Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
leeannejjang Sep 2018
Huwag ka mag-alala.
Sa darating natin annibersaryo
Ipagsisindi kita ng kandila.

Para sa mga damdamin namatay
At emosyon naibaon ko na sa lupa.

Ipagsisindi kita ng kandila
Para makita mo ang liwanag
Sa mundong panadilim mo.

Ipagsisindi kita ng kandila,
Para maramdaman mo ang init na hindi mo na mararamdaman.

Ipagsisindi kita ng kandila,
Pero huwag mo ito hawakan.
Mapapaso ka lamang at sa huli
Ay papatayin mo lang ito para mapasaiyo.
Zeggie Cruz Sep 2015
Nandito ako sa kabilang panig
Nagaantay na muling marinig
ang mga tinig  na nawala
Sa ibabaw ng aking mundo at ng luha

Sa kabilang panig nagbibilang
ng mga araw sadyang kay tagal
muling pagkikita, nag-aabang
Muling pagsasama, nahihibang

Paano ba hahanapin ang kahapon
Naibaon sa sadlak ng alimuom
Dumidikit sa kailaliman ng ilong
Ang alaalang hindi maitapon

Parang labadang hindi tinuyo
ng sinag ng araw, nakulob
Sa loob ng damdamin
nagkukumahog

Naghihikahos, nabuburyong
Minsan pang ibalik, alaala
lagusan ng saya ata kaba
Kelan ka kaya makikita.
John AD Jan 2018
Tumulo ang aking luha nang makita ang larawan sa nakaraan
Ang Dami na palang nagbago,pansin ko ang mga ngiti nila dito
Makikita mo rin ang mabilis na pagpalit ng imahe nila erpats at ermats
Bata pa sila non at ako wala pang kamuwang-muwang kundi maging masaya

Nakakatuwang nakakalungkot dahil hindi na natin maibabalik ang dati
Panahong kailangan kong matulog ng tanghali para daw lumaki
Napalo pa nga ako dahil sa pagsuway sa kanilang mga sinasabi
Naalala ko pa nga nung binaril ko si erpats ng Baril-barilan na kanyang binili

Nakakamiss ang ganitong mga bagay sa isang lumang larawan
Kahit naibaon na , puno ng alikabok , talagang maalala mo ang dati
Minsan mapapangiti ka nalang na may kasamang luha pero lagi **** tatandaan , masarap balikan ang nakaraan pero mas kailangan natin bigyang pansin ang kasalukuyan.
Memories
Eugene Aug 2017
Nakatulala ka at nakatingin sa repleksiyon ng iyong sarili sa bintana ng iyong silid.

Luhaan. Parang gripong patuloy sa pag-agos ang iyong mga luha.

Nagwala. Pinagbabasag ang mga bagay na mahawakan mo.

Inihagis mo ang silya sa bintana at nagkalat ang mga bubog sa sahig.

Napaluhod. Hindi inalintana ang bubog na iyong niluhuran.

Kinuha mo ang isang piraso ng bubog sa sahig. Hinawakan mo nang mahigpit. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha mo hanggang sa bigla mo na lamang itinarak iyon sa pinakagitna ng iyong dibdib.

Ibinaon mo pa nang ibinaon hanggang sa magsilabasan ang mga pulang likido mula roon at sa iyong bibig. Hindi ka pa nakuntento ay padapa **** ibinagsak ang sarili sa sahig at tuluyang naibaon ang bubog sa iyong dibdib.

Nang dahil sa pag-ibig, buhay mo ay wala na.
Apple Mae Aug 2020
Isang bukod tanging espasyong maaliwalas,
Kung saan dito ako nagkamalas-malas.
Madalas ako ay napapabulong,
Hanggang kelan ako makukulong.

Aminadong dito sa loob ay nahihirapan,
Sapagkat sarili ang kalaban.
Malalim ang iniisip,
Sa maliit na bintana’y napapasilip.

Kalayaan kaya’y makakamit?
O pag-asa ay ipagkait.
Mga pangarap ang siyang naibaon,
Mga oras at panahon ang siyang naitapon.

Ngunit hindi rito matatapos
Kahit na ako’y nakagapos
Sapagkat naniniwala ako na may Diyos,
Na tutulong upang pighati’y ang siyang matapos.
para sa mga nawawalan ng pag-asa

— The End —