Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinagtagpi" poems
Sinukat ko ang bawat metro't pinagtagpi-tagpi Sa nakalatay na papel na siyang may lamat Na minsan kong pagkakamali. May ilang letrang naging tuntungan At ang alagang walang buhay -- Ang koneksyon ay tungo sa bukal ng liwanag; Moderno na kasi kaya't kailangang makisabay Noong manwal pa lamang, mapagsa-hanggang ngayon.. Teknolohiya'y senyales na ng transisyon. Matagal nang napaso ang pagal kong mga daliri Sigaw nila'y tulog sa walang himbing na mga sandali At sa kursong tinapos, ngayon pa lamang ang simula Nagising ang pangarap na siyang binigla. Ang oras daw ay ginto At minsa'y kailangang habulin ang mga numero Ngunit sa bente-kwatrong tangan-tangan Tila hindi sapat. Muli kong binilang ang nalalabing araw Tanging ang pangpito ang siyang pahinga Ganito pala ang katotohanan, wika ko. Salamat sa huling araw Na iluluwal muli ang gintong araw Itataas kong muli ang kapagalan At ako'y bubuhusan ng lakas at determinasyon. Sabi Niya nga sa akin, Wag daw akong mapapagod Pagkat hindi matatapos ang araw, May panibago na namang hamon. Salamat sa Maykapal Salamat sa saglit na pahinga At sa tubig mula sa bukal; At minsan ako'y tinawag Niya Ako'y tumango sa layon, may armas ng pagkaligtas Ang pananampalata'y patuloy din. Bitbit ko ang puso Niya Na lagi Niyang bahagi sa akin Sa banal na kasulatan na bumukas ng pag-iisip At nang ang buhay ay mapahalagahan ko. Kung ang direksyon na ito'y balakid sa layon Niya Mabuti pa't maglaho na lamang Ang bawat oportunidad, kahit ito'y ikatutuwa ko Tanging ang nota ko'y Siya lamang Wala nang iba pa, at kung nasaan man Siya, Doon ako'y tutungo; doon din ang paghimbing. Salamat Ama, salamat Hesus at sa Banal na Espirito - purihin Ka! (6/28/14 @xirlleelang)
0
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 1:09 AM UTC
Huling Araw

Continue reading...
46
Ngayon ang araw na ang tagsibol ay naging taglagas Nagmistulang mga banderitas na may kani-kaniyang pahiwatig Ang mga balitang may madalamhating panimula. At kung ito nga ang katapusan ng isang mandirigma Sa kahon at sa lilim ng Malacanang, Ay dito ko rin nais magsimula ng aking pagtaya. Ginuguhit ko sa aking isipan Ang paulit-ulit na malalaking tuldok At ang kani-kanilang dugtugngan Na tila ba hindi lamang sila kabahagi ng kabuuan Ngunit ang kanilang kabuuan ay sya ring kabahagi Sa pinagtagpi-tagping mga kalahok ng kasaysayan. Natatandaan ko pa noong elementarya, At sa tuwing bubuksan ang aklat ng nakaraan Ay tila magiging mga itak na matutulis ang mga pahina nito At sabay-sabay na susugod at lulusob Na para bang mga manlalayag sa panibagong misyon nito. At kahit pa, kahit pa gustuhin ko mang manatili Ang mga imahe sa realidad Ay wala naman akong kakayahan Para pigilan ang tadhana sa pagkitil Ng kanilang mga pinaglumaang orasan. Ngunit sigurado akong ang mga mukhang nililok ng panahon Ay magiging katulad din ilang pahinang ipinapangkalakal At doon sila'y magpapatuloy ng panibagong yugto Ng mga kwentong hindi man maiukit sa kasaysayan Ay magsisilbi namang pamana Sa henerasyong may iba nang ipinaglalaban. Hindi man ito ang sinasambit kong katapusan Ngunit sa pagitan ng magkaibang panig at paniniwala Ay balang araw itong maisasara na may iisa ng pamagat. At marahil bukas o sa makalawa'y Sabay-sabay din tayong magbunyi Sa umagang hindi na lulubog pa magpakailanman.
0
Jun 26, 2021
Jun 26, 2021 at 12:53 AM UTC
Equinox

34
Pumarito sa aking tabi kung saan ang mga salita ay hindi laging kakailanganin, Batid ang 'yong mga hinaing at hinagpis ngunit hindi na kailangang sabihin. Dito na lang kung saan sasapat ang pagdausdos ng ating mga palad, higit na ang pagsulyap sa mga mata **** iba ang tinatangan, Dito kung saan hindi kailangang magpaliwanag -- kahit hindi naiintindihan ay mamahalin ka sa paraang nararapat bagama't lingid sa'yo. Pumarito na lamang kung saan ang bawat paghinga'y tulang ikinukubli ang hapdi, kirot, at sakit, Mga agam-agam at handusay ng lumbay. Sino nagsabing hindi ka maaaring ibigin mula sa kalayuan? Kalokohan. At kung sa wakas ay matunton mo ang daan patungo rito, Sana'y manatili ka. Manatili tulad ng pananatili ko sa walang kasiguraduhan, Manatili na parang aking mga mata sa tuwing nakatitig sa'yo na tulala sa kawalan, sa kanya, Manatili ka sana, Manatili kahit panandalian. Kung sasapit ang unos at nanaisin **** lumisan, ang dagliang pagbitiw ay hindi maipapangako ngunit hindi kita pipigilan, Sapat sa akin ang pinagtagpi-tagping kapos at maikling panahon, ang mga nakaw na sandali ng kahapon, ang pakikipaglaro sa tadhana na kunwari, ikaw na talaga. Sapat sa akin ang pumarito, Sa pagdausdos ng mga palad mo sa mga palad ko, Kung saan ang mga salita ay hindi na kakailanganin, Dito sa walang akin.
0
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 10:39 PM UTC
Dito
Hayan nanaman sila, Naglalayag muli ang mga mamamahayag, Lagalag nanaman ang bandera ng pula, berde't asul Sa gitna ng karagatan ng mga nauupos na katotohanan, Ang hangin ng pagbabago ay muli nanamang umiihip, Tulak-tulak ang bangkang ginawa mula sa diyaryo't mga pangarap, At doon, Sa islang pinanggalingan ng mga mamamahayag, Kung saan ang mga tao'y kasali sa isang paligsahan ng mga bangkay, Nakatayo sa sentro ang isang pulang bahay na nagmamatyag, Sa kanyang pader nakaukit ang mga alituntunin ng larong maingay, Mangyari lang daw na patayin ang nagsasayawang mga apoy na nagbibigay ilaw sa pagbabago, Mangyari lang daw na patigilin ang pagkembot ng mga bewang sa kumpas ng isang ipinagbabawal na musika, Mangyari lang daw na mangarap ngunit tumingala sa usok ng kanyang establisiyemento, Mangyari lang daw na maglabas ng buntong hininga ngunit huwag sanang pagkamalang pamumulitika, Sa nayong malapit sa dalampasigan ng isla, Kung saan ang buhangin ay nananatili pang morena't hindi pula, Matatanaw ang isang maliit na eskenita, Kung saan naglalakad ang mga pudpod na paang naghahanap ng pag-asa, Ang daang malubak ngunit binuo ng pinagtagpi-tagping mga proweba, Ay mag tuturo sa daungan ng bangka ng mga sinabing peryodista, Ngunit pagdating sa nasabing tagong lugar, May mahabang pilang nag-aantay sa naturang bangka, Wari'y lahat ng talampakan ng mga tao'y dumudugo ngunit hindi namumula, Lahat ay may dalang maleta ngunit hindi naglalayas o nawawala, Sila'y nakapila upang antayin ang bangka, Hindi para sumama, Kundi para maging kalasag ng isang malayang pagpapahayag, Para maging tagapagtanggol ng isang katotohanang nararapat makita ng lahat ng mga nabigador, Para mapatahimik, hindi lang ang lagim ng laro, Kundi lahat ng mga bangkay na naiwan niyang nag iingay
0
Mar 14, 2022
Mar 14, 2022 at 11:23 PM UTC
Papel na Bangka (2020)

31
"Magandang umaga sa mga ulap na kasing ganda ng yong mga mata. Habang lumulubog ang mga bitwin patuloy ang buwan sa pagkanta. Ang langit na sing tamis ng mga ngiti **** walang kasing lambing. Kung alam mo lang sana ang pakiramdam ko sa tuwing ika'y nakikita. O kung paanong ang puso ko'y lumulundag kahit di ko man idikta. Ang isip ko'y di mapakali hinahabol ang kanyang paghinga. Sa bawat patak ng segundo sa bawat hininga mula sa baga ko, Mukha mo ang naiisip tinig mo'y umaalingaw ngaw sa loob ng utak ko. Ibaling ko man sa iba ang atensyon ko naghihimagsik ang damdamin ko, Ikaw ang panaghoy ng puso kong sing lambot ng ulap na di mapanuto."
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 4:11 PM UTC
Pinagtagpi tagpig nadarama
Hanggang saan pangaabutan? Ang mga salitang inilaan Mga titik na pilit pinagtagpi-tagpi Na tanging ako lang ang nakaiintindi Sa kasing layo ng pinaglulubugan ng buwan Aking aking hangad na marating ng aking kasulatan Para sa aking nagiisang sinisinta Na sa akin ay wala na atang paggunita
0
Jan 26, 2019
Jan 26, 2019 at 11:39 PM UTC
Para Sayo, II
Pinagmasdan sa di kalayuan Lungkot sayong mga mata'y nasaksihan Kahit nananaig sa paligid ang tawanan. Isinulat sa papel lirikong pinagtagpi. Sa awiting ito damdami'y ikinubli. Durog na puso'y isinabay sa pag uwi. Kinabukasan aking pinagmasdan Saya sayong mukha at kaaliwalasan. Kamay nya sayong bisig aking nadatnan.
0
Dec 8, 2018
Dec 8, 2018 at 8:31 AM UTC
Kaibigan Lang