Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Alila syang sakal
Tila nasa hawlang nasa labas ng sinapupunan
Naghihikahos sya
Humihingi ng tulong.

Tinawag ko si Tatay
Pagkat ako'y manikin
Wala sa ulirat
Habang sya'y nasa piit ni Kamatayan.

Pilit syang pumipiglas
Sa pira-pirasong tabla
Nakaririndi ang tinig
Hindi marunong kumalma.

Tayo'y nilalang na may isip
May katinuan
Hindi kailangang pumiglas
At panay ang laban.

Minsan, kahinaa'y malalasap
Ba't hindi huminto?
Hindi ito pagsuko, kaibigan
Ito'y paghihintay
Paghihithit ng lakas
Na kahit saglit
Ang buhay ay mahingahang muli.
Naiinis ako kay Teddy (ang Tuta naming mukhang Teddy Bear, malaki ang mata na parang si Keropi), pilit na papasok sa bahay at kaawa-awang maiipit. Buti na lang andyan si Papa, buhay pa siya haha.
I. Katunggali

Pauulanan ko ng tingga at pagkayari ay
magbubungkal ng lupa sa kaloob-looban
    ng katawan – iyong libingang yungib

at doon ay hahayaan kang mabulok

kaya ingatan mo ako at huwag
hayaang biglaang pumutok

II. Tanawin

dahan-dahan kong aalisin ang sumasaplot
na lamig ngayong Hunyo

sa iyong katawan at pupunuin
ka ng alaala ng Abril

itong pagmamalupit bilang talababa
matapos tuldukan ang nagdaang panahon

kaya ingatan mo ako at huwag
hayaang bumigwas sa kung anong
grabidad ang pumipigil sa iyong pagkawasak

III. Rosaryo

sa sukal ng dilim bago magpasalamat
at magbigay-pugay sa diyos-diyosan,

maingat kong kakapain ang kuwintas
ng iyong

    mga kamay. Dadagundong sa iyong paglapit
ang hungkag **** katawan

    paluluhurin ka sa altar ng pagtangis
at sabay lulunurin ka sa kasalanan

kaya ingatan mo hindi ako, kundi ang iyong sarili
at humingi ka ng paumanhin pagkatapos. Hindi na bago sakin
ang misteryo ng iyong katawang ibinubulong sa pigurang kahoy:

mahuhulog ka sa aking bibig bilang
    alinsunurang awit.

IV. Iyong katawan*

Hindi ipaaari sa sinuman.
Huwag **** idiin sa akin ang karumihan ng mundo.

walang ipalalasap kundi isang ordinaryong karanasan
lamang – malayo ito sa inaasahang tagpo

kundi pagnanais.

           Higit pa sa ingay ay ang salaulang katahimikan
  ng dalawang katawan na pumipiglas at nais lumaya

sa balintataw ng isa’t isa bilang piitan.

Kaya ingatan mo akong mabuti
at bigyan ng panuto kung paano ka hahagkan upang hindi
     mabasag kung malaglag man sa isang mataas na lugar

dahil   mayroon   pa tayong   bukas  na ilalaan para  sa pantasya.
****.
071816 #3:18PM #RobPalawan

Muling mauutal ang puso
Buhat sa naantalang pagtatapat.
Ninais ko noong lisanin ang paghihintay
At magbakasakaling
Panahon na ng pag-ani ng pag-iibigan.

Ni minsan,
Hindi ka nagpadaig sa pana ni Kupido,
pagkat marahil may lamat kanyang gintong palaso.

Patuloy akong magbibilang ng bawat dahong nalalagas,
Aaninag sa araw na siyang minsang pumipiglas,
At sisenyas sa hanging hinahawi ang kawalan --
Kawalang hindi tunay,
Pagkat pag-ibig, aking buhay.

Ilalaan ko sa kalawakan
Ang talatang tila walang saysay,
Makikipagbalagtasan sa pagkitil
Ng mga linyang nahihimbing.

Ako'y saksi sa malawak at malalim
Na mahikang di naglalaho,
Sa eksperimentong walang kemikal
Bagkus puro't siyang natural,
Sa paglalambitin ng mga bombilyang
Hindi papupundi,
At mga tuldok na hindi katapusan.

Yayariin ko ang klima ng pusong hindi kalmado,
Bituin ng pagtatapat ay aangkinin,
Pagkat halaga nito'y
Wagas na pag-ibig.
Hindi ako susuko,
Tatagpiin nang kusa
Ang liham ng sagrado kong pag-irog.
(Pagkat naiisip na naman kita. Marahil baliw ang pag-ibig, pero nasa tamang pag-iisip ang katauhan. Patuloy kitang ipagdarasal, maghintay lang tayo.)
042416

Pumipiglas sa kadena,
Nagwawalang may pagbubusina.
Walang-wala siya sa datus
Ng iskandalong panglaman-tiyan.

Kilay ay naagnas
Bunsod ng galit na mapagmataas.
Mag-iiskandalo ang ugat sa magaspang na balat,
Siyang bulkan pala ng naghihimutok na alamat.

Lambat ng kahapon, isasaboy sa dagat
Huli'y kaawa-awa sa dinamitang kagat-kagat.
Sisisid kahit di akma ang tono ng tubig,
Lulusong muli't paghihiganti'y bukambibig.

Gamit ang sinulid ng tinapyas na bungangkahoy,
Matutukso ng talim, siya nga palang abuloy.
Istoryang tigang, nginuyang may malasakit,
Paru-paro't bulaklak sa kutsilyo ang kapit.

Kalawang ang uubos sa kadena,
Sa ilang pagpihit ng litratong may ordinansa.
Patay-sindi kaya't pondido ang ilaw,
Pipihitin ang kable't ahas ang tutuklaw.

Ang trono'y walang manggas at naantala,
Pinilihan ng mga oportunistang kanya ring katiwala.
Sapilitang makikipagniig sa kaharian,
Batas ay iluluklok, pantawid sa katuwiran.

Siya'y naghihimagsik sa haliging walang sabit,
Langis ay tagas ng sikmurang kumakalabit.
Gaya ng kahapong titulado ng dilim,
Babagsik ang leong minsang karima-rimarim.
Katryna Mar 2018
Sinong makakapagsabi na kaya ko palang iaalay ang kantang ito sayo.

Nakalimot ako,
Masyado kong nilunod ang mga oras ko kakaisip sa mga pighating dala ng imahinasyon ko.

Nilamon tuloy di lang ng pagkatao ko kung hindi pati ang puso ko.
Nakalimutan kong ikaw pala ang nagpapatibok nito.

Sabi nga sa kanta, "this heart it beats, beats for only you".
Pero nasaan ako?

Ito, nilulunod ko ang sarili sa mga luhang hindi mapawi pawi.
Nakalimutan ko na bago sya o sila dumating, ikaw ang unang lumapit.
Nakalimutan ko na bago ako sa kanila umasa, hiningi ko muna sayo ang mga bagay na aking natatamasa.
Nakalimutan ko na bago ako sa kanya o sakanila kumapit, kamay mo muna ang unang kumalinga.
Nakalimot ako, na bago ako manlimos ng atensyon nya, o nila
Binigay mo ito ng buong buo.

Oo alam ko, naging matigas ako.

Ilang beses mo na akong niyakap pero pilit akong pumipiglas.
Oo alam ko, na sa tuwing nag iisa ako at lahat ng tao ay tinalikuran ako.
Ikaw ang kahit hindi ko nakikita pero alam ko, andyan ka lang sa tabi ko.

Inaalay ko ang kantang ito, dahil oo tama ang mga liriko nito.
Hindi ko kaya ng wala ka.

Ikaw na nagsilbing hanging payapa sa puso kong binabagyo ng galit,
pangamba
at kung ano ano pa.

Ikaw na nagsisilbing huling hininga ko,
huling pag asa ko.

Pakiusap, wag kang mapapagod na yakapin ako.

Isayaw, ang puso ko hanggang muling matutong magmahal.
Isayaw, ang puso ko, tulad ng puso mo na walang ibang alam kung hindi ang magpatawad.

Isayaw, ang pagkatao ko,
At ibalik ako sa dating ako.

Patawad nakalimot ako.
Published last October 1, 2017. Christian life program
Stephanie Apr 2019
apat na letra lang yan pero bakit parang ang daming kahulugan..
napakaraming nais iparating ngunit pilit na ikinubli sa apat na letra
kumakawala, pumipiglas ang mga patalim nitong may taglay na lason na maaaring magdikta ng libong sakit

at pasensya ka na, hindi ata nakarating ng maayos sa aking pang-unawa ang nais **** sabihin

"bakit ka ganyan, mahal?"
"ewan"
"may problema ba tayo?"
"ewan"
"mahal mo pa ba ko?"
"ewan"

pero mas masakit palang marinig na ewan din ang sagot mo sa tanong na bakit.

bakit mo ko patuloy na sinasaktan?


sige, wag mo nang sagutin.




nagsasawa na ko sa mga ewan mo



ngunit, putangina, hindi sa iyo.



nagsasawa na ko sa sakit na ibinibigay mo, hindi naman ito ang ipinangako mo pero ewan...

siguro nga'y mahal na mahal lang kita kaya't sa lahat ng ewan na binanggit mo isa lang ang alam kong sigurado...


hindi ko alam kung paanong magsisimula muli, ewan.. bahala na'ng pusong sawi sa pagbuo ng mga piraso nitong dinurog ng lapastangang pag-ibig na alam mo.
para sa mga nagmahal ngunit hindi minahal ng tama.
Chloe works Oct 2017
Patawarin mo sana kung akin pa ring pinagpipilitan,
Nagbabakasakaling maibalik pa ang tamis ng ating pagmamahalan,
Hindi naman siguro masamang mangarap,
Kahit na sintaas pa ito ng mga ulap.

Pilit inuunawa, may pagkukulang ba o sadyang nagsawa ka na lang talaga.
May mali bang nagawa o may nakahanap ka na ng mas maganda.
Mga katanungang gumugulo sa aking isipan.
Ninanais na sana ito na'y matuldukan.

Hinayaan ang sariling magpakatanga,
Umasa na ang nakaraa'y maibabalik pa,
Mga alaalang ubod ng saya,
Tila ba hindi na masusundan pa.

Mga pangakong pilit na pinanghahawakan,
Kahit na nagkabuhul-buhol na ang hawakan,
Mistulang kamay mo na unti-unting bumibitaw,
Pumipiglas kahit na pilit hinahawakan.

Matatapos din ang lahat, kailangan lang ng pagtyatyaga.
Maglalaho ang pag-asang magkakabalikan pa.
Pagmamahalang paglilipasan din ng panahon,
Mga mumunting alaala'y tinangay na ng alon.

— The End —