Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JK Cabresos Nov 2011
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan;
Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala,
na ikaw sana'y magbalik.
Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan:
Nasa'n ka na nga ba?
Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit.

Nalulunod ako sa mga luha
sa bawat oras ng pagkadapa,
Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati;
'Sang pinsala dulot ng pag-ibig
na nawaglit lang ng bigla
Nasa'n ka na nga ba?
Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali.

Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal,
At sa pagdating ng hating-gabi,
ginagapos ng lubid ng karimlan:
Walang mahagilap na dahilan
sa paglayo mo mula sa 'king piling,
Bukod-tanging kahapon na lamang
ang aking sinusubukang gunitain.

Subalit gulo ang s'yang aking batid,
pait ang s'yang aking lasap;
Ni walang kapayapaan,
ni bigkis man lang ng galak.
Tayo sana'y ikakasal na, ba't ka pa lumisan?
Nasa'n  ka na nga ba?

At kung hindi ka pa rin darating,
sa panahong mundo na'y magdidilim,
Maghihintay pa rin ako sa 'yo
hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
© 2011 (Revised)
Pusang Tahimik Feb 2019
Nagising mula sa maingay na telepono
Tinig na bumabati ng isang maginoo
Maligayang kaarawan saad ni Piccolo
Bumangon ka na riyan at pumarito

Katawan ay nakapako pa sa higaan
O, bakit ba kay lambot nitong aking unan?
Ang bumangon ay tila palaisipan
At ang panaginip ay nais pang balikan

Ngunit tatayo na upang mundo ay harapin
Sa labas ng pinto katotohana'y malagim
Sa likod nito ay papanhik pa rin
Sapagkat ang tumanggap ay natutunan ko na rin

Sa lugar kung saan ang lahat ay gaganapin
Lahat ng handog at pagbati ay tatanggpin
Ngunit tila nasa gubat at nag-iingat pa rin
Sapagkat maging sa mga banal ay may ahas pa rin

Sa wakas ang araw ay natapos na rin
Bulong sa sarili na tila ba aantukin
Ang araw na ito'y tiyak na lilimutin
Nang taong sa tiwala'y may suliranin
JGA
Jose Remillan Sep 2013
Kulang ang haba ng magdamag at lalim ng
Himbing upang lubos nating maunawaan ang
Imortal na sandaling ito. Dahil alam natin na
Wala tayong anumang panlaban sa lumbay
At pangungulila, nagkakasya na lamang tayo sa
Isang pangako at pag-ako ng damdamin.

Tahan na mahal ko...
Umasa kang saan mang lupalop tayo tangayin ng
Buhay at paghihintay, ng siklo at pagpapasya,
Ako'y mananatiling nakapako sa hiwaga ng iyong
Langit na pagsinta. Kapos man ang sandaling
Ito upang maging sandalan natin sa saglit
Na paglayo, alalahanin **** hindi lahat
Ay humahantong sa wakas dahil
Likas sa atin ang manalig sa pagsintang wagas.
Quezon City, Philippines
September 12, 2013
Euphoria Mar 2016
Kakalimutan ang wakas
Walang maiiwang bakas
Ng panandalian **** pag-alis
Sa puso kong tumatangis.

Maghihintay ako
Sa muling pagbalik mo
Walang alaala ng mga pangako
Na natiling nakapako

Kaibigang aking mahal
Patuloy akong magdarasal
Lilimutin ang kahapon
Wag lang akong itapon.
Kahit sa tula nalang...
Elizabeth Mar 2016
Tuwing manunumbalik sa mundo
Bawat sulok ng kwarto'y nalilito
Mga litratong nakapako, isa isang naglalaho.

Wala man lang makausap na nilalang
Panay mga bulag na anino lamang
Tila natitisod na mga ibon sa lansangan-
Dulot ng sakit sa kalamnan

Nanghihina, naninibago
Napipilitang manatili sa sariling espasyo
Sapagkat dito, kahit ako'y nagiisa
mundo nati'y unti- unting ipinipinta
Aira G Manalo Apr 2016
Sa dilim ng gabi ay nakapako ang mata
Sa maputing liwanag ng makina
Na tanging nagdudugsong sa manipis na hibla
Ng ating kasalukuyan at umpisa
Ng ating pangarap at mga alaala

Diretso ang tingin at sa bawat lubog ng daliri
Ay nabibigyang-buhay ang mga hikbi
Penne Dec 2019
Mga nakatago sa letra
Ang mga sagot

Ang mga sagot ay nasa letra
Ang luha
Ang inis
Ang dugo
Ang init

Ang pintura ng aking maduming brotsa
Ang mga espasyo na akala ay walang saysay
Iyon ang mas nagpapalayo sa katotohanan

Sa siyudad na malaki, pero ang liit
Parang nilakad ko na ang bawat sulok nito

Mahilig ako sa bagay na hindi lang madaanan
O maiwasang daanan

Ang tinta ng aking espirito
Itatak sa iyong santong puso

Malakbay sana magkasama
Ang mga lumulutang na letra
Samantalang ang boses mo na tulad ng awit ay nasa likod ng eksena

Malikhain ang gumuhit sa iyo
Ang larawan **** mabait
Mamantsahin ko
Ng aking bahaghari
Nawa hindi mawari

Wala dapat ang oras
Parang picture frame tuloy ang buhay ng bawat tao
Nandiyan lang
Nakatago, nakatayo, nasa pader---nakapako
Nadadaanan lang
Isang titigan lang

Sa iyo, isang titig ay hindi sapat
May nakatagong ginto
Hindi pangkaraniwang ginto
Ginto na hindi hinahanap ng lahat
Ginto na hinahanap ko

Nagpapawis nang sobra ang aking mga kamay
Maligoy ang mata
Tumitibok nang mabilis pabilis

O Dios, saanman, makasalanang mansanas bumubunga ng sanlibong bulaklak
Tinutuklaw nila ang aking lason

Wala na akong pake sa sagot
Mapaakit ka hanggang mabili ka

Kahit hindi ka muna magsalita
Hindi paliwanag sa mga titik
Ang paru-paro at ang agila

Nilamon ang itim
Namula ang bibig
Puti ang langit
Ubeng mata
Kahel ang balat
Bughaw na dugo
Dilaw na anino
Berdeng ilaw

Bangis ng indigo
Samantalang sila ay abo

Maligo sa aking isip
Taas na tingin sa mababaw na sahig
Ito ang ating luho
Zigzag man ang dating
Kapag nabili na, wala ng tubig parating
Pusang Tahimik Feb 2019
Siya'y prinsesa na sa akin ay nag-iisa
Ano'ng saya ko na'ng kami nga'y naging isa
Ang puso'y umapaw sa ligalig at saya
Sa araw na ang bilang ay labinisa

Ngunit ikaw pala'y nakapako pa sa nakaraan
At ang isipa'y tila yata siya pa rin ang laman
Ipinipilit ko ang sarili kahit na ako'y nasasaktan
Hiling na 'Mahal Kita' mula sa'yo ay marinig man lang

Dumating ang araw na hindi ko nga maikakaila
Ang saya at ligalig ay naparam na tila ba isang bula
Sa iyo'ng mga sinabi ako'y nabigla at napatulala
Sa sakit ay di ko na naramdaman ang pag-patak ng aking luha

Nagwakas ang lahat sa loob ng araw na ang bilang ay tatlo
Mas malubha pa sa sikat na awitin na umabot sa pito
At ako nga'y naiwan sa tanong na 'bakit at ano?'
"Bakit nagkaganito? Ano na ang gagawin ko?"

Ikay ay nag-iisa'ng bagyo na tuluyang winasak ang puso ko
Ngunit masasabi ko'ng ikaw ay aral din naman sa buhay ko
Ngayon nga'y hinihiling ko'ng masaya ka sa bago mo
At sana siya'y katulad ko na tapat at totoo.
- JGA
Pusang Tahimik Jun 2021
Sa kalawaka'y mag-isa sa dilim
Hinahanap ang makulay **** ningning
Nasaan ka, O aking bituin
Magliyab ka't agawin yaring paningin

Nariyan ang bilyong makulay na bituin
Mapaglaro sa mata at nais kang aliwin
Ano't tila nakapako sayo ang aking paningin
Kahit na ang mga mata ay waring nakapiring?

Nasaan ka, O aking bituin?
Huwag ilihim sakin ang yo'ng ningning
Ilang siglo pa ba ang aking lalakbayin
Upang matagpuan ang makulay **** ningning.
Tula, Tagalogpoems, poems, Bituin,
Prince Allival Mar 2021
Nakatindig sa harap ng mga nangagdaan
Sa pagtunog ng batingaw, ikaw ang s'yang naaalala, na ikaw sana'y magbalik.
Ako ngayo'y nakabinbin sa bangin ng kalungkutan: Nasa'n ka na nga ba?
Sadyang 'di kita matanaw kahit man lang ay saglit.

Nalulunod ako sa mga luha
sa bawat oras ng pagkadapa,
Nakapako sa krus ng pag-iisa't pighati;
'Sang pinsala dulot ng pag-ibig
na nawaglit lang ng bigla
Nasa'n ka na nga ba?
Hinahanap-hanap kita sa bawat sandali.

Nakakulong sa rehas ng iyong pagmamahal,
At sa pagdating ng hating-gabi,
ginagapos ng lubid ng karimlan:
Walang mahagilap na dahilan
sa paglayo mo mula sa 'king piling,
Bukod-tanging kahapon na lamang
ang aking sinusubukang gunitain.

Subalit gulo ang s'yang aking batid,
pait ang s'yang aking lasap;
Ni walang kapayapaan,
ni bigkis man lang ng galak.
Tayo sana'y habangbuhay na, ba't ka pa lumisan?
Nasa'n  ka na nga ba?

At kung hindi ka pa rin darating,
sa panahong mundo na'y magdidilim,
Maghihintay pa rin ako sa 'yo
hanggang mayro'n pang akay na takipsilim.
KI Feb 2018
'Di sigurado kung alam mo na
Pero kailangang siguraduhin na wala talaga
Hindi naman ito ganon kahalaga
Pero sana'y umabot at iyong madama

Araw ng mga puso
Araw na para sa mga ayaw paring sumuko
Araw na para sa mga handa paring mabigo
Araw na sana'y meroong mga makatakas sa kanilang mga tadhanang nakapako

Itong aking pagtatapat
Gamit ang isang tulang kalat-kalat
Gamit ang isang tula na gawa ng puyat
Hindi dapat, pero sana'y maging sapat

Pero ako'y naduduwag
Pero ayaw na ring makinig sa "wag"
Pano ka nga ba mapapapayag
Kung sariling puso ay walang balak pumalag

Ilalabas na ang damdaming naikubli
Bahala na,  sana hindi ko ito pagsisisihan
Bahala  na, sana'y iyong maintindihan
Handa na ako sa sagot ng pagtanggi
binasa mo? salamat
wala? hay
kapila nadula net ko
nga sign nga hindi ko
na dapat ni isend

— The End —