na di ko alam kung hanggang saan ang kakahantungan. Tama ba ang Aminin sayo ang totoo? At tama rin ba na sabihin ang maling pag-tingin ng aking damdamin?
Kahit alam ko Meron ka ng bago. At may iba ng nag-papasaya sayo At 'yun ay 'di na ako. Malungkot dahil ang pag-kakaalam ko Bago pa siya dumating sa piling mo Merong isang taong umalalay sayo ng minsan, Minsan na sa piling ko ay naging masaya ka naman.
Pero wag kang mag-alala Ako ay desperada Oo tama Ako nga ay desperada Kaya ako ay patuloy paring aasa At mag-sisilbing mga paa at kamay mo Kahit 'di na maaaring maging tayo At magiging saklay na taga gabay sa tuwing ikaw ay nahihirapan.
Mapagod man ako Ay ok lang yan! Dahil alam ko parte yun ng pag-mamahal ko sa'yo, na binuo ko sa aking isipan na naging liham at naging bukang bibig ng aking kaibuturan. Kahit alam mo, Na ako ay sobrang masasaktan At mahihirapan Mas pinili mo parin na ako ay iwan At 'di na balikan Dahil siya na ang iyong mahal Kaya Tanggap ko na,Mahal Paalam.