Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakadungaw" poems
Pagkatapos ng takipsilim Bumabalot ang dilim Ilang oras maninimdim Ang gabi ay lalalim. Nag aantay sa iyong pag dating Naiinip, kung minsan pa'y napapailing Matagal na ring humihiling Katotohana'y gusto ka nang makapiling. Nakasilip na ang haring araw Hindi pa naman ako bumibitaw Habang sa mga pangako mo'y ako'y nakadungaw 'Andito pa rin ako, hindi gumagalaw. Wari ko nga'y ako'y maghihintay Sa pagibig **** walang humpay Pusong ginawa nang alay Sa pagibig **** nakamamatay Narito pa rin ako, hindi makagalaw wari'y napako na sa pangako **** nakakasilaw.
0
Mar 3, 2019
Mar 3, 2019 at 8:10 AM UTC
takipmata
Kinikilig pati ang mga butuin Sa saliw ng iyong boses na malambing Nakadungaw sa bintana kahit lahat sila'y nakahimbing May kaba sa damdamin Paano bukas lahat sila'y magagalit? Si ama , hahabulin ka ng itak Natawa na lamang Ang mga braso ko'y hinatak Naglapit ang mga muka Muntik ng atakihin sa kaba Ang puso ko ata ay nahulog Nang si bantay ay umalulong Dali-dali ay nagtago Tinginan nati'y di pa rin nagbabago "Kailangan ko nang bumalik sa silid." ang wika ko Sabay dagling humalik sa sinta ko -Tula VII, Margaret Austin Go
0
Nov 21, 2014
Nov 21, 2014 at 2:51 AM UTC
Tula VII
Nakaupo't-nag-iisa, kagaya kahapon sa bintana siya'y nakadungaw Mula sa kanyang silid, mga mata niya'y malayo ang tinatanaw Ang palagi niyang inaabangan ay ang napakagandang paglubog ng araw Sa paglubog nito'y siya ring pagsalubong niya sa gabing walang kasing ginaw. Sa paglipas ng panahon ay nasanay na nga siyang palaging ganoon Ang paglubog ng araw ay inaabangan niya pa rin maging hanggang ngayon Hindi siya nagsasawa at napapagod sa paghihintay buong maghapon Wari'y kakayanin niya ring mahintay ang pagtuyo ng mga dahon. Ang wika niya, "Sa tuwing lulubog ang araw ay naaalala ko siya" Naaalala niya raw ang kanyang sinta at ang taglay nitong yumi at ganda Kasing liwanag rin daw ng araw ang pagkislap ng kanyang mga mata Ngunit isang hapon raw ay bigla na lang itong kinuha sa kanya. Sa labis niyang pagmamahal sa sinisinta niyan iyon Nabatid kong marahil sa lungkot ay hindi siya makaahon Kaya pala ganoon na lang ang kanyang paghihintay sa buong maghapon Sa paglubog na araw pala na nagpapaalala sa kanyang sinta kahit papaano siya'y nakakaahon.
0
Mar 29, 2020
Mar 29, 2020 at 9:54 PM UTC
Ang Paglubog ng Araw
Sisikat na ang araw Ngunit mga mata’y dilat pa Nangangarap na balang araw Mayakap na ulit kita Alam mo bang halos di ako makagalaw Sa tuwing binabanggit mo sa’kin ang salitang “mahal Kita” Gusto ko sanang marinig ng personal araw-araw Ngunit malayo tayo sa isa’t-isa Ayoko pang matulog Hihintayin ko pa si haring araw Sa pagsikat nya akoy nakaupo lang sa sulok Habang sa bintana nakadungaw Habang hinihintay ako muna’y magpapausok Sigarilyo ang paraan para maibsan ang ginaw Gusto kong makita ang pagsikat nya kasi naaalala ko Ang ganda mo pag sa kanya akoy nakatanaw Ganda mo ay natural Kaya napaibig mo ako ng sobra Ayokong mawala kapa mahal Kasi baka hindi ko kaya Halos magkaparehas lang kayo ng Araw Pinapaliwanagan mo ang buhay kong magulo’t walang sigla Tama lang na kinumpara kita sa araw Madilim kasi ang mundo ko kapag wala ka Pasikat na sya’t akoy nakahintay Kita ko na rin ang mga ulap na sa’kin ay kumakaway Kakaiba sa pakiramdam para bang akoy buhay na buhay Kahit paulit-ulit ko pang tignan Hindi nakakaumay Naaalala Kita pag sa kanya ako naka silay Mahal kasing ganda mo ang bukang liwayway
0
Jan 18, 2019
Jan 18, 2019 at 10:13 PM UTC
BUKANG LIWAYWAY
Ano ba tong nagaganap ? Isa ka ba sa nagkakalat Kamalayan mo ay pahintulutan Isiwalat ang nagaganap Takpan ang iyong tenga Nakakasulasok na tunog Sobrang pagkabulag mo Nakakatapak na ng bubog Subyang sa iyong bagwis Hindi pa ba naaalis? Tumatagaktak na iyong pawis Daan-daang buhay na ang nagbuwis Ginapas,Bunga ng kasakiman Ganti ng kalikasan hindi mapigilan Nakadungaw sa bintana Humahalakhak ang mga sinaktan
0
Apr 4, 2020
Apr 4, 2020 at 4:39 PM UTC
Haykapnayan
Nakadungaw ako ngayon sa bintana. Umiihip yung hangin papasok, nag-iingay, tila binubulungan ako ng kalawakan: “Handa ka ba sa paparating na katapusan?” Subalit walang hanggang nakikita ang kalungkutan na ito. Sa umpisa palang, noong sinimulan natin ‘to, talo na agad ako. Hinihintay ka na niyang bumalik. Ako din, mayroong nag-aabang sa aking pag-uwi. Hindi nila alam na nagpapakapasaway tayo. ‘Di nila alam kung gaano tayo kasaya. Naaalala mo pa ba yung gabing bumyahe ako pa-kyusi para lang makita ka? Kahit ngayon, habang ako'y nagsusulat, pinapakinggan ko yung kantang tinugtog mo nung pagdating ko. Nasa pinaka-likod ako noon ng inuman, pero nahanap mo parin ako. Tapos buong gabi, pasilip-silip ka na — akala mo di namin nahahalata, pero yung titig mo’y sumunog ng landas patungo sa akin. Halos binahagi mo ang buong madla. Sa umagang sumunod, unang beses mo akong ihatid pauwi, at unang beses mo rin akong hagkan. Habang ako’y nagsusulat ngayon, napapaisip, hindi ko alam kung kailan tayo magkikita muli — Pero sapat na sa akin ang kaalaman na yinayakap ka niya tuwing tumutulo ang iyong luha. Sapat na sa akin ang makita ang pangalan mo sa telepono kahit na wala ka namang mensahe. Sapat na sa akin na naaalala mo ako, kahit na paminsan-minsan lang. Sapat na sa aking ika'y magligaya kahit na sa dulo ng lahat, ako yung talo. Kaya sa ngayon, maninigarilyo muna ako dito sa bintana, maghihintay nalang sa susunod na minsang maalala mo ulit ako.
0
Oct 8, 2022
Oct 8, 2022 at 10:03 AM UTC
Lihim, isang liham