Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagmumukha" poems
Elementarya ako nang pinangarap kong maging manunulat, Kaya't nagsikap ako at natutong magsulat Ikatlong taon ko sa hayskul nang isulat ko ang kuwento nating dalawa Kuwentong pinangarap ko pang maipa-imprenta Kaya't pinaghusayan ko ang paglikha at pagdetalye 'Straight to the point' at walang mga pasakalye Maraming natuwa sa bawat tulang alay ko sayo, Pero sa lahat ng yun? Kritisismo at pangungutya ang isinusukli mo Ngunit hindi ko inintindi iyon at patuloy akong sumulat, Baka sakali.. isang araw,malay ko? mata mo'y mamulat Mamulat sa pag-ibig na ibinibigay ko, Baka isang araw,makita mo rin yung halaga ng mga regalo ko, Baka isang araw, masuklian mo rin yung pagmamahal kong buo Baka kasi wala ka lamang barya, At nahahanap ng panukli kaya ka abala, Kaya naghintay ako ng ilang taon,nagpakatanga.. Pero mukhang di na yata ako masusuklian pa Kaya naisip kong makuntento sa kung anong meron tayong dalawa Pagkakaibigan. Pero di ko maiwasang masaktan Sa tuwing magkukuwento ka o nagtatanong tungkol sa kanya, Hinahayaan ko na lang at least nakakausap kita! Kahit na yung paksa natin madalas,tungkol lang sa musika Ayos lang! Basta nakakausap kita. Kahit nagmumukha na akong tanga Okay pa rin! Basta nakakausap kita. Ngunit nakakapagod din maging tanga Kaya mahal, ako'y magpapaalam na. Sa paglapat nitong panulat sa aking kwaderno Ay isusulat ko na ang huling bahagi ng ating kuwento, Tutuldukan ko na ang mga huling pangungusap At puputulin na ang mga ilusyon ko't pangarap Dahil kung hindi'y lalo lang akong mahihirapan Lalo lang akong masasaktan. Makapal na ang libro,paubos na ang mga pahina Nakakaumay ang kuwento na pinuno ng mga luha Panahon na sinta ko upang mag umpisa akong muli, Hindi ko na hihintayin ang hinihingi kong sukli Pagkat panahon na rin upang sumaya akong muli. Salamat sa lahat ng alaala At pasensya na sa mga abala Mahal ito na ang huli kong regalo - Hindi ko na ibabalot pa Pagkat alam kong wala ka rin namang pagpapahalaga At sa huling pagkakataon,gusto kong malaman mo, Na may isang AKO na minsang nagmahal sayo. Ito na ang huling pahina ng ating libro At sa pagsara ko dito,kasabay ang paglisan ko sa mundong ginagalawan mo.
0
Jan 24, 2018
Jan 24, 2018 at 9:18 AM UTC
Huling Pahina

Continue reading...
48
GISING! mainit na kape natutumbang mga mata nanghihinang katawan isip ko'y nawawala isang tinik ng ingay agad ng napatingin sa gawing banda roon anong takot sa dilim balik tayo sa mga salitang mala-linya na ang ukit sa utak kong sabaw lahat sa paningin na'y marikit maski nag-iisang ilaw nagmumukha ng tutubi pagkat sa pagdating ng bukas bawal ang magkamali ilang pahina nalang kaya't konti pang tiis minimithing tagumpay aking makakamit kaya't higop pa ng kape puta, dila ko pa'y nasunog dasal na lamang ang katapat maliban sa luha at uhog kakayanin, kakayanin hindi nais magtagal habang sila'y nagsasaya narito kang nag-aaral kung ayaw **** maiwan sa kwartong maputi kasama ng demonyo gisingin ang sarili walang alay na magaganap hindi maaaring ipabahala bawal tayong magtawag diyos-diyosan dito sa lupa itong mga matang bumibitaw, bumibitaw sa gabing ito, walang susuko maski budhi ko na'y sabaw
0
Oct 4, 2015
Oct 4, 2015 at 2:17 AM UTC
Sabaw
Gusto mo ba 'yun" Gusto mo ba 'yun, lagi ka na lang pampalipas oras? Gusto mo ba 'yun, kahit ilang beses ka na niloko bumabalik ka pa rin sa kanya? Gusto mo ba 'yun, pinaglalaruan ka nang paulit-ulit? Gusto mo ba 'yun, lagi ka na lang niya sinasaktan? Gusto mo ba 'yun, nagmumukha ka nang kaawa-awa? Gusto mo ba 'yun, wala na nga siyang oras sa'yo, nagpapakatanga ka pa rin? Gusto mo ba 'yun, 'pag galit ka, galit rin siya sa'yo? Gusto mo ba 'yun, bumibitaw na siya, kumakapit ka pa rin? Gusto mo ba 'yun, kahit pagod na pagod ka na? Gusto mo ba 'yun, kahit hindi ka na pinapahalagahan? Gusto mo ba 'yun, pangako niya laging napapako? Gusto mo ba 'yun, kahit pagod na pagod ka na? Oo, gusto ko 'yun, mas masaya 'pag ganun.
0
Oct 9, 2016
Oct 9, 2016 at 12:11 AM UTC
Gusto
Lilingon sa kanan, lilingon sa kaliwa. Lilingon sa itaas, lilingon sa ibaba. Kahit saan ipako ang aking mga mata, Alaala mo ang tangi kong nakikita. Sa kanan- naroon ang munting librong bigay mo para sa aking kaarawan. Sa kaliwa- may tsokolateng madalas **** ilagay sa sisidlan. Sa itaas- nakasabit ang asul na bag, iniabot mo noong kapaskuhan. Sa ibaba- naroon pa at nakatago mga mensaheng iyong iniwan. Ano ba? Bakit ba? Paano ba? Ano na? Ang daming tanong na wala namang kasagutan. Mananatili na lang ba itong palaisipan? O maglalakas loob akong tanungin ka? Ano nga bang mayroon tayo para sa isa’t-isa? Kasi ako? Nahuhulog na nga yata. Damdamin mo’y hindi ko mawari, Tugon mo sana ay iyo nang masabi. Ang hirap kasing manghula. Nagmumukha akong tanga. Kung sabihin mo na kaya? Ako’t ikaw ba’y may pag-asa? Hindi ka ba napapagod sa pagtakbo sa isip ko? Ang tagal mo na ring nakatambay dito sa aking puso. Ilang taon na ba tayo? Isa? Dalawa? O tatlo? Wala nga palang tayo, ang meron lang ay…ikaw at ako. ☹ Hindi ko alam kung paano tatapusin ang tula. Kasi ang kwento natin ay 'di pa nagsisimula. Palaisipan pa rin ito sa kabilang banda. Bukas-makalawa, ako pa rin ay makata.
0
Jan 28, 2018
Jan 28, 2018 at 5:31 AM UTC
PALAISIPAN
Itong tulang ito ay para sa mga taong hanggang sulyap lang sa kanilang mahal Na kay raming gustong sabihin Ngunit di masabi sabi Pagkat hanggang sulyap nga lang sila Isa, dalawa, tatlo Ikaw Oo ikaw nga Ohp ohp oho Wag ka ng lumingon pa at wag ka na sanang lilingon pa Hayaan mo akong sambitin ang bilis ng pagkakahulog ko sayo Yung tipong Parang kahapon magkashare lang tayo ng libro Tapos ngayon mahal na pala kita Lungkot sa aking mga puso Sana'y matapos na At iyo na sanang marinig sigaw ng aking puso Para sa ganun ako ng iyong pansinin Pagkat ngayon hanggang sulyap lang ako sayo Sulyap lang ayos na Kasi ang masilayan ka sa araw araw Buong maghapon ko ay kumpleto na Pasalamat ako sa Maykapal Hayaan mo sana akong banggitin ang bawat letra na aking dinugtungan upang makabuo ng mensahe Mensaheng aking ginawang tula Tulang aking inaalay para sayo Tulang aking pinamagatang ABAKADAE IKAW Simulan ko na ba? A- ako nga pala ang matagal ng may gusto sayo at pinapangarap sa sana'y BA- balang araw ika'y makapiling KA- kaso mukhang wala yatang pag asa DA- dahil may mahal ka ng iba at kahit nagmumukha na akong tanga E- ewan ko ba at hanggang ngayo'y mahal pa rin kita GA- ganito sana tayo ngayon kaso HA- hanggang dito lang pala ako pero kahit ganon I- iibigin kita hanggang sa huli LA- lalambingin ka hanggang sa pati lang langaw, tutubi, aso, pusa, at iba pang hayop ay dumikit na sa sobrang tamis ko MA- mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga dahil ako'y NA- nangangakong andito lang ako lagi para sayo at sa NGA- ngalan man ng lahat ng santo ako'y mananalangin na ang O- oo mo'y akin ng makamtan PA- para magkaroon na ng tayo at matapos na ang ikaw at ako lang RA- ramdam mo sana ang lahat ng aking sinasabi SA- sa hilaga man o sa timog o sa silangan o sa kanluran man TA- tapat at totoo ang aking pagmamahal sayo U- umuwi man ako ng luhuan ngayon WA- wala akong pake at wala akong ibang gugustuhin kundi ang YA- yakap **** mainit saakin ay sumalubong Sa dami ng aking sinabi baka di mo matandaan lahat ng yun Ngunit sana iyo man lang naintindihan Gayunpaman itong aking huling sasabihin Sana'y iyong itaga sa puso at isip mo o maging sa bato man Na ito! Itong lalaking nasa iyong harapan Umulan man o umaraw Kumulog at kumidlat man Daanan man ako ng matinding unos Isa lang ang sinisigaw ng puso ko Yun ay "IKAW"
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 11:44 AM UTC
ABAKADAE IKAW

58
May mga bagay na kahit gusto mo hindi mo makukuha. Hindi sa lahat ng oras Nakaayon sa'yo ang panahon. Kaya kahit masakit mas pinili kong lumayo Dahil 'yon ang mas ikabubuti na'ting dalawa. Kaya lalayo na ako kasi masakit na. Lalayo na ako dahil alam kong 'yon ang tama. Lalayo dahil sa'kin ay 'di ka na masaya. Dahil alam kong 'yon ang mas ikatatahimik nating dalawa. Oo, ang tanga ko. Ang tanga ko dahil nahulog ako sa'yo Kahit alam kong sahig lang ang sasalo sa'kin. Ang tanga ko kasi patuloy kitang minahal Kahit na alam 'kong may mahal kang iba. At mamahalin ka kahit na sa kabila ng lahat nang ito'y nagmumukha lang akong tanga. Oo, mahirap kang kalimutan nang basta-basta. Kaya mas madali sigurong layuan ka na lang Kesa naman manatili ako sa isang relasyon Na walang kasiguraduhan. Wala na. Tapos na. Nagtapos tayo ng hindi nagsisimula. Tama na. Ayoko na. Ayoko na dahil ako'y pagod na. Kaya ako'y lalayo na. Lalayo upang ika'y tuluyang makalimutan. Sadyang nakakapagod lang magmahal Lalo na kung pakiramdam mo hindi ka naman pinapahalagahan. Pero sa huling pagkakataon gusto ko lang na sabihin sayo— Mahal kita. Mamimiss kita. Magiingat ka palagi, Pero tanggap ko na. Pagod na akong umasa at masaktan sa parehong dahilan at parehong tao. Kaya ngayon, pinapalaya na kita kahit hindi ka naman talaga naging akin. Salamat sa lahat ng alaala. Hindi ko ito makakalimutan
0
Aug 29, 2017
Aug 29, 2017 at 11:14 AM UTC
Handa na akong lumayo sayo
Bakit ganyan kayo? Madali ba talagang palitan ang isang katulad ko? Kapag sawa na, Hahanap ng iba. Hindi man lang magsabi kung anong problema. Pwede naman nating ayusin to, Pero sadyang nakakalito, Minahal nyo ba talaga ako? O pampalipas oras lang ako? Ang dali nyong magbago, Magbago ng paglalaruan nyong tao. Nagmumukha akong basura, Iniiwan nyong umaasa. Bakit pa nga ba ko umaasa? Binuhay lang ba ko para magpakatanga? Pagmamahal ko inyong binabalewala, Paano kung bigla nalang akong mawala? Ayon naman ata gusto nyo, Mawala ang isang basurang kagaya ko.
0
Aug 2, 2020
Aug 2, 2020 at 3:12 AM UTC
Pag sawa na, iiwan na.